watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170577 times)

hisana

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #360 on: November 30, 2012, 04:23:34 pm »

Monbla and miss_o, I couldn't have said it better myself.

Purple_Power

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #361 on: December 01, 2012, 11:21:40 am »
This is my ideal mother to me or I believe she should be like this  ;D

1. Be a mother to your child not a boss that you are going to dictate everything that your child must be like this and like that.

2. She should not have favoritism, or else dyan magsisimula ang gulo sa pamilya lalo na sa magkakapatid hanggang sa magkakaroon na ng malaking gap.

3. She should be the one who will influence more about moral values and right conduct, hindi lang advises. bale wala ang advise kung ikaw mismo ang nakikitaan niya na walang credibility. In other terms mas nakakahiya siya. If you're objective as a mother is palakihin ng maayos ang anak mo then you yourself as a mother ay dapat maging maayos rin and give your child proper treatment. Para hindi maligaw ang landas.   

4. As a parent she is really obliged to give responsibilities to her children especially in basic needs like food, shelter, and education.

5. Huwag ipamukha sa anak ang pagpapakahirap niya sa trabaho lalo na kung nag-aaral ng mabuti ang anak.

6. Huwag magreklamo kapag humihingi ng gastos ang anak for the school projects. Gusto mo siyang maging educated diba? At lalong gusto mo rin siyang makatapos? Ganun talaga kasama yan sa pag-aaral niya ang school project.

7. Educate and explain the importance of education especially when it comes of learning in school. Huwag siyang i-pressure na mag-aral para lang makakuha ng high grades tapos para lang maging first honor siya. Competitive rin ang pag-aaral paano kung natural born genius ang classmate niya na kaya niyang maging 100 ang grade sa lahat ng subject kahit hindi siya nag-aaral? Worst case I won't be surprise na makakaramdam ng insecurity ang anak instead of being happy sa achievement ng ibang tao and appreciate ang kakayahan ng iba.

8. Discipline the child in proper way kapag may ginawang pagkakamali.

9. Listen to the problems and explanation of their child and avoid arguing. If you keep on arguing as a mother there will be a point na maglilihim na lang ang anak mo. 

10. Avoid expectations dahil kadalasan dito nagkakaroon ng challenge at may mga dahilan kung bakit meron ibang expectations na hindi natutupad. You will end up disappointed lang kapag nag expect ka nang husto.

11. You must be a mother who is supposed to defend and protect your child especially when someone is putting down to them that at times it might affect the child's self esteem and dignity. If a father or your husband is being rude to your children then you must defend them. I won't be surprise kung ikaw mismo as mother ang magsusuffer sa ibang ugali ng asawa mo. Kasi bumabalik lang yan eh! Kailangan ka ng anak mo pero ikaw wala kang nagawa?  ???

12. Understand the feelings of your own child. Kung ma-heart broken dapat damayan mo siya. Huwag parating sisisihin sa mga pagkakamali niya.

13. Huwag siyang pagbalingan ng galit mo sa ibang tao.

14. Yes! you must really save for your retirement. Huwag mong singilin ang anak mo sa mga obligasyon na ginawa mo sa kanya. You have the right to ask help from your child but don't obliged them to help you. Sino ba ang nagdesisyon na mag-exist siya sa mundo in the first place? Kapag sinigil mo siya then parang lang siyang naging bayad utang na literal.

15.  Supportive to the career and decisions of the child.

16. Referring to #3 as a parent you must influence and give respect to your child. You should earn it from your child and not just teaching the child. Paano niya malalaman ang kahulugan ng respeto kung ikaw parati mong binabastos ang anak mo?

Remember kung ano ang ginagawa ng mas nakatatanda ang siyang magiging tama sa mata ng bata.

I am not expecting my mother to be...........

