watch now

Author Topic: Divorce in the Philippines  (Read 176596 times)

TysLolakins

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #400 on: August 22, 2012, 03:34:51 am »
yes, IMO i think divorce should be an option sa pinas.
some argue that divorce is making it easy for couples to get out of a marriage.  that's exactly the point!  they want to get out of it for different reasons.  divorce doesn't make people seek out affairs outside of marriage,  whether divorce is available or not, married people will go astray if they want to.  everybody should work to preserve the marriage, but if the marriage is not working anymore, why can't there be an available out?  just like what sis jenny said, it's lifetime imprisonment if stuck in a marriage that cannot be repaired.

phurple0515

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #401 on: August 22, 2012, 04:30:27 pm »
usually naman talaga me marriage counselling na nirerequire ang state before they opt for divorce.  pero sana nga talaga maayos na.  ang hirap pag annulment, kawawa mga bata.

cristyles

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #402 on: August 22, 2012, 04:39:24 pm »
I'm in favor sa divorce  :) , considering yung mga partner na sinasaktan. Sa simula ng marriage maayos sila, then pag tumagal eh aabot na sa sakitan. If i were that i would really want to get a divorce kesa sa makita ng mga anak namin IMO .

Purple_Power

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #403 on: January 19, 2013, 05:51:21 pm »
Who watched the Divorce Bill of Failon Ngayon?

I am actually with it. Simply because tama yung sinabi nung isang guy (too bad I forgot his name and even profile) na hindi masama sa mata ng Diyos ang maghiwalay ang mag-asawa kundi yung pagkakasakitan ang labag sa utos ng Diyos.  More so of course this is as well mabigyan ng katarungan ang ibang kababaihan na naaabuso na ng kanilang asawa. Ipinaliwanag naman na kung ano ang style rito na may Pinoy version which is hindi sila tutulad sa ibang bansa na kapag type lang maghiwalay ay pwede na.

Yung isang segment na may wife na nagdalawang isip pa kung hiwalayan ang asawa o hindi kahit sinasaktan na siya dahil inaalala niya yung anak niya, she may have a point kung ano na lang magiging future ng anak na malaman niyang hiwalay siya sa asawa pero I believe at the same time kaysa naman sa kumpleto nga sila pero child abuse naman yung anak physically and emotionally, mentally pa nga kung minsan, mas maigi pa ng hiwalay na lang sila. I have cousins naman na naging maayos future nila at naging successful pa nung naghiwalay ang magulang. I could imagine the agony kung nakasama nila tito namin baka naging pariwara pa buhay nila. Yan ang paniniwala ko about thinking of the future, I mean think otherwise rin kung pipilitin pang settle yan for the sake lang na hindi maghiwalay.

unwantedP

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #404 on: January 20, 2013, 12:50:37 am »
i'm also in favor sa divorce. wag lang sana maabuso. basta may good grounds silang i-develop. kasi yung ibang mga tao hindi makapag-annul dahil sa money involved. hahanap pa ng psychologist to prove psychological incapacity against the partner.

break_free

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #405 on: January 20, 2013, 02:01:43 am »
^ Tama sis! Hindi lang naman ito for the women, meron din mga men na abused, battered, or napagsasamantalahan din. So sana maipatupad ito. :)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #406 on: January 20, 2013, 08:09:02 am »
Pro divorce for battered wife and children..

freeswan

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #407 on: January 20, 2013, 10:54:20 am »
Pro-Divorce here. For me, walang pinagkaiba ang Divorce sa Annulment (except sa proceedings) but my point is, parehas ang pagdadaanan ng parties emotionally whether it's divorce or annulment. sa totoo lang, kung talagang mahal niyo ang isa't isa at both of you wants to work things out, walang rason para mangaba. but if the relationship is going nowhere at lalo na pag may nasasaktan na physically, divorce is the soonest way out.

airish_2

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #408 on: January 20, 2013, 11:29:35 am »
Not in favor of Divorce, sa klase ng pamamalakad ng gobyerno natin? pero kung papipiliin ako mag live in na lang kayo kesa magpakasal tapos maghihiwalay although hindi ako favor sa live in.

