watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170420 times)

ysa.belle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #100 on: May 21, 2010, 10:29:37 am »
kanya-kanyang opinyon lang yan mga sis.

« Last Edit: January 06, 2013, 07:47:34 pm by ysa.belle »

kwinchesters

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #101 on: May 21, 2010, 04:08:35 pm »
Naglalabas lang ng hinanakit dito mga sis, dahil sa culture natin we are not permitted to speak up against our parents kahit hindi na tama yung rules na iniimpose nila sa atin o yung ugaling ipinakikita ng isang nanay sa anak na dapat nga eh maging role model pa natin.
In a painful experience like this, di natin iniencourage yung mga sis natin magrebelde ng tuluyan sa mga magulang. Of course,there are times we feel to rebel right away pero normal lang yun sa nasaktan and lahat naman ng trouble sa buhay may lessons to be learned. Kung hindi maganda ang palaki sa atin ng mga magulang natin, nasa sa atin na lang how we are going to take it. Magrebelde rin ba tayo sa mga anak natin in the future para makaganti sa painful experience natin o we should be more loving, caring, understanding, sensitive enough to our own children.
@ sis Romina- I just lost my mother. And you'll never know what it feels like. Dont say " I feel you" or whatever, kasi hinding hindi mo malalaman ang pakiramdam unless wala na sya. Buti nga kayo kasama nyo pa mga ina nyo eh, nakikita nyo, nakakausap, nakakaaway. Ako, I would give up everything, just to be with her again.
How i wish na mabasa ito ng mga nanay ng mga sis natin na nagsulat ng mga hinanakit sa nanay nila. At sana ganito naman ang isipin ng mga nanay na nakasakit sa mga anak nila: ''I just lost my son/daughter. And you'll never know what it feels like. Dont say " I feel you" or whatever, kasi hinding hindi mo malalaman ang pakiramdam unless wala na sya. Buti nga kayo kasama nyo pa mga anak nyo eh, nakikita nyo, nakakausap, nakakaaway. Ako, I would give up everything, just to be with her/him again''.
Moral lesson, ke magulang ka o anak, kung nakasakit ng kalooban hindi kabawasan sa pagkatao ang paghingi ng sorry and give each other hugs and kisses afterwards. Wag nang hintayin na maulit yung cycle sa susunod na generation. Ako pag alam kong nasaktan ko yung anak ko sa sinabi ko, i tell her sorry agad then we hug and kiss each other. Hindi ako nagmalaking ''nanay ako,ikaw ang dapat magpakumbaba'' well,hindi dapat ganun. yung good manners ng isang tao hindi namimili ng edad.

^kaye^

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #102 on: May 21, 2010, 08:41:05 pm »
^ good point. Siguro part na din ng kultura natin yung bawal sumabat sa magulang. I answer back at sinasabihan akong walang galang or bastos. My parents, all my elders actually, have never apologized.

mikelly

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #103 on: May 22, 2010, 04:20:36 am »
my mom and I just had a fight 2 weeks ago na.  kasi naman siya na nga yung tinutulungan, siya pa yung mharaming pintas.  imbes na iappreciate niya yung inoffer sa kanya, mas yung negative pa yung nakikita niya. 

masakit kasi yung back niya that time kaya I decided to let my helper massage her.  masunurin naman yung helper ko and not complaining kaya minassage naman siya sa bahay ng mom ko.  I thought we will appreciate it na inoffer ko yung help ng helper ko pero di pala siya kuntento sa massage nung maid.  and mas ine-numerate pa niya yung mga habits ng helper ko.  ok fine may mga ganun nga pero wala man lang akong narinig sa kanya na mag "Thank you" man lang for that offer.  Can't afford na nga sya sa spa for massage then minassage na nga siya ng libre pero ganun pa rin siya.  dun ko lang talaga narealize na di pa pala talaga siya nagbabago. 

tapos the following day hinatid ko siya sa doctor, tapos sinasabi pa niya na ako pa daw pinagbibigyan niya for that hatid?? what?? parang gusto kong sabihin na ikaw na nga may sakit at pinagdadrive ko then ako pa may favor sa yo para pagbigyan mo?? nakakagigil talaga?? tapos ang dami niyang hinaing na kesyo masakit balakang niya, di siya makalakad.. eh siya pa ma-ere eh siya na nga 'tong hinahatid.  hayyyyy.... kahit gusto kong respetuhin magulang ko kung ganun naman ugali parang gustong magmura.  ako na nga tumulong ako pa ang pinagbibigyan??? ako pa may utang??

