watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170383 times)

miss_o

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #40 on: March 26, 2009, 02:41:48 pm »
i used to hate my mom.. for 4 months talagang di kami nagpapansinan kahit we live in the same house.. kahit siya ang me kasalanan mejo mataas ang pride niya kasi.. but during those days na dedmahan kami, talagang namiss ko siya.. kahit nagkikita kami dito sa bahay iba pa rin yung naguusap kami or lumalabas kami.. so nung monday paglabas ng hubby ko sa room namin papasok naman mom ko sa room nila then tinanong nya kami kung sasama kami sa outing ng ofc nila.. parang me tumulak sa akin na lapitan ko na siya kaya hayun di ko na nacontrol napaiyak na ako at niyakap ko na siya.. i told her na namimis ko na siya napaiyak na rin siya.. then she said kalimutan na namin kung ano man naging misunderstanding namin.. ngayon mas alam ko na talagang di ko matitiis parents ko.. at sobrang love ko talaga sila...

olivia_bianca

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #41 on: March 29, 2009, 09:37:27 pm »
ako naman hindi ko "hate" si mom ko, in fact love na love ko parents ko, palagi ko silang pinagdadasal, pinagdadasal na sana maenlighten sila sa mga decisions nila sa only brother ko na sobra sobrang favorite nila.  syempre, only son yun, what should i expect. pero nakakainis kasi yung disparity ng treatment sa aming girls and dun sa only son e. 

imagine, apat kaming magkakapatid and i am the eldest.  alam ko from the start walang may interest sa family business namin kaya i told myself na after graduation, i will work outside the business for a while just to have an experience pero i will go back to our business to help my parents.  ilang taon ako andun nag wowork pro bono (pero may allowance naman minsan).  my aim is to improve and develop the business.  yung dalawa kong sisters work in a call center and yung only brother ko ay sa isang IT company.  lahat sila night shift sa work, leaving the house at around 10pm to 1 am. pero alam nyo ginawa ng nanay ko?  pinag resign sa work ang anak nyang lalaki kasi delikado raw sa daan pag ganung oras na umaalis!! duh?!  ang laki laki ng katawan nun noh, at pwede ba, matanda na yun 27 years old na yun noh, kaya na nyang pagtanggol sarili nya! e bakit yung dalawang sisters ko hindi nya inalala?! eto pa malala, simula ng nag resign yung only son nila, wala na ginawa sa house kundi mag games sa computer!! maghapon, magdamag!!  at eto pa, sabi ng nanay ko, dun nalang daw magtrabaho yung brother ko sa business namin tutal sa kanya naman daw mapupunta eventually yung business.  kainis di ba?! ako kaya ang kasama nilang naghihirap dun!  ten years ako dun nagtrabaho, tapos ganun maririnig ko?  ang kainis pa, kung kelan  nya lang gusto tumulong sa business, dun lang sya pupunta.  at astang bosing na agad ha, utos dito utos dyan.  tapos, eto pa, kinuha pa pala ng insurance ang brother ko at sila ang nagbabayad!! at eto pa, may sweldo yung brother ko ako wala!!  alam nyo yun?  tapos kung may gustong bilhin na puro wala naman katuturan, nakasahod palagi sa parents ko.  samantalang kaming 3 girls, hindi namin ginagawa yun.  hay naku!!  sobrang unfair di ba? tapos palagi nyang inaalala brother ko, baka walang pagkain, baka magkasakit, etc..  pwede ba?!  e wala talaga silang pakinabang dun sa lalaking yun e.  ni hindi marunong mag drive, pinag cocommute pa nanay ko.  or kahit mag commute nalang samahan man lang nya kung saan pupunta di ba? e wala talaga, inutil sya. at bale wala lang yun sa mommy ko. unfair sobra!

luisacart

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #42 on: April 05, 2009, 01:14:59 pm »
i have a bad relationship with my Mom, too although not as bad as all of you seem to have.
sabihin na lang natin na my relationship with her sent me into clinical depression.
but psychiatric therapy made me stronger in a sense na pag nag-aaway kami, I don't get upset about it as much as I used to. Natanggap ko na na ganoon talaga siya. And as much as I would like to have a healthier relationship with her, wala akong magagawa if she keeps shutting me out. Her actions are something I cannot control I can only control my emotions and my thoughts. So I just focus my energy on making my life happy.

