watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170815 times)

die_hard112003

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #120 on: July 06, 2010, 10:44:05 pm »
i sometimes hate my mom! may mga times na sobrang negative ako. and natatak ko sa utak ko dahil nabring into awareness sa course namin na mga magagandang ugali at tsaka masama nakukuha sa parents.
at ako naman, have more bad atitude than good. :( kaya at times, i blame my parents to death :((

well.. that feeling i know will go away, but i hope na if im in the mood of hating my mother, she is away.. kasi if she's in front of me for sure can hurt her with my words. :(

green-aholic

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #121 on: July 07, 2010, 10:56:57 am »
kala ko ako lang ang ganito, na sobrang nega lang mag isip sa ugali ng nanay ko. haay... ako sobrang tampo sa nanay ko since i was a kid up to now. sya pa din nagrurule sa buhay ko. nakakainis! iba din trato nya saming magkapatid. basta alam ko di ako ang favorite at yun ang masakit! :(

Kanzaki

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #122 on: July 22, 2010, 02:41:08 pm »
This will be my ranting thread about my mother. Honestly I keep on talking alone regarding my rants about her. Hindi ko kasi alam kung kelan ako magkakaroon ng bwelo na magsasalita sa kanya eh! Baka magsalita na lang ako bigla ng hindi maganda. I hate my day yesterday since I bought vegetables in the market and it happens na karamihan nga gulay. I didn't buy meat since I could do it for the next day which was while ago. Guess what? Ito ang mga nangyari. While putting veggies inside the ref she is not thinking or didn't bother to ask me about my plans on what to do pero putak agad ng putak na sayang pera niya kasi bili ako ng bili at wala siyang tiwala sa akin na I could use it all. Umiiral nang husto ang pagseself pity niya at ang pagbubuhat bangko like siya ang gumagastos sabay ang lumalabas siya ang taga ubos ng tira in other terms siya pala kumakain ng kanin baboy sa bahay.  >:( THE NERVE OF HER FOR SAYING THAT? For her info all of us are eating left overs! Sa totoo lang buong buhay ko bumenta sa akin ang pangongosensya niya, pagbubuhat ng bangko at mga self pity niya where in fact nahahawa na rin ako sa kanya which is ayokong mangyari yun. She made me stupid that she thought matatauhan ako or I would be that martyr enough na aaanga anga lang at hindi mag-iisip or mauuto niya ako sa mga kalokohan niya to the extent puro konsensya mararamdaman ko but NO WAY! Matagal na akong gising sa katotohanan at kitang kita ko na ang maling ginagawa niya. She ever thought na mapapaniwala niya ako na she is always right. Ang nakakainis kasi run yung galit niya sa ibang tao at sa tatay ko AKO ANG PINAGBABALINGAN!

kwinchesters

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #123 on: July 22, 2010, 10:51:41 pm »
Sa totoo lang buong buhay ko bumenta sa akin ang pangongosensya niya, pagbubuhat ng bangko at mga self pity niya where in fact nahahawa na rin ako sa kanya which is ayokong mangyari yun.

Sorry to hear that sis. Madalas ginagamit ng mga parents yung emotional blackmail satin. Akala natin nung una parang normal lang yun na nagbubunganga mga nanay natin, pero ngayong may anak na din ako, narealize ko how miserable i was pala dati, at di nakakatulong sa character ng anak. and yeah your right, nakakahawa nga kaya as much as possible, i stay away from my mom baka kasi mahawa ako at ibunton ko pa sa ibang tao much worst sa anak ko pa.

pumpkin13

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #124 on: July 27, 2010, 08:01:13 am »
After reading all these, I realized how lucky I really am. I've got the best mom in the world and my bestfriend. Someone who listens to everything I say, someone who's sensitive enough to know when I'm in pain and someone who bore all the pain in the world for me and my siblings.