sobra kasing overwhelmed yung mga magboyfriend dito sa atin magpapakasal tapos pag nakilala na nila yung tao dahil magkasama na sila sa iisang bubong magdedecide sila na makipaghiwalay, as if di mo talaga alam na nambababae yung asawa kung magboyfriend pa lang kayo may mga signs na yan.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #409 on: January 20, 2013, 11:37:51 am »
Pro divorce... para ano pa pilitin magsama kung nagpapatayan na kayo di ba? tama sinabi nung methodist preacher sa Failon ngayon, mas kasalanan sa Dyos ang magpatayan kayo kesa sa maghiwalay...

kawawa lang kasi ang mga bata kung nakikita nila na lagi nag aaway ang mga magulang nila. di naman totoo na pag nag divorce na ang mga magulang eh maliligaw na ng landas mga bata. its still boils down on how you will raise your kids..

butterfly20

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #410 on: January 20, 2013, 12:46:07 pm »
Yes, divorce should be legalized. Kasi solusyon lang naman ito eh. Ang tao pa rin ang gumagawa ng ikasisira ng pamilya nya at sarili nya. Take my case, I was divorced by my ex-husband noong naging american citizen sya. Hawak ko na ang final decree ng divorce namin and I want to have my maiden name. It was not that easy though, since Filipino citizen ako at sa Pilipinas kami ikinasal. I need to hire a lawyer and to pay a whooping 200k just to do that. While my ex has all the rights to get married na.

Purple_Power

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #411 on: January 20, 2013, 05:23:24 pm »
^Exactly the point, hindi sa pagiging broken family ang dahilan kung bakit naliligaw ang landas ng anak kundi sa pagpapalaki pa rin yan. Tapos sinasabi pa na kesyo nagkakaroon raw ng psychological effect like nakikipagrelasyon ng maaga, tapos may ginagawa nang iba habang bata pa and so on. Nasa pagdidisiplina pa rin ng magulang yan lalo na kung paano niya naintroduce ang relationship and adolescents period.  Hindi parating advantage ang pagiging kumpleto. Masama pa nga minsan yung anak pa nakakawitness ng mga kalokohan ng magulang hanggang sa nadadamay pa.

Pero at some point nakakatakot rin naman ang proseso nandahil sa pamamalakad nga rito ng gobyerno na baka mamaya pera pera na naman ito. Tama rin yung sinabi ni airish_2 which is ito nga rin yung pinag-usapan namin ng bf ko kanina. Minsan kasi kasalanan rin ng ibang babae yan kung bakit nangyayari ito. Yung iba kasi nakita na nga yung signs during relationship tapos minsan pa nga andun na yung pambubugbog at pambababae pero umaasa pa rin na magbabago ito lalo na kapag mag-asawa na sila. That is not always the case, mas kadalasan ko ngang naririnig eh! lumalala pa lalo hanggang sa may napapatay na.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #412 on: January 20, 2013, 05:31:35 pm »
Eh ang pakikipagrelasyon naman is how parents will tell their kids ano ang dapat at hindi... It still boils down sa disiplina ng mga magulang... Minsan pa nga kung sino ang buo ang family pero lagi nag aaway ang family yun yung mga anak nila ang nagwawala ng maaga... Bakit? Syempre hinahanap nila yung love na di nila makita sa bahay and they think escape nila yun sa magulong buhay nila sa bahay...

Ang mga bata kahit hiwalay ang mga magulang basta they feel they are loved and well taken care off, di yan lalaki na loko... Nasa magulang yan paano nya pupunuin ng pangaral ang bata...

I hope maipasa tong bill and kung maipasa, sana di pera pera nga ang maging labanan and hindi umabot ng sobrang tagal ng proceedings.. Kawawa rin kasi yung mga di naman afford yung divorce..

Oh well all I can say now is Abangan ang susunod na kabanata! :)

harmonyjv

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #413 on: January 20, 2013, 05:39:20 pm »
I'm in a favor of divorce only if battery is involved. Ayokong mawala yung value ng marriage. Divorce could change the mindset of people in choosing life partners.

