watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 413264 times)

howdouknowitsme

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #200 on: June 30, 2009, 02:09:59 pm »
totoo daw yan mga ganyan...tita ko tiniktik din nun preggy siya nakita niya..nakakatakot kwento niya ayoko maalala hehe

pero true kahit sa mga cities ngayon meron na toh...since madami na mga taga province ang nasa manila ngayon...di na imposible na makapunta sila sa mga cities...

greyish

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #201 on: July 01, 2009, 07:55:38 am »
wow merong conspiracy sila!

pero nakakatakot din since nasa city na sila..

apple_joy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #202 on: July 01, 2009, 10:30:28 am »
Taga Caloocan din ako, nung buntis din ako sa bunso ko 3 years ago, may nakita daw na anino yung mga tambay sa amin. Galing daw sa roof namin, sinigawan daw nila tapos inabangan, bigla daw nawala. Nung sinabi nila sa akin yon nung umaga na, di ako maniwala, kasi naman sabi ko sa province lang may ganyan.

Nagbiro na nga lang ako...na inaaswang nila e aswang din  ;D. Pero natakot din ako, kaya nga nung lumabas na baby ko, laging may knife and gunting sa tabi nya pag natutulog and iniiwan ko.

kettlekorn28

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #203 on: July 03, 2009, 10:29:52 am »
Yup sis greyish, may conspiracy sila. And since nasa province kami (dito kami sa laguna), wala talagang nakakapagtaka na may ganyan. Even sa mga foreign countries eh naniniwala sila sa ganyan. Dito sa barangay namin, sobra ang paniwala s multo, aswang, etc. Kasi talagang meron eh. Kalapit na namin ang sierra madre at maraming nakatira dun na mga dayo lang from bicol, visayas at kung saan-saan pa. May incident nga dati dito mismo sa street namin about a year ago or two. Siguro 3 yung buntis nung time na yun. Namamasyal yung mga kbataan, that includes my cousins & neighbors. Madami sila about 8-10 persons. Alas dos na ng madaling araw at pauwi na sa mga bahay nila. Nung nasa dulo sila nung street, may nakita silang maitim na bagay dun sa gitna na karsada. Sobrang wide daw nung "thing", halos nakastretch na sa karsada, to think n 2 vehicles ang kasya dun side by side. D raw nila masyado inintindi, medyo blurd daw kc malayo pa sila. Habang papalapit sila, they noticed na parang ibon na [textspeak!] nkikita nila. Pero nagtataka sila dahil super laki naman nun. Nung malapit n sila, about lima up to walong dipa ang layo nanlamig daw ang katawan nila at halos mahimatay sila sa nakita nila. Yung inaakala nilang ibon ay di pala ibon. Tao siya n sobrang pangit ang itsura, mahahaba ang pangil, at outstretched ang malalaking pakpak, parang oversized wings ng mga paniki. Hindi hati ang katawan nya unlike s mga tagalog movies. They were terrified lalo pat nkita nilang lumipad yung thing. Takbuhan sila at ramdam na ramdam nila [textspeak!] pagaspas nung pakpak. Well, parang di kapanipaniwala noh. Parang kwento ng mga nkadrugs. Pero totoo dahil very reliable sila. They weren't drunk at all. Tska [textspeak!] thing na yun eh nkita na rin ng mga barangay tanod. Sa mga cities di rin imposible yun noh. Wala silang pinipiling lugar, ah well, basta may buntis. :-)

greyish

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #204 on: July 03, 2009, 10:50:40 am »
katakot naman itsura nyan... :o

meron nagsabi meron sa sta mesa manila...i asked kung saan particular na place, pero di me sinagot  :(

kasi taga sta mesa ako, gusto ko lang malaman kung saan para pag malapit sa amin, abangan ko para maputol ko dila!

