^ i so agree. yung helper namin ngayon nasa late 40s na. parang nakakahiya naman utusan na bumili ng ganito at ganyan. actually di naman din siguro sa age eh. nasa pagkatao naman ng yaya and how we treat them din naman. eto from my experience:
downside ng batang helper:
burara, mali-mali, sumusunod kahit di alam inuutos, careless sa mga gamit sa bahay (yung water heater nga nakatatlong palit kami, huhu buti yung microwave muntik lang masira..), may kalandian, text addict kaya hindi namomonitor maigi yung bata (minsan hawak lang sa dulo ng damit pag me hawak na cp), palpak minsan mga trabaho (dami kong bagong damit na namantsahan, nasunog, pati damit ni hubs and ng baby ko) at bruhang yun, sinasampay pa din sa closet kahit nasunog ha! o di ba naman?
pero namimiss ko lang dun sa dating helper ko na bata, nalalambingan ko yun kung gusto ko magkape, nakakakwentuhan ko, nahaharot, nakukulit, nauutusan ko ng madaming beses kahit pabalik-balik, naisasama ko sa out of town gimmicks namin ng family ko.
yung helper ko ngayon na older sakin:
kabaligtaran lahat ni younger helper. ok ang trabaho. problema ko lang, super epalushi, nagmamarunong kahit di maganda (uy, joke lang to ha), saka ipinipilit ang kanya. pag sinabi ko na wag na lagay sa ref yung tirang ulam, pagbukas ko ng ref nilagay pa din nya. dati nga sabi ko palitan na yung bedsheet and comforter sabi ba naman bukas na lang. dun ko lang ata sya sinagot na "mamaya namin tutulugan, bukas nyo pa papalitan?" saka wala kaming kulitan at di ko sya nauutusan timpla ko coffee, huhuhu..
syempre mas relieved ako sa helper ko ngayon in terms of trabaho sa bahay. tiis lang nga ako kasi may ilang factor sa pagutos at minsan feeling nanay (nanay na makulit at minsan nakakainis, hehe)