watch now

Author Topic: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home  (Read 84666 times)

kookie420

  • Guest
i'm sure matutulog, or manonood ng tv or text to death. although i'm almost certain na tinapos niya na ang gawaing bahay. buti nalang may tindahan kami na minamanage ng aunt ko, so makikita siya kung may milagrong ginagawa.

mikelly

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #101 on: August 05, 2009, 01:43:58 pm »
When we are in the office alam ko na safe ang baby ko sa helper namin. Minsan nga pagdating namin nakapaglaba na siya nalinis pa yung room namin - imagine nag aalaga pa siya ng 1 year and 4 months na daughter ko.

pano niya napapagsabay mag laba and mag alaga ng baby at the same time?

PinKisH_23

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #102 on: August 05, 2009, 01:58:07 pm »
Si ate ay mahilig magtetext, siguro dun na napupunta yung sweldo nya, kakatext sa kung sino sino.. hilig din nya manuod ng TV, good thing at pinapatay naman nya sa hapon, then sa mga telenovela nalang ng primetime bubuhayin nya ulit ang TV.

~TiCkLeS~

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #103 on: August 28, 2009, 05:12:43 pm »
sleep, watch tv and telebabad

mami violy

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #104 on: August 28, 2009, 05:20:18 pm »
eto proven na talaga natutulog tapos sa gabi nagpupuyat sa TV kainis..

kung madali lang magpalit at kumuha ng katulong ginawa ko na talaga

blooming

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #105 on: August 29, 2009, 10:02:30 am »
tv
telebabad
text
I try to discourage her using my son's laptop kasi baka masira.  Pero happy naman ako if she finds ways din para aliwin sarili nya. importante lang maayos ang bahay, oks lang sakin kahit pa buong araw sya magtv.

lyn cheema

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #106 on: October 02, 2009, 02:23:52 pm »
never ending texting
sleeping
chikahan sa labas
or pag malapit yung mall pupunta din dun pag wala c mam or sir....  ;D

zaza

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #107 on: October 05, 2009, 09:24:24 am »
text
tulog
kwentuhan kasama sa ibang yaya
bantay ng tindahan mg byenan

- basta malinis at busog ang mga anak ko pagdating naming mag-asawa, at malinis ang bahay

coldsiren

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #108 on: October 06, 2009, 06:56:41 pm »
our maid usually watch tv or use the internet (coz he's a working student). kaso feeling ko naka friendster at facebook sya minsan pag naka internet sya. pag hindi yan naunuod ng tv tulog sya or nangangapitbahay. mas gusto ko na yata na manuod or mag internet or tulog sya kesa mangapitabahay. kasi pag nangapitbahay mahirap hanapin.

em_cee

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #109 on: October 06, 2009, 07:04:34 pm »
basa pocketbooks
watch tv
tulog tuwing hapon
listen to radio

as long as tapos na sya sa trabaho sa bahay, wala ako reklamo.

mikelly

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #110 on: October 24, 2009, 04:31:21 am »
is it okay for you na manood lang ng manood ng tv helpers nyo? 

sa kin kasi, hapon and gabi. siguro pagpapahingahin niya yung tv 4-6pm then resume.

although natapos naman niya yung ibang task, kaso hndi siya naghahanap ng pwede pang gawin aside from tv. or maglinis man lang ng small things like slippers, etc. usually, kakapanood niya ng tv hindi pa niya nalilinisan yung feeding bottles ng daughter ko, sa gabi after the tv.   ::)  ako pa naiilang pagsabihan siya because she's older than me, kaso abuso naman kung pababayaan ko.  ::)

hay buhay...........

