watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170562 times)

choco_pie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #200 on: January 19, 2011, 04:10:40 pm »
Talked to your mom tell her about what you found out about your illness. Your Mom also your family needs to know your condition no matter how much you hate her. Wag kang magagalit ha point of view lang naman I understand why you hate her but at the same time keeping or not telling them about your illness is not right for me. I know that you feel na she cares for your sister more than you pero anak ka pa rin niya. Kailangan mo sabihin na Ma bakit ganun may sakit pala ako, bakit hindi niyo ako pinatingnan nung bata pa ako sana kung maaga niyo ako pinacheck up hindi na umabot pa sa ganito. Wag mo sasabihin or iisipin na hindi ka niya mahal kahit hindi mo nakikita or nararamdaman un mahal ka ng mommy mo. so its really up to you sis hope that helps

qt_chick17

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #201 on: January 25, 2011, 01:22:45 pm »
Ngayon, it's more like sama ng loob. There are times that I hate my mom. specially pag may mga gusto siya at ayaw ko, tapos ipipilit nya... as in ipipilit talaga! kahit inexplain ko na...dun talaga kami nagkakaroon ng clash. hindi naman siya pabaya...kaya lang nasasakal talaga ako madalas lalo na pagdating sa mga major decisions sa buhay. I know mother knows best pero hindi naman sa lahat ng oras na naiisip nya na best ay best din para sa anak niya. saka lalo akong hindi mag oopen about personal stuff kung yung approach niya ay laging inquisitive. kaya minsan inggit na inggit ako sa mga friends ko na open na open sa parents nila about everything.

she may be there to take care of my needs...kaya lang minsan gusto niya siya lahat gumagawa tapos sasabihin sakin "wag na di ka naman marunong!" eh pano ako matututo kung di mo ko hahayaan?

Minsan tuloy, nagugulat nalang ako kasi nagiging mapilit na din ako sa ibang tao,parang nakukuha ko yung mga ugaling di dapat kasi nakakagisnan na. Natatakot tuloy ako na baka pag nag ka anak ako hindi ko mamalayan na maging dictator ako. Pinipilit ko nalang pagpasensiyahan kasi siya lang naman ang nanay ko, at isa pa alam ko namang concerned siya, sa maling paraan nga lang.

ysa.belle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #202 on: February 04, 2011, 03:52:17 pm »
heto nanaman ako, magpopost nanaman dito.
« Last Edit: January 06, 2013, 08:29:57 pm by ysa.belle »

ysa.belle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #203 on: February 16, 2011, 08:47:50 am »
^yes. i understand that. i love her too but most of the times we clash. maybe dahil sa age gap namin na 33 years. she knows naman na mahal ko siya... yun nga lang madalas kaming magtalo... fave kase niya sis ko.

roxykarlo

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #204 on: February 16, 2011, 09:23:24 am »
before, i used to hate my mom.. because i was not raised by her mismo. i have no daddy na. namatay [textspeak!] before i was born. lumaki ako sa poder ng lolo at lola ko sa side ng mom ko.. and they did not tell me the truth, all the while akala ko ang mom ko is ang lola ko and dad ko is lolo ko. it was in high school that my lola told me everything.. i felt bad, especially for my mom. galit talaga ako sa kanya, until i got married. i dunno, ngayon, we are much closer than ever, lalo na may baby na ako ngayon. and to think, i have 2 stepbros.. and next sakin is 22 years old, while the third is 11 years old. di kami close, kasi di ako lumaki sa kanila. but, mabait naman ang stepdad ko. he is very supportive of me and like nya masyado husband ko. but, i don't know ha, but my loyalty is still with my grandparents kasi sila ang kinikilala kong parents ko. sometimes nga, i feel i'm so unfair sa mom ko, kasi baka na-feel nya na mas love ko grandparents ko kesa sa kanya. but i'm sure she understands, kasi naman di ako lumaki sa kanya, and all the while i was on my teenage years, nagkaanak din [textspeak!] sa husband nya. :( but i still love her nonetheless..