1. Magbigay ng luho sa mga anak
2. ipag-aral sa mamahaling eskwela
3. maging dependent sa kanila all the time hanggang sa pagtanda.
4. paburan at kunsintihin ang pagkakamali ng anak
5. spoiled ang mga apo
6. hindi dinidisiplina ang anak.
7. perfect parents.
8. maging mayaman sila bago pa tayo nag exist sa mundo.


ayami

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #362 on: December 01, 2012, 12:20:28 pm »
^ very well said! :) super agree.

annd

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #363 on: December 02, 2012, 03:38:28 pm »
I'm not blaming or passing judgement to people who hate their parents. I know some really bad parents and I know a lot of really bad children. I do not claim to have perfect parents, I am not a perfect mother, nor a perfect child and I do not expect a perfect child as well.

My point is that sometimes we are very critical of our parents but do not take stock of our own failings as children/people/human beings.

i agree with this one. i dont have a perfect parents, meron din sila pagkukulang and as ive said before, meron din naman ako pagkukulang bilang anak. pero as much as possible, im trying my best to be the perfect daughter kasi alam ko, they are trying their best to be the perfect parents.

for me, siguro, may mga times na nakakagalitan tayo or meron mga misunderstandings, pero sa isip ko, para sa atin din yun and for us to be a better person.

just mt 2 cents.

Evo29

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #364 on: December 20, 2012, 03:46:09 am »
Pakiramdam ko super unappreciated ako pagdating sa nanay ko. Pakiramdam ko hindi siya proud and never enough yung mga achievements ko sa standards niya. She just recently started a small business. Sa umpisa pa lang ako na yung nag push sa kanya na gawin yun, ako yung umaattend sa mga seminars dati kapag hindi siya nakakapunta, ako yung secretary, assistant, manager, alalay, accountant, driver niya. Hindi ako nanunumbat pero kung magsalita siya para wala pa rin akong nagagawa at naitutulong sa kanya.

I don't hate her, pero hopeless na ako na mapalapit pa ang loob ko sa kanya kasi hindi man lang niya makita yung pain na na-caused niya sa akin mula pagkabata. Ngayon ko lang din narerealized na siya yung naging dahilan kung bakit may phase din sa buhay ko na sobrang baba ng kompiyansa ko sa sarili ko at nagseek ako ng approval galing sa ibang tao, kasi never akong naging secure sa pagmamahal niya.
« Last Edit: December 20, 2012, 04:04:17 am by Evo29 »

green-aholic

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #365 on: January 03, 2013, 01:09:26 am »
Last year nagsisimula na naman nanay ko, tiis lang!!  >:(

jhenpretty

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #366 on: January 03, 2013, 05:39:06 pm »
After more than a year, nagparamdam siya nung christmas by making a missed calls. Tapos nung new year, she sent a message, "Happy new year.."

piatos

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #367 on: January 04, 2013, 10:12:55 pm »
kapatid kong bunso pala utos tapos sesegunda naman ang mama ko.  Trip nilang utusan ako lol

Shadow Angel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #368 on: January 06, 2013, 10:50:08 am »
^ako hindi naman hate ...badtrip lang..