"God grant me the serenity to accept the things I CANNOT change. Courage to change the things I can. And the wisdom to know the difference."

sheryllynn

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #43 on: April 17, 2009, 11:12:00 am »
Whatever happen she's still your mom, don't allow that feeling take- over your heart. Take a pause and think all those good things and happy moments you've shared together.Pray and ask guidance from the Lord.

maryann_bonjoc

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #44 on: April 17, 2009, 01:28:14 pm »
thanks talaga na meron pala ganito na topic, meron din kasi akong sama ng loob sa parents ko esp. my mom, na hindi ko pwede talaga i share kahit kanino kasi baka ma misinterprent nila na napakasama ko na anak or ugali, atleast man lang dito maipalabas ko mga hinanakit ko, please mga sis tell me kong masama ba talaga akong anak.

kasi sis ganito , b4 single pa ako and still studying na feel ko na talaga na mas favorite nila yong ate ko kasi nakikita ko na halos lahat ng gusto ni ate binibigay nila, ako hindi nalang daw muna kasi bata pa ako nasusunod ko naman daw mga gamit ni ate like that, i know din talaga na mahirap buhay namin na need pa talaga ng parents kong kumayod pa talaga, yon talaga nakikita ko sa kanila dati.kaya ok lang sa akin yon. nag work na ako kahit maliit lang sahod ko nagbibigay talaga ako sa kanila, dumating na nag asawa na ako.mula ng umalis ako sa bahay namin sis never na talaga akong nanghihingi sa kanila hanggang sa nakapag asawa na ako.kahit meron kami mga financially problems sabi ko sa hub ko na wala ka talagang maasahan sa pamilya ko.kasi ayaw ko na magka problema sila dahil sa akin. kaya naiintindihan din yon ni hub pag may prob. kami sa pamilya nya talaga kami lumalapit.sa abroad na si hub nag work dun na marami na sinasabi yong mama ko sa akin na sarili ko lang daw ang iniisip ko, hindi daw ako tumanaw ng utang na loob sa magulang? tama ba yon sis? although nagbibigay pa rin nman ako sa kanila kahit konti , kahit nahihiya na rin ako minsan sa asawa ko, feeling ko kasi gusto nila monthly ako magbibigay sa kanila e wala kaya akong work?syempre inuuna ko rin yong pamilya ko bahay mga gamit. tingin kasi nila mayaman na daw ako iba daw talaga ugali ko,nasaktan talaga ako sis, sinabihan pa talaga ako ng mama ko na masama daw ako ugali ko baka daw lahat ng biyaya ko kukunin ulit sa akin.pinamumukha nila sa akin na nagpapakahirap daw sila papalaki at pagpapa aral. buti nalang sis sobrang bait ng asawa ko kaya sa kanya nalang talaga ako kumakapit e ang hirap nga rin wala cya dito.pag naalala ko nangyari sa akin umiiyak nlang ako. bakit nila ako ginaganito samantalang lahat ng mga kapatid ko nag aasawa sa kanila lahat umaasa sa bahay namin sila nakatira bakit hindi sila dun nagagalit dba sis?   yet, tumutulong din ako sa mga kapatid ko minsan. naiisip ko bakit parang hindi sila masaya na naging ganito yong buhay ko na kahit papano hindi ako naging pabigat sa kanila. hindi ako naging dagdag sa mga iba nilang anak na sila yong bumubuhay kahit may mga asawa na. hindi naman pwede na lahat nalang ibigay padala ng asawa ko ibigay ko sa kanila ano nalang sasabihin nya? pag uwi nya wala man lang akong na ipundar dba? nakakahiya nga kasi sarili ko pa talagang pamilya ang nararamdaman ko ng ganito.