Siguro sa mga sisters natin who are having problems with their mom or dad, it won't hurt talking to them. Whether they listen or not, at least nasabi nyo yung mga nararamdaman nyo. For sure, it will have a great impact on them kasi kahit ano pang sabihin, bali-baliktarin man ang mundo, parents pa din sila. And I guess, every parent desires to--might not be the best--but to be a responsible one. Siguro paminsan minsan kailangan lang natin sila katukin.  ;)

gypsy

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #125 on: July 29, 2010, 02:06:34 am »
I dont know actually how to describe what i feel towards my own mother.

1. Lumaki ako ng takot sa kanya. For her pagdidisiplina lang at gusto nya may respeto ako (well sino bang magulang ang ayaw irespeto diba) pero it actually instilled fear more than my desire to respect her. Lagi sya nakasigaw. Nung minsang naglakas loob ako to correct her nicely, she took it badly. I feel Im in the right age naman na to speak up and be treated as an adult. Hayun she kept shouting at ipinagpilitan yung sinasabi nya. When i calmly told her that there was no need to shout, she slapped and hit my head repeatedly.

2. Gusto nya sha lang ang palaging tama at bawal na bawal kontrahin ang mga sinabi nya kahit minsan mali na ang mga pinagsasabi nya. Napakastrong ng personality nya at kelangan sha lang ang lagi nasusunod. Minsan tuloy nakakahiya sa ibang tao dahil kahit hindi ako magsalita or magkwento sa kanila, nakikita nila yung situation ko kung gaano kontrolin ng mom ko ang life ko. Kahit relatives namin sa side nya kilala na ang ugali nya na ganun at kahit hindi ako nagkkwento nakikita ko sa ma mata naaawa sila sa akin dahil sakal na sakal ako sa leeg ng nanay ko sa pagpatakbo ng life ko. Alam ko naman all parents desire nothing more than to see na maayos ang buhay ng mga anak nila pero kasi ang nangyayari she is running my life for me. Before din sa mga gatherings, whenever her friends would ask or would tease kung may boyfriend or manliligaw ako, sya ang palaging sumasagot na wala pa at hindi pa pwede, hello tanda ko na kaya noh. Sa inis ko i never told her ng first time ako magka boyfriend. Not once has she asked me kung may crush ako or nanliligaw sa akin. Sobrang closed ang utak nya sa thought na pwede ako magka boyfriend.

3. Dinadamay nya ako sa galit nya sa dad ko or sa mga relatives ng dad ko, kesyo kasing bobo or pangit daw nila ako, kesyo bumalik na daw ako sa mga kamag anak ko. To think hindi naman ako naging close dun ever dahil inilayo nya ako. 

4. Lagi nya nilalait ang dad ko at minamaliit. Even when my dad died, ganun nya kadali nakalimutan ang dad ko.
 
5. Kapag nagagalit sha she would always compare me sa iba or sa mga anak ng friends nya. Hindi lang nya alam na mas lokoloko pa nga mga yun.
 
6. Kinontrol na nga nya yung course na kinuha ko ng college pati ba naman kung saan ako magtatrabaho at sweldo na pwede ko makuha gusto nya sya pa rin masunod. Kesyo mababa ang sahod na inooffer sayo or pangit sa company na yan, or mag abroad ka na lang para makaginhawa naman sya sa mga ginastos nya sa akin.