*un feeling na gusto nya lahat ng kita ko sa kanya... Ganun all my life nag mag start ako magwork sa knila napupunta lahat ng kita ko ako nag paaral sa sarili ko nun college pati sa 2 younger sisters ko
Ngyon iba na rin ako naghihigpit na ako ng pera pagdating sa kanya
* ako na nga nagpagawa ng house namin ang dami pang sinasabi kahat ng bilhin ko pagkain man o gamit sa house may pintas ex. Pagakain na galing sa restaurant sasabihin ano ba parang kulang sa lasa para sa akin tama lang mahilig kasi sya sa maalat
* feeling nya sya lang ang tama walang mabuting manugang sa kanya lahat may pintas sya pati bf ko walang patawad talaga
* nagrereklamo ubos lagi pagkain sa ref. ilang beses ko naman nakikitang pinamimigay  :(ang pagakain sa kapit bahay nag mamayabang lang
* inggetera ang gusto nya may anak sya nasa abroad panay ang pilit nya sa amin na mag ibang bansa
Kasi lahat ng kapatid nya petitsyon ng mga cousins ko sya na lang naiwan dito karamahin sa mga kapatid nya pabalik-balik na lang
* naiisip ko dati hindi mana lang nila ginawa ang lahat para pag aralin ako ganun kita ko kaya naman nila.. Kundi pa ako mag sariling sikap tapos kung maka demand ng pera parang sya nagpaaral sa akin
* tinulungan ko sa negosyo nila akala ko pag ok na at stable na ang business hindi na manghihingi kaso ganun pa rin puro hingi pa rin.. Nauubos ang kita kakapunta ng mall at pag kain sa labas nanlilibre pa ng kapit bahay masyadong maluho bili ng bili ng accessories palagi nasa galaan kung saan saan tapos panay ang reklamo wala na sya pera minsan kakarindi na
* tsismosa lahat na kang ng kapit bahay alam ang kwento tapos puro pintas kahit anak nya panay ang pintas nya sasabihin ang kapatid mo ganyan ganyan grabe kapatid ko yun ginaganun nya
* pati pamilya nya tsismis nya sa kapit bahay naritinig ko.
* araw araw nag mumura pati mga apo nya sinasaktan kahit ako nun bata laki sa palo kurot sampal at sabunot pero ngayon hindi na nya magagawa takot sya layasan ko sya pano nya masusunod luho nya.


Ang masasabi ko lang malapit na akong mapuno...
« Last Edit: January 06, 2013, 11:54:21 am by Shadow Angel »

freelancer_babe

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #369 on: January 06, 2013, 11:00:22 am »
Bati na kami ng nanay ko. We haven't spoke for years and yet live in one roof.

We argued for many petty differences.

Maybe she now realizes I'm all grown up.

Ang sarap ng feeling ngayon na bati na kami. Nabunutan ako ng tinik. We still argue but we now try to meet and resolve conflicts in the middle. Siguro kasi I'm not getting younger na rin kasi.

minaco_aino

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #370 on: January 22, 2013, 01:55:58 pm »
Glad I found this thread para mailabas ang inis ko... I'm trying my best not to hate my mother. Pero parang inuubos nya talaga ang pasensya ko.

Sobrang diktador at pakialamera. Daig pa si Hitler. Mas maluwag pa ang Martial Law. I'm already 30 years old for heaven's sake.

- pagtulog ko gusto nya sya masusunod. Dadating ako ng bahay around 8pm. Kakain ako. Gusto nya pagkakain ko matulog na ko agad kasi may pasok pa daw ako kinabukasan. Maryosep! Pwede magrelax muna at makipaglaro sa anak ko.  (Sa bahay kasi nila kami natutulog pag wala si hubby.  Stay in kasi si hubby sa work nya for 3 days. Yung sarili naming bahay beside lang ng bahay nila. ) Ayaw nya kami kumuha ng kasambay kasi ayaw nya ng ibang tao sa bahay.

- pagpasok ko sa opisina gusto nya sobrang aga ako pumasok. Gusto ko explain minsan ang  meaning ng OT at flexi time. di ko alam kung hindi nya alam ibig sabihin nun o ugali na talaga nya magdikta. Gusto ko sabihin na magkakaiba ang policy ng bawat kumpanya.

- pati paliligo ko gusto nya may oras. Haller!

- bawal manood ng tv sa gabi. Dapat off na pagdating ng 10pm kasi maaga pa daw bukas. Same as paggamit ng computer. Natatanong ko sa sarili ko, ilang taon na nga ulit ako?

Ms. Know-It-All.

- ayaw na ayaw kong magkwento ng mga nangyayari saken kasi hindi sya papatalo. Ang sagot nya lagi, "ako nga ganito eh, ako nga ganyan eh." O sige kayo na. Kayo na ang magaling. Hindi sya listener na nanay.

- feeling alam nya lahat. Dapat aminin nya sa sarili nya na may mga bagay na alam ko at hindi nya alam.

May favoritism.