Obachan

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #45 on: May 30, 2009, 12:33:41 am »
hindi ko naman sobrang hate nanay ko, medyo iritable lang nagiging isip bata kasi kung minsan.
ang gusto nya kasi kung ano ibigay ko dun sa partido ng asawa ko dapat sila din meron kundi mag-iisip at magsasalita sya agad ng negative towards my attitude. tama bang attitude un?
when my baby and I go out, sya ang sinasama ko especially sa malls para malibang naman sabi ko kundi magtatampo sya at sisimangot pag nakita nyang un yaya ang sinama ko at hindi sya
pagnasa mall naman kami while paying on the cashier, instead na un atension nya nasa baby ko kasi nga nasa counter ako, andun sa mga tao.
pinapanood nya bawat kilos, galaw,salita ng tao, like watching movie!
ayun pagtingin ko sa baby ko sa stroller pawis na pala kasi mainit sa pwesto nila.
alagain pa!
you guided her in every way like that way is the cr, you have to call the waiter/waitress for the water she needed or tissue - alagain!
kala mo bagong luwas ng probinsya!
un anak ko na umiiyak sa stroller pinabayaan ko na kasi nauuhaw na daw sya! my gosh!!
hindi ko naman pinapakita na inis nako, dinadaan ko na lang sya sa biro kasi naisip ko nanay ko sya


harlet

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #46 on: June 05, 2009, 03:46:30 am »
^yes, mga nanay na pasaway....tamang i-refer lang na nakaka-irita sila pero di naman hate na hate....

^^sis maryann, mas maraming magulang ang ganyan ang mentalidad na obligado ang anak na tumulong sa kanila....mga sinaunang kaisipan....at di na mawawala ang favoritism sa pamilya.....

i have also a problem with my mother, di ko siya maintindihan....parang laging asar sa mundo....di naman siya dating ganyan...or it has something to do with being old na talaga?  problema lang ang iluluto niya, salo-salo na ang ulo at noo....araw araw ganun ang drama....sabi ko sa kaniya, buti nga di mo problema kung saan kukunin ang pambili ng food.....

kasimpleng bagay, pinalalaki....at ayoko ng ganun, ang lakas makahawa ng negative aura....minsan nga pag inis na ako, pinapausukan ko ng insenso, he he....

may time din na parang ayoko na siyang kausapin para di kami nagka-clash....

about naman sa favorite na anak, ayun, yung anak niyang lalaki paborito niya....pilit niyang pinasasaya kahit ako naaapakan....to think na sa akin siya nakatira at ako nagpo-provide ng mga needs niya, tulad ng maintenance ng medicines ....yung paborito niya, minsan maabutan siya ng pera, masayang masaya na siya.....

hay, unfair talaga....parang ang ginagawa ko sa kaniya eh so so lang....compared sa ginagawa ng bunso niya.....