7. Gusto nya rin iarrange kung pwede lang kung sino magiging asawa ko.  

8. Pinakamasakit sa lahat, she forced
me to have an abortion when i got pregnant nung nagaaral pa lang ako (I posted the story 5 years ago). I was an incoming 3rd year. After that i spiralled talaga into depression dahil hindi alam ng boyfriend ko ang nangyari, ang alam lang nya nakunan ako. Pero nakuha pa ako bugbugin ng mom ko the day after she made me undergo the procedure dahil nagalit sha nung nakikita nyang natulala ako at nagkulong lang sa room ko. Until now, the memory still haunts me. It still rips
me apart whenever i remember kung gano kasakit naramdaman ko ng ihatid ako sa airport ng boyfriend ko na super bilin pa na alagaan ko baby namin. Halos ayoko umalis non. Hindi ko pa rin magawang patawarin ang sarili ko sa nagawa ko sa baby ko na pumayag ako sa gusto ng mom ko. Kahit madaming beses na ako kumausap ng priest at madre and they tell me na dapat patawarin ko na daw sarili ko, hindi ko pa rin magawa. My mom never apologized for what she made me go through pero ako nakailang ulit na ako noon nagsorry dahil nabuntis ako ng wala sa panahon, pero sya she would always tell me na pasalamat pa raw ako at nasolusyonan nya yung problemang ginawa ko. There's not even a hint of remorse sa ginawa nya sa akin at sa apo nya. She even forced me na hiwalayan ko ang boyfriend ko na nakabuntis sa akin and ilang beses rin naulit na binugbog nya ako because nagmamatigas ako. Finally sabi ko kunyari nakipagbreak ako pero hindi. Dumating din sa point na wala na sha magawa at hinayaan na lang ako at finally naging legal ang relationship namin. Pero i know iba pa rin ang gusto nya mapangasawa ko. All my life she made decisions for me kahit nasasaktan ako at hindi ako masaya. Pero hinding hindi ko mapapayagan na sya pa ang pipili ng taong makakasama ko bumuo
ng pamilya.

9. I am now married sa boyfriend ko, pero ang pagpapakasal ko hindi ko ipinaalam sa mom ko. We told her ilang weeks after, dahil kahit naman ano gawin ko I know she would not approve. Super iyak mom ko at super sumbat sa maraming bagay, hinayaan ko na lang sya. May times when she calls parang ok ang lahat. Pero may times na puro hinanakit at sigaw lang naririnig ko sa kabilang line. She still insists that i go abroad without even considering na may asawa na ako na dapat ikonsider sa mga desisyon ko. At nang malaman nya naman na buntis ako hindi pa rin nya matanggap and still keeps on insisting na magtrabaho ako kahit alam
na maselan ang pregnancy ko. Pagkapanganak ko gusto pa rin nya umalis ako ng bansa at magwork abroad. Hindi man lang naisip pano yung baby ko. Not once sa mga tawag nya na nafeel ko ang concern nya sa pagbubuntis ko, never sha nagtanong kung kamusta ang mga check up ko. Kung nahihirapan ba ko or what. Madalas pa kapag tumatawag sha puro sigaw, sumbat at sama ng loob ang sinasabi, hindi man lang maisip kung nakakasama sa pagbubuntis ko ang mastress dahil sa mga salitang binibitawan nya. Husband ko nagwoworry na din dahil tuwing tatawag mom ko ay umiiyak ako. Buti na nga lang kahit papano MIL ko mabait at inaasikaso ako.

10. She told me rin sinusumpa nya ako at hinding hindi nya matatanggap ang baby ko kontra sa sinasabi ng karamihan na once makita nila ang apo nila lalambot puso nila dahil sya daw hindi mangyayari yun. At itaga ko raw sa bato gagapang daw ako sa buhay dahil wala daw ako kwentang anak.  

Madalas napapaisip ako kung ano ba kasalanan ko when buong buhay ko yung gusto nya ang ginagawa ko kahit hindi ako masaya. Ngayon naman gusto ko ako magpatakbo ng buhay ko hindi nya matanggap. Puno sha nga bitterness sa mundo. May times naawa rin ako sa kanya pero I dont wanna be like her.  

Sorry kung super haba, naipon na kasi lahat ng nAraramdaman ko
 

pumpkin13

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #126 on: July 29, 2010, 11:11:38 am »
^ i don't know what to say. your story made me cry. ang sakit. i am never a good adviser but I listened to the story. siguro, you've been all through that for you to be stronger and a better mom to your child(ren).


prettygurl00001

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #127 on: July 30, 2010, 05:20:15 am »
^^ sis if I were in your shoes baka matagal ko nang kinalimutan na may ina ako.

Cheesecak3

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #128 on: July 30, 2010, 05:43:34 am »
gypsy - sis grabe naman ang mom mo. I hope and pray sis na makayanan mo lahat yan. Mas maganda siguro kung iwasan mong makipag usap sa kanya kasi puro sakit lang ang binibigay nya sayo.

hannie1216

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #129 on: July 31, 2010, 01:14:56 am »
Sis gypsy I feel for you. Somehow, pareho tayo ng mother.

