watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 413184 times)

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #260 on: February 12, 2010, 10:30:43 am »
^ true, mas ok na ang nag iingat diba? sis katakot naman yung nag aaswang sa baby mo. Balutan mo siya ng red na tela or pasuotin mo ng red na damit.

cosmochick

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #261 on: February 13, 2010, 07:56:54 pm »
i don't believe in this but my tita who lived in the province before said na nahawaan daw sya.. she told me na kung may tatapik sayo dapat you should tap them back no matter what... coz if you arent able to tap them back, mahahawaan ka.. yung feeling daw nya yung time na nahawaan sya was nasusuka sya at night and she felt like flying.. nagpagamot daw sya and after nya nagpagamot, sumuka daw sya ng live sisiw... i was able to visit her province before and tinituro nila sa akin yung mga aswang daw.. although i don't believe in it, nakatakot rin hehe =)

FOURever

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #262 on: February 21, 2010, 06:36:28 am »
^hahaha ang weird pero siguro may ganun talaga. wala naman mawawala satin pag sumunod tayo sa sabi sabi

tres_beau_02

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #263 on: February 21, 2010, 12:10:53 pm »
hi mga sis! :D ... share ko lang yung na experience ko when i was pregnant...
nung mag 8mos na ang tyan ko nag decide kami ng hubby ko na magstay muna sa house namin..before kasi sa house ng MIL ko kami nag iistay...so we decided to stay for a months muna in our house kasi wala kasi masyado nag aasikaso sa bahay simula ng mag asawa ako..lolo ko lang ang nag iisa sa bahay na yun..ang mother ko pa ay nasa abrod...medyo di kagandahan ang bahay namin kaya pina ayos namin ang bahay..yung half ng bahay namin ay walang bubong..so nagdecide ang hubby ko na yung mga labor namin ay dun muna matulog sa bahay namin baka nga pasukan kami ng magnanakaw...that time buong gabi na di makatulog ang mga labor namin dahil may kakaiba daw silang nararamdaman..pero wala silang nakikita..hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila..pangalawang gabi ganun na naman hindi sila makatulog at meron na silang nakita..napakalaking tao daw na papalapit sa kanila,pero nawawala daw kapag binubuksan nila ang ilaw...iniisip namin na baka nga magnanakaw..on the following night hindi na nag overnight ang mga labor namin sa takot..

Nung kami na ng hubby ko at lolo ko ang nasa bahay na yun..may iba narin kami nararamdaman..una ang lolo ko binabangungot..tpos ang hubby ko hindi makatulog..pero ako normal lang..Ilang gabi na madalas na ganun sila..tapos nung huling gabi namin sa bahay may narinig kami na yabag sa bubong..parang naglalakad sa bubong..alas 3 yun..iniisip namin na baka pusa..pero talagang napakalakas..ang nakakakilabot pa nun sa likod ng aming kwarto may mga graba na natira sa paggawa ng bahay..naririnig namin na may nagkakalkal na parang aso at umaabot sa bubungan..napaka imposible na umabot sa bubong namin ang graba kung aso nga ang nagkakalkal dahil napaka taas ng aming bubong..imposibleng tao dahil hating gabi yun...at talagang napaka ingay ng pagkalkal na yun...ang nakakapagtaka..pati mga bubong ng kapit bahay namin ay may mga graba..pero ang lalayo ng distansya nila sa bahay namin..maraming nagsasabi na tiktik daw yun..
 sori medyo napahaba ang kwento k..yan lang yung na experience ko nung buntis ako.. :)


milkeeway

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #264 on: February 21, 2010, 01:53:56 pm »
yiiiiiiiii.. katakot, hehe, haba nga ng kwento mo sis tres_beau_02, at pang writer talaga ang kwento mo! :)

ako, di pa ko nabuntis.. hehe, kaya wala pa ko naexperience na ganyan, yung mga friend ko na nabuntis wala naman din mga ganyang kwento, though lot of my friends has their own scary stories to tell.. personally, i dont believe in aswang, multo or tiktik.. pero sa mangkukulam naniniwala ako, hehe

