IMPORTANT: When calling 171 or 172 to complain about PLDT DSL, do not forget to ask for the NAME of the CSR first and their ID NUMBER. May mga incompetent at bastos din kasi:
Kahapon ng tanghali, nagkaroon ng problema ang PLDT DSL sa bahay. Itinawag ng Dad ko at binigyan siya ng bagong username at PW. Pagdating ng gabi, ayaw na naman, error na naman. Ako na ang tumawag sa 171. That was around 9pm.
I should have asked his name first. Pagsagot niya, wala man lang, "PLDT HELPDESK, THIS IS.... HOW MAY I HELP YOU?" Hello lang ang sinabi niya. Parang antok na inis yung tono niya.
So the usual process, I gave him the info and I relayed the problem.
Ang sagot niya agad, without even checking what's the real issue, "MAY PROBLEMA SA AREA NYO, SA LAS PINAS."
Sabi ko, "Anong specific problem?"
Reply: "Basta may problema sa LP. Nawawalan nga ng Internet."
I told him, "Oh really? Ano ngang specific problem? Bakit sa Internet shop namin may connection? Sa LP din yun? What time mo nareceive yung report tungkol sa problem na yan?"
Reply:"Basta meron nga."
Me: "Can't you at least explain what is it OR you don't really know what you're talking about?!" (at this point, sobrang inis na ako dahil ang bastos ng tono niya at feeling niya wala akong alam sa computer at DSL)
Reply: "TEKA"
Tapos biglang may maingay na "TOOOOOOOOT!!!"
Dead air.
He cut me off.
Just like that.
Grabe sobrang bastos talaga.
I called again, relayed the incident to the second CSR. Buti na lang, mabait siya kahit nagtataray na ako. Naiexplain niya ng maayos ang gagawin at gagawan na lang niya ng report para masolusyunan ng technical. Napahinahon nga niya ako eh. Siya pa ang nagsorry para dun sa bastos na nakausap ko. Wala nga lang daw way para malaman yung identity nung una kong nakausap.

Kaya next time na tatawag ako, kukunin ko na palagi ang full name at ID number nila. Usually kasi, sa end ng call, dun ko pa lang hihingin ang name. Eh malay bang iiwan ako sa ere nung bastos na yun.