mkasj_rn

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #47 on: June 05, 2009, 04:14:45 am »
hindi naman sa 100 % na HATE ko yung mom ko, siguro? tamang term dun is "NAIINIS" ako sa kanya. . . I agree sa mga ibang sis natin dito, sa mga hinaing nila about sa mga mommy nila.  :-\ here are the things that
I hate/kinaiinisan ko about her:
1.) pagiging nagger! lagi niyang inaaway dad ko! as in harapan. :(
2.) HATE ko yung pag dadabog niya! tipong kung anong mahawakan sa kitchen sa sala eh ibabato niya sa inis!
3.) kakauwi ko pa lang from work and definitely pagod na pagod ako. .  Pagkiss ko sa kanya eh nag lalaba siya nun tinalakan ba naman ako kung saan saan nanaman daw ako nag lalakwatsa! ni hindi ko na daw siya naisip tulungan sa bahay. tas yun tuloy tuloy na pag bubunga nga niya! hate ko pa naman ng negative aura sa bahay kasi nakakasira talaga ng araw. Hindi man lang magawang kamustahin ako or what.
4.) sorry for the term, pero i hate it everytime i hear her say sa dad ko "panay walang pera! laging ako na lang ang gumagawa ng paraan"-hay d niya ba naiisip ang dami ding expenses ng dad ko to think pinapaaral pa yung kapatid ko na sobrang hangang ngayon eh d parin alam kung anong course ang tatapusin sa college, yung rent sa business namin,business namin expenses sa bahay etc. . .
5.) ETO PINAKA AYAW KO SA KANYA- SA TANDA KONG TO EVERYTIME MAKAKAMUSTA AKO NG MGA FRIENDS NIYA KUNG MY BF NA BA AKO OR BAKA MAG AASAWA NA DAW AKO SAGOT BA NAMAN BAWAL PA DAW AKONG MAG BF AND TUTOL DAW SIYA! AYAW DAW NIYA! DUHHH ANONG BALAK NIYA? IGAYA AKO SA KANYA NA HALOS 39 NA NUNG NAG ASAWA? KAYA NGA ANG LAYO NG AGE GAP NAMIN. :( SABI NIYA MAG AASAWA LANG DA AKO AGAD PAG NAGKA BF AKO, D NIYA ALAM SA SOBRANG PAGKA STRICT NIYA NAITAGO KO NA YUNG BF KO FOR ALMOST 4 YEARS!
6.) Hate ko siya pag nagagalit and panay bad words naririnig ko sa bibig niya
7.) Minsan she doesn't know how to appreciate things around her. :(-kaya malayo loob ko sa kanya kasi napaka opposite nila ng dad ko. . . Dad ko sobrang pasensyoso and malumanay kausap! siya ang war freak ever!!!
8.) NEGATIVE THINKER!
9.) My favoritism! pero mahal ko din yung brother ko, kasi pag pinapagalitan ako ng mom ko he always approach me and sweet naman kapatid ko kahit na siya yung problema namin sa family :(
10.) Hay, :( tama bang maging mentality niya na dapat yung sahod ko eh meron siya laging share?. d naman niya sinasabing deretso pero base sa mga pahapyaw niya. tipong dati nag pa rinig siya dati - ANG SARAP SANA KUNG MERON NA LANG NAG AABOT NG PERA SA AKIN AND SASABIHIN BAHALA KA NG MAG BUDGET!- Kung ako nga hirap parin mag ipon :(, since nung college napa kuripot niya nga sakin as in pag kinukuha ko weekly allowance ko d ko alam kung pano ko pag kakasyahin. Tipong pamasahe lang and kung gusto kong kumain eh dapat pang 30-40 pesos na pagkain lang.
11.) Pagiging negative thinker niya, yung pag dedegrade niya sa dad ko! ! !
« Last Edit: June 05, 2009, 04:51:34 am by mkasj_rn »

hisana

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #48 on: June 06, 2009, 06:18:56 pm »
It's been a year of no contact with my mom. I feel so free, na para bang nabawasan ang negativity sa buhay ko. I'm moving on.  :)


ausie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #49 on: June 06, 2009, 07:35:14 pm »
hate is such a strong term... naiinis siguro

i am trying to find out why malayo ang loob ko kay mama. for far ito mga reasons ko

1. nagger siya
2. sobrang laitera kahit kami nilalait niya. yung tipong [textspeak!] ba yan magdiet ka nga at bumili ng mga magagandang damit. wala kang kapersonality paano ka nyan makukuha sa trabaho. kaya di ka nagkakabf kasi ala kang pakialam sa itsura mo. i know she means well pero sana in a different way niya naman ipakita ang concern niya.
3. sobrang maligalig, konti konti lang nagwoworry na kaya kami tuloy naiinis kasi baka mapaano health niya
4. iniisip niya iisipin ng iba before ikamusta kung ano na ba nararamdaman namin
5. nararamdaman ko rin ang favoritism samen
6. condescending ang tone most of the time which is really irritating

gusto ko mahalin siya kaso these are the reasons that is preventing me from doing so. sana soonest i can get pass these reasons and show her how much i appreciate her as a daughter should

mira.dreyes

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #50 on: June 07, 2009, 05:00:46 am »
Do you feel the same way towards your mother?

Ako it started lately lang. Actually kasi, noon pa lang may mga tampo-tampo na ko sa kanya. Kasi mas favorite nya ang younger sis ko. Though she doesn't admit it of course, pero I can feel it, I can see it.

Magkaiba kami ng sis ko, ako yung tipong responsible and masunurin type na anak. Yung sis ko is more of the independent type pero hindi naman rebeldeng anak. Since we were young, ako yung laging napapagalitan bcoz I'm clumsy, I wet my bed, etc. Yung sis ko naman is super lazy doing household chores, mahirap utusan, etc. so I end up doing all of the chores instead. Sometimes I thought that it's kinda unfair, pero ni minsan wala akong naging ill-feelings or inggit towards my sis.