Jiane

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #265 on: February 22, 2010, 05:41:41 pm »
dito kasi kami sa bagumbong area sis, looban na talaga ito. scary talaga, kasi parang kahit yung baby sa tummy mo ay di mapakali kaya you would really feel na may kakaiba.

sis twelve5, i thinks so. dami na nagsabi na buntot ng pague really drives away bad elements, garlic am not sure pero may garlic at salt sa window namin.. (pwede na maggisa.. hehe). nothing to lose naman kung maniniwala diba?


hi sis, wala naman ako naexperience nung nagbubuntis ako pero naglagay pa rin ak ng garlic at salt sa window. Ang buntot pague does not really drives away lang basta basta ng bad elements kung ididisplay mo lang siya. It is said to scare "aswangs" kasi pag hinampas mo to sa isang tao at matamaan mo siya khit saan, talagang sobrang sakit yun worse minsan nakakamatay pa kaya takot sila. sa pinsan ko minsan nakarinig din sila ng kaluskos, pinaghahampas nila sa dingding yun pague to drive the thing away.. Ako naman experience ko nung 1 month old na si baby, about 2 am i woke up dahil may something na pumapalo sa screen ng window ng room namin. since may grills naman at may curtain, binalewala ko. After 1 minute mayron uli parang trying to open yung screen kasi malakas na yung hampas. tumayo ako only to see a cat outside our window. We dont have cats marami stray outside pero napakaweird that its trying to knock my window open e madilim yung terrace namin.pinakita ko talgang matapang ako kahit nagulat ako nakipagtitigan pa nga ako sa pusa. I wanted to open the lights sa terrace kaso nasa sala pa ang switch and i dont want to leave my sleeping baby in the room kahit sandali land so i shooed the cat away.  Talagang mabango ang baby kaya naniniwala ako sa mga ganun. Better safe than sorry... 

tres_beau_02

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #266 on: February 23, 2010, 09:10:23 pm »
hehe :D nakakaaliw talaga magbasa ng mga kwento nyo..
ako kasi naniniwala talaga ako sa aswang/tiktik..kasi bukod sa na experience ko nung buntis ako nakakita pa talaga ako sa banyo namin..high school pa ako nun that time..dun yun sa bahay namin na kung saan ay may naramdaman din kakaiba ang hubby ko at labor namin nung nagpapagawa pa kami ng bahay nung buntis ako..
ang nakita ko na anyo naman ng tiktik..i dont know kung tiktik ba o aswang..bukol bukol ang ulo nya,tpos walang mukha..wala rin buhok..pero yung mga bukol nya nakakadiri..buntis ang tita ko nun kaya may tiktik

sabi ng lolo,ang gusto ng mga aswang ay yung tubig or amniotic fluid ng isang ina..yun daw kasi ang mabango..hindi yung mismong baby..kaya kapag naubos ang tubig na yun mamamatay ang baby...yung lolo ko kasi may malayong pinsan sya sa province na aswang..ang lolo ko kasi albolaryo..kaya nalaman ng lolo ko kung ano ang gusto ng mga aswang..at naipapasa pala ang lahi ng mga aswang..may bato sila na iniluluwa kapag mamamatay na sila..yung bato na yun parang anting anting na talagang may powers daw..ewan lang ha :-\ nakikinig lang ako sa kwento ng lolo ko..

eyndzel

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #267 on: March 27, 2010, 10:04:01 pm »
The most shocking part hindi lang kami nakaranas may nakakita pa. Last night w/c is Sunday ng 12am may tanod na umiikot. Tapos may gumalabog sa bubong nung tumutong cya sa mataas na semento sa tapat bahay may nakita yung tanod na maitim, akala nya poste pero gumagalaw. Nung tinitigan nya nakita nya malaking tao. sobrang lapad ng balikat, naka tuwad sa bubong. Tapos may malagong mahahabang balahibo sa likod. Ginawa nung tanod tumawag ng backup, pagbalik nila wala na yung kantanod. Pero may narinig yung kapitbahay namin na galabog sa bubong nila. Imagine from bungalo roof natalon nya yung roof ng 3 story house. They said before na may hunting talaga sila dati dati pa na kantanod. Sobrang scary kasi lagi kami binabalikan kahit may "buntot page" na kami.

