watch now

Author Topic: Nahulog na ba baby niyo sa kama?  (Read 163790 times)

iampennylane

  • Guest
Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« on: November 21, 2008, 03:36:04 am »
Meron na ba sa mga Gtalkers mom na nakaexperience nito? Share your experiences mga sis. I can't imagine kasi kung ano mararamdaman ko pag nangyari to eh.

marose17

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #1 on: November 21, 2008, 09:15:15 am »
Oh yes!  It's a good thing my baby landed on the big pillows and he didn't feel a thing.  It must be his guardian angel.

After that incident, sa mattress sa floor na natutulog ang kids ko.

courtneylove

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #2 on: November 21, 2008, 09:36:54 am »
yes..
twice yata nangyari yun.
naiiyak ako nung una kasi baka mapaano siya..
sobrang delicate pa kasi lalo na yung head ng babies dabah.
yung pangalawa, hindi rin siya gaanong nasaktan kasi kasabay din na nahulog yung malaking pillow, and nasalo siya.
siguro sinave din siya ng guardian angel niya..
kahit ngayon na 3 yrs. old na siya, i make sure that may nakapaligid sa kanya na malalaking unan para maiwasan na mangyari yun...

daruelle

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #3 on: November 21, 2008, 11:19:59 am »
Unfortunately yes, and last Nov.11 ng gabi lang...

This is what happened - I left him sleeping peacefully sa bed, 10pm, kakatapos lang magdede and all.  Before I left him for GT (yes, GT! haha!)  put pillows big pillows near him, sa sides.  Sa paanan nya naman i put the bolster and naka fold na kumot, then hinila ko yung crib nya itinabi ko sa bed para mas secure sya kasi nakaharang ang crib.  This is my usual practice naman before I left him... The i closed the door kasi the aircon was on.  The computer room is just separated by the toilet so naririnig naman namin sya agad kung iiyak sya pag nagising.  But then that particular time, nag yosi si hubsm pinasara nya sandali yung door ng computer room, siguro mga 4-5 minutes yun....

Bigla ko na lang narinig na MJ is crying really loud, shouting-crying...so i rushed to the room, 3 steps lang ata yun! Pagtingin ko wala sya sa bed and he is on the floor sandwhiched by the bed rails and the crib!!! He was crying like hell and you can see from his face na takot sya, shock sya, and may masakit.  I picked him up right away, hold him close and try to comfort him while my eyes was searching for any blood on the floor or on his head.  THANKS GOD wala naman...

I couldn't breath! I want to smack myself...feeling ko sobrang pabaya akong mommy... I prayed, I cried, I was trembling while holding him so mom took him from me.  Pinainom namin sya ng water, dumede naman ng konte tapos iyak ulit...  Mega text agad ako sa mga sissies natin na mommies din, asking them what to do.

Here's what I did -

1. We give him water to drink immediately, para mawala nerbyos.

2.  Check for the lump (bukol) and put warm compress kasi hindi sya nag bleed, so para di mamuo yung blood, warm muna nilagay ko, nung lumiit na yung lump tsaka ko nilagyan ng cold compress para mawala na yung bukol.  Nag subside naman agad sya.

3.  Check vital signs, like eyes kung reddish.  Pag reddish daw means may pumutok na veins probably. Wala naman kay MJ.

4.  Observe for 30 minutes. Dont make him sleep right away.  Humans daw tend to feel sleepy immediately after the head injury, pero wag munang patulugin agad si baby, see if he will resume his usual activity, like dede, talking, playing etc... if he did, its good sign.  BUT if he tends to become super sleepy, then kahit ginigising mo eh parang sleepy pa din, rush him to the hospital...

GRABE.... it's one thing na I will not wish for my worst enemy to experience... i mean grabeng guilty at kaba talaga mafefeel mo kasi di makapagsalita si baby di mo alam kung ano nafefeel nya... Tsaka yung thought na nahulog sya sa sahig?!?! Mataas na yung 2feet para sa 6 month ols na baby ha! Parang nararamdaman mo yung "lagabog" nung ulo nya...maiiyak ka talaga...Sa isip mo, ako na lang sana...

safest pa din kung maitatakbo nyo sa Pedia nya, diba?

In our case, I did not see the need for it since after the initial shock eh nag return naman agad sa activity nya si MJ.  Tapos di ko pa sinabi kay hubby kasi baka forever ako ma-ban sa GT! at baka ako ay masapok hahaha!