So the pattern goes on until we grew up. Nung may work na kami ng sis ko pareho, bumukod na kami sa parents, pero hindi kami magkasama ng house na ni-rent. Kasi I'm organized, si sister naman is mejo makalat sa bahay. Tapos, ako pa rin yung laging mas nakaka-alalang dumalaw sa parents, ako pa rin yung mas nakakaalalang magbigay ng money, etc. But everytime I visit them, mom would always ask me "Where's your sister?". Whenever I text my mom, feeling nya lagi is yung sister ko yung nagtetext sa kanya. So next time na magkita kami, magkukwento sya kung anong pinag-usapan nila ng sis ko sa text... eh samantalang ako naman yung ka-text nya nun. Tapos pag Xmas, laging mas bongga ang gift nya kay sis kesa sa akin. I tried talking to her about it, pero sya pa ang nagalit. I'm accusing her of something that is not true daw. So ang nangyari... ako pa rin ang nag-apologize.

Then, nung mag-bf pa lang kami ni hub, gusto sana namin buy muna house then kahit simple wedding na lang. Kaso my parents didn't want a super simple wedding coz shempre invited pa mga relatives. So hindi muna kami bumili ng house and nagpakasal muna. After a year, mom just found out that my sis and bf bought a house, almost same date as my wedding date, and sis just hid it from us. Then she got married recently, a super simple wedding... and mom agreed on that without any qualms.

Then recently lang, some accident happened to me so I consulted a doctor, and I discovered a serious illness. Pero the symptoms of this illness was evident na since I was a kid. I just didn't know why my parents ignored those symptoms that time and hindi man lang ako nagawang ipacheckup sa doctor.

And now when I think about my life...those memories of my childhood sa parents ko, I feel sad and upset. I feel sad coz I know, the cycle of favoritism between me and my sis will never be resolved no matter what I do. I'm upset bcoz, I'm at this stage of my life now that it doesn't matter anymore if mom doesn't love me that much, as long as I have my husband, pero it seems like my illness which has uprooted from my sad past as a child might hinder my happy future. I'm starting to hate it, why mom didn't even bother to bring me to a doctor when I was still a kid. Samantalang when my sis got sick din nuon, I remembered them staying at the hospital and leaving me at home with my aunt. I feel so bad it hurts too much.

By the way it's my mom's bday next week and I'm planning not to go. I'm not sure if I already have the guts to face her, since they don't know yet about my illness.

Please enlighten me sisses...



Hi sis!  Its really sad to hear your story...

But for me your mom doesnt have favoritism.  She has her own way to show her love sa inyong dalawang magkapatid.  Siguo kaya hindi siya mas affectionate sayo kasi understandable ka, unlik your sister na parang gusto sabihin eh "she doesnt need your mom."

In regards naman yung sa naging sakit mo, I just cant find any reason na hindi ka ipagamot ng mom kung alam nila?

Ang hirap i-explain sis eh, are you mom na ba?  Siguro mas maiintindihan mo kung may mga anak ka na.

I'll pray for you sis!
Get Well!

jaymilu_620

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #51 on: June 07, 2009, 08:07:10 am »
Sis punta ka dun sa bday ng mom. Mom mo pa dn sha inspite na ganun sha..

Just live your life sa gusto mo. Gwin mo kpag me mga ank kn dnt do the sme mistake dat your mom does.possible na she didn't notice or d lang siya naging sensitive enough.
Me mga reasons din yan that in time will reveal why she's like that.

Yung illness mo sis bka its a wake up call din to count your blessings.just hang on with god

harlet

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #52 on: June 07, 2009, 09:10:27 am »
 sis,randallpup001, since you are married na and nakabukod naman na sa mother mo, wag mo nang isipin yung favorite ang sis mo.....divert mo na lang yung attention mo sa ibang bagay, sa family life mo....

ganyan ginagawa ko, dedma na lang kung ang brother ko favorite niya....

but still, stay as nice to your mother, as in kahit civil na lang....sabi nga pinagpapala ang mabait na anak...

i'll pray for you too, sis....

aiden

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #53 on: July 24, 2009, 09:43:28 pm »
Stop blaming your mom for your sickness. sige, given noong bata ka hindi ka nila pinatingin sa doktor... you could have done that yourself naman when you were in high school or college. hindi mga magulang natin ang dahilan ng mga sakit. walang tao na pwedeng magbigay sa atin ng sakit.