- Kahit hindi nya aminin, nararamdaman ko na favorite nya yung pangalawa kong kapatid. Yung kapatid ko na yun marami na syang narating na lugar. Nagagawa lahat ng gusto. Nasasagot nya si Mama ng basta lang na hindi nagagalit. Etong nanay ko, nagjoke lang ako kagabi sa anak ko na, "anak gusto mong pumunta ng Baguio?" Ang sagot ba naman saken ng nanay ko, "tumigil ka nga, ang dami nyo ng napuntahan. Kami naman ng Papa mo." Jusko! Choice nyong magmukmok sa bahay. Gusto namin ng asawa ko mamasyal. Yung hindi namin naranasan dati kaya wag kayong magbitter bitteran dyan. Bakit yung anak nyong isa hindi nyo pakialamanan.

- Magboboard si sister, sya pa nagpack ng gamit. Binilan pa ng kung ano ano. Pati ko pinapatulong sa pag aayos. Excuse me, may inaasikaso po akong 2-year old na anak.

- Nasira yung kotseng ginagamit ni sister, yung hinihiram nya sa friend nya. Ayaw magcommute. Nagpaalam saken si sister na gamitin yung kotse naming magasawa. Okay samen. Sabi ko lang, gagamitin yan ng kuya mo next week ah. Ang sabi ni mudra, bakit nya gagamitin. Hmmmm... kotse namin yan, pera namin yung pinambili nyan, kami nagpapagas. Wala kayong K magtanong ng ganyan. Gagamitin namin yung kotse NAMIN kung kelan namin gusto at kung saan namin gusto pumunta. 

Naku pasensya na mga sis. Malapit na ko sumabog eh. Marami pa yan...
« Last Edit: January 22, 2013, 02:09:16 pm by minaco_aino »

minaco_aino

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #371 on: January 22, 2013, 03:52:37 pm »
Pakiramdam ko super unappreciated ako pagdating sa nanay ko. Pakiramdam ko hindi siya proud and never enough yung mga achievements ko sa standards niya.

I feel the same way sis. Wala akong nafeel kahit anong appreciation from my mother. Laging may comparison between me and my sister. Palibhasa yung sister ko UP grad, teacher din na gaya nya, board passer, MA graduate and may bf na filam. Pero ang work nya tutor lang. Parang walang pangarap. Pag may problema, pati magulang namin damay. Gala dito gala doon. And she's 29 years old already. Easy go lucky. Ngayon nagpapabili ng sasakyan sa magulang ko pero walang problema saken yun.

(So what) Ako naman may masayang family, maganda at smart na anak , may sariling bahay at sasakyan, may trabaho kaming mag asawa. Para saken achievement na to.

Sana maaappreciate naman nya na may nangyayari sa buhay ko. At wag naman nyang iparamdam na kung gaano ako walang kwenta para sa kanya.  :(

Mga sis, wala kaming problema ng mga kapatid ko. Ako nga ang lagi nilang takbuhan. Badtrip lang talaga ugali ng nanay ko.
« Last Edit: January 22, 2013, 04:00:03 pm by minaco_aino »

miminibebe

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #372 on: March 11, 2013, 09:56:43 am »
We were close before, nung bata pa ako at wala siyang bagong asawa.  Nung dumating itong asawa niya na sobrang mahal na mahal niya, ayan, unti unti ng lumalayo loob namin sa isa't isa.  Nasusumbatan na kasi ako for things that i can't and i am not able to give her.  Compare niya kasi sarili niya sa ibang tita ko na lahat ng luho nabibigay ng mga cousins ko dahil madami silang tulong tulong.  Mag-isa lang ako.  I don't want to hate her, pero madami siyang sinasabi na sobrang nasasaktan ako.

mamalovesyuan

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #373 on: March 22, 2013, 03:07:21 pm »
Ako naman mga sis nararamdaman ko mas favorite kasama ng nanay ko ang ate ko. pero yung level ng pagmamahal, napatunayan ko na pantay lang. At one point before akala ko mas mahal niya ang kapatid ko kasi parang kahit magkamali ang kapatid ko parang mas madali niya mapatawad or matanggap...

