watch now

Author Topic: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?  (Read 165541 times)

yannuh

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #320 on: February 15, 2016, 08:17:18 am »
^^haha kaya lang sayang pera kaloka!

Anewme

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #321 on: February 16, 2016, 07:39:57 pm »
Love your enemies ika nga. Ginawa ko na yan before gift giving ginagawa ko sa mga tsismosang kapitbahay. Huminto naman sila habang continous pagbibigay mo. Pero once na tinigil mo dahil kinulang sa budget ayun balik sa dating gawi tsismis ulit sila sayo ;D. Kaya kahit anong gawin mong kindness sa mga tsismosa at inggiterang kapitbahay cycle din yan paulit ulit lang pakitaan mo man ng kabaitan yung mali mo pa rin ang nakikita. Sakit na yan ng mga walang magawa at mga ingiterang palaka ::)

cupcakencheese

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #322 on: February 24, 2016, 05:55:22 pm »
Oh pag ako mag ganoon na kapitbahay show them love and care para they will stop the tsismis and may iba silang magawa.. kadalasan kasi wala silang magawa kaya nag tsiamis sila pero pag busy they have another outlet na so maiiwasan din ang mga gulo.
walang inbprn na tsismosa, it always takes two to tango kaya pag busy na sila less na ang tsismis na magagawa nila

Shopaholic_Gurl

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #323 on: March 14, 2016, 10:10:47 am »
You can't avoid them, they are almost everywhere. Deal with it. Walang kuenta kung papatulan mo sila. Mamatay sila sa inggit at galit. Deadma lang yan ang bagay sa kanila. They don't deserved any attention.

stylus

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #324 on: March 16, 2016, 11:07:21 am »
Kung wala kang ginagawang masama sa kanila, deadma lang. Kung inggit sila sayo,  problema na nila yun ;)

hyder0926

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #325 on: March 29, 2016, 11:59:10 am »
make sure that the grass is always mowed and healthy.. and live a quiet and peaceful life..

the grass is greener when you water it.. hayaan mo lang un mga chismosa at inggitera.. =)

bollin_pop

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #326 on: May 21, 2016, 01:17:11 am »
Most of the time deadma na lang.
Magsawa na lang kakachismis sila. :)

miss resilient

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #327 on: June 08, 2016, 02:56:14 am »
It happened to us not so long ago...as in narinig ko siya nagputak putak kung ano2x sinasabi about us palibhasa nireklamo namin siya sa homeowners at di niya siguro maaccept.

Ang ginawa namin ng husband ko dinaanan namin siya at tiningnan ng makahulugan. Pero we never confronted her or explained ourselves to our neighbors. I believe na circumstance ang gagawa ng paraan para makilala kung sino ang may mali sa aming dalawa.

Months passed, ayun nagkaconflict siya sa mga kapitbahay na dati niyang kakampi. Worst, pinaalis siya sa lugar namin kasi isang angkan yung nakabangga niya.   >:(

Kaya now, siguro kahit papaano we earned our neighbors respect. Kasi kung anong papansin ang ginagawa nila sa amin. Siguro narealized din nila na mali ang lahat ng accusations ng chikadorang yun sa amin.
« Last Edit: June 08, 2016, 03:01:03 am by miss resilient »

Evolet027

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #328 on: June 08, 2016, 05:58:05 pm »
Ako, feeling ko na bu bully ako ng kapitbahay ko like, yung isang instance na sabay na nabuntis yung 2 sa floor namin and then, nung napadaan ako sa kanila, sabi nila " Evolet, naunahan ka na namin mabuntis" with himas pa sa tyan nila. So ako naman, nabadtrip ako pero di ko na lang pinahalata, pero whole day, bad trip ako, pati asawa ko napag buntunan ko ng pagka badtrip ko. Like, napaka insensitive nila. Hindi ako aware na may contest ng unahang mabuntis, di ko alam na may karera ng paramihan ng anak. Hirap ako mag buntis at sumama ang loob ko talaga. The fact na "na naman", oo dahil nakaka 2 at 3 anak na sila at kame eh wala pa, yung "na naman" na word, nag panting tenga ko eh.

Anyways, so yun nga, kame ni hubby, wala pa ulit anak, pero blessed naman sa ibang bagay. Iniisip ko na lang, inggit lang sila kasi we can eat ni hubby kahit saan, nakaka travel kame ni hubby, we buy what we want, at tuwing uuwi kame na puro shopping bags, yung mga mata nila basang basa namin ni hubby na may inggit. So tingin ko, yung wala samen yun na lang ang pinupuna nila samen. Yeah, I know this is rude pero, I'd rather have no child kung wala naman ako capacity na bumuo ng malaking pamilya at gawing factory ang matres ko just to have kids. Honestly, hirap sila sa buhay sila pa tong malakas mang ganun ng kapwa. Patawarin ako ni God pero nasabi ko talaga nung araw na yun na "Eh ano naman kung me mga anak kayo, mukhang mga paniki naman at puro pancit canton na lang pagkain nyo, di kayo nagsawa?" pero syempre sa sarili ko na lang sinabi yun.

miss resilient

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #329 on: June 08, 2016, 11:37:55 pm »
^may mga insensitive talagang tao..ask yourself..ano bang background ng mga nagsabi na yan sayo?

i've been there, almost ten years kami ng husband ko na walang baby..syempre maraming mga unsolicited advice, comments. appreciated ko talaga mga ka church namin na never pinaramdam sa amin kung anong kulang before. kinocomfort nila kame and positive pa na sinabing.."hindi pagod lang kayo kaya ganon", or " naniniwala ako in my heart magkakababy kayo"

kaya when my little boy came into my life..pinagkukuha kong ninong/ninang ang mga taong yun.

