watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 412966 times)

myduque

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #220 on: August 05, 2009, 06:34:47 am »
share ko ito..

when I was in elementary and our house and the sorroundings in makati are full of trees bale likod namin ang The Fort na before ay sangkaterbang puno ang nakatanim.  My mom was then pregnant wit my youngest sister, wala kasi ang dad ko naka-destino sa province sundalo kasi kaya katabi kami ng mom tatlo kami ng kapatid ko sa kuwarto.  Matagal na usap-usapan noon sa amin ang tungkol sa tiktik kasi nga lagi na lang paggabi naririnig nila ito lalo pa nga ng magbuntis ang mama ko dumalas na daw ang paglipad nito, kaya tuwing kami ay natutulog may bawang at gunting na katabi ang mama ko.  Isang gabi nagising na lang kami na may parang lumagpak sa bubong namin at parang pusa na sa bubong na nag-scratch na lang mismo sa tapat pa ng kuwarto na tinutulugan namin, kaya ang ginawa ng mama ko bumangon at ginising ang ibang kasambahay at pinasilip kung anong meron sa bubong, so binuksan nila ang lahat ng ilaw at lumabas at bigla daw silang may nakitang lumipad na itim na ibong malaki na galing sa bubong, ang takot ko noon, pero hindi na naulit ang insidenteng un sa bubong pero naririnig pa rin daw ng mga kapitbahay namin ang tiktik.  Ngayon wala kasi wala na din ang mga puno sa paligid namin,  [textspeak!] ikod  namin puro building na din, siguro they are connected with nature na din kaya nawala sila ng  mawala ang nga mga puno.

ms.paige

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #221 on: August 14, 2009, 04:48:56 am »
sis_cherylbainto, san kayo sa mandaluyong? na try mo na ba mag-insenso sa loob ng bahay? try mo gawin before mag six ng gabi. i hope ok na kayo ngayon as in wala ng nangiistorbo sa gabi.

em_malong

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #222 on: August 14, 2009, 05:20:53 pm »
i don't believe with the sabi sabi...

But when I was preggy with my bunso we stayed in my hubby's Lola's house the usual old houses with the capiz windows up and down house madewith old woods. there was this sound every night "tik tik tik tik" near our window, and I always ask my hubby if what was that and he's telling me na ipis lang yan. and every night I hear that at napanatag ako kasi my hubby always say n ipis langyan. But when I gave birth wala na yung sound then I ask my hubby, kung bakit wala na yung tunog ng mga ipis. then my hubby told me na ipis doesn't really make noise like what we hear every night when I was still pregnant.

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #223 on: September 05, 2009, 02:19:20 pm »
This thread is buhay pa pala, i was the one who started it. My baby is now 7th month old.

Sa mga preggy mommies, walang mawawala kapag sinunod ang mga sabi sabi ng matatanda, at based on our own experiences, this entity really exist.

May buntis kaming neighbor ngayon at siya naman ang pakay.

idontthinkso

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #224 on: September 06, 2009, 06:03:33 pm »
Inubos kong basahin yung 12 pages ng thread na to. Grabe, natakot ako kagabi... sinaraduhan pa naman ako ng pintuan sa terrace. Hahahaha!

Madami din akong kwento pero next time na lang. Hehe.

FOURever

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #225 on: September 07, 2009, 08:30:54 am »
baka may time na invisible ang mga tiktik? based sa ilan kong nabasa dito.. hehe! wala lang..

naalala ko tita ko nung nagbuntis. kasi nakakarinig daw siya sa bulacan, kaya dito sa amin umuwi sa taguig.,


pero, nung tinanong ko yung iba kung ano itsira ng tiktik, para daw yung butiki na may pakpak or parang ibon? yung isa kong tita nakakita daw siya ng nagtitiktik na sound at nakita niya mas malaki sa butiki. hmm?

yung tiktik na lizard like yata yung sign na may aswang na "tiktik"..
« Last Edit: September 07, 2009, 09:24:56 am by FOURever »

simplemind

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #226 on: September 08, 2009, 04:43:00 pm »
This thread is buhay pa pala, i was the one who started it. My baby is now 7th month old.