she's making me worst.  hindi ko sinusumbat sa kanya yung inoffer kong help pero i can't see from her na she's appreciating it.  mas nangingibabaw pa yung complains and negative comments niya.  all i want is appreciation.  ang sakit kasi na ako na nga tumulong then parang di niya tinake as help.  ganun siya since before pa and nakakasama ng loob kasi may asawa't anak na kami ng ate ko pero ganyan pa rin siya.  nagmature na kaming lahat pero di pa rin siya nagbabago.  Akala niya siguro wala kaming mga isip and feelings.


hisana

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #104 on: May 22, 2010, 07:50:26 pm »
Oh my God! Upon reading the title of your thread, tears started rolling... How can you hate someone who gave you life.. I mean.... Oh well. I didnt backread so I dont know what's going on. I just lost my mother. And you'll never know what it feels like. Dont say " I feel you" or whatever, kasi hinding hindi mo malalaman ang pakiramdam unless wala na sya. Buti nga kayo kasama nyo pa mga ina nyo eh, nakikita nyo, nakakausap, nakakaaway. Ako, I would give up everything, just to be with her again.

Well then, maybe you should backread.

Napaka-judgmental ng dating ng statement mo sa akin. First of all, not all mothers are created equal. Your mom may not have been physically and emotionally abusive, but mine (and perhaps some of the others here) was. Syempre there will be hate. And about what you're saying na hindi alam ang mararamdaman until wala na sya..well, my brother and I have had no contact with her for more than a year na and we are doing fine. Finally we had the courage to follow her suggestion na magsipag-layas kami sa pamamahay nya after our dad died. We are doing much better now.

So don't generalize. Don't be preachy. You don't know our whole history anyway. Hinding hindi mo malalaman ang pakiramdam ng hindi ka rin mahal ng nanay mo.

annerella

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #105 on: May 22, 2010, 09:34:42 pm »
i am disappointed with my mom.  of all people i thought she would be the one who could fully understand my situation, but i was wrong.  both of us got pregnant out of wedlock but were married to our now-respective husbands.  she went to live with her inlaws (my lola's) while i on the other hand went to live like for a year sa house ng inlaws ko din until when i got pregnant with our second baby, lumipat kami pabalik sa house ng parents ko since no one would look after my daughter and i since nasa abroad yung inlaws ko and paalis din yung hubby ko abroad.  she knows how hard it is to be away from your husband since ofw din dad ko.

i was pregnant and was doing most of the household chores dito sa bahay namin.  kapag i'm cleaning the house yung daughter ko, iyak ng iyak pero hindi niya pinapansin, mas mahalaga pa sa kanya yung garden niya.  tapos she demands us na palitan namin yung ref, yung sofa dahil yung daughter ko daw nakasira, and even yung pagpapa-tiles nung floor ng bahay gusto niya kami gumastos while siya pabili ng pabili ng kung [textspeak!]-ano sa dad ko like a new cellphone and laptop na hindi naman niya alam gamitin.

whe i gave birth my dad was here for a vacation and mas tumutulong pa siya sa pag-aalaga ng babies ko. after he left, laging nakakulong sa room si mama , farmville ng farmville. kahit anong iyak ng mga babies ko, hindi niya kami nilalabas.  one time i asked her to look after my bunso kasi papaliguan ko si panganay, pagkatapos kong paliguan yung daughter ko si mama nandun parin sa computer niya, ni hindi nilabas para tignan yung 1 month old son ko.  buti pa nga yung sis ko na inaaway ko before, she helps sa pagpapatulog nung daughter ko; while yung 11 year old brother ko, talagang lumalabas ng room niya pagnarinig umiiyak yung anak ko. 

the most recent na hinanakit ko sa kanya is when i told her na i'm gonna work. kukuha kami ng nanny para alagaaan yung kids and i asked her if puede niyang bantayan yung yaya, ang sagot niya sakin "eh di tatalo na silang babantayan ko? ayoko nga". 



iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #106 on: May 22, 2010, 09:55:15 pm »
i do too. it's rooted to my childhood. i dont think i'll ever get over it. it will always be there.

genivy21

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #107 on: May 23, 2010, 12:00:17 pm »
^sis, huwag ka mawawalan ng pag asa. naayos namin ng mama ko relationship namin when i am already married and she's older.

i think because nag mellow na siya and i got matured na din kahit konti. half half kami, kaya nagkasalubong. di din kami okay 100% pero i can say now na i don't hate her na.

just be patient, time will come. basta lagi mong iwang bukas ang puso mo para sa kanya. at least we owe them that for giving us life. kung di ka pa niya kaya imeet half way, intay na lang. dadating din yan by God's will :)


kwinchesters

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #108 on: May 23, 2010, 06:37:25 pm »
^ sana nga sis, hindi lang kase loob ko malayo sa kanya. she's literally far from me, na sa US na kase siya for more than 7 years. Hindi pa siya umuuwi ulit. Communication is difficult tapos when I make an effort she doesn't reply back. Hindi ko naman siya kaya sundan dun, I doubt if she plans to come back here.