What I cant comprehend until now is paano syang napunta sa pinakagilid ng bed para masipa nya yung crib??? I mean the crib itself is heavy ha, specially for his small little legs to push it away... then weird kasi yung lump nya sa left side near temple (tama ba "sintido"?), eh ibig sabihin nahulog sya sideways, tapos unang bumagsak left side?  Hirap iexplain dito pero weird talaga yung position nya kahit pa nagtumbling-tumbling pa sya sa bed before napunta sa dulo...

I do believe na sinalo din sya ng kanyang guardian angel MICHAEL, he could have suffered worst...

Advice lang mga mommies, if ever mangyari sa inyo tp...calm yourself and think logically... ang pinaka logical kong naisip since 10pm na to at malamang tulog na Pedia nya is -- call buddy mommies na may older kids than MJ and ask them what they did.  Para kasing yung pagkahulog sa kama comes incidental sa paglaki nila, haha! 90% yata ng mga bata nahuhulog sa kama one time or more in their lives :)


ratacutie

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #4 on: November 21, 2008, 11:26:15 am »
Yes, twice na.  Yung pinaka recent early this AM lang.  Buti na lang mababa kama namin.  Super likot kasi matulog daughter ko eh.  Biro mo, king na yung kama naman, tapos siksik pa kami ni husband sa magkabilang side, nahuhulog pa rin sya!  She usually falls off doon sa may paa.  Usually naman short lang ang iyak nya.

chiqmom

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #5 on: November 21, 2008, 11:29:44 am »
yes..nangyari to days before trife's birthday :-\


he was busy playing on our bed while im doing my work online. tapos ang bigla ng pangyayari, he was trying to reach his toys na nakasabit sa wall sa gilid ng kama when ayun nahulog sya. i was so shocked since nakita ko kung pano mgbounce ulo nya sa sahig because siguro sa lakas ng impact. nakatayo sya bago nahulog and mejo mataas kama namin so you can imagine gaano kalakas yung tama.

i rushed him to the hospital right then and there kahit walang kahit anong signs na may internal injury. walang lumps. sabi ng doc, gising gisingin ko na lang daw pgnatutulog just to be sure na ok sya. she asked me to do this for at least 2 days. then watch ko daw if mejo naduduling yung mata or laging umiiyak..buti ok naman si trife :)

thanks to his angel

ilaybalilay

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #6 on: November 21, 2008, 12:09:39 pm »
hay naku! thrice na. my baby has always been very strong and active kasi.

the first time was when she was less than a month old. umihi lang ako sandali, as in 1 or 2 minutes lang kasi few steps away lang ang bathroom. buti na lang asa floor lang yung mattress and it was 8" thick ata. ang likot kasi nya, sipa ng sipa until she was able to turn over on her stomach (still can't explain how that happened) then she skipped some more until sumubsob sya sa floor. buti na lang dahan-dahan lang ang pagbagsak nya, i was able to witness that kaya alam ko. tumahan sya as soon as i picked her up.

the 2nd time was when she was 9 months old. she has always been a small baby but she managed to jump out of her crib, 4' from the floor. tinalian ko na nga yun rails ng crib para di sya makaakyat dun pero nagawa pa din nyang tumalon. hanggang neck nya na yung height ng rails. syempre nanginig ako sa kaba. pero sabi ng pedia nya, iobserve at wag patulugin for 2hours. after the shock wore of, she was her usual malikot self.

3rd time was my fault. she was about 14 months old. she loves sleepng on my chest kasi. naktulog kami sa sofa. e nahimbing talaga ako kaya lumuwag ang pagakap ko sa kanya. she fell around 2 1/2 feet from the ground. this time di sya umiyak. she just picked herself up and asked to be hugged.

luckily, di pa sya nahuhulog sa hagdan. lagi nga akong kinakabahan na baka mahulog sya kasi ayaw nyang kumapit. btw, she's almost 34 months old now.

$ale... seeker!

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #7 on: November 21, 2008, 12:35:36 pm »
opo!  ??? he was 7 months, hotel bed pa 'cause we were in cebu at that time! parang likot likotan siya trying to reach for us kasi gusto magpakarga tapos bigla nahulog  >:( shock kami parehas ni hubby... good thing wala namang nangyari since carpeted naman yung floor!

2nd time naman kaming 2... i was on my knees, carrying him na pababa kami ng bed... na-out of balance ako! grabe pala yung accidents na ganyan, para kang floating, good thing i was able to grab him tightly and hindi tumama yung ulo niya sa sahig! suffered so much, kasi pasain ako! tumama yung bone ko (below the knee) sa bed frame namin  ::)

hunny_ally

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #8 on: November 21, 2008, 01:40:04 pm »
thank god not yet! pero now im more anxious na baka mahulog siya since she's at the stage she's asserting her "independence". she wants to do everything by herself and that includes going down from the bed. she knows naman how to but siyempre need alalayan.

fabbkr2

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #9 on: November 21, 2008, 01:47:37 pm »
yup, kahapon lang yung 2nd! kaso di naman mataas bed namin saka may rubber mat kaya di siya nasaktan. after niya mahulog nakangiti pa! yung 1st niya naman di ko alam nakahawak pala sa likod ko e bumaba ako sa bed, ayun nasama...buti nalang di rin nasaktan.

baby_blue

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #10 on: November 21, 2008, 01:59:56 pm »
Yep. 8 months si baby nun when we arrived here in OZ at sa masamang palad dito pa siya nahulog sa bed. Nang haharot kasi tapos ang bilis-bilis niya gumapang, nahawakan ko daliri sa paa pero wala rin nangyari nahulog parin. Good thing carpeted ang bahay, umiyak siya pero after ilang minutes back to normal na ulit.  ;)

rhaingel

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #11 on: November 21, 2008, 02:02:42 pm »
yung anak ko nman sa duyan nahulog.. mga around 3 mos. old palang sya nun..ginawan kc sya ng duyan na bed cover ng dad nya sa may bed namin kc nilabhan nmin yung duyan nya... nung tulog na sya, iniwan muna nmin para kumain kmi ng lunch...while having our lunch, my hubby checked her from time to time...nung pang 3rd nya yata yung pagcheck sa knya, nakita nya, patid na yung tali ng duyan at nasa bed na nmin c baby! and one thing is, wala yung foam sa bed nmin kc binilad nmin sa araw.. nag- general cleaning kc kmi nun..ayun, takbuhan kmi sa loob ng room namin at inaway ko talaga asawa ko!! at naiyak [textspeak!] ako sa sobrang galit ko sa knya at sa sobrang concerned ko sa baby namin! Pero, alam nyo, ni hindi man lang sya umiyak at pag kakita samin ng baby nmin eh nakangiti pa samin! smantalang ako, iyak ng iyak! hehe... there is really a guardian angel!

marose17

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #12 on: November 21, 2008, 02:05:37 pm »
My mom said ganun daw talaga.  The guardian angel will catch the baby.  Kaya kadalasan nahuhulog ang baby pag di tayo nakatingin di ba.

zhiel03

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #13 on: November 21, 2008, 02:26:34 pm »
yes twice na. yung first one iniwan ko sa sis ko kasi umihi ako tpos binaba niya sa kama and iniwan niya din nasa computer yung isa pang sis ko and yung husband niya just 2 feet away from my bed tapos yung 9 yr old daughter ko was in bed playing naman i was about to finish peeing when i heard a loud thug and then heard my baby crying out loud ewan ko ba anong nangyari at wala man lang tumingin muna sa baby ko all of us went rushing including my mom galit na galit andami daw namin dito nahulog pa yung bata, thank God wala namang masamang nangyari sa kanya. he was 10 mos that time.

 yung second naman mga two weeks after naman. i usually woke up at 5:30 para ikuha ng breakfast yung elder child ko kasi pasok siya sa school ng 7am, so bumaba ako sa kitchen then pag akyat ko tinanong ako ni hubby kung inilapag ko daw b si andrei sa sofa bed(dun kasi sila natutulog ng panganay namin kami ni baby sa bed dahil breastfeed pa) kasi nagulat daw sila andon na tapos sabi ng ate niya parang may nahulog daw sa kanya tapos pagtingin naman nila kay andrei, nakatawa pa. sabi ko iniwan ko sa kama baka nga nahulog. buti na lang dun siya sa sofa bed nahulog.

andreil_19

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #14 on: November 21, 2008, 03:40:24 pm »
it happened when my daughter was less than 6months old. the stage when she's trying to make dapa, eh nakaidlip ako sa kama tapos narinig ko na lang biglang may kumalabog sa sahig then iyak nya. but when i saw her nakadapa sya sa unan buti na lang i surrounded her with lots of pillows sa bed and mababa lang yung kama namin also kahoy ang flooring pero syempre kabado rin ako that time kasi nga ang lakas ng iyak nya.Binuhat ko sya then i pacified her. I never told it agad kay hubby baka kasi pagalitan ako LOL.

when i saw the pillow on the floor, naisip ko rin na she was saved by her guardian angel.

pero ang madalas nahuhulog sya sa 2 seater sofa namin kaya naman may rubber mat kaming nilagay sa floor para hindi sya masyadong masaktan.Mahilig kasi syang tumalon and mag-play sa sofa.

It's a good thing kapag may rubber mat sa floor and sa wall na rin para iwas untog naman.
« Last Edit: November 21, 2008, 03:47:26 pm by andreil_19 »

sasha16

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #15 on: November 21, 2008, 03:45:55 pm »
ako naman nung  months na si baby nung nangyari ito.. and funny is abala kasi kami ni hubby sa kakapanuod sa youtube ng eraserhead di namin napansin nahulog na pala.. pero buti na lang yung binagsakan nya unan land..  di nga umiyak tulog pa din... ;D

FickleMinded

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #16 on: November 21, 2008, 03:49:13 pm »
i feel lucky that never to nangyari sa 2 kong anak, siguro lakas ng mommy instinct ko,kasi noon,everytime I feel the urge to check them most of the time nasa edge na sila ng bed,as in konting move na lang ng paa or any part of their body eh hulog na sila,minsan nga hulog na yung mga pillows,pero sila safe pa rin, and I always Thank God for that kasi para talagang may nagsasabi sa akin to check them,lalo na si hubby pa man din gabi ang work eversince( 7pm-7am),so ako lang sa gabi.
Ngayon malaki na sila (7&3)madalas na mahulog,sobrang likot kasi matulog eh,pero ok lang, isang matress lang yung bed nila (on purpose) ,tapos carpeted nman yun floor,kaya no worry, :D

ushushbie

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #17 on: November 21, 2008, 04:23:38 pm »
twice na.. parehas pa na ako ang bantay :(

yung una, inaabot ko yung alcohol kasi kakatapos ko lang mag change ng diaper niya biglang humabol pala siya, ayun nahulog siya sa bed. :( naiyak ako.

2nd naman nagliligpit kami ng crib niya, inusod ko away from the bed, malayo naman siya sa gilid ng bed biglang nahulog. waaaaaaaaaah. nadinig pa ng parents ko and ng asawa ko yung iyak ng anak ko...  :o

ria_gelai

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #18 on: November 21, 2008, 06:17:56 pm »
thank God never pa naman nangyari kay baby yun, ang ginawa ko kasi pinalibutan ko ng pillows yung kama naman kaya kahit masikip para sa min ni hubby oks lang kami, ang madalas sa kanya mauntog sa wall ng room namin kasi biglang tatalon tapos mapapahiga ayun di inabot ng unan untog sya, ang hirap lang talaga pag ganun...

lemonade

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #19 on: November 21, 2008, 06:47:22 pm »
yung daughter ko sobrang likot. she must've fallen off the bed at least 5 times na (she's now 4 years old). pero yung first time, i was entirely at fault. until now i couldn't shake off my guilt pag naaalala ko yung nangyari. she was only 6 months old when it happened. i was feeding her in the wee hours of the morning--i was holding her in my right arm and holding the feeding bottle in my left hand. unfortunately, i dozed off (sobrang puyat din kasi). nagising na lang ako nung umiyak yung baby ko, nasa floor na sya. shocked talaga ako. iyak ako ng iyak habang nagso-sorry ako sa baby ko. then i tried waking up my husband kasi baka kailangang dalhin sa ospital yung bata (first-time mom kasi ako), pero kahit ilang beses ko nang ginigising yung husband ko, hindi talaga magising. hay! lalo tuloy akong naiyak! pero God is good, wala namang nangyaring masama sa daughter ko. very smart naman sya ngayon.  ;D

yung mga sumunod na hulog nya, talagang dahil sa kalikutan na. yung tipong nasa bed sya tapos tumalikod lang ako for 2 seconds dahil kinuha ko yung shirt nya--ka-blag! one time naman, natutulog lang sya sa tabi ko at ang laki-laki naman ng bed namin, bigla na lang gumulong sa kabilang side--ka-blag! kaya ngayon, kahit 4 years old na sya, nilalagyan pa namin ng matress yung magkabilang side ng kama pag tulog sya. super likot matulog!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close