Sa mga preggy mommies, walang mawawala kapag sinunod ang mga sabi sabi ng matatanda, at based on our own experiences, this entity really exist.

May buntis kaming neighbor ngayon at siya naman ang pakay.
I agree with this tiktik sa buntis.
when i was pregnant , i rented my own place in alabang a townhouse na sa likod ay vacant lot na, 7 months ko na siya naramdaman na parang may nag scratch sa wall  and parang may paikot ikot sa labasan namin ...so i asked my cousin  kung may narinig siya wala daw at pano raw may mag scratch doon e concrete yon oh well dinig ko talaga and take note mga sis habang naririnig ko yong kaluskos  si baby sa tiyan ko galaw ng galaw ha, so i told my tita about it sabi niya may tiktik daw don kasi mapuno nga yung likuran namin..kaya after that night lage na balot ang tiyan ko ng black cloth  di daw kasi nila makikita si baby e, and totoo nawala na yong kaluskos and super galaw ni baby till manganak ako.....So i guess tiktik is true!

idontthinkso

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #227 on: September 09, 2009, 08:20:03 am »
Di ako naka experience nito, mga kwento lang.

nung buntis pa yung classmate ko, sabi niya meron daw gabi-gabing kalapati dun sa aircon nila, ang nakapagtataka daw e sobrang bigat nung kalapati na lumundo daw yung aircon. as in laging bantay daw yun don. tapos meron din daw paniki na nakapasok sa kisame nila na di nila malaman kung pano nakarating don. yung paniki yun din yung way na nalaman na buntis siya, di pa kase alam sa kanila nung mga time na yun..

tapos nung dumu-duty siya noon, halata na yung tiyan niya na buntis nga... tapos madaling araw ang alis dahil pang umaga ang shift niya. nung sa bus daw, yung kundoktor sobra daw makatingin sa tiyan niya, as in di talaga tinantanan, parang naglalaway na.

yung mama ko naman from iloilo, pag-uwi daw niya sa bahay, dun sa silong ng kubo nila may malaking-malaking aso, di nga lang daw niya alam kung aswang, pero super laki daw na di na talaga normal.

nun namang nagdodorm sila noong HS o elem pa ata yun, di daw niya alam kung bakit nagsisigawan dun sa room nila, pero sa ibang side nga lang siya kaya di niya alam kung bakit... yun pala sa bintana meron ng aswang, parang hinahablot yung mga studyante.

yun namang story ng kasambahay namin dati, from mindanao siya... edi nung date date pa sila nung asawa niya, tapos gabi na, may nakita silang ermitanyo, tapos di ko lang maalala kung anong sinabi nung ermitanyo sa kanila, tapos nung pagbalik nila andun pa din, tapos binati uli sila, tapos narinig na lang nila yung pagaspas tapos paglingon nila ayun na, aswang na nga.

nung mag-asawa na sila, iniwan muna nila anak nila sa bahay, pumunta sila sa biyenan niya, tapos yung mga anak daw niya natatakot nung pagkaalis gawa ng may butas yung pader nila tapos para daw may nakasilip doon... tapos nun medyo matagal-tagal, di na nakuntento, papasukin na yung mga anak, buti nakauwi na sila noon... at may baby pa sila noon ha.

yung sa riles naman dito samen, sabi may aswang daw don... tapos dun nakatira kasi sila ateng kasambahay, tapos nung bibili daw sila may dalawang pusa na ang kulit daw na nakakatakot, ginugulo sila, tapos yung anak na nagtitinda biglang sabi 'naaaay... taaaay...' na parang yun ang pangalan nung pusa habang sinasaway, ayun umalis daw yung pusa.

dun din sa riles, yun namang plantsadora namin dati, nawawala daw signal ng tv, tapos paulit-ulit, tapos nung nilabas na niya may aswang daw dun... kakilala daw niya... tapos mula nun parang nawala na yung babae.

madami pa e... karamihan galing dun kay ate na kwento.

so naniniwala nga ako... hehe.

cherry24

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #228 on: September 10, 2009, 05:03:38 pm »
tita ko na experience niya to.. mga 8pm. early bird pa ang tiktik/aswang.hehe
nasa kusina siya nun.may nakita siyang malaking pakpak.parang manananggal daw.. kaya ayun nabulabog yung mga kapitbahay nila..susugurin sana yung aswang kaso ang bilis nawala.

sa surigao nangyari to.

yaris

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #229 on: September 10, 2009, 06:49:20 pm »
ugh! Katakot naman mga stories!

