Di ako naka experience nito, mga kwento lang.
nung buntis pa yung classmate ko, sabi niya meron daw gabi-gabing kalapati dun sa aircon nila, ang nakapagtataka daw e sobrang bigat nung kalapati na lumundo daw yung aircon. as in laging bantay daw yun don. tapos meron din daw paniki na nakapasok sa kisame nila na di nila malaman kung pano nakarating don. yung paniki yun din yung way na nalaman na buntis siya, di pa kase alam sa kanila nung mga time na yun..
tapos nung dumu-duty siya noon, halata na yung tiyan niya na buntis nga... tapos madaling araw ang alis dahil pang umaga ang shift niya. nung sa bus daw, yung kundoktor sobra daw makatingin sa tiyan niya, as in di talaga tinantanan, parang naglalaway na.
yung mama ko naman from iloilo, pag-uwi daw niya sa bahay, dun sa silong ng kubo nila may malaking-malaking aso, di nga lang daw niya alam kung aswang, pero super laki daw na di na talaga normal.
nun namang nagdodorm sila noong HS o elem pa ata yun, di daw niya alam kung bakit nagsisigawan dun sa room nila, pero sa ibang side nga lang siya kaya di niya alam kung bakit... yun pala sa bintana meron ng aswang, parang hinahablot yung mga studyante.
yun namang story ng kasambahay namin dati, from mindanao siya... edi nung date date pa sila nung asawa niya, tapos gabi na, may nakita silang ermitanyo, tapos di ko lang maalala kung anong sinabi nung ermitanyo sa kanila, tapos nung pagbalik nila andun pa din, tapos binati uli sila, tapos narinig na lang nila yung pagaspas tapos paglingon nila ayun na, aswang na nga.
nung mag-asawa na sila, iniwan muna nila anak nila sa bahay, pumunta sila sa biyenan niya, tapos yung mga anak daw niya natatakot nung pagkaalis gawa ng may butas yung pader nila tapos para daw may nakasilip doon... tapos nun medyo matagal-tagal, di na nakuntento, papasukin na yung mga anak, buti nakauwi na sila noon... at may baby pa sila noon ha.
yung sa riles naman dito samen, sabi may aswang daw don... tapos dun nakatira kasi sila ateng kasambahay, tapos nung bibili daw sila may dalawang pusa na ang kulit daw na nakakatakot, ginugulo sila, tapos yung anak na nagtitinda biglang sabi 'naaaay... taaaay...' na parang yun ang pangalan nung pusa habang sinasaway, ayun umalis daw yung pusa.
dun din sa riles, yun namang plantsadora namin dati, nawawala daw signal ng tv, tapos paulit-ulit, tapos nung nilabas na niya may aswang daw dun... kakilala daw niya... tapos mula nun parang nawala na yung babae.
madami pa e... karamihan galing dun kay ate na kwento.
so naniniwala nga ako... hehe.