Sis, i admire you for being so hopeful. Maybe that's one thing you cannot control anymore. I mean dahil sa distance and resentment ng mommy mo towards you. Just keep on praying and hoping na hindi man kayo magkaayos agad, sana yung possible chance for reconcialiation wont end.

@ Sis Hasana- puso mo sis...Basta tayo nagsasabihan ng problema lang, we are not cursing words against our mother. Masakit lang kasi na sa loob ng tahanan, which we are supposed to be loved and cared for, dito pa tayo nakakaranas ng rejection, resentment, verbal & emotional abused etc. Kaya bilang mga mommy and soon to be parent, we should make our home like ''fortress of solitude'' or ''safe haven'' for our kids. Maranasan na nilang masaktan sa labas ng bahay pero wag na wag sa loob ng tahanan.

@ sis annerella- Im sorry to hear your stories, but we are hoping na you will be a good mother to your child ngayong nanganak ka na. Try your thousands best na maging huwarang ina  sa anak mo, put an END to your misery. Wag ng maulit sa generation mo. Thank God for letting you to see these things, ako din at first i hated God pero I realized He's just teaching me the gifts of being a good parent instead of being bad. I just hope na kahit di supportive ang mommy mo sayo, sana your inlaws will be good for you all along, which i dont have both at all.

@ sis mikelly- Yung appreciation that you are looking for from your mom, you may not have it yet but when God intervenes im sure you will get what you deserve for being a good daughter. Sabi ng mama ko dati 'Lumayas ka,di kita kaylangan dito sana namatay ka na lang.' Fast forward-4 years after ng masunog yung bahay nila,they gonna live to my house namin ng hubby ko. I didnt get appreciation from my mama but I know God smiled back at me..