khengzky

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #205 on: March 10, 2011, 02:04:42 pm »
nakoo  :o now i know the result..

sana hindi din magalit sakin ang anak ko soon  :-[

bluewingedangel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #206 on: March 22, 2011, 01:43:19 pm »
Before I used to hate my mom, but as I grew older naiintindihan ko na sya. Talagang walang magulang na maghahangad ng masama sa anak. I love her more now, talagang she will do everything for me lalo na when I had been so sick and so down nandyan sya.

summerster

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #207 on: March 23, 2011, 08:52:24 pm »
waaa nakakarelate ako....

ewan ko feeling ko wala ako mom ang mom ko yung dad ko pa din. hays hirap adjust puro mali ko lang nakikita nya, tapos konti mali lang gusto na ako palayasin ng bahay. buti pa kasambahay namen sya pa mas nagaasikaso saken kesa sa mom ko... sana magkasundo na kami.

SweetieNela

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #208 on: April 23, 2011, 04:19:58 am »
same situation about my eldest bro.. I am the only girl. sad to say. ako ang gusto nila na magpa-aral sa kapatid ko.  sabi ng mama ko responsibilidad ko yung 2 kong lalaking kapatid which is 17 and 12 years old.

how about my eldest brother who is 23 years old and doing nothing? nakapag-tapos siya ng nurse nagbigay ako ng pasensiya para makatapos siya hindi ako pinagcollege para patapusin siya. oo nga board passer siya ngayon. eh anong ginagawa niya ngayon? wala.gusto ko pang mag-aral pero ang gusto ng mama ko magtrabaho nalang daw ako dahil magiging nanay lang daw ako sa huli. dahilan ba yun? nasa abroad kami ang daming paraan para humanap ng trabaho ang kuya ko since tapos at board passer siya ang ginagawa lang niya ay ang magpalaki ng itlog? sorry for the term but para kasi siyang manok na naghihintay ng mangitlog ng pera. like pag sumesweldo ang mama at papa ko hinihingi niya ang lahat ng gusto niya.yun bagang sunod lahat ng luho? brand new computer,psp's, clothes,minsan nga nagpapadala pa siya ng 6 thou sa girlfriend niya sa pinas eh wala naman siyang work.hindi nakakaHindi ang mama ko dahil baka daw sumama ang loob sakanya. kahit gipit na gipit na kami pinipilit ni mama ko na maidaos ang gusto niya. nakakasakit lang ng loob kasi kahit ako ang nagttrabaho ng domestic hindi sila naawa o hindi man lang nila ako naappreciate.


konting thank you naman diba.eh kuya ko ayaw nila pagtrabahuhin ng domestic gusto eh talagang sa hospital eh hindi naman siya matatanggap dun ng walang experience. kahit kelan hindi ko naranasan na inaasikaso nila ako. eh kuya ko galing sa gala kung asikasuhin parang galing sa trabaho. minsan umaabuso ang kuya ko ako pang inuutusan niyang ipaghain ko siya. minsan iniisip ko na mag-asawa pero sabi ng boyfriend ko magtiis lang ako dadating daw yung time na pakakasalan na niya ako. wag daw ako magmadali. 21 years old na ako.