gosh so hindi effective sa lahat ng oras ang buntot page? naku nakakatakot naman haha. mahilig ako magbasa ng mga nakakatakot kahit super duwag ako kaya kahit di ako preg at ikakasal pa lang ako mega basa ako sa thread na 'to hehe. kachat ko si bf and sabi ko sa kanya, pag ako napreg bibili ako ng maraming buntot page haha tas yung isa dadalin ko lagi pag matutulog sa ibang place haha. ;D ..well mabuti ng nag-iingat hehe. share ko lang, sabi ni bf nung pregnant daw younger sister niya last year, bumili din ng buntot page ang mom nila at nilagay sa terrace.. to think wala sila sa pinas ha hehe. so it means kahit sa ibang lugar siguro meron din.. :o

eyndzel

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #268 on: March 28, 2010, 09:14:31 pm »
haha sobrang nacurious ako i asked my mom last night if may experience siya sa mga tiktik hehe. sabi naman niya meron daw talaga mga maririnig na kumakaluskos nung pregnant siya sa'ken and my younger bro and sis. kaya di din daw talaga siya nawawalan ng bawang sa may window.. and may nagbigay din daw sa kanya ng buntot pagi.. nakakatakut naman mabuntis haha. e teka panu pala yun dapat lahat ng windows may bawang ganun? pati doors?

hairt mini

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #269 on: March 30, 2010, 05:13:04 pm »
I'm not sure if tiktik nga yung umaaligid-aligid sa house namin nung time na preggy ang sis ko. Basta ang nagyari nun is parang midnight nun and umaalulong yung mga dogs nang neighbor namin as in super nakakatakot ginising ko yung sis ko and asked her if naririnig nya and she said yes (di pa namin alam na preggy na sis ko that time) matagal din yung alulong ng dogs, siguro mga 2-3 nights din na naririnig namin yun. Then sinabi namin sa mom na may ganun nga then she told us na baka may buntis sa kapitbahay. tapos parang after a week, si mommy sa sala natulog kasi she's waiting for me (galing sa work over time)dumating ako ng house before 3am siguro then may narinig kaming kaluskos sa labas ng bintana at first kala namin pusa pero habang tumatagal lumalakas sya and pilit talaga nya ma open yung window and ang nakikita namin si mommy ko kumuha ng itak at sumigaw (yeah parang si gabriella silang sya) "sige lumapit ka makikita mo hinahanap mo" then  puro mura as in PI ang sinasabi ni mommy" tapos nawala na yung kaluskos pag open namin ng door may itim na pusa sa labas naka tingin sa akin..sabi tuloy ni mommy "baka buntis ka"(lols) after two days nalaman namin buntis ang sister ko 3 months...

sorry napahaba ang kwento ko..

loveann

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #270 on: April 03, 2010, 03:22:18 am »
Ako din magshare.. same with hairt mini pero ito nangyari sa pinsan ng asawa ko, hindi namin alam ng preggry sya ng 2 months na pero laging nagtatahulan un aso sa amin, at un mga pusa ang iingay pag gabi. Tapos sabi ng hubby ko baka my buntis sa amin, tapos ayun natuklasan nga namin na buntis un cousin nya. Ako naman nun preggy ako never ako nakaexperience since lagi ako night shift, hindi ata ako mabangong buntis. hehe ;D

harlet

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #271 on: April 03, 2010, 05:01:53 am »
no experience on this....pero naniniwala ako na me ganito nga...

sassyrosel

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #272 on: April 04, 2010, 03:20:07 am »
grabeeeh! andaming stories, kahit inaantok ako, inubos ko sa isang upuan 'tong thread na 'to.

wala naman akong experience sa mga tik-tik na yan, pero i do believe na nage-exist talaga sila. like what other sises said, wala namang mawawala sayo kung maniniwala ka eh, and besides its for you and your baby's safety naman eh...

