Ako, feeling ko na bu bully ako ng kapitbahay ko like, yung isang instance na sabay na nabuntis yung 2 sa floor namin and then, nung napadaan ako sa kanila, sabi nila " Evolet, naunahan ka na namin mabuntis" with himas pa sa tyan nila. So ako naman, nabadtrip ako pero di ko na lang pinahalata, pero whole day, bad trip ako, pati asawa ko napag buntunan ko ng pagka badtrip ko. Like, napaka insensitive nila. Hindi ako aware na may contest ng unahang mabuntis, di ko alam na may karera ng paramihan ng anak. Hirap ako mag buntis at sumama ang loob ko talaga. The fact na "na naman", oo dahil nakaka 2 at 3 anak na sila at kame eh wala pa, yung "na naman" na word, nag panting tenga ko eh.
Anyways, so yun nga, kame ni hubby, wala pa ulit anak, pero blessed naman sa ibang bagay. Iniisip ko na lang, inggit lang sila kasi we can eat ni hubby kahit saan, nakaka travel kame ni hubby, we buy what we want, at tuwing uuwi kame na puro shopping bags, yung mga mata nila basang basa namin ni hubby na may inggit. So tingin ko, yung wala samen yun na lang ang pinupuna nila samen. Yeah, I know this is rude pero, I'd rather have no child kung wala naman ako capacity na bumuo ng malaking pamilya at gawing factory ang matres ko just to have kids. Honestly, hirap sila sa buhay sila pa tong malakas mang ganun ng kapwa. Patawarin ako ni God pero nasabi ko talaga nung araw na yun na "Eh ano naman kung me mga anak kayo, mukhang mga paniki naman at puro pancit canton na lang pagkain nyo, di kayo nagsawa?" pero syempre sa sarili ko na lang sinabi yun.