I've started reading the first few pages na and I must say I can relate! Sis aquacharly ikaw na! Actually iniisip ko pa lang ngayon na kapag nagkabahay na ako na sarili, ang ituturo ko lang paano maglinis at maglaba ng gusto ko na way kasi gusto ko ng malinis na bahay at malinis na damit hehe pero reading your ocness ang dami ko pa pala dapt iadd, at okay yung may pics, naisip ko lang noon ay manual..
Dito sa house, sa totoo lang nauubos oras ko kakalinis! Minsan iniisip ko baka mayordoma/maid ako nung past life

as in lahat ginagawa ko kasi ayoko talaga ng alikabok kahit konti.. Everytime I go home din, yung bag ko, tinatatanggal ko lahat ng laman, nililinis ko hehe mahilig din ako mag alcohol. Hindi lang sa kamay, pati doorknobs, cabinet handles, remote controls, telefonos.. Pati sa mga restos or coffee shops, wipe ko yang table ng alcohol talaga, as well as the extensions, cables, wires, chargers, earphones

hindi ko din pinapatong mga stiff ko kung saan saan, imake sure clean bago ko ipatong

Minsan pag magaayos ako ng mga resibo na naipon ko for days or a week, sinusulat ko pa sa logbook bawat date, taz pag makikita ako ng bf ko "nagsusuper oc ka na naman?"

Parang nainstill din sakin yung "clean as you go" literal basta mapadaan ako, kahit may makita lang ako like small tissue kahit parang fragments, pupulutin ko hehe
Kaya pag nagkabahay ako sarili, sana ang makukuha ko din na helpers eh fast learners para hindi ako ma heart attack.. Haha
Gusto ko din ng malinis na floors kahit i don't walk barefoot.. i do it everyday pag nasa bahay, ayoko iutos kasi wala akong tiwala na magawa ng tama.. Same thing actually sa lahat ng chores.. Sa future, papalinis ko twice din.. Dun sa house kasi ng ex ko, yung mom nila, wow din sa oc, everyday scrub ng mga helpers ang floor, their house is so well arranged and ganda talaga.. I want my future house to be clutter free, dami cabinets and storage boxes para dun nakatago..

When i wake up, i fix my bed.. Bago magsleep fix ko pa din.. Hindi ako humihiga sa bed ng hindi bagong ligo, lalo na pag galing labas.. Kahit lasing na ako at 6am na, maliligo at maliligo pa din ako.. Saka gusto ko lagi mabango kahit saan ako mapunta sa bahay, sa cr, sa rooms, living.. I am always on the look out for the best home fragrance/scent