Evolet027

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #330 on: June 09, 2016, 11:02:54 am »
Yung mga wife mga housewife while the husbands are security guards. My hubby magaling makisama, pag mag aya sila uminom si hubby pa ang taya. While me, Hindi ako nakikipag kaibigan sa kanila. I just don't know ano ang mapag uusapan yamang Mejo malayo kame ng mga interests. Im just the type na mas pipiliin ko magbasa ng libro, manood ng tv, makipaglaro sa aso kesa makipag usap sa taong di ko feel at masasayang lang energy ko. They dont have anything to do with their lives kaya siguro lahat ng mga tao sa floor namin napapansin. :)

puput

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #331 on: July 15, 2016, 02:04:03 pm »
Simple... I just ignore them. Sayang effort pagpinatulan. Hahaha.

yannuh

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #332 on: July 21, 2016, 07:20:55 am »
^^sobrang insensitive naman yan sis. Go girl, kakampihan pa kita dyan :D

Kailarueluka

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #333 on: July 21, 2016, 08:39:01 am »
i kill them! --- with kindness
my time is so important i don't have any spare to do with these kind of people.

cupcakencheese

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #334 on: August 24, 2016, 10:33:35 am »
well actually tsismosa kapitbahay arent bad they are tsismosa in an extent they serve as your watchdog when you are not around. instead of getting annoyed i biy their friendship by giving foods to them sharing my extra cooking, and in a month time friends na so now when im out they tell me if someone came knocking or what happen when im not around,  take the possitive challenge and you will be amaze

barbillie

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #335 on: August 24, 2016, 10:42:38 am »
Sabi nga nila, keep your friends close, but your enemies closer. hehe.
Kami, we try to befriend our neighbors, usually kasi kaya naman natsisismis kasi kulang sa interaction with the people around. Pero, keep all the confidential matters within family lang. Filter the information na isheshare sa mga kapitbahay.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #336 on: August 25, 2016, 04:44:43 am »
Nakaka high blood ang ibang stories dito. Siguro pinagchichismisan din ako ng kapitbahay pero hindi ko lang alam lol! Well wala naman kasi akong pakelam. Hindi din kasi friendly ang aura ko haha! I don't even know their names and i dont make eye contact pag nakaksalubong ko. Ang sakin kasi hindi ko naman sila kelangan ibefriend and their opinion of me don't matter. Hindi sila parte ng buhay ko lol!

missyuko

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #337 on: December 13, 2016, 05:00:52 pm »
Madami talagang ganyan lalo na if kapitbahay mo ay mga kamag anak mo, not just the tsimis may kasama pang pakikielam at kumpetensya. pagka lage lage nagiging numb kana. yung iba namang tsimosa o tsimoso dto nakukuha nila karma nila at nakakarating sa karamihan din ang balita. dedma nalang, wala namang magandang maidudulot if mag aaway, magiging awkward lang pero pagka sobra na pwede namang mag speak up

patchiislove

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #338 on: December 13, 2016, 05:37:41 pm »
Naexperience ko din yan, nun umuwe kami at nagbakasyon samen. Nakakaloka nga sobra. Kung sino pang lalaki sya pa ang tsismoso / inggitero. Knowing naman, lahat naman ng anak niya tapos ng college at may mga work na din, yun 2 anak niya nasa ibang bansa naman. Hindi ko lam kung san siya nahugot ng pagkabitterness. Minsan napadaan kami ni hubby sa tambayan nila, ang lakas ng pagkakasabi niya  ayan na ang mapera, sabay sagot naman yun katabi niya sino yun mapera? Obviously, na kami-kami lang yun andun. Nginitian ko na lang. Pati mom ko hindi niya pinalagpas. Imagine kinuwenta niya pa yun mga extra sideline ng mom ko?! Natawa na lang kami, dami niyang oras para isipin pa yun. Nahihiya naman ako nageffort pa talaga siya. Napaghahalata talaga.  Hays!

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #339 on: December 26, 2016, 09:59:36 am »
Naka! In laws lang ni ate, pasok na pasok na eh! 😂 Wala naman tsismosa / inggitera sa kapitbahay. We also do not mind their business. Walang pakialamanan. Pero yung In laws ni ate, ayun!! Kahit 10min drive ang layo,  alam na alam ang nangyayari sa amin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close