heto na ulit ako after hibernation

STAFF: i would recommend kung makakuha kayo ng 1 staff na atleast marunong maglaba, and atleast medyo may edad na, mga 30s pataas...then, rest of your staff puwedeng bata na mga 20s. 2 staff puwede na sa umpisa, if possible 1 female at 1 male. yung male mapapakinabangan mo sa delivery.
LOCATION: mas of if malapit sa residential yung shop mo, if possible malapit sa school or dorm or condos.
EQUIPMENT: for a start, puwede na yung 1 washer, 1 dryer, 1 washing machine, then of course, hanger, hamper, brush, basins, timba etc. Electric dryer gamit ko, mas ok kesa gas dryer, hindi pa sya delikado kase baka sumabog daw ayon sa aking technician ha.
MARKETING STRATEGY: word of mouth lang kami, tarpaulin, flyers, dikit sa mga boards ng dorms, sa entrance ng university, sa church pamigay, sa palengke pamigay ng fliers, ganun lang. Dapat matiyaga ka.
FREE deliver and FREE pick up kami within the vicinity.
POWDER: ordinary lang
FABCON: ordinary lang din
PRICING: 30 per kg, kahit anong gawing baba ng presyo mga competitor ko di ko ibinababa price ko, lugi pag binabaan mo pa sa P30. hirap maglaba

i started laundry shop 2009 (with partner pa nun) then 2010 solo na, and up to now masasabi ko na nakapag established na kami ng name at pag sinabing laundry shop yung amin ang itinuturo agad agad..at malaki na income nya kayang magbayad ng amortization ng 2 cars na

WALA po kaming trade secret kundi ....BEST services offered lang, mababait na labandera, malinis at maayos na labada, 1 in 1 out ang paglalaba namin, mga machines ko nasa harap kaya nakikita ng mga customers kung paano labhan damit nila

Tiyagaan lang sa pag mamarket ng laundry shop, dapat wag mahiyang ialok ang services at wag din mahiyang magpick up or deliver, minsan kase wala yung taga deliver ko kaya ako or si mister ang pick up or deliver dala dala timbangan etc. minsan nga naka business attire pa

keber lang atleast me income kesa wala.
Hope nakatulong post ko

have a nice day! go lang ng go! go negosyo.