 sa totoo lang sakitin ako 2009 and 2010 sa hospital ako lagi nagc-christmas- and last january nahospital din ako cause of ulcerative colitis and anemia. sinisisi nila ako kung bakit ako nagkakasakit. hindi ba nila maintindihan hindi na ako nakakakain kakatrabaho? lagi akong puyat? pero ako parin lahat ng may kasalanan ngayon na nawalan na ako ng work kung dati parang katulong ang trato sakin ngayon parang aso na. masama ang loob ko kasi favoritism ang umiiral sakanila minsan kinausap ko ang mama ko pero deadma siya wag ko daw isipin na favorite si kuya ko. example kagabi. areho kaming nasa computer room ng kuya ko si kuya ko dinalhan niya ng dinner ako ni hi ni ho walang inalok. tapos pag labas ko ng kwarto inubusan na ako? hindi man lang sila nagiisip kung nakakain na ba ako' minsan ako nagpaparaya sa mga kapatid ko. hindi kasi kmi mayaman at lalong hindi porket nasa abroad kami eh mapera na. mali ang iniisip ng iba hindi pwede umutang ng pagkain sa tindahan diyan sa tabi.nakakasama lang ng loob na bakit ganon ang trato nila sakin. yung boyfriend ko binibigyan niya ako ng allowance,pag my allowance ako todo dikit sakin ang mama ko tapos sasabihin 'yan lang ang ibinigay sayo?' tapos bigla naman niyang uutangin. hindi ako makahindi dahil sa PAGMAMAHAL KO SAKANYA.



 minsan pag late ibinibigay 'ano ba yan hindi ka binibigyan' sorry to say this. kapag my pera ako ang bait nila sakin promise. kinausap ko na si papa ko pero wala siya magawa dahil takot siya sa mama ko.  haay. minsan gusto ko na siya sagutin pero ayokong masaktan ang mama ko. talagang naiisip ko ng lumayas pero wala akong mapupuntahan dito ang choice ko nalang talaga is mag-asawa ako. pero sabi ng bf ko hindi yun ang solusyon. wag ko daw siyang pakasalan ng dahil sa yung dahilan lang. magtiis lang daw ako. pero hanngang kelan? hari harian na nga ang kuya ko eh. ako parin ba ang may responsibilidad nagiisa na nga akong babae hindi ba dapat na ako ang responsibilidad nila? bata palang ako wala na akong nakukuhang pagmamahal sakanila sa kanila- ang kuya ko nung highschool best in computer tuwang tuwa na sila. eh ako hindi sa pagmamayabang nung highschool nasa top class ako lagi ako best in math,best in english,halos lahat na nga ata best ako. pero ano? sasabihin lang sakin 'dapat lang yan dahil pinagaaral ka namin' feeling ko hindi ako anak..


 kinukwento ko sa ibang nanay to pero alam nila na mahal ako ng nanay ko pero iba daw ang mama ko di ko daw to deserve kasi ginagawa ko naman ang best ko mapasaya sila pero kuya ko parin ang higit sakin  nakakaiyak lang kung lagi ko iisipin minsan deadma nalang ako na hindi ako nasasaktan. hindi ko nalang ipinapakita dahil kahit ipakita ko naman sasabihin nila pag umiiyak ako nagiinarte nanaman ako.. naiiyak ako while typing this. mahal na mahal ko family ko . mahal ko mama ko. pero eto ba yung sukli?
« Last Edit: April 23, 2011, 05:13:29 am by SweetieNela »

rics

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #209 on: April 23, 2011, 07:08:56 am »
^hugs to you sis.
alam mo, bilib ako sa pagka mabuting anak mo, kasi if i were in your shoes, matagal na akong wala sa poder ng magulang ko. and with that kind of abuse given to me, eh baka nag hurumentado na ako and we could have gone physical.

save some love for yourself, by saving atleast some dignity. hindi ka dapat tratuhin ng ganyan by family members. if you have money, save some for yourself in case of extreme emergency, dont give it all to your mom. kasi naman whether or not you give every drop of penny yo have, ganon pa rin naman treatment you get from her, so why bother. sa una lang mabait as you say, then balik sa dati, right?

i wish you well sis.

SweetieNela

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #210 on: April 23, 2011, 08:48:56 pm »
^ oo nga sis. binibigay ko lahat sa mom ko then ako nalang ang humihingi ng allowance sakanya. sabi ng bf ko hindi daw dapat ganun kasi malaki na ako. dapat nagiipon din daw ako sa sarili ko.. thanks sis.

fibia

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #211 on: April 23, 2011, 09:54:23 pm »
^^mapagmahal kang anak,mahalin mo rin ang sarili mo. Be strong.  Wag mo hayaang abusuhin ka.

pink.sunshine

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #212 on: April 23, 2011, 10:55:36 pm »
^^aww. that's unconditional love you are giving sis. mahirap nga talaga situation mo pero just hang on there Diyos na ang bahala mag-reward sayo dahil napakabuti mong anak. Just pray for your family.

