
Me kwento ako nyan just last year.. We got 3 maids,(yung dalawa mag ina) tapos madalas maiwan sila sa bahay kasi halos lahat napasok..
Tapos nagulat na lang ako, nakapag asawa yung isa ng village guard namin, text mate na pala sila hehe. Yun yung anak ng isa din naming maid.
Minsan, nagulat ako, namalengke ako ng 1,5 parang pandagdag lang ba. 2 nights lang yung pinamalengke ko. So hinahanap ko ngayon, tapos napansin ng isang katulong na yung bigas namin na isang sako, 10 days lang..tinanong ko sya maayos di daw nya alam eh sya taga luto. Hangang minsan, nagkasakit yung maid na nanay, dinala namin sya sa hospital, yun pala me HEPA-B.. So we decided na lang na pauwiin sya sa province pero help namin sya magpagamot. Habang nagpapagamot sya don sya tumira sa baraks ng village guard kasi don din anak nya na nakapangasawa nga ng guard. Tapos don na namin nalaman yung mga pinag gagagawa ng maids namin.
Buong akala ng mga tenant namin, kasi meron kaming 4 doors apartment, akala nila Tito ko(kung san ako nakatira) ang home owners president kasi nakikita daw nila na hinahatiran ng maid na nagkasakit ang mga guards ng food, at don din nilalabhan at pinaplantsa ang mga damit na nakahanger pa pag hinahatid. nakakaloka!!
Don na naglabasan ang kwento ng mga maids na kapitbahay namin.. sila na din nag sabi na yung bigas namin hinahakot don sa anak nyang nakapag asawa ng guard. at kung ano ano pang kwento.
So sa inis ng tito ko di na tinulungan magpagamot ang maid na yun, kaya pala nagka hepa eh may bf din na guard. Eh may asawa yun sa province yung maid namin.
Di naiwan na lang yung isang maid, naghanap kami ng kapalit nong dalawa pero isa na lang kinuha namin.
Yun pala may kalokohan din yung naiwan. Natakas pag gabi nakikipag kita sa bf nyang boy din. Nong matagal na nagpapasok na ng bf sa kwarto nila, di makatulog ang bagong maid kasi nga may ginagawa yung mag bf. 3 months ang lumipas natakot yung bagong maid kasi sabi ng ibang maid na kapitbahay baka may nangyaring hindi maganda pati sya madadamay. So nagsabi sakin yung bagong maid, nagulat ako kasi yung maid na natira parang tinuring kong kapatid. At wala sa itsura na gagawa ng kalokohan kasi pinag aaral din namin yun bata pa 18 pa lang.
So sinet up namin yun, minsan nasa loob na ng kwarto nila ang bf, nag text sakin ang bagong maid na nasa kwarto na nila ang bf. So bumaba ako kasama ko mga pinsang kong lalake. Sus itinatago sa ilalim ng kama ang bf. ayaw palabasin at pag pinapailawan ko pinapatay ilaw. So akyat ako sa taas tinawag ko si tito, the next morning pa naman pabalik na tito ko sa states buti nakita nya mismo.
Nabugbog ng bongang bonga ang bf, sabi ng tito ko pede kitang patayin kasi trespassing ka, pinatawag ni tito ang nanay ng bf na maid din yata ng kapitbahay. Yun pala ang alam ng pamilya ng bf welcome si bf sa bahay eh di naman namin alam na me bf si maid.. Gulat ang nanay, at si maid ang pakilala pala sa labas, pamangkin sya ng tito ko.. naloloka ako sa mga nalaman ko non, sakit sa ulo kasi ako ang tumatao sa bahay once a year lang kasi umuwi family ng tita at tito ko, 1 month lang sila stay dito kaya ako ang sumasakit ang ulo.
Hayy nakakaloka mga helper na to..
