^saan ba location mo sis? province based ako e.
actually, heto meron akong kilala na gusto mag-put sa bandang Pangasinan, sabi nya iseset ko daw lahat then mag-ooperate na lang sya, i told her masyadong matrabaho on my part (kahit na babayaran nya ako he he he) kase i have an 8-5 office hours and negosyo na iba pa, so i listed na lang yung mga kailangan nyang gawin at bilhin:
first, hanap sya ng magandang location para sa office, if possible kung may mall (maliit or malaki man) puwede na sya dun mag rent.
second, business permit na (DTI, mayor's permit and BIR)
puwede na rin nyang isabay yung application sa PLDT or any telcos for her landline at internet connections (pinakaimportante kase ito)
bili na rin sya ng office equipment like, desktop or laptop, printer, fax machine, office supplies, tables, chairs, cabinets, etc.
usually ang interior decor naman ng isang travel agency eh, Philippine Map or World Map, mga other countries pictures like HK, US, Europe etc., may nahingi kase ako sa friend ko na travel agency din na PAL stickers kaya nilagay ko sa glass door ng office.
pagawa ka na din sticker logo ng CebPac, PAL, Tiger Airways, Cathay Pacific etc na puwede mong idikit sa office mo
then importante din yung signage ng office mo, ilagay mo din yung mga services offered, like passporting, tour packages, ticketing, NSO, documents authentication, DFA Red Ribbon, rebooking of tickets, at lahat ng services na gusto mo ilagay.
habang ginagawa mo ito, puwede mo na sya i-market or magpamigay ng flyers sa mga offices na madadaanan mo.
then pag may business permit ka na, contact ka ng IATA (pm ko na lang) para sa training mo ng abacus.
puwede naman wala ka munang abacus, just like what we did for 8 mos yata, bale nakikiride on lang kami dun sa agency ng friend ko. nung madami na kaming clients saka lang nagtrain ng abacus given by our IATA na isa.
ganun lang po kasimple...