(naaalala ko noong sinabihan ako ng lola ko na ako dahilan ng pagkakasakit ng nanay ko na cancer dahil nagbibigay ako ng stress sa nanay ko. siyempre galit na galit ako. at sobrang sakit. ano kinalaman ko sa isang sakit? diyos lang ang may kaya nun.)

naaalala ko nung nagagalit din ako sa mama ko noong high school ako na may favoritism siya. then in college i realized, eh ano ngayon kung maay favorite siya? nakakabawas ba sa god given talents ko, sa dignidad ko bilang tao kung mas paborito niya kapatid ko? hindi ibig sabihin na may paborito ay hindi ka na mahal ng nanay mo. walang absolute na pantay kahit sa magkapatid. i agree ^^^ hindi necessarily favoritism but iba lang ang pagmamahal or methods applied to you as compared to your sister.

i may sound a devil's advocate pero ano bang mabuting magagawa of hating your mom? konting kibot lang pati text pinupuna pa. mas masaya ka ba at mas nakakatulong ba sa sakit mo na may kinikimkim kang galit sa nanay mo? kung ang paghihinakit sa nanay mo ang magpapagaling sa iyo, by all means hate your mom. otherwise, get over it. gawan ng solusyon. walang overnight solution. but it will start if you GET OVER IT without preconditions na kailangan humingi ng tawad nanay mo sa iyo.

Question: Do you feel love for your mom?

Sorry to be so blunt but watching Dr. Phil and Gilmore Girls with angst-y kids blaming their parents through their 40s is getting old.

Okay lang na mainis sa mga magulang. Natural yun. Dahill tao tayo. TAYO includes our parents. They are human. Fallible. Madalas nakakalimutan natin na tao at nagkakamali ang mga magulang natin.

LOVEmyLIFE

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #54 on: July 31, 2009, 07:25:10 pm »
^ I agree. tao lang sila and same with my mom, nagkakamali din ako madalas regarding my daughter. for me, i hate how she treats me, and not really her. before, she never ever even care about me. i join contests sa school and wala akong naramdaman na kahit anong support from her. i grow up being independent and letting them believe i'm a black sheep but i only care less since i know why ganito ako. funny pa nga coz when i reached college, i took psychology for me to understand myself fully. if there really is such thing as middle child crisis, etc.

sis prettygurl00001, i agree! siguro God has his own way to let us know na whatever happens may good thing pa din na mangyayari sa life natin. I'm so thankful din na sobrang bait and understanding ng naging husband ko. How i wish next year na para makalipat na kami sa sarili namin house and to start my independent life all over again! :)

simplemind

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #55 on: July 31, 2009, 08:41:00 pm »
sorry to hear your story sis, and to your health as well,

Sis miski your not lucky to have a not so loving mother, your more lucky naman to have a very kind husband diba? ganun talaga di lahat down side nalang palagi

About sa health mo be strong   pinag sama sama na rin siguro yung trials mo then after that you will be better.
Keep hoping and pray harder na malagpasan mo all your trials ....

moonie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #56 on: July 31, 2009, 10:42:47 pm »
Ano ba naman yung parents mo, sis, parating kang hinihimatay, di man lang nila naisip na ipatingin ka sa doctor?  Shouldn't the death of their eldest child have intensified their concern for your health?  Kahit man lang ba sa albularyo hindi ka dinala?  Sorry, but your parents seem negligent to me.

As for your mom, she seems set in her ways.  Avoid mo na lang siya.  She can take care of herself.  You have your health to worry about.  Kahit anong sabihin niya about you, huwag mo na lang pansinin.  Minalas ka man sa mom mo, maswerte ka pa rin you found a husband who takes care of you. 

simplemind

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #57 on: July 31, 2009, 11:19:35 pm »
what might your mum reaction kaya sis if you will going to tell her about your setuation now?

try to tell her nalang sis and talk to her heart to heart

twelvth_goddess

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #58 on: August 20, 2009, 03:12:51 am »
It must be really hard for you and I know na masakit yung pinagdadaanan mo.