Purple_Power

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #414 on: January 20, 2013, 10:46:20 pm »
Kaya dito na papasok ngayon yung importance ng moral values eh! Lalo na yung pipiliin kung sino ang karapat dapat na makasama mo pang habang buhay. Dito rin papasok yung importance ng pagiging seryoso sa pakikipagrelasyon at maiwasan yung mga tao na ginagawang laro ang pag-iibigan para hindi rin mauwi rito sa divorce. Saka sana matuto rin ang iba na hindi rin dapat maging pwersahan ang pagpapakasal na dapat nasa desisyon mismo ng ikakasal ito kung sigurado ba sila sa bawat isa. Yung sinasabing Diyos lang ang makapaghihiwalay sa tao, which is I can't remember kung saang verse ba galing yan which I believe ang kadalasan naman nakapaghihiwalay sa tao eh yung negative attitude ng tao eh! Hindi lang rin basta pagiging kumpletong pamilya ang vinavalue o parating sinasabi sa taong bayan na kung minsan inaadvertise pa. Sa pagiging kumpleto marami pa ring factors ang pinahahalagahan dyan para mamaintain pa rin ang pagiging kumpleto.
« Last Edit: January 20, 2013, 10:50:30 pm by Purple_Power »

Naughty^GuRu

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #415 on: January 22, 2013, 12:58:16 am »
we already have Divorce in the form of annulment. it could be interpreted differently but both have the same purpose and that is to revoke the marriage of husband and wife. divorce is the quick process of annulment.

divorce is just a choice for unhappy couple. we all deserve to have a choice. and in reality naman madami na couples sa Pilipinas ang hiwalay na and may iba nang family. divorce will just make it legal. i don't get why some people are too afraid to have this choice, dapat nga matuwa tayo kasi we have that power. some say divorce will only lead people para maghiwalay. WRONG! may divorce o wala pag unhappy na ang couple maghihiwalay at maghihiwalay sila legally or not, and with that why don't we just make it legal? It will also be for the interest of the children. para yun sa support ng mga kids. 'illegal' separation doesn't give guarantee na masusuportahan yung kids kasi pwedeng mawala nalang yung tatay nila at magtago kasama ang new family niya. if may divorce then the law will protect the kids and will require support from the father

a lot of women oppose Divorce which i find wierd and ironic, i think this law favors them and their kids more than anyone else. and why would you be afriad of this 'choice', does it mean you're not secured sa love ng guy mo?


modify to add this:
mawawalan daw ng value ang marriage kasi pwede ka basta basta magpakasal because you the choice of divorce if later on hindi ka na happy. that is the pessimistic way to look at it OR you could also look at it this way: dahil sa divorce and dahil alam ng tao that you have that choice, mas aayusin niyo yung pagsasama niyo, the couple will be very careful sa mga ginagawa nila bilang mag asawa dahil alam nila na if they do something wrong, yung partner nila might file for divorce, thus couples will try very hard to please and make their other half happy
« Last Edit: January 22, 2013, 01:08:42 am by Naughty^GuRu »

chicafabulosa

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #416 on: January 22, 2013, 09:27:49 am »
Very well said Naughty...

And also being legally separated does not guarantee bad upbringing of the kids involve. It will do more harm seeing their parents fight all the time to the extent of physical, verbal, emotional and spritual abuse na. Mas mabuti pa na hiwalay parents nila BUT RESPECT EACH OTHER AND TREAT EACH OTHER NICELY. ive seen couples ma hiwalay na but maintained to be good friends eh mas matitino at maayos ang mga anak kesa sa mga pamilya na magkasama nga pero halos magpatayan na kasi di na masaya and pinipilit na lang magsama for the sake of kids, anong sasabihin ng ibang tao and for the sake of their marriage.

Purple_Power

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #417 on: January 22, 2013, 04:10:40 pm »
Ang nakakainis rito yung hahaluan na naman ng kung ano anong religious aspect na kesyo sinabi raw ni God ay dapat magsama ang mag-asawa, tapos kung ano na namang kasabihan sa bible ang iuungkat rito. Kaya nga until now debatable ang bible paano kasi iba iba tayo ng interpretation rito. Parang kulang na lang sabihin ng simbahan na isang malaking pagkakasala ang humiwalay sa asawa?  ???

Naughty^GuRu

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #418 on: January 22, 2013, 04:30:09 pm »
@Purple_Power: kaya nasa culture na ng mga Pilipino ang pagiging Martir. na kahit harap harapