watch now

Author Topic: Healthcards  (Read 106893 times)

msals2007

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #220 on: March 01, 2012, 02:03:57 pm »
6k is cheap already. kung may ganyang offer sa company namin ikinuha ko na lahat ng 3 kids ko. Ang healthcard is one incentive that I really appreciate but wish na hindi ko mamaximize ang usage :)

aleng_maganda

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #221 on: March 01, 2012, 07:52:49 pm »
 

 Hi, i want to get your opinion, kung hindi ba company benefit ang health card nyo and voluntarily paying lang kayo, like yung mga family plan ng maxicare, do you think its still worth it? Kasi ang daming pre existing condition kapag hindi company benefit eh. To think na ang mahal pa ng premium.

 Gustong gusto ko kasing kumuha for my family kaya lang baka uminit lang ang ulo ko pag PEC ang ikatwiran sa kin. Im not employed kasi, we run our own business kaya walang mga ganyang benefits.

hunny_ally

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #222 on: March 01, 2012, 08:14:27 pm »
^starting this year, my husband's company would no longer cover a portion of my and our kids' coverage. Na-change kasi designation niya so they removed that benefit (you earn some, you lose some ika nga nila). Before kasi subsidized. But we still get the same rate group rate his company is paying for sa maxicare. I think it's Php 18k/year/person. Still cheaper. But Multiply that by 3. Malaki-laki din. But my husband and I decided we'll still get. Sometimes that's the price to pay for peace of mind.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #223 on: March 02, 2012, 12:26:18 am »
^Agree sis. We're lucky na lang na the companies we work for cover healthcards for our dependents too so we don't pay anything. They get the same benefits that we do. Now, kung hinde ganon ang situation and we have to shell out money, yes I will definitely not hesitate to get one. Kung I can afford to spend money lavishly on shopping and other material needs, mas lalo naman na I will not hesitate on putting my money on healthcare.

^^Canvass ka muna ng iba-ibang healthcards sis. I forgot na if it's Intellicare or Medicard yung ok ang coverage kahit hinde company subsidized.

aleng_maganda

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #224 on: March 02, 2012, 01:14:49 am »

  Thanks mga sis, parang im choosing medicard kasi may new born ako, sa maxicare kasi 2 yo ubove lang.

^^ Tagal ko na gusto kumuha talaga. Nag dadalawang isip lang ako kasi sabi nga di daw masyadong okay pag di corporate account.

^ yes sis, yun ang gusto ko malaman kung saan mas okay kahit hindi corporate account.  Sana may makapag feedback.  Thanks!

Sana makapag feedback si sis stormy kasi family plan sya. Kung okay naman ba kahit family plan lang.

stormy

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #225 on: March 02, 2012, 02:10:52 am »
^hi sis. Hmm hirap sagutin nyang tanong mo.

Una, kalimitan ang raves e kapag company benefit yun healthcard. Walang exposure sa expense kaya nakakafocus sa benefits ng healthcards.

Unfortunately sa atin na tayo ang magbabayad nun premium mas marami talaga kino-consider kasi nga kahit sabihin pa na almost 60k lang yan (for 3 pax) annual premium e sa d naman mayaman gaya ko, malaking halaga yan. At definitely d ko naman gusto mamaximize ang gamit nun healthcard para sulit :)

Pangalawa, iconsider if yun hospital na gamay ka e accredited yun healthcard. Kapag yes ang sagot dito, ok na :)

Ako kasi kaya lang naman laging nanghihinayang kasi may healthcard na e nagbabayad pa rin kasi d naman accepted ang maxicare sa slmc-global. Kapag emergency kasi yun ang nearest sa amin.

Pedia ng anak ko d rin maxicare accredited.

So yun healthcard namin yun tipong if ever magka-dengue or iba pa na sakit na nakakadrain ng bulsa sa gastos pag ma-admit sa hosp.

Pero even with a healthcard, malaki pa rin gastos namin sa health care. Yun siguro rason kung bakit kada renewal tagal ko mag-isip :(


Btw, hindi rin kasi ako yun tao na matyaga pumila sa clinic ng hmo company para dun magpacheck up para libre. Ayaw ko rin nun naexperience ko na kumut healthcard holder ako e sabi wala doctor pero nun inakyat ko nandun so nagbayad na lang ako (ENT ko talaga ito, gusto ko man lang sana magamit benepisyo nun card ko kaso bigo).