Kanzaki

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #109 on: May 26, 2010, 01:43:00 am »
As much as I don't want to hate my mom but I can't really avoid to feel that way. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ito pero sa totoo lang ang naoobserbahan ko sa kanya since she is really successful in her profession to the extent that she is the woman that you can be proud of, as what I've observed nag overflowing na siya, nakakalimutan na niya na sa sahig pa rin siya nakaapak or pwedeng ako ang pinagbabalingan niya ng mga sama ng loob niya sa tatay ko o sa ibang tao. Masakit on my part kasi she is treating me a weak and she really tends to put me down to hell. Buong buhay ko na siyang pinagpasensyahan at nagtitimpi sa mga badmouth na binabato niya sa akin lalo na sa mga paninigaw niyang matindi. Pero kasi may hangganan rin ang pasensya at pagtitiis ko halos bumibigay na ako na naisipan ko pang uminom na lang ako ng Anti-depressant at mabuti na lang andyan ang boyfriend ko para sa akin para pigilan niya ako sa mga hindi magandang gawin at patatagin ang loob ko. Alam niyo kung saan parati umiiral ang init ng dugo niya sa akin? Usually kapag nagkekwentuhan lang kami tungkol sa mga simpleng mga bagay bagay o kahit sa tungkol sa kamag-anak namin na may maitanong akong kaunti sa kanya minamasama niya hanggang sa sisigawan na niya ako. So moral lesson na talaga na I don't want to ask her anymore kasi it is being blasphemy lang na ipaparamdam niya kung gaano akong ka-stupid! Parang bang ang dating sa kanya is bakit pa ako magtatanong kung ano ang 1+1? Napuno na rin ako to the extent nakakapagtantrums na ako to relieve my pain, scream and yet sinasaktan ko pa sarili ko na pinupukpok ko pa dibdib ko para mawala yung sakit na nararamdaman ko. Talking to her ng masinsinan is very USELESS! since I've tried that  before but then she just screamed lang to the extent that it is totally clear that she does not want to listen to me. I think I am wrong that she is open minded, a mother that you can rely or lean on, a bestfriend or even your close friend that will understand you when you are in ups and downs pero superiority pala, pride, self righteousness ang pinaiiral. Ito siya na nagkekwento tungkol sa ibang tao na ganun at ganito pero kung paano niya ikwento ang ibang tao about negativities she is becoming like that. Sabay buhat ng bangko sa sarili na mabuti na lang raw God is good to her, and for all I know God is really good to all of us not to specific people. Hindi niya alam na parati akong umiiyak dahil sa kanya, hindi niya alam na nasasaktan ako at hindi niya alam ang sakit na nararamdaman ko na parati kong dinadala. Wala na nga akong trabaho, hindi na nga ako matalino tulad niya at ng kapatid ko (yung paborito niya) minamaliit niya ako na pakiramdam ko sinasamantala niya yung kabaitan ko pati kahinaan ko dahil alam niya makakaargue siya sa akin na pwede niyang palabasin na magaling siya. Pero umiikot ang mundo at hindi ako T@nga na magmamamaang maangan sa mga mali at pagbubuhat niya ng bangko. She is teaching me regarding humility but yet she is not credible I mean naging ganun siya pero she is doing that in her own way na gagawin niya lang yun sa ibang tao for the sake of her profession. Umabot na sa punto dahil sa sobrang pagtitimpi ko na hindi ko mailabas ang galit ko na hindi ko alam kung paano nanginginig na lang ako every now and then. Nararamdaman ko na ang yamot. Kung gaano siyang nayayamot sa ina niya ipinasa lang pala niya sa akin. Kapag nag-aaway sila ng tatay ko ako rin ang pinagbabalingan. Kausapin ko ng kaunti away. Magtatanong lang na minsan importante pa sigaw na at away. Maigi pa ang tatay ko nung nilait niya ako at least he even cried and felt the guilt (at least marunong makonsensya) nagsabi siya ng sorry sa pagkakamali ko which is hindi gagawin yun ng Nanay ko nandahil lang sa sobrang pride niya and arrogant. Obviously she is protecting her reputation na wala na siyang pakialam sa nararamdaman ko bastat maipagtakpan lang ang pagkakamali niya. Sana lang rin marealize niya mga pagkakamali na ginawa niya at siya mismo maghahabol sa akin para lang humingi ng tawad which is baka naman kung kelan nakaratay na sa ospital (tulad ng mga lolo at lola namin) saka pa lang niya gagawin yun which is I find it too much late kasi dapat ngayon pa lang ginagawa na niya at kung makaDiyos siya talaga lalo na may takot siya sa Diyos hindi siya dapat nang-aalipusta ng anak. She has wrong mentality na akala niya swerte ka sa buhay kapag nagtimpi ka sa magulang mo pero ayos lang at ligtas ka sa kasalanan sa tao kapag nanlait ka, nagmaltrato ka sa anak. Now I am fully decided na hindi ko na tutuparin ang dream wedding ko I mean simple na lang kasi gusto ko na talaga umalis rito. I will find a job kahit hindi ko linya basta yung kaya kong gawin at yung makakapag-ipon ako. Pagod na rin ako sa pamilya ko, nirereklamo ng Nanay ko ang pamilya ng tatay ko hindi marunong makipag-usap pero actually siya mismo ang hindi marunong makipag usap ng masinsinan kasi dinadaan niya sa sigaw parati kapag ako ang kaharap niya.

gilenn

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #110 on: June 03, 2010, 09:56:49 am »
I'm back to this thread but this time I'm happy.  :D my mom has been reaching out to me kahit through FB lang. we chat online and she even make comments about my status. It's been a long time since she asked how I'm doing. wala lang, I'm happy.  :D

^kaye^

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #111 on: June 03, 2010, 10:02:54 am »
^ Such a heartwarming post. I'm happy for you.

*Hugs*

kwinchesters

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #112 on: June 03, 2010, 08:06:42 pm »
^ thanks sis!  :)  hay, sa sobrang nega ko sa lagay na toh pwede pa rin pala ang change of heart. LOL  ;D Ito lang naman ang pinakahihintay ko eh, yung mauna siyang kamustahin ako kase everytime I do NR siya pero nanibago talaga ako this time.

Happy for you sis!
Sana magkaayos na kayo talaga para naman may time pa to patch things up.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #113 on: June 30, 2010, 01:30:30 pm »
kaya I dont believe in the saying na " walang inang nag hangad ng di mabuti sa kanilang mga anak." minsan kasi sila ang di mabuti para sa kanilang sariling anak.

kwinchesters

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #114 on: July 04, 2010, 12:46:26 pm »
kaya I dont believe in the saying na " walang inang nag hangad ng di mabuti sa kanilang mga anak." minsan kasi sila ang di mabuti para sa kanilang sariling anak.

OO nga sis,gasgas ng linya ito pero di lahat ng nanay mabuti ang hangad sa mga anak at totoong kung minsan sila pa ang nagiging dahilan para mapariwara ang anak o magtanim ng sama ng loob.

