sabi daw totoo, nung buntis si mama sa bunso namin, laging me katabing gunting yung sa kama, sabi daw may umaaligid na aswang sa lugar namin, e ang laki ng tyan ni mama nun kasi kambal yung dala nya, nakakatakot pero di naman nagpatakot si mama, kahit gabi lumalabas talaga sya, ako naman, wala akong na-experience nyan, pero nung nanganak ako sa 2nd child ko, mga one week pa lang sya, bukas yung bintana namin at capiz pa yung bintana namin, pati yung ilaw bukas, mga 1 or 2 am na yun, natulog lang ako na nakasandal sa may bintana, katabi ko yung baby ko pati yung asawa ko, tapos may biglang sumabunot sakin, aswang sya at tumatawa siya, natatakot na talaga ako kasi baka kunin nya yung baby ko, tapos nun bigla akong nagising, sa sobrang takot ko sinarado ko kaagad ang bintana, kahit mainit sinarado ko, grabe nakakatakot parang totoo, nagdasal agad ako, nakapagtataka lang e naka kulambo kami nun....