Ayaw ko sa ibang inconveniences, kaya feeling ko tuloy mas makatipid pa rin ako magbayad 800 subida sa MD sa hosp nearest sa amin kaysa magdrive ako (gas expense na pagod pa drive), park (bayad ulit) at maghintay ng matagal (kasi kapag d ka paying px e sa dulo ka based sa experience ko).


Realidad lang itong sinasabi ko ha. May iba na sobrang ganda experiences sa health card nila and happy ako for them. Kaso kapag personal na pera mo na ginagamit mo at d company benefit tapos makaexperience ka ng ganito siguro mag-iisip ka rin mabuti if worth it nga ba.


Pero sis aleng-maganda, at the end of the day nagrenew pa rin ako :) inisip ko na lang na gagastos rin naman ako e ilagay ko na lang yang gastos na yan sa listahan ko.

Pero (again) kung makakaisip ako ng diskarte or makakahanap ako ng hosp na ok pero mura, d na ako mag-hmo. Pag need iconfine dun na lang ako sa ok na mura. Makatotohanan sagot ito sis :) kaya pasensya na if bakas yun warring insights ko at walang arte yun sagot.

Edited to add: ika-3rd year na namin sa maxicare at never pa nagamit pero it doesn't mean na d kami nagkasakit for 3 yrs or napasok sa hosp :)

Kaming mag-asawa mayroon rin caritas shield since 2005 (I paid nun 2005 then by year 2015 matapos benepisyo) nagamit ko na once nun 2007 2 days naconfince sa TMC, mister ko hindi pa.


Ang alam ko rin, nagrerefuse ang health card companies ng renewal sa family/individual acct siguro (siguro lang naman) kapag madalas nagamit sa period covered. Ito dapat maverify dahil d ko alam if totoo. Nabasa ko lang ito at walang personal knowledge :) :) :) buti wala ako sa witness stand   
« Last Edit: March 02, 2012, 02:32:36 am by stormy »

imeego

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #226 on: March 02, 2012, 09:48:56 am »
wala din kaming healthcards, di kasama sa benefits ni hubby...dilemma ko din kung need ko pa ba kumuha para sa baby ko or better if i just save the money sa bank kesa magbayad ng premium....the thing is, di ko alam if masusulit pa ba yung ibabayad ko sa healthcard if ever because as of now, we get to avail free consultation, pf, and even my baby's vaccines were all given for free(without the hassle na pipila pa) while the rest like hospital room, meds, labs, etc may discount naman kami on top of the philhealth deduction pa so maliit na din ang amount na kelangan ishell out in case mahospitalize...dami nga kasi factors na dapat iconsider lalo na at di naman sya company benefit so individual/family account to kung sakali and parang mas madami ata hassle pag ganito (?)
« Last Edit: March 02, 2012, 02:57:18 pm by imeego »

simplybrilliant

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #227 on: March 02, 2012, 01:23:50 pm »
^mahal na nga healthcard pag di company subsidized.  kagaya sa amin, ako lang may healthcard c/o company. pag inenroll si husband + 2 kids, 22k x 3 = 66k --> ang bigat nga. so mag iisip ka talaga. peace of mind nalang ba bibilhin mo? kasi during the past years puro tapon nalang pera kasi di naman nagagamit.  mga 3 check-up lang siguro for the kids.  kami ni husband hindi talaga nagagamit.... PERO PANO PAG THIS YEAR KA NAGKASAKIT NA MEDYO MAHAL BAYAD SA HOSPITAL? ---> yan lagi tanong eh.  pero kung iniisip ko sa 2 years lang na di ko sila inenroll at sinave ko 66k/year may Php 132,000.00 na sana ako savings earmarked for health fund na kahit sino ma confine sa kanila yun nalang gamitin ko.