Ilang araw na din kaming di nagkikibuan ng nanay ko as usual dahil na naman sa pera at nung mga nakaraang araw ilang beses nakong nagpipigil na magalit dahil sa mga ginawa nya.
Una-Below the belt ang biro o pasaring nya sa asawa ko na ''Matalino pa nga ang daga kesa sayo'' Pinalagpas naming magasawa ito,di kami kumibo. Hindi na sya nahiya na yung asawa ko ang provider samin at nakikitira lang nanay ko dito samin.

Pangalawa- Isang gabi na me inuutos sya at pasigaw nyang sinabi. Sabi ko 'Teka po,pwede ka namang magsabi ng please.'' Sagot ng nanay ko sakin ''Pagod ako ha,wag mo kong anuhin ha!'' Ilang beses na nya itong ginagawa lalo na sa anak kong babae.

Pangatlo- Every sweldo ng husband ko walang palyang binibigyan ko nanay ko ng pera. This 15th maliit lang nabigay ko P250.00 lang kasi mag 7th birthday anak ko etong next week so andaming gastos. Yung araw na inabot ko sa kanya yun hindi na nya ako kinibo at nagdadabog na sya dito sa bahay.

Hayy kelan ba matatapos etong mga pasanin natin sa mga magulang natin..Parang kung minsan unfair naman sa side ko, eversince di naman ako naging pasaway na anak, never na involve sa scandal o basag-ulo nung dalaga, never nabuntis out of wedlock, nagbisyo o tamad sa bahay. I think i dont deserve this talaga mga sis.

kwinchesters

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #115 on: July 05, 2010, 12:23:35 pm »
In the first place mothers should be a good role model for their children. Naniniwala ako sa kasabihang kung ano ang ginagawa ng matanda ay siyang nagiging tama sa mata ng mga bata. Sometimes they don't even think or realize na sila ang dahilan ng pagiging rebelde o ligaw na landas na anak. They keep on being self righteous like wala namang silang pagkukulang, wala naman silang kasalanan, hindi sila masamang tao and blah blahssss. But in reality it really reflects on them kung bakit ganun ang anak.

Totoo to. Lagi kong naiisip din na bakit kaya ganun yung ibang parents, sarado ang isip sa pagpapakumbaba at pagtanggap ng pagkakamali, dahil ba sila ang nagpalaki satin. Minsan kasi yung pagpapaubaya natin na ma-manipulate nila tayo akala natin we're just being a good daughter/son pero yung outcome ng pagkakaron ng manipulative parents ay nagrereflect sa behaviour ng bata paglaki. Kaya pag adult na yung bata, nagiging manipulative din, nagger, wants to control everyone or over submissive naman para maappreciate.

sxymnky

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #116 on: July 05, 2010, 12:31:40 pm »
I love my MOM utang ko sa kanya ang BUHAY ko  :)

genivy21

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #117 on: July 06, 2010, 09:16:16 am »
ganun na yata talaga, after nila tayo alagaan at intindihin(minsan nga di naman) e tayo naman ang me responsibilidad na ganun sa kanila.

minsan i feel too na mas gusto ng mama ko na nakikitang nahihirapan ako. iniisip ko baka para maappreciate ko siyang lalo kasi nangyari sa kanya iyon kaya kapag pinagdadaanan ko, parang ang babaw na matuwa dahil alam ko na ang pinagdaanan niya. kaya minsan kahit me problema ako sinasarili ko na lang. nakakapikon ang i told you so e!

im in my early 30s na din, so matured na ang isip. para bawas friction, i always think na kahit siya dapat ang maging role model, tao pa din siyang nagkakamali. isama na ang old age at hormones(menopausal) kaya habaan ko na lang ang pasensiya.

i think din there's no perfect mother kasi kung meron sana naattain ko na iyon. pero sa kahit anong pilit kong maging perfect mom, pumapalya pa din. so inaapply ko na lang sa mama ko iyon. she maybe trying, at least nagtry. saka 80% of the time okay naman siya e. huwag lang sumpungin! lol

Poleng

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #118 on: July 06, 2010, 10:36:16 am »
you can't choose your family.
and there's a thin line between love and hate.
no one is perfect. forgive, forget, move on.
rather than blaming them, learn from their mistakes.
be the best to your own future family.
do not bear grudge yet always remember. it's a lesson learned.  ;)
« Last Edit: July 07, 2010, 01:15:40 pm by Poleng »

sxymnky

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #119 on: July 06, 2010, 12:20:30 pm »
you can't choose your family.
and there's a thin line between love and hate.
no one is perfect. forgive, forget, move on.
rather than blaming them, learn from their mistakes.
be the best to your own future family.
do not bear grudge yet do not forget.

 muito bem! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close