ang nanay ko kasi hindi emotional. laging strong ang front niya. mas malambing pa ang ang tatay ko... i remember nung nagaaral pa ako pag may skit ako at nilalagnat magigisnan ko ang tatay ko na nasa tabi ng kama ko nakabantay. never ko naexperience yan sa nanay ko. Hindi kasi nagpapakita ng kahinaan ang nanay ko. Pero naaalala ko rin nun maoperahan ako sa appendix magdamag ako binantayan ng nanay ko sa ospital habang mataas ang lagnat ko. Bigla ko na realize na ganun lang talaga siya.  Hirap magpakita ng affection unless kailangan talaga... Yung talagang napatunayan ko na mahal ako ng nanay ko eh nun nabuntis ako at sinabi kong kung hindi nila ako matanggap, plano kong umalis at tumira sa probinsiya ng tatay ng baby ko.... umiyak ang nanay ko. nung umalis ako para bumalik sa boarding house umiiyak siya habang nakikiusap sa akin na wag akong lalayo... nakita ko sa mata niya na nakikiusap siya na wag kong gagawin yun. kaya minsan kahit may gionagawa o sinasabi ang nanay ko na ikinaiinis ko... hinahayaan ko lang na lumipas yung inis ko. mamaya maya ok na ulit ako :)

sorry napahaba kwento :)

nageinna

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #374 on: March 22, 2013, 03:44:02 pm »
medyo nasasad ako while reading this thread. ako i grew up to be a papa's girl. lahat ng gusto ko binibigay ng papa ko. kahit luho na nga. then si mama ko naman ang kontrabida. hindi niya ko binibilhan ng mga toys. dati favorite ko mga barbie but hanggang tingin lang ako. pag hindi niya ko binilhan, nag tatantrums ako sa mall. siya lagi nag tututor sakin sa studies ko. pag may failing grades ako talagang pinapagalitan ako. sisigawan pa ako. kaya medyo may gap ako nun sa mama ko.

now that im married, alam niyo now ko lang narerealize na lahat ng ginawa sakin ng mama ko before was all because of love. yung hindi niya pag bili sakin ng toys/barbie, sa paglaki ko natuto ako maging contented on what i have and kung gustong gusto ko talaga isang bagay, i work hard for it. never ako nanghingi sa parents ko to buy me this and that habang lumalaki ako. and one thing i admire about my mama, she never forgets. nakakalimutan na niya lahat ng gagawin niya but yung mga bilin ko sakanya never. like i would tell her, ma next week gusto ko eto ulam, next week kailangan ko ng ganito ganyan. siya pa ang mas nakakaalala kaysa sakin. and mas naappreciate ko siya ngayon nung kinasal ako. ive been married for 7mos. now, and walang isang buwan na lumipas na hindi ako umiiyak because of homesickness. i would always cry for my mama. to think na every sunday pinapauwi naman ako ni hubby sa amin. i just miss her so much. and every weekend, linuluto niya palagi favorite ulam ko lang. she would ask me palagi anong gusto kong kainin, then yun ang hahanda niya. kaya i feel so sad reading your stories about your moms.  :'( and totoo naman yung ibang moms talaga, unbelievable din mga ugali. i've seen some and known some.

pjiyeon

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #375 on: March 22, 2013, 07:21:01 pm »
ako I used to hate my mom since ako laging napapagalitan sa bahay pag nag aaway kami ng mga kapatid ko. I'm the youngest and an only daughter. Pag may away sa bahay, hindi na nya tinatanong kung sino may kasalanan basta lagi nalang ako ang papagalitan. Minsan pag sinipag sya, magtatanong sya kung ano ang nangyari, pero ang dalawa ko lang na kapatid na lalaki ang tatanungin. She never asked me. Ako lang yata sa mga kapatid ko ang nasampal at napalo ng walis. I'm the only achiever sa school sa mga anak nya. Pag umaabsent ako when I was in highschool, ihahagis nya ang mga damit ko sa labas ng bahay. Kaya nung nagcollege na ako, never na akong umabsent kahit may sakit ako. Pero ang mga kapatid ko, pumasok man sa school o hindi, tatanungin lang nya kung bakit. Graduate na ko ng college and ang panganay kong kapatid di pa rin nkakagraduate dahil masyado nyang binebeybi.