Ano na naging desisyon ko?  Kumuha nalang ako pinakamababa plan ng caritas.  at least may healthcard just in case.  2nd year covered na pre existing.  5 years lang babayaran 10 years covered.  pag di nagamit eh di tapon ang pera kasi after the 10th year coverage ibabalik lang ibinayad ko.  It comes with free insurance pa.  Aside from the healthplan kasi ieenrol ka din sa Caritas Financial na magcover sa iyong insurance at money back feature ng healthcard. I think we got a good deal.
« Last Edit: March 02, 2012, 01:26:13 pm by simplybrilliant »

aleng_maganda

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #228 on: March 02, 2012, 07:03:13 pm »
^^ malapit na sis, konti na lang macoconvince na ko, macoconvince na kong wag na kumuha ng health card. Like sa kin, na coconfine lang ako pag mamanganak ako. In my entire adulthood (since 18 y/o im 32 now) i cant remember na naconfine ako. Except nung nanganak ako.  Husband ko, 17 years na kami together since mag jowa, never pa din sya na confine.  Sa mga bata naman, puros check up lang din. Nung naconfine naman ng panganay ko, parang 15k lang yung last na confine sya. For 3 to 4 days.
Medyo magaan na yun compare sa  almost 50k na premium every year.

    Kasi kung iisipin mo, pag kinompute mo monthly almost 4k a month yun na lifetime. And hindi mo naman wish na mamaximize ang gamit lalot hindi ka naman corporate account. Mas convenient pa yung credit card for emergency, kasi tumatanggap na nga ngayon ng credit card sa mga hospital, just in case you got hospitalized, your bill is 50k, pwede mo itawag for installment. hindi din mabigat.


    And also sis, totoo yung pag health card holder ka, nasa dulo ka pila, now ko lang yan narealize na kaya pala,  yung isang doctor namin, lagi ako una sa pila, kasi nga cas basis ako. yung iba puro health card.

 

aleng_maganda

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #229 on: March 02, 2012, 07:15:42 pm »


   I have a friend pabalik balik ang cancer nya, 4 yrs ago yata she had stage 2 breast cancer na gumaling na, now naman parang sa cervics naman yata. Pati mom nya under going ng treatment sa breast cancer, Lahat ng hospital bill nya pati chemo nya i think pati mom nya. Health card sumagot nun, sa 5 star hospital pa sya nagpapagamot. Kasi company benefit kaya walang restrictions. Kaya nga daw di nya maiwan ang corporate world dahil sa health benefit.

   Kapag ba individual or family account? Kasama ba ang cancer sa mga pwedeng gamutin? Or pagpalagay na natin na isama for the 1 st few years, sa susunod na renew mo baka sky high na presyo ng premium mo or worst is tanggihan ka na.

   

stormy

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #230 on: March 02, 2012, 10:13:35 pm »
Re: caritas, ok sana ito kaso kaunti lang accredited doctors plus during emergency e ikaw pa mag-aadvise thru text na nasa ER ka. Ayusin lang nila siste nila baka sa kanila ko rin ikuha anak ko.


^d yata kasali cancer sa plan namin. Maganda kasi talaga pag corporate ang daming mga benepisyo sa health card na wala sa individual/family acct mas mura pa. Saan hosp yun 3-4 days confinement 15k lang inabot? :)



twelvth_goddess

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #231 on: March 02, 2012, 10:21:14 pm »
Sadly, may mga bad experiences nga talaga with healthcards. May mga specialists na nag-opt out sa hmo, parang neurologists yata yun and another one pa. So kung dito mo kelangan magpa-check super limited ng doctors at sasadyain mo sila talaga.

One of our friends na doctor, sabe nya matagal daw magbayad ang hmo. It takes months daw bago magbayad and parang hinde pa full payment. One time naman, nag-consult ako sa derma ko using my intellicare and she said she cant accomodate it cus naka-hold sila sa pag-accept ng intellicare. I didnt ask na why but I said na i'll pay na lang the consult fee.

aleng_maganda

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #232 on: March 02, 2012, 11:55:33 pm »


  Hi sis stormy, my reply above is really for you. Nag kulang lang ^ hehe, hospital of infant jesus dun ang pedia ng mga anak ko they specialized sa kids.. Kung corporate maganda talaga ang feedback, kung meron nga lang papayag na corporate na makikiride ako sa HMO nila, pero i'll pay in full. Just to get full benefits. Ill grab the chance.