eyndzel

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #273 on: April 13, 2010, 02:00:51 pm »
oonga naaliw din ako basahin thread na 'to hehe. kahit 12midnight na at super duwag ako tinapos ko isang upuan hehe.. ;D

boogieston

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #274 on: April 23, 2010, 01:28:43 pm »
Yung kwento ng lola ko, na kinwento sakin ng mom ko, nung pinagbubuntis daw ni lola yung tita ko, (buhay na si mommy) she was crocheting. tapos one night, may isang thread na galing sa bubog, nagmadali si loa para putulin yung thread. ayun.

pretty_lexie

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #275 on: April 23, 2010, 01:57:13 pm »
naku super nakaka relate me dito mga sis, when i was pregnant w/ my daughter grabeh yung kisame ng apartment namin parang mabu2tas na talaga, ithink  around 21/2-4mos ang tummy ko nun. d ko pa sya alam before nung mga 2 mos palang kc lagi me nsa may pintuan namin den lagi may ndaan pusang itim. nung nag 3mos going to 4 mos tummy ko ayun lagi may nakaluskos sa bubong plakas ng palakas as in prang sing bigat na sya ng tao parang mabu2tas na talaga kisame that time.

happynes

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #276 on: May 01, 2010, 05:38:54 am »
i believe in this too kaso nung preggy ako hindi ko masyado pinapansin. Exprience ko naman, nagbakasyon ako with my then bf (and now husband) sa kanila sa Pangasinan. Farms and mapuno pa din dun sa kanila kahit na kaharap lang nila ang high way. Di ko alam preggy na pala ako nun, mag 2 months na pala. On my 3rd night, bigla akong inubo ng inubo. Tapos the following nights napapnsin ko, pagdating ng 9-12 pm, umpisa na ako ubo ng ubo to the point na nagpadala nko sa hospital nung gabi kasi di ko na kaya and halos di nko makahinga. I have no other symptoms or signs aside sa coughing. Pag umaga, [textspeak!] [textspeak!] akong ubo. But since I was taught na whenever I feel uneasy sa isang place or creepy, maghagis ka ng asin sa paligid mo. So thats what I did every night nung time na yun whenver di tumitigil sa kaka ubo. Then after sometime, padalang na ng padalang ubo ko hanggang makatulog nko. When they sent me sa hospital that night, medyo umokey ako after being nebulized. Kaso pag uwi sa house nila, tuloy na naman at tumigil tigil lang nung nag hagis ako ng asin. Good thing din na I don't sleep with the windows open kahit mainit pa. So pinatingnan nko sa albularyo. Sabi ng albularyo after nya ako tawasin sa itlog, may lalaki daw nagkakagusto sakin. Pinahiran nya ako ng oil tapos yun that night ok nko. Di nko inuubo sa mga sumunod na araw.
Nung preggy ako and of course trying to keep it hidden from my parents, dun ako nagstay sa apartment ni hubby sa Baguio. Since my husband was at that time is a medical clerk, every 3 days or so, nka duty sya sa hospital, so ako lang mag-isa sa apartment. Di naman ako natakot masyado since the apartment is part of the owner's house, and nasa ilalim ng apartment nakatira yung lola ng owner, and sa sala, dingding lang pagitan namin nung room ng mga anak ng owner. 2 bedrooms ang samin, pero I sleep sa sala in front of the tv pa nga so since insomniac ako I could still watch tv late late at night. Minsan may raninig ako parang pumagaspas sa bintana ng kwarto namin. Sinilip ko yung room pero I didn't dare move the curtains ng window (ang lalaki pa naman ng windows). Tapos may lumipad sa tapat ng bintana (the curtains on that side are sheer lang so medyo makikita mo ang labas). Inisip ko bats lang. Another na napansin ko, there are nights na may nagkakalabugan na gamit at inuusog na furnitures. I was thinking then baka si lola lang sa baba at maaga lang gumigising. Kaso cemented pala ang bubong nya at kahit wood ang floors namin di mo maririning sya.
Sabi nga nila ang tapang ko nga daw kasi nakatgal ako na palgi mag isa na buntis pa for 4-5 months. Nung 5 months nko, nalaman na ng parents ko kaya ikinuha na nila ako ng helper para kasama ko sa apartment. Pero to think what could have happened to me & my baby at that time. Pero I always have bunches of garlic, salt, and rosary sa tabi ko matulog kahit di ako nakakapaglagay sa windows or door.