Nakaramdam din ako ng galit sa mom ko before. When my dad died, 3 months palang may [textspeak!] na sya. Sa amin ok lang naman kasi kala namin it's just a textmate, para lang malibang at hindi malungkot. I'm renting a house kasi sa las pinas then sya sa Laguna. So hindi ko sya nabantayan. Hanggang pag uwi ko nalaman ko na lang sa brother ko na nakipag eb daw. OMG talaga! Pero sige ok lang kala ko it's just a simple meet up lang para lang may makausap sya or plain companionship lang. Pero grabe naging bf pa nya yung lalaki. Grabe parang nagdalaga sya non. Doon ko lang na realized na hindi ko pala kilala ang mommy ko talaga. I mean I never realized she could do such things. Then ikakasal kami ni hubby January 17, 2009 nalaman na lang namin nagpakasal sila nung matandang yon bago ng kasal ko at hindi pinaalam sa aming mga anak nya. Galit na galit kami pero wala na kaming magawa. To the point pa na kaya nya kaming ipagpalit dahil lang sa lalaki. Ang masama pa don mga sis, sya ang bumubuhay sa lalaki. Ok lang sana kung magbubuhay prinsesa lang sya sa new husband nya.. Pero we found out na wala namang source of income yung lalaki. Pati sa mga anak yata non sya pa din ang bumubuhay. Sakit sakit sa amin dahil alam namin unti unting nahuhulog sa cliff mom namin pero wala kami magawa kasi ayaw nyang ipaabot ang kamay nya para i save. Halos araw araw before umiiyak ako, kasi I was my mom's pet before. Namatay ang dad ko na masama ang loob ko sa knya kasi I always believe on what my mom says against my dad. (I posted this on the other thread) Then I realized siguro nga di talaga minahal ng mom ko ang dad ko dahil ganon na lang nya kadali kinalimutan ang daddy ko.

Ngayon, as much as possible I keep on texting her. Although nagalit ako sa knya naisip ko na kahit ano pang mangyari, she's still my mother hindi ko sya matitiis. Ayoko din dumating ang time na magkaroon na naman ako ng pagsisisi katulad ng sa dad ko. Life is too short and we can never tell what's going to happen so habang may time pa, habang buhay pa sya, ayoko sayangin ang panahon para sa mga galit.

Ngayon, isa lang kinakatakot ko. Diabetic kasi si mommy and insulin depended na sya since June. Masakit para sa akin everytime iniisip ko na baka dumating ang time maubos savings nya at "kailangan nyang tipirin ang sarili nya sa gamot or baka nga hindi na sya makapag gamot, para lang sa pambuhay nya sa asawa nya".

Purple_Power

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #130 on: August 01, 2010, 02:23:20 am »
gypsy I really feel sorry for you I can't even imagine myself on that situation baka nabaliw na ako or naglakas pa ako ng loob na mapilitang magcomplain kasi it is also child abused lalo na yung abortion. Buti na lang may asawa ka na ngayon and glad to know na magkasundo kayo ng MIL dahil bibihira rin naman yan.

thebratinella

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #131 on: August 01, 2010, 10:47:50 am »
sis gypsy, forgive yourself. your baby is happy and safe now. i bet he/she understands you. God has forgiven you so it is time to live happily with your hubby and baby. time na para bumawi ka sa mga nangyari sa iyo. pabayaan mo mom mo if she still acts that way basta be a good person. ginawa mo naman lahat to be a good daughter.

eisle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #132 on: August 27, 2010, 11:42:41 am »
i dont know if i will hate my mom kc parang ginagamit nya lang ako [textspeak!] nkita na nmen tatay ko. after 24 yrs kc nagkita kami ng father ko tapos ngayon nanjan sya pinapakita nya na super care sya sken whch is not. and shes willing to stay here in Philippine khit na japanese citizen sya. ngayon [textspeak!] [textspeak!] nangyari un dahil nakita nmen [textspeak!] father ko. actually may family na rin [textspeak!] father ko and [textspeak!] mga anak nya dun mas matanda pa sken. ngayon ko lang nalaman lahat-lahat.. so parang nalulungkot ako sa mga nangyayari na gusto ko umiyak...
sana someone will help me. i can tell the whole story.