simplybrilliant

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #233 on: March 05, 2012, 08:21:23 am »
Re: caritas, ok sana ito kaso kaunti lang accredited doctors plus during emergency e ikaw pa mag-aadvise thru text na nasa ER ka. Ayusin lang nila siste nila baka sa kanila ko rin ikuha anak ko.


tama ka sis. you'll be the one to call pa and pag nag pachek-up ka you have to get the LOA pa sa office nila. you can call naman then pa pick up mo nalang.  at kung emergency naman, may hotline din naman sila na 24 hrs. konting sakripisyo lang yun (para sa akin ha) considering na affordable yung card and may money back pa.  wala talaga tapon na pera.  yung friend ko nga this year nagamit nya yung sa kanya para mag pa opera ng gallstones.  so ok naman pala talaga siya.  may i ttrade-off mo nga lang ang convenience na nakukuha sa ibang healthcard na hospital ang tumatawag at hindi ikaw. 

hunny_ally

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #234 on: March 05, 2012, 08:41:29 am »
Kahit ako now nag-dadalawang isip kasi nga the premiums will no longerbe covered by my husband's company unlike before na subsidized. Still a group account, kami Lang ngA ang magbabayad. But my husband's perspective is this: if Kung kotse nga you renew your comprehensive insurance yearly kasi ayaw mo mag drive na wala, eh bakit di ka kukuha ng healthcard. He said to just treat it like we have 3 more cars (he's referring to me and our 2 kids) that you have to get insurance for. At least with these "3 cars" di ka na gagastos para sa gas. pikit mata na Lang babayaran, anyway installment basis naman.

In terms of sa gamit, yung sa son ko ang pinaka-gamit. He was confined 2x in 2011 for pneumonia. And by his 2nd hospitalization we were told na x-amount na lang yung natira sa card niya out of Php 150k/per year/sickness. You can just imagine if Magkano nagastos niya during his first hospitalization plus those other labs he had to make. Kung sa sulitan, nasulit namin yung binayad for the premium. But then again, kahit di na namin masulit, wag Lang ma-ospital.

Twelvth_goddess, GIs din ata. Kasi before S had to consult a GI for her pooping problems. I was asking my kids' Lola pedia's secretary If sino ang maxi care accredited. Sabi niya wala daw any GI na ffiliated with any health cards.
« Last Edit: March 05, 2012, 02:11:56 pm by hunny_ally »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #235 on: March 05, 2012, 01:55:55 pm »
^Oh no, talaga Ally? Ang dami na din specialist na nago-opt out sa hmo. Tagal nga daw kase magbayad. Oh well, talagang may mga instances na hinde maiiwasan mag-cash out. Samin naman hinde covered ang vaccines, I'm not sure kung sa iba covered yun but ok na lang din kase it's really important naman and it's a given na when you have a baby talagang magsspend ka for vaccines.

sarahsensible

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #236 on: March 05, 2012, 02:52:43 pm »
^meron ngang one time nakipag kwentuhan ako sa secretary ng pedia-pulmo ng baby ko (buti yan covered ng Maxicare) sabi nya, ang mabilis magbayad at maayos kausap sa bayaran Medicard. Maxicare and the rest matagal daw talaga.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #237 on: March 05, 2012, 03:09:05 pm »
^Ah talaga? To think ayoko pa ng medicard. Pero sana nga after this year mag-change na kame ng medicard from Intellicare. Nakakainis kase sa arte ng process yang intellicare eh.

sarahsensible

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #238 on: March 05, 2012, 03:12:27 pm »
^bakit ayaw mo ng medicard sis? ako naman gusto ko..well nung time kasi na naka medicard kami ang bilis walang arte sa pag process ang bilis. Maxicare anung petsa na...

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Healthcards
« Reply #239 on: March 05, 2012, 03:32:33 pm »
^Yung previous company ko kase we had Medicard eh ang daming complaints ng co-workers ko about charges na hinde cino-cover and mabagal daw mag-process ng papers kaya nadadagdan yung bill sa hospital. Yung sa husband ko naman medicard din sila and wala naman syang hinde magandang feedback kaya I'm willing din to give them a chance.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close