SweetieNela

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #213 on: April 23, 2011, 11:42:31 pm »
thanks mga sis, pinapasa-Diyos ko nalang talaga at sana magkaroon ako ng lakas ng loob na magtabi para sa sarili ko. minsan kasi kahit masama na ang loob ko pag ka andiyan na nabibigay ko padin lahat. di ko mapigilan na hindi ibigay. >.<

summerster

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #214 on: April 24, 2011, 12:27:49 am »
minsan talaga feeling ko si mama kaya lang nya magbuntis at magluwal ng baby pero di nya kayang maging NANAY.... 

nakakarelate ako sa mga stories dito, mahal naman talaga naten sila, minsan naiisip ko din magrebelde na lang pero sarili ko lang sasaktan ko. kaya habaan na lang ang pasensya at magkaron na lang ng mas malawak na pang unawa.

di rin talaga naten sila kayang tiisin no metter have hard our mom is. pero lesson din sa akin i know pag naging nanay ako magiging NANAY talaga ako and not just biological mother.

SweetieNela

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #215 on: April 24, 2011, 12:46:06 am »
^ me too sis. kapag naging nanay din ako gagawin ko yung dapat gawin ng tamang ina. at hinding hindi ko gagawin sa anak ko yung mga ginagawa sakin.

carmel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #216 on: April 24, 2011, 12:58:58 am »
minsan talaga feeling ko si mama kaya lang nya magbuntis at magluwal ng baby pero di nya kayang maging NANAY....
Di rin talaga naten sila kayang tiisin no metter have hard our mom is. pero lesson din sa akin i know pag naging nanay ako magiging NANAY talaga ako and not just biological mother.
Ang magbuntis at magluwal ng anak ay Ganda na ng paggiging isang ina

carmel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #217 on: April 24, 2011, 01:04:46 am »
minsan talaga feeling ko si mama kaya lang nya magbuntis at magluwal ng baby pero di nya kayang maging NANAY....
Ang magbuntis at magluwal ng anak ay tanda na ng paggiging isang ina. Hindi madali ang magbuntis at manganak but more than that Hindi biro ang magdesisyon na ituloy ang pagbubuntis. Kaya doom pa Lang nagpaka ina na ang Nanay mo. Sometimes we fail to take for granted the decision to give life is already a mark of a mother. Because, she could have opted not to have you and yet she did. For that alone, I think she has shown good printing already.
I've said the same thing...when I become a mom etc etc. Well, now I am 4 times over and I see myself becoming like my mom even if I told myself I won't. It's what we grew up in hence, it's natural for us to gravitate toward the same things but I've modified it to some extent. Find a balance. But I realized being a good mother to my children meant being a good child to my mother/father.

orange rose

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #218 on: May 11, 2011, 10:18:35 pm »
@SweetieNela naiyak naman ako sa post mo.  baka ampon ka lang o di kaya'y anak ka sa labas ng dad mo.  (sorry ha)
write them a letter then live far away from them.  save yourself.  right now you are emotionally battered by them  at ma-depress ka pa ng dahil sa kanila.

SweetieNela

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #219 on: May 12, 2011, 12:02:16 am »
^madalas akong sinasabihan na ampon ako nung bata pero alam ko naman na hindi dahil kamukang kamuka ko ang mama ko nung bata siya,kamuka ko din papa ko sa ibang angle.. pero sabi sakin ni dad ko. di nila plan na magkaroon ng girl na anak kaya siguro galit na galit siya sakin. by accident lang daw kasi ako.. hindi naman daw talaga ako plano. medyo nakakahurt. pero gusto kong may mapatunayan ako sakanila ngaun.. papakita ko kung paano ako magiging successful. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close