kwinchesters

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #133 on: August 27, 2010, 03:49:02 pm »
i dont know if i will hate my mom kc parang ginagamit nya lang ako [textspeak!] nkita na nmen tatay ko. after 24 yrs kc nagkita kami ng father ko tapos ngayon nanjan sya pinapakita nya na super care sya sken whch is not. and shes willing to stay here in Philippine khit na japanese citizen sya. ngayon [textspeak!] [textspeak!] nangyari un dahil nakita nmen [textspeak!] father ko. actually may family na rin [textspeak!] father ko and [textspeak!] mga anak nya dun mas matanda pa sken. ngayon ko lang nalaman lahat-lahat.. so parang nalulungkot ako sa mga nangyayari na gusto ko umiyak...
sana someone will help me. i can tell the whole story.

sis dami mo textspeak,baka masita ka ng mods.
anyway, explain mo uli mabuti yung problem mo para mas maintindihan namin.

ysa.belle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #134 on: August 31, 2010, 09:21:48 am »
inis lang.
« Last Edit: January 06, 2013, 08:01:02 pm by ysa.belle »

green-aholic

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #135 on: August 31, 2010, 12:43:10 pm »
I really hate my mom!! di ko alam kung hanggang kelan pero sana mawala na. hindi madali eh dahil yung sakit sa pakiramdam na you dont feel na parang di ka anak eh sobrang masakit. tapos darating pa sa point na ipamumukha nya na useless ako, pabigat ako, hindi ako magaling at kung [textspeak!] [textspeak!] pang masasakit na salita. hay.

betty

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #136 on: August 31, 2010, 12:54:42 pm »
hate is a strong word.....maybe you should think twice is saying that.

green-aholic

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #137 on: August 31, 2010, 01:16:43 pm »
I really do. Nanliliit ako dahil sa kanya. Para sa kanya wala na akong nagawang tama. Ang hilig pa ako icompare sa iba. Talagang pinaparamdam na useless ako at hindi man lang ako pagkatiwalaan sa mga bagay bagay na alam naman nyang kaya ko. Nakakainis! Galing pa sa pagpapahiya saken sa iba. Pano ko sya mamahalin? Pero dumadating naman din ako sa point na narerealize ko tratuhin sya ng tama. Actually most of the time naman. Hindi ako sumasagot, sinasarili ko ang nararamdaman ko. Siguro naman naging mabuti ako sa kanya. Sobrang bait ko daw kung tratuhin nanay ko sabi ng iba, ni hindi ako nagrereklamo, lahat ng gusto nya sinusunod ko. To the point na kinekwestyon nako dahil ang bait bait ko daw. Pero nakakapagod din pala yung ganito! Minsan gusto ko ng magrebelde eh kaso alam kong di makabubuti sakin yon. Iniisip ko ngang magpakalayo layo eh ng malaman ko kung hahanapin ba nya ako!

betty

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #138 on: August 31, 2010, 01:23:34 pm »
like what i said in the topic you created, you have to speak up na.

green-aholic

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #139 on: August 31, 2010, 01:46:10 pm »
^haay sis. kanina lang nabungangaan na naman ako. is it my fault na choppy line nya? for that simple thing kung [textspeak!] [textspeak!] ng mga sinabi. sinabi ko lang na lumipat sya ng lugar dahil di clear yung line tapos nagalit na? grabe. babaw. nakasakit na sya. tapos tatawag tawag sya ngayon na sumama ako dun sa location kung san kame nagseservice? hay nako. di man lang marunong magsorry. ang pagkukulang nya nung bata pa kame ni hindi nya magawan ng paraan pero yung maliit na mali ko sobrang pinalalaki nya!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close