la mesa grill - MOA
we ate late lunch here yesterday, yung food package promo nilang P999. so go kami, tagal nga nilang mag-serve, maybe it took 10-20 minutes bago dumating yung food, tapos iilan lang ang waiters nila.
sinigang na baboy = ok naman yung asim niya, though sinigang mix ang taste
pinakbet = ok na din, kasi ang habol namin yung veggies
tinapa roll = ok din, big serving ang wedges
sama-samang yamang dagat = over flowing naman yung sauce, pero the yamang dagat itself, walang lasa, sana pinakuluan man lang sa water with salt, the squid was malansa, the shrimp was tender, pero may mga black parts na yung ulo nila, the clams - marami ang hindi nag-open, meaning sira di ba, pero serve pa rin nila sa amin, and the tahong -- ok naman daw.
fried chicken = rancid na yung oil na ginamit, as in naamoy mo na itong ma-anta, kung hindi dahil sa sauce, lasang maanta na din
since may natitira pang food, at bago maubos ang rice, we ordered extra bagoong rice na agad, para hindi mawala yung momentum sa pagkain, hala, naubos na yung rice namin, wala pa rin yung pre-ordered naming rice

pati sa pagkuha ng bill at pagbalik ng change, ang tagal din .. yun pala hinintay lahat nung waiter yung change din ng mga ibang diners ..

over all = marami lang yung serving nila. yun lang! tip ko sa service nila P5.00