sa kalye kasi namin merong tanod pag gabi til madaling araw, so far wala naman me naririnig. merong lang mga domestic violence pag gabi or madaling araw  ;D

keidee

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #205 on: July 30, 2009, 03:47:55 pm »
i don't usually believe in these things but I had a very weird experience and they say tiktik daw. buntis ako nun w/ my 2nd son, that was almost 10 years ago. For several nights nagigising ako ng ingay from the roof. parang naglalakad na di ko maintindihan. i would always assume na pusa or daga kahit na ang sound is parang 2 alternating feet lang at hindi 4. My lola sent me blessed oil, w/c we believe in since bata pa kami. One night nung nagising uli ako dun sa naglalakad na ingay, i decided to put holy oil on my belly and said a prayer to protect me and my baby from seen and unseen bad elements. right after, yung walking sound naging running and scrambling sa roof to the point na nagising na si hubby ko. Sa balintawak ko ha, not in the province. Kinikilabutan nga ako as i write this.

I'm now pregnant again and living in Cavite. So far, nothing weird has happened naman. Although part na ng ritual ko to put holy oil on my belly.

ms.paige

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #206 on: July 31, 2009, 02:31:22 am »
naparegister tuloy me dito  :) we are living here in caloocan. nung 1st trimester ko dun ako natutulog sa room ng brother ko yung window nya nakatapat sa puno ng papaya namin sa likod. since dalaga me i always find that papaya tree so weird. ewan ko ba kung sino may problem ako ba or yung tree... siguro nga ako  ;) one night i have this dream na 3 tao na nandun sa windows di ko matandaan yung dalawa pero yung sa gitna ang di ko makalimutan babae, mahaba ang buhok at maputi pati hair niya white ang kulay... ang sabi niya sa akin, akin na lang baby mo. sumagot ako ng hindi tapos pinilit ko magpray nung our father siguro parang nasa middle pa lang ako ng prayer nung magising ako kasi masakit yung puson ko naninigas sya. after nun binuksan ko na yung light till morning na. yung mom ko nagtataka kasi di me sanay matulog ng may lights pero after nun nakakatulog lang me kung open yung lights ng room saka dun sa likod. nung kinuwento ko na sa kanya ayun na naglagay na ng buntot ng pagi sa pinto walis tingting sa tapat ng mga bintana, bawang ska nagiinsenso before mag-six ng gabi. then one time nakalimutan kong mag-insenso ayun about 2 am ng umaga nagising me sa malakas na yabag sa bubong wala pa naman me kasama dito sa house. before sa mandaluyong kami nakatira di ba nauso nun yung aswang in the city. may magaling na nagtatawas dun sa amin tinanong siya ng mom ko kung may aswang pa daw ba in this time and age... ang sagot niya eh isang malaking YES kaya lang hindi tulad nun na umiiwas sila sa tao, ngayon nakikihalubilo na sila. ika nga nila they are trying to fit in na din sa city  ;) ay napahaba ko ng kuwento. thanks sa nagbasa  :)

babyphat

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #207 on: August 01, 2009, 09:31:12 pm »
so tiktik nga siguro [textspeak!] naglalakad sa bubong namen pag gabi. apartment type kasi tong nirerent namen, e [textspeak!] katabing bahay namen is 3floors, kami 2floors lang. so i assumed [textspeak!] kapitbahay namen [textspeak!] naglalakad kahit mejo past 11 or 12 na. shempre deadma lang ako pero malakas talaga [textspeak!] mga steps nia sa bubong. gusto ko ngang sabihin sa landlady namen kaso baka may masabi na naman sya na kesyo ganito ganyan. sabi ko nga bat d sila maglakad lakad pag morning or tanghali at bat gabi pa. siguro kasi gabi na talaga umuuwe [textspeak!] lalaki na kapitbahay namen.
kagabi naman, [textspeak!] talaga ko natulog ng gabi. natakot ako sa mga nabasa ko dito then naparanoid na. buntis din kasi ako ngaun, 8mos na nga. kagabi lang ako nakarinig ng ik ik na feeling ko mga 4houses away lang smen. e dba pag mahina raw, malapit sya sau den pag maingay malayo naman. todo lagay pa ulit ako ng bawang sa windows pati sa tabi ko. then [textspeak!] rosary nilagay ko sa tyan ko. [textspeak!] santo tinabi ko na sken. hehe
tapos pala laging may itim na pusa smen pag gabi. un pala un. minsan kasi deadma lang talaga ko. pag lalabas ako, lagi akong may naka-pin na bawang sa bra ko. lols. e kasi [textspeak!] mga damit ko wala namang pocket kaya sinisafety pin ko nalang [textspeak!] bawang.