Buti na lang wala dito.

simplemind

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #230 on: September 11, 2009, 02:44:40 pm »
Sa province nga marami yan ....

eklea

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #231 on: September 11, 2009, 11:02:39 pm »
kinilabutan ako habang binabasa yung scary part to think eh cool na cool ako nagbabasa kanina.... sis God bless sana lubayan na niya kayo.. hay parang gusto kong matakot na hindi sa sinabi mong maputi ang madalas nilang sundan... kahit ba walang baby or hindi buntis ba yan? :(

eh kung pabless niyo yung house ng holy wanter with oil? suggestion lang..


jelly

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #232 on: September 11, 2009, 11:57:58 pm »
di din ako naniniwala sa tiktik pero nong preggy ako sa baby ko...sa bintana namin may nakikita ko malaking ibon...sabi ko baka owl...pero natakot na talaga ako kasi kita mo yun silhoutte...di ako nakatiis pinakita ko sa maid namin...ayun naniwala na siya...pati si hubby..hubby ko kasi gabi ang work so wala ako katabi kundi yun eldest daughter ko na 2yo lang that time so pinatulog na lang nya si yaya sa room para may kasama daw ako...nawala din eh..to think na sa malabon kami nakatira...and village na malapit sa caloocan lang...

Si hubby sabi niya sa caloocan meron daw talaga..di me naniniwala pero sinabi din ng nanay niya mero daw talaga...yun iba di naman daw nanggagalaw..amoy lang pati mga damit na nakasabit sa sampayan.kaya pag buntis daw kelangan sinisilong na agad ang mga clothes...pati bago panganak na baby

Aspen

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #233 on: September 12, 2009, 03:25:34 am »
totoo mga yan, dati yung kasama namin sa bahay na laking probinsya sa visayas eh nagkukuwento ng mga naranasan niya doon mahirap paniwalaan pero you will know naman kung nagsasabi ng totoo yung tao.

may episode sa MMK dati about this medyo nakalimutan ko na yung story pero its about aswang parang si agot isidro yata yung character. teacher siya eh may lahi pala silang aswang parang napilitan siyang tanggapin yung batong itim sa nanay niya kasi pag hindi eh hindi rin mamatay yung nanay niya kahit may sakit na to. ang ending eh gumaling din siya pinagaling siya ng psychic healer.

meron din isang episode MMK din si ian veneracion naman yung character magbabarkada sila vacation sa province, napagdiskitahan sila ng aswang at pinatay yung mga kasama niya siya lang yung survivor.

quolet

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #234 on: September 16, 2009, 06:07:48 am »
it was nice reading the whole thread.dami ko natutunan.

shanelink2

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #235 on: September 16, 2009, 09:23:28 pm »
naniniwala ako kasi sa province namin maraming ganito, kahit ako din nakarinig na din ayoko lang magkwento ng details kasi me lang ngayon mag-isa sa haws di ko kaya

wankei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #236 on: September 18, 2009, 07:35:08 pm »
hi,
last time i posted my experience regarding this topic. now i have another experience. i just gave birth last july to a baby girl. a few days back yung baby ko parang init na init at hindi mapakali kahit may aircon na these has been happening for about the past 2 nights, that same night, yung mga tauhan ng kuya ko ay may narinig na malakas na WAKWAk ng 3 beses sa same area where i saw the man. after wards sinabi sa akin yung narinig nila. dali-dali silang kumuha ng flashlight at naghanap sa lugar. sinabihan ako na isara yung bintana namin at maglagay ng bawang. nakabili ako ng buntot pagi from my pregnancy nilabas ko siya at pina ikot sa perimeter ng house namin na parang may pinapalo.the next day dinala ko yung baby ko sa church.