mitchie

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #111 on: October 25, 2009, 11:15:10 pm »
ganyan din ginagawa ng maid namin now.. hilig magtext and call to the max.. housewife lang ako so  nakikita ko ginagawa.. nakakairita!! gagalaw lang pag inutusan mo..may son pa ang 2 10 months old.. ako nag aalaga instead siya.. walang pakialam kahit lumabas pa kami ng anak ko at binabantayan ko siya.. nandun lang siya sa loob ng house text or watch tv.. kapal ng mukha... gustong gusto ko ng paalisin pero naisip ko sayang naman kahit maglinis ng bahay at mautusan ko ayos lang. pero ang linis niya minsan parang hindi pulido.. lalo na pagnagwalis parang hindi natatanggal ang dumi.. laging nagmamadali.. hindi pa yan nakabend pag nagwawalis..straight body.. kainis talaga! sinita ko nga kanina kasi ba naman from 12pm to 11pm bukas ang tv!! imagine 11 hours!! omg!! grabe talaga mga maids ngayon.. bihira lang talaga ang masipag.. at ito pa pala nanunuod ng tv nakahiga.. o diba ayos!!

ceejhei

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #112 on: October 26, 2009, 12:31:39 pm »
^ SAKIT SA ULO mga maids!!!!!!!! hindi naman kami masamang amo, halos pamilya na kung ituring tapos trabaho nalang di pa magawa?? Yan naman ang gusto ng mga katulong eh, yung mga walang among naiiwan sa bahay. Para magawa nila lahat ng gusto nila. Hay!!!  Kung di naman talaga namin kailangan, ayaw na namin kumuha ng maid!

em_cee

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #113 on: November 07, 2009, 05:22:14 pm »
^^sarap batukan maid mo sis mitchie.

nakakainis talaga ang mga ganyang maid na ang kakapal ng mukha....

may sariling TV maid and yaya namin sa room nila pero pansin ko sa hapon the maid just take a nap or read pocketbooks, then around 4pm watch ng mexican telenovela for 30 minutes to one hour, tapos papatayin na nya, time for her to prepare dinner na, after sya prepare, open nya TV sa sala, watch Katorse, minsan open hanggang News, fine with me kasi nakikinig ang watch din ako minsan while having dinner.  Tapos I turn it off na...  Around 8-8:30pm, we all retire na, ako na nag-aalaga sa anak ko at nagpapatulog. the maid and yaya watch TV the whole evening sa room nila.  Maaga naman sila magising sa umaga tsaka maayos naman ang paglinis ng house kaya di na ako nagrereklamo.  Yun mga extra linis like shoes, slippers, or pag may napansin ako madumi,inuutos ko na lang.  Bihira din kasi makakita na OC na maid, tipong lahat nililinis.  Meron din kami naging maid before na uunahan ka sa paglinis ng mga rubber shoes.. May one time, gusto gamitin ng hubby ko one specific rubber shoes, ayun basa pa kasi nilinis ng maid.  Di ka naman pwede mainis kasi nagmagandang loob na nga na linisin diba.... We can't have it all... pero kung sobrang kapal na ng mukha at wala naman masyadong naitutulong, might as well palitan na lang... kasi di biro ang mga sweldo ng maids ngayon ha.

monopoly19

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #114 on: November 25, 2009, 08:03:23 pm »
we had a maid before who went through our clothes when weren't home
we just found out nung nakita namin mga damit sa cabinet niya nung umalis siya
yung mga bikini at pang gimmick ko pa ang balak nakawin!

mkasj_rn

  • Guest
As usual MAG TEXT and Mag UNLI CALL
watch TV
Petics! tipong pag alam na nila yung routine ng uwi ng amo dun na lang sila kikilos.
TULOG ng pagka haba haba ikaw na lang mahihiya mangising eh.

ms_kitkat

  • Guest
chismisan to the max with the other maids
text galore
tulog
watch ng tv na nakataas ang paa with matching softdrinks sa kamay at chips at nakatutok ang eelctric fan ;D

nainaj

  • Guest
yung maid namin walang ginawa kungdi manood ng tv,manood ng tv at manood ng tv!!!  >:(

eireen

  • Guest
 :D Me kwento ako nyan just last year.. We got 3 maids,(yung dalawa mag ina) tapos madalas maiwan sila sa bahay kasi halos lahat napasok..

Tapos nagulat na lang ako, nakapag asawa yung isa ng village guard namin, text mate na pala sila hehe. Yun yung anak ng isa din naming maid.