nicolle

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #208 on: August 01, 2009, 11:05:49 pm »
yap kasi nakarinig nako nyan pero sabi ng mga oldies pag meron daw nyan may aswang daw,,,pag ang tiktik daw nasa itaas so ang aswang nasa baba,,pag nasa malayo ang tiktik malapit daw yun aswang,,,,
  mostly kasi pag buntis or pag may malubhang may sakit na ang tinitiktik.. :)

babyphat

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #209 on: August 02, 2009, 08:44:32 pm »
yap kasi nakarinig nako nyan pero sabi ng mga oldies pag meron daw nyan may aswang daw,,,pag ang tiktik daw nasa itaas so ang aswang nasa baba,,pag nasa malayo ang tiktik malapit daw yun aswang,,,,
  mostly kasi pag buntis or pag may malubhang may sakit na ang tinitiktik.. :)

e bat hindi nalang sila magsama, magkasabay i mean. pareho silang magsama sa taas o sa baba kung san nila gusto. dba sabi nila pagmalapit mahina then pag malayo malakas. panu un?

kiz_me1109

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #210 on: August 02, 2009, 10:00:14 pm »
THis doesnt happen sa lahat ng buntis since hindi naman siguro lahat ng lugar merong tiktik. But I believe there is a tiktik. In our province sabi nila malalaman mo daw pag merong tiktik kasi may sound ka din na madidinig. Pag mahina daw [textspeak!] sound it means na malapit daw sila. And pag malakas naman it means na malayo un and papunta palang.I have a scary and a little funny story.

My sister is already 4o years old when she got pregnant. Hindi sin sila kasal ng tatay ng anak niya and my parents dont know the guy since taga manila [textspeak!] guy and hndi na naman namin ini expect na mabubuntis pa ang ate ko or mag aasawa kasi old maid na siya. She went home and she is already 7months pregnant. I was the only one na may alam na buntis siya kasi umuwi siya to tell my parents about her condition. We were eating and merong black bird na paikot ikot sa labas ng bahay. Sabi ng papa ko tiktik daw. Then sabi niya "Bakit kaya may tiktik? Wala namang buntis dito ah". I saw my sister looking so red and hindi niya alam ano gagawin niya. SHe was afraid kasi hindi pa siya ready na sabihin sa parents namin. Nakakatawa talaga and at the same time nakakatakot.

nicolle

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #211 on: August 02, 2009, 10:17:03 pm »
sis babyphat yun tiktik daw kasi ay parang warning sign lang na mag ingat,,pro hindi sila mismo ang aswang or ano pa man :)....

babyphat

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #212 on: August 02, 2009, 10:35:39 pm »
oic. e panu naman [textspeak!] pag mahina malapit sya and pag malakas malayo naman. e dba dapat malakas pag malapit and mahina pag malayo. [textspeak!] un, parang bulong na ik ik?

sexyvamp

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #213 on: August 03, 2009, 11:41:27 am »
lola ko naniniwala jan, meron pa nga kami buntot pagi dati takot daw mga aswang dun. we live in the province, here in cavite, even manananggal napapabalita dito.
nung buntis tita ko gumawa pa sila nung kawayan na matulis ang dulo, then one time nung marinig nila yung tiktik lumabas ng house lola ko and yung tito ko hawak yun para daw takutin yung tiktik. they say na pag malakas ang tunog ng tiktik, ibig sabihin malayo yun, pag mas mahina mas malapit.
tiktik daw is parang ibong malaki, nung bata ako nakaita ako nun sakadapo sa tapat ng bintana ng kwarto namin ng sis ko, buntis tita ko nun e nasa kabilang kwarto lang yung room namin walang door kurtina lang. takot talaga ako magbukas ng bintana sa room namin simula nun kahit mainit pa sa gabi.
nung wake naman ng lola ko sa laguna, nakakita din ako ng ibon nakadapo sa bintana, yung bintana pa man dun kapiz pag bukas pwede magdaan ang tao. nasa 2nd floor yung roon tapos may ibon nakadapo, malaki pa sa manok kulay itim na itim sya.


cherylbainto

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #214 on: August 03, 2009, 01:48:45 pm »
Hi,
I'm just new here. I'm browsing the net regarding "kantanod" and i saw this thread.

I just want to share this scary experience we had in "kantanod". and I lived in Mandaluyong (Sorry if it's too long  ;D)

Actually from last week Wednesday start namin maexperience yung naglalakad sa bubong, pero nung pinakinggan namin nasa kisame na. Kaya nga mas natakot kami akala namin magnanakaw. Pero walang buntis sa amin, may baby ako na 10 months.

Tumawag kami sa barangay and when they check wala naman daw. Malaking daga lang. But after makaalis ng barangay bumalik ulit. From the second time bumalik ulit yung barangay then wala nanaman.

My grandma-in law said na aswang yun coz her blessed oil always leaking kahit hindi binubuksan. Also nagtaka kami how come may daga sa kisame eh parang impossible na makaakyat dun. We put salt and garlic in room's window after nun nawala. Tapos before umalis yung barangay captain he said it 3 times "kung hindi magnanakaw kantanod yan".

Pero umulit ulit from Friday. Kaya nung saturday morning we bought a "buntot page" and "makabuhay" yung mga matinik. Saturday night may parang malaks na tumalon sa bubong but after nun parang nagtatalon ulit then nawala na. Sabi ulit ng mga kasama namin sa bahay sigurado sila na natusok yun dahil sa "buntot page".

The most shocking part hindi lang kami nakaranas may nakakita pa. Last night w/c is Sunday ng 12am may tanod na umiikot. Tapos may gumalabog sa bubong nung tumutong cya sa mataas na semento sa tapat bahay may nakita yung tanod na maitim, akala nya poste pero gumagalaw. Nung tinitigan nya nakita nya malaking tao. sobrang lapad ng balikat, naka tuwad sa bubong. Tapos may malagong mahahabang balahibo sa likod. Ginawa nung tanod tumawag ng backup, pagbalik nila wala na yung kantanod. Pero may narinig yung kapitbahay namin na galabog sa bubong nila. Imagine from bungalo roof natalon nya yung roof ng 3 story house. They said before na may hunting talaga sila dati dati pa na kantanod. Sobrang scary kasi lagi kami binabalikan kahit may "buntot page" na kami.

cherylbainto

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #215 on: August 03, 2009, 01:59:13 pm »
Also add to my post, tinanong kami ng tanod kung may buntis sa amin. Sabi namin wala. Kasi ang kantanod daw commonly gusto nila buntis, tapos bata din. Pero sabi nila pag may na-type silang girl lalo na maputi susundan at susundan daw nila yun.

So ingat tayo, and sana po pag pray nyo kami na wag ng bumalik ulit. Kasi talagang everyday pumupunta cya. Sobrang worry kami ng hubby ko sa baby namin.

thanks

sexyvamp

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #216 on: August 03, 2009, 03:01:04 pm »
naku mas nakakatakot naman yang encounter mo sis, lagi mo bantayan si baby ha kasi di mo naman alam kung ano pakay ng kantanod e

cherylbainto

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #217 on: August 03, 2009, 03:51:01 pm »
Naku Sis sinabi mo pa. Sobrang worried na nga si hubby sa amin ni baby. Lahat ng pwedeng pangontra ginagawa na namin. Sobrang kakatakot plus laking abala. Para nga kaming tanod sa loob ng bahay. :D
Mamaya gabi nanaman, aabangan nanaman namin. Sana nga matapos na, kakapuyat.

kaye27

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #218 on: August 03, 2009, 04:38:22 pm »
sis taga mandaluyong din ako. san ba kayo sa mandaluyong? natakot tuloy ako ha..

annie_barzaga

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #219 on: August 04, 2009, 06:25:18 pm »
iba pa po ba ang kantanod sa tiktik nakapartner ng aswang?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close