Nuriko

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #376 on: March 25, 2013, 03:46:54 pm »
Hindi ko naman naging hate yung mom ko pero naiinis talaga ko sa kanya noon. Kapag kasi nag-aaway kami ng kuya ko (ako yung bunso), mas kumakampi sya kay kuya at sinasabihan pa akong wag ko na lang patulan si kuya. Eh hello, 12 lang ako nun at yung kuya ko 29 na! LOL! Ang weird lang kasi yung bata pa ang uunawa sa matanda.Di bale sana kung abnormal yung kapatid ko, eh kaso hindi! Adult na sya samantalang ako naglalaro pa! Haha. Pero ngayong nasa tamang edad na ko para makaunawa, naintindihan ko na yung mom ko kung bat naging paborito nya si kuya. At tanggap ko na yun. Me kasalanan din naman ako sa kanya kasi mas naging love ko noon yung dad ko kesa sa kanya. Pero ngayon, super love ko na mom ko, syempre silang dalawa ng dad ko.

Superjoie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #377 on: March 27, 2013, 11:28:14 am »
Sa ngayun di ko na hate mom ko. Pag naiinis ako sa kanya, pilit ko iniisip na hindi habang buhay andito sya, kasama namin. Baka isang araw bigla na lang sya kunin ni Lord, ayoko naman mangyari  yun na hindi ko napaparamdam or napapaexperience sa kanya yung mga di nya nagawa nung kabataan nya kasi nag asawa sya ng maaga at inaalagaan kame. Gusto ko din syempre makabawi at iparamdam na mahalaga sya saming magkakapatid even though most of the time unappreciative sya. Hinahayaan ko na lang.

Isang technique ko pag sinusumpang ang mama ko ng pagka tight sa pera or pagkamadamot. Sinasabihan ko sya na mali yun (sa pinakamahinahon na paraan na kaya ko). Pag nagcontinue sya sa pag nag at pag sisigaw. hinahayaan ko na. Minsan umaalis na lang din ako para maiwasan away.

Nagdadasal din ako sa Panginoon na wag nya ko pabayaan, na sana mas mabuting anak ako. Na iguide nya ako at tulungan nya ako na icontrol ang sarili ko, pag natetempt ako sigawan din ang nanay ko.

newsoul

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #378 on: March 31, 2013, 09:27:22 pm »
Thank God for threads like this. Nung teenager pa ko lagi kami nagaaway ng mom ko. Sobrang hirap ng situation at puro iyakan at sigawan nalang ang nangyari. When i was younger naman she would always compare me to another person. Why can't i be more like her and blah blah siguro kaya ako nagkaroon ng mga insecurities dahil sa kanya. I felt like i was never good enough for her. Aside from this she has her favorite habit of nagging till mapuno na ko which leads on to bigger fights. Somtimes kahit nanahamik nako tuloy tuloy parin ang putak niya and whats worse is even if kakagising ko lang sa umaga she starts nagging me ma parang nakakawala na ng gana kumain. Whenever we try to resolve the fight with me explaining my side she simply refuses to listen. Its's so hard talaga na yung small arguments nagsnowball sa sigawan. How i wish my mom would realize na sometimes i cant take it anymore at may hangganan  din ako. I can't always play deaf lalo na kung paulit ulit naman sinasabi niya...

Hay mga sis ang sakit sa heart! Ayaw ko naman talaga magaway kami eh..i'm trying my best to play the role of a good daughter at wish ko lang makita niya yun sana tigilan na niya yung mga parinig kasi negative ang dating sakin eh
« Last Edit: March 31, 2013, 09:30:03 pm by newsoul »

brendzy

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #379 on: April 09, 2013, 06:28:49 pm »
Nafeel ko din yan, my mom's favorite is always the one who can contribute the most sa household finances. Nung mga bata pa kami, ganyan din, kaya siguro when I started working, I just want to please, give her almost everything na kaya ko...but ending is I still love her.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close