Minsan, nagulat ako, namalengke ako ng 1,5 parang pandagdag lang ba. 2 nights lang yung pinamalengke ko. So hinahanap ko ngayon, tapos napansin ng isang katulong na yung bigas namin na isang sako, 10 days lang..tinanong ko sya maayos di daw nya alam eh sya taga luto. Hangang minsan, nagkasakit yung maid na nanay, dinala namin sya sa hospital, yun pala me HEPA-B.. So we decided na lang na pauwiin sya sa province pero help namin sya magpagamot. Habang nagpapagamot sya don sya tumira sa baraks ng village guard kasi don din anak nya na nakapangasawa nga ng guard. Tapos don na namin nalaman yung mga pinag gagagawa ng maids namin.

Buong akala ng mga tenant namin, kasi meron kaming 4 doors apartment, akala nila Tito ko(kung san ako nakatira) ang home owners president kasi nakikita daw nila na hinahatiran ng maid na nagkasakit ang mga guards ng food, at don din nilalabhan at pinaplantsa ang mga damit na nakahanger pa pag hinahatid. nakakaloka!!

Don na naglabasan ang kwento ng mga maids na kapitbahay namin.. sila na din nag sabi na yung bigas namin hinahakot don sa anak nyang nakapag asawa ng guard. at kung ano ano pang kwento.
So sa inis ng tito ko di na tinulungan magpagamot ang maid na yun, kaya pala nagka hepa eh may bf din na guard. Eh may asawa yun sa province yung maid namin.

Di naiwan na lang yung isang maid, naghanap kami ng kapalit nong dalawa pero isa na lang kinuha namin.

Yun pala may kalokohan din yung naiwan. Natakas pag gabi nakikipag kita sa bf nyang boy din. Nong matagal na nagpapasok na ng bf sa kwarto nila, di makatulog ang bagong maid kasi nga may ginagawa yung mag bf.  3 months ang lumipas natakot yung bagong maid kasi sabi ng ibang maid na kapitbahay baka may nangyaring hindi maganda pati sya madadamay. So nagsabi sakin yung bagong maid, nagulat ako kasi yung maid na natira parang tinuring kong kapatid. At wala sa itsura na gagawa ng kalokohan kasi pinag aaral din namin yun bata pa 18 pa lang.

So sinet up namin yun, minsan nasa loob na ng kwarto nila ang bf, nag text sakin ang bagong maid na nasa kwarto na nila ang bf. So bumaba ako kasama ko mga pinsang kong lalake. Sus itinatago sa ilalim ng kama ang bf. ayaw palabasin at pag pinapailawan ko pinapatay ilaw. So akyat ako sa taas tinawag ko si tito, the next morning pa naman pabalik na tito ko sa states buti nakita nya mismo.
Nabugbog ng bongang bonga ang bf, sabi ng tito ko pede kitang patayin kasi trespassing ka, pinatawag ni tito ang nanay ng bf na maid din yata ng kapitbahay. Yun pala ang alam ng pamilya ng bf welcome si bf sa bahay eh di naman namin alam na me bf si maid.. Gulat ang nanay, at si maid ang pakilala pala sa labas, pamangkin sya ng tito ko.. naloloka ako sa mga nalaman ko non, sakit sa ulo kasi ako ang tumatao sa bahay once a year lang kasi umuwi family ng tita at tito ko, 1 month lang sila stay dito kaya ako ang sumasakit ang ulo.

Hayy nakakaloka mga helper na to.. :D  :D






traveltechie

  • Guest
Re: i wonder what the helpers do in the house if their employers are not home
« Reply #119 on: August 13, 2010, 06:03:44 pm »
we have 2 helpers sa bahay. one of them todo text/tawag kahit andun pa kami sa bahay. though okay lang naman ito samin kasi pag tinawag mo naman siya, eh nagagawa naman niya kagad mga kailangan niyang gawin.

yung isa naman puro tulog. tapos minsan nagtataka kami sa kanya halos every other day nagpapaalam na magpapadala ng pera sa kanila. minsan napapaisip tuloy kami kung saan niya nakukuha yung money na papadala niya. or baka naman hindi talaga siya nagpapadala kahit na yun ang paalam niya. ay naku nakakaloka haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close