watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 412817 times)

pink_candy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #20 on: September 22, 2008, 05:20:23 pm »
^ sis, yung sting ray na pagi in tagalog.

paniwala ng matanda effective daw na pang alis ng tiktik sa bahay pag sinabit yung buntot nun sa bintana or sa door.

joden

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #21 on: September 23, 2008, 09:29:16 pm »
sabi ng matatanda dito samen totoo daw. dito kasi kami sa province so mas naniniwala talaga mga tao dito about jan. even my mom. marami siya kwento non nung pinagbubutis pa daw nya kami ng bro ko. lagi daw siya may walis tingting na nakataob sa pinto ng bahay.

dami ko napagdaanang mga cousins na nabuntis lahat and they all believed it. they bought pa yung buntot ng pagi kasi takot daw ang tiktik dun.

when i got pregnant, binigay nila saken yun. pero i never experienced it naman. i was insomniac when i was preggy so i'm usually awake the entire night pero yun nga wala ako naexperience. joke nga ng mga cousins ko, nalaos daw saken yung tiktik dito kasi hindi nga daw ako natutulog. hehe  ;D

Frenzied

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #22 on: September 23, 2008, 09:41:05 pm »
The stories are so scary lalo na yung sinabutan ng aswang, but I think tiktiks are just urban legend nalang though wala naman masama if you will believe it and take extra precaution.

nelly_nel

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #23 on: September 23, 2008, 09:48:01 pm »
^true yung walis tingting, ganun din sabi tito ko. na-experience ko din yang tiktik sa 1st baby ko meron pa nga parang sound na *wak-wak* kami ng mama ko nakarinig. pero ngayon buntis uli ako sa 2nd baby ko tiktik lang narinig ko but bihira namn di gaya dati. maglagay kayo mga sis ng lemon s bintana.

zaza

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #24 on: September 24, 2008, 12:54:28 pm »
suggestions sa mga buntis, wag pahawak ang tyan nyo sa mga strangers.... baka aswang yan, kasi me aswang daw na kahit hawakan nila ang tyan ng buntis, pwede nilang makuha ang bata

Tigershark09

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #25 on: September 25, 2008, 10:17:37 am »
very primitive and illogical kung iisipin mo pero naniniwala ako na meron talagang ibang entities other than us. naniniwala din ako sa kasabihan na "life is stranger than fiction". siguro pinaka-powerful na defense is prayer. 

sa philippines kasi marami pa ding liblib na lugar at probinsya pa ang dating. usually don ka makakarinig ng mga ganyang kwento. at sabi ng mga oldies, habang may naniniwala hindi sila nawawala.

RonaWeasley

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #26 on: September 26, 2008, 07:14:34 am »
mga sis, san ba nakakabili ng buntot pague? preggy rin ako kaya para lang sure. sa dami ng nangyayari everyday, mabuti na rin nag-iingat.

twelve5

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #27 on: September 26, 2008, 08:11:58 am »
aswang yung humahati yung katawan diba?

yung tik-tik ano itsura?

freeswan

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #28 on: September 26, 2008, 08:15:32 am »
^ yan yung pangit sis na may mahabang dila. dila gamit nila para kunin yung mga babies since nasa bubong sila lagi.

twelve5

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #29 on: September 26, 2008, 08:48:14 am »
^ oh so human form din pala sya. kala ko kasi parang half-human, half-something eh.

thanks.  :)

hotgeek

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #30 on: September 26, 2008, 09:58:41 am »
ano yung pagi?

kakatakot naman yan.

Not sure pero fish ata..