 

jaymilu_620

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #277 on: May 07, 2010, 03:34:59 pm »
Kami recently had an experience with these. Bagong panganak kasi sil ko. And napansin ko the baby cries every 8pm and nonstop. As in nag bbreathhold na kakaiyak.so I decided magpausok. Yung me kaunting palaspas,uling,tuyong,dahon,asin,garlic,asukal and kung merong kamangyan-eto yung ginagamit sa maSs yung kamangyan.
After ko magpausok nakalagpas lang kami ,my mom heard the tiktik.and kinilabutan siya talaga. Nagagalit kasi tinataboy namin siya. sa likod namin yun kasi kada magpapunta kami ng manggamot tinuturo talaga yung sa likod na house.

And recently I bring from our province yung manunggal. Nagtanim ako.and turo sa akin lagi maglagay ng itak sa door,and magtanim sa yard ng itlog na bugok and sobrang baho sa kanila yun.

Sencha napahaba.sharing my thoughts with this

merryjazz

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #278 on: May 10, 2010, 03:24:49 pm »
i can't say kung true kasi I haven't experienced it.

Stellar27

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #279 on: May 25, 2010, 02:46:34 pm »
di ko masabi if naniniwala na nga ba ako o hindi. pero share ko lang na experience ko.

nung isang gabi, we watched qtv's mysteryo: aswang, the one hosted by the kalbong eigenmann. pinalabas nila yung tungkol sa mga tiktik na pwedeng mag change ng anyo to pusa or ibon or aso. may mga buntis na nag share ng experience na hindi daw sila nakaktulog and mafifeel mo talaga na may something sa bubong or sa labasa ng bahay mo.

last night naman yung friend ni MIL na bumisita sa bahay eh bigla na lang sinambit na may nakita daw siya ikikik. [tawag nila yun sa tiktik]. nasa may garage kasi namin siya tapos sabi nga niya sa akin kadadaan lang daw at naaamoy ako. tapos sinabihan ako pumasok na ng house and wag ko ipapahawak tyan ko sa kung sino sino kasi mahirap na baka makunan na lang ako. pag ganun daw the ikikik took the baby na.

nung nag didinner kami, my husband unintentionally left the kitchen door ajar. bigla ba naman may pumasok na pusa, malaki at matabang pusa,tumayo lang sa may pinto at nag meow ng malakas at ang sama ng tingin sa akin. lahat kami nag tayuan ang balahibo sa takot.

nung matutulog na kami nung gabi na yun, parang di nga ako mapakali. actually na share ko sa isang thread dito sa gt na madalas nga nagigising ako ng 2 or 3 am ewan ko kung bakit. parang I feel bad na may mangyayari basta di ako mapakali. some say normal sa pregnant yung ganung weird na experience. some say its not. so ayun nga, nung gabi na yun, my God anong oras na di ako mapakali. kahit anong pilit ko matulog di ako mkatulog. ilnga ulit ako nag pray, na feel ko talaga na may something sa may bintana namin. its hard to describe pero mataas bubong namin and kisame, di mo naman mafifeel or marirrinig yabag from bubong. ang maririrnig/ mafifeel mo eh yung dun sa may binatana. another layer of bubong kasi matatanaw mo mula sa binatana namin.  sarado naman bintana namin kasi naka ac. pero kahit sarado siya at may curtain parang ewan weird talaga ng feeling parang may nakatingin talaga.

di ko alam if sa ikikik ba talaga yun kung bakit di ako nakatulog or dahil na lang sa takot sa napanood ko at sinabi sakin ng bisita ni MIL.

napuyat tuloy ako sa ikikik na yan. napahaba pa post ko dito.
« Last Edit: May 25, 2010, 02:52:06 pm by Stellar27 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close