I love my mom though she's unreasonable most of the times. When I talk to her lageng binibigyan ng masamang kahulugan mga sinasabe ko kahit simple questions lang. I also know that sometimes it's frustrating to talk to her kase mejo closed-minded na sya and feeling nya ako lage ang mali and sya ang naapi. It's hard to give an advice pero siguro all i can say is learn from her mistakes. I cant say that I'll be a better mom but since alam ko yung mga bagay na masakit para sa isang anak, I will make sure that my kids won't feel and wont be treated the same way.

orangebabe80

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #59 on: August 24, 2009, 08:17:27 am »
ako naman ang nanay ko nung bata kami wala naman favoritism kaso mahilig lang siya manakit alam nyo sa umaga pag gcng mo pa lang may almusal ka nang mura, tas bago ka nya bigyan ng baon mumurahin ka muna at papaiyakin ganun siya atsaka lagi niya kami pinapahiya grabe!!! natatandaan ko non high school ako kapit bahay lang nmen ang pandesalan so sa umaga sempre dami tao kc dami gusto bumili ng pandesal di ba? nahingi kami ng baon sa kanya at papasok na kami, nung ginising namin siya nagalit tas nagmumura na hindi na siya nahiya sa mga kapit bahay grabe aga agang murahan di man lang kami ask kung nag alamusal na kami kaya un lumabas kami ng kapatid ko na luhaan naka tungo na nga lang kami kc nahihiya kami sa ginagawa ng nanay ko grabe lagi siya as in everyday lagi siya ganun pag di pa siya kuntento mananakit pa yun, kahit wala kang kasalanan bigla ka nalang tatawagin at pagagalitan ka tapos bigla ka nalang sasampalin grabe ang sama talaga ng loob ko sa kanya at until now dala ko pa rin yung sama ng loob nyun pag naaalala ko lang naman.....pero ngayun may edad na siya at nakikita ko nang puti na buhok niya naawa ako sa kanya at pumayat talaga siya napatawad ko na siya pero nung time na yun sobrang sakit talaga.....sabi ko nalng sa sarili ko pag nagka anak ako hinding hindi ko siya gagayahin...may time pa nga na alas tres ng madaling araw ewan ko ba san siya galing nun bigla na lang kami inakyat 3 magkakapatid [textspeak!] mga 8 ako nun tapos kinaladkad kami sa hagdanan tas pinalabas kami ng bahay sabay ni lock ang pintuan kundi ba naman lokaloka! naawa ako sa mga kapatid ko! kaya nung first and last na away namin sinumbat ko talaga sa kanya yun, kaya yun bumait naman kaya close na kami....pero sabi nila bad daw kc yung may galit ka sa magulang or inaaway (na di mo naman maiiwasan kc) mamalasin kadaw pag ganun

sis threadstarter i pray for your helath na lang naiintindihan kita sa nafefeel mo now, kc mahirap talaga na may ganyan din na mom, kay to all mommy's na dont hurt ur kids phisically and emotionally kc ang bata matatalino alam nila kung ano ginagawa mo sa knila since nung bata pa sila, about having a baby naman alam mo ba at european country late na sila nag baby, here abroad bata pa sa kanila ang 30 to 40 na age kaya sila most of them nagpapakasal sila ng 32 above, at late na nag baby yung ngalang hangang 2 kids or 3 kids lang sila meron ako dito alam, anak ng employer ko, 58 na ang anak niyang lalaki at 44 ang wife niya eto lang sila nagkababy 7 months pa lang first baby nila ha, kaya dont worry sis kaya pa yan, ako nga im 28 na kaso target age ko kc magkababy 32-35 kc [textspeak!] ko [textspeak!] naman 2 kids e, atsaka i dont believe kc na hangat bata mag baby na, para pag lumaki para mo lang kapatid or makita mo kagad ang apo mo...ayoko ng ganun kung ganun gusto mo tas wala ka naman pera para mabigay gusto niya or magiyan mo siya ng magnda kinabukasan nag anak ka pa....european kc hindi ganun ang mentaliy nila sila bago mag anak talagang professional na sila at may sariling house never kc cla tumira sa parents after the wedding e, kaya 18 palang sila nabukod na sila.....at sure sila bago mag settle down na kaya talaga nila bigyan ng magndang future ang kids nila kaya dont worry sis kahit late ka na mag baby at isa ako dun pwede naman i pray for u sis.... ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close