^sis, naalala ko tuloy nun first time ko sumakay ng eroplano. mag isa lang ako at PAL din ang sasakyan ko noon tapos going to US pa ko so kamusta talaga. clueless ang beauty ko. buti na lang may mabait akong nasabayan dun.
sis di mo nasabi kung international ang flight mo or domestic. assume ko na international ha:
ganito bale:
1. be ready with your passport and ticket. pagdating mo sa Terminal 2, bago pumasok chinecheck ng guard yun passport at ticket mo pakita mo lang.
2. then pila ka para sa x-ray ng mga bagahe mo. habang nakapila may nagccheck din ng passport at ticket.
3. after ma x-ray ang mga bagahe mo, proceed ka na sa check in counter. tignan mo sa board kung anong counter ka dapat. then economy or business/first class tignan mo rin.
4. sa check in counter, bigay mo passport at tiket mo. kung may PAL mabuhay miles ka, ipresent mo rin para macredit yun miles mo. note mo na sa handcarry mo dapat walang liquid stuffs dun ha. bawal yun sa hand carry. ilagay mo lahat sa checked-in baggage mo para di ka mamroblema. pagkacheck in mo ng mga bagahe mo bibigyan ka ng boarding pass.
5. punta ka sa window kung saan yun bayaran ng terminal fee (750). present mo boarding pass mo at pambayad.
6. fill up ka nun embarkation/disembarkation card.
7. pila ka sa immigration counter. present mo yun ni fill up an mo saka boarding pass at passport. dito nila tatatakan ng departure date ang passport mo.
8. pasok ka na sa boarding area. may x-ray ulit dito. yun mga coins, cp, keys relo, belt, shoes nilalagay sa tray. kaya make sure yun mga coins, cp, keys, watch mo e nasa bag mo na lang para less hassle sa pagtatanggal. yun hand carry mo na bag if meron ix-ray din dito.
9. after ng x-ray, boarding area na yun. hanapin mo kung ano yun gate number mo. sinasabi rin ito sa check in counter pagkaabot sa iyo ng boarding pass. if hindi mo pinansin, check mo na lang ang boarding pass para sa boarding time at gate number.
10. pag nasa boarding gate ka na. upo ka na lang dun. hintay ka hanggang ready for boarding na yun eroplano. o kaya ikot ikot ka muna dun sa kahabaan..bili ng snacks (mahal nga lang) or pamasahe..andun ata sa bandang dulo. pag boarding time na, tatawagin yun according sa seat row number. hintayin mo lang yun turn mo.
happy trip!


