^hi sis. Hmm hirap sagutin nyang tanong mo.
Una, kalimitan ang raves e kapag company benefit yun healthcard. Walang exposure sa expense kaya nakakafocus sa benefits ng healthcards.
Unfortunately sa atin na tayo ang magbabayad nun premium mas marami talaga kino-consider kasi nga kahit sabihin pa na almost 60k lang yan (for 3 pax) annual premium e sa d naman mayaman gaya ko, malaking halaga yan. At definitely d ko naman gusto mamaximize ang gamit nun healthcard para sulit

Pangalawa, iconsider if yun hospital na gamay ka e accredited yun healthcard. Kapag yes ang sagot dito, ok na

Ako kasi kaya lang naman laging nanghihinayang kasi may healthcard na e nagbabayad pa rin kasi d naman accepted ang maxicare sa slmc-global. Kapag emergency kasi yun ang nearest sa amin.
Pedia ng anak ko d rin maxicare accredited.
So yun healthcard namin yun tipong if ever magka-dengue or iba pa na sakit na nakakadrain ng bulsa sa gastos pag ma-admit sa hosp.
Pero even with a healthcard, malaki pa rin gastos namin sa health care. Yun siguro rason kung bakit kada renewal tagal ko mag-isip

Btw, hindi rin kasi ako yun tao na matyaga pumila sa clinic ng hmo company para dun magpacheck up para libre. Ayaw ko rin nun naexperience ko na kumut healthcard holder ako e sabi wala doctor pero nun inakyat ko nandun so nagbayad na lang ako (ENT ko talaga ito, gusto ko man lang sana magamit benepisyo nun card ko kaso bigo).
Ayaw ko sa ibang inconveniences, kaya feeling ko tuloy mas makatipid pa rin ako magbayad 800 subida sa MD sa hosp nearest sa amin kaysa magdrive ako (gas expense na pagod pa drive), park (bayad ulit) at maghintay ng matagal (kasi kapag d ka paying px e sa dulo ka based sa experience ko).
Realidad lang itong sinasabi ko ha. May iba na sobrang ganda experiences sa health card nila and happy ako for them. Kaso kapag personal na pera mo na ginagamit mo at d company benefit tapos makaexperience ka ng ganito siguro mag-iisip ka rin mabuti if worth it nga ba.
Pero sis aleng-maganda, at the end of the day nagrenew pa rin ako

inisip ko na lang na gagastos rin naman ako e ilagay ko na lang yang gastos na yan sa listahan ko.
Pero (again) kung makakaisip ako ng diskarte or makakahanap ako ng hosp na ok pero mura, d na ako mag-hmo. Pag need iconfine dun na lang ako sa ok na mura. Makatotohanan sagot ito sis

kaya pasensya na if bakas yun warring insights ko at walang arte yun sagot.
Edited to add: ika-3rd year na namin sa maxicare at never pa nagamit pero it doesn't mean na d kami nagkasakit for 3 yrs or napasok sa hosp

Kaming mag-asawa mayroon rin caritas shield since 2005 (I paid nun 2005 then by year 2015 matapos benepisyo) nagamit ko na once nun 2007 2 days naconfince sa TMC, mister ko hindi pa.
Ang alam ko rin, nagrerefuse ang health card companies ng renewal sa family/individual acct siguro (siguro lang naman) kapag madalas nagamit sa period covered. Ito dapat maverify dahil d ko alam if totoo. Nabasa ko lang ito at walang personal knowledge

buti wala ako sa witness stand