Sa amin may tiktik... alam nya kung sino ang buntis... matanda sa amin dalawa ata sila... so siguro pag buntis ako di muna ako uuwe dun scary eh... yung mom ng bf ko naka experience din ng ganyan.... sa roof ng bahay nila akala naman sanga lang ng punong kahoy na sumasayad sa roof... scary talaga.... pero ala pa naman ako nababalitaan namatay na gawa ng tiktik...=)

illumina

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #31 on: September 26, 2008, 10:43:34 am »
^ sis, alam ko sting ray yung pagi..   :)

ang galing ng mga ganyan noh? hindi mo alam kung urban legend ba or what, I know many people who would swear on their existence, pero until now wala pa din ako personal experience (and ayaw ko magkaroon! ;D) kaya doubtful pa din ako. It's a matter of belief na lang talaga.

twelve5

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #32 on: September 26, 2008, 10:58:06 am »
^ to see is to believe ba motto mo? hehe

illumina

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #33 on: September 26, 2008, 11:10:21 am »
^ Haha! hindi naman sis..  ;D
Eh ang labo naman din kasi na makakita ko nun, puro building nakapalibot dito tapos bigalang may makikita akong tik-tik.. hehe..  ;)

pink_candy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #34 on: September 26, 2008, 11:28:05 am »
curious thought lang...

pano nakakalusot yung dila ng tiktik sa bubong especially kung yero yung roof or other sturdy materials? di ba masusugat dila nila nun? LOL naisip ko lang.. hehe  :D

sa province could be believable kasi yung may mga roofs dun na pawid pa rin ginamit or kahoy... pero sa manila... would it be possible? especially kung pati bintana eh sarado???

na-curious daw ako bigla.

twelve5

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #35 on: September 26, 2008, 11:33:03 am »
^ hula ko lang ha... siyempre may lalabas sa house to check on whats up on the roof kasi maingay... or dudungaw sa window... so baka "salisi gang" ang MO nya in this modern times.  ;)

pink_candy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #36 on: September 26, 2008, 11:37:22 am »
^ so nag-ddevise pa yung plan yung tiktik para makalusot yung dila nya? hehe... sorry sis ha, wala lang pag naiisip ko lang parang funny/scary movie dating sakin. What if yung nagbukas ng bintana bigla sinara yung bintana? di ba maiipit yung dila nya?  ;D

or tumatambay yung tiktik sa roof ng bahay to smell the baby?

wala lang na-imagine ko lang kasi yung sa scary movie na sequels... hehe

illumina

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #37 on: September 26, 2008, 11:45:17 am »
^ nag-eenjoy ako sa conversation nyo! bwahahaha!  ;D

^kaedee^

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #38 on: September 26, 2008, 11:55:21 am »
hindi ko masabi kung maniniwala ba ako sa tiktik kase hindi pa talaga ako nakakita nung tipong mahabang dila sa roof.

but i will share my story. nung 2002 na preggy ako. at around 2:30-3 am nagising ako kase may kumakalampag sa bubong namen. magisa lang ako sa room. the dogs are barking na din. e nakatalukbong ako ng kumot. pag alis ko ng kumot sa mukha ko, may nakita akong matandang babae nakatayo sa paanan ko. ginawa ko nagtalukbong ako ulet ng kumot. kase wala naman ako tatakbuhan. for sure naka lock din room ng brother ko.

then on that same week pagkapa checkup ko. patay yun baby ko inside me. 12weeks yung baby nun.

pero i won't deny it. naisip ko baka nga tiktik yung asa bubong namen nun. baka may ginawa siya sa baby ko  ???


ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #39 on: September 26, 2008, 12:34:41 pm »
^^ OMG!! that's really scary sis! promise? may matandang nakatayo sa paanan mo?? grabe naman, i can't imagine that. kinilabutan talaga ako sis. according to your Ob ano daw dahilan ng pagkamatay ni baby?

maniniwala na sana ako na tiktik or those kind of creatures doesn't really kill babies, like what our other sis told us, parang inaamoy lang nila kasi nga mabango yung amoy ng baby sa womb for them but now, they can really hurt the babies talaga.

^^btw, buntot ng pague can be purchased in quiapo. sa gilid ng church yung may nagtitinda ng mga santo. don't forget to haggle kasi baka mahalan nila. yung binili ko before maliit lang. masyadong mahaba na yung malaki.
« Last Edit: September 26, 2008, 12:36:14 pm by ceejhei »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close