nung pinatawas ko yung baby ko ang sabi meroon daw nakatira dito malapit sa area namin na dumadaan daw sa house namin every 12 pm at siya rin daw yung sumusunod sa akin nung preggy ako. ang remedy na sinabi sa akin ay bago magsunset mag sabog ako ng asin sa perimeter ng house namin at sa mismong bintana namin. magsindi din ng incenso at ikot sa house namin (any incense will do daw kahit yung ginagamit sa altar pwede) . binili ko rin ng charm ang baby ko sa quiapo na pang baby. so far after doing these maaga nang nakakatulog ang baby ko at hindi na agitated sana hindi na siya bumalik.

i'm sharing this para makatulong dun sa iba na nakakaranas ng ganitong experience, pero syempre iba pa rin ang nagagawa ng prayers. god bless.... :)
« Last Edit: September 18, 2009, 07:40:03 pm by wankei »

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #237 on: September 25, 2009, 10:53:35 pm »
saan ba nakakabili ng buntot ng pagi? naniniwala kasi ako sa aswang eh. lola and mom ko nakaexperience dati kaya natatakot din ako now na buntis ako. di ko alam saan makakabili nun. mabuti na manigurado.

yung sa lola ko nangyari sa antique nung pinagbubuntis niya panganay na brothers ng mom ko. nakita niya sa tabi ng daan yung matandang lalaki pauwi sa house nila. medyo nagdidilim na nun at mag-isa siya. binati daw niya pero di siya pinansin. nung gabi, natutulog sila ng lolo ko sa room, nagising daw siya kasi parang may papalapit sa kanya na bola ng ilaw/apoy. ginising niya lolo ko pero bigla nawala. ayun, patay yung babies niyang twins paglabas. natsitsismis pala na aswang yung lalaking yun.

sa mom ko naman nangyari sa montalban nung pinagbubuntis niya ako. naiwan sila ng lola ko sa house kasi night shift pasok ng dad ko sa work. may kumakaluskos daw sa labas ng house. yung walls daw parang may nagscrascratch. tapos may nakita sila na malaking puting daga. natakot daw sila kaya ginawa ng lola ko nagpretend na nasa house dad ko. tinawag niya kunyari tapos sabi labas yung baril. may neighbor pala na pinaghihinalaang aswang.

nung 1990 naman, my mom gave birth to my youngest brother. we live here in cavite na. one night, lumabas lola ko and dad sa house na may dalang itak. sumisigaw lola ko na parang wag galawin brother ko. tapos naglakad sila paikot ng house habang nagpapausok ng incense. may dumaan daw kasi nung gabi na yun.

kaya medyo paranoid ako kasi last month, nakaupo ako sa living room late at night na mag-isa tapos may narinig akong parang bumagsak sa roof namin. hindi naman pusa yun kasi wala nang ibang movements after. saka sabi ng labandera namin may aswang daw sa neighborhood nila. lapit lang kasi samin yun. pag gabi daw naririnig niya yung tiktik kasi buntis yung niece ng husband niya. sabi niya sakin dapat daw takpan nga ng black cloth yung tummy like what the other moms said. di daw makikita ng aswang pag ganun. tapos hinagisan ng lola ko ng garlic and salt yung roof namin. naglalagay din ako ng garlic sa table ko pag gabi. saka pinababa ng lola ko yung curtains sa room namin. wag ko daw iwan na nakataas yun pag gabi. enclosed naman kasi ng grills yung laundry area sa labas ng room ko kaya i would leave the window open at night pero binababa ko na lang yung curtains to be safe. sabi ng mom ko kasi yung neighbors daw talaga namin dati nagkukuwento na kumakalabog talaga sa bubong nila pag gabi. magtatanong nga sana ako about this. meron na palang thread dito.  :)

gorgeouschef

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #238 on: September 26, 2009, 08:02:12 am »
madami sa baclaran and quiapo Sis.. iba ibang sizes pa. ;D

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #239 on: September 26, 2009, 09:14:17 am »
Omg, sa lahat ng pregnant and newly born babies, mag iingat po lagi ha, ok din mag incense every 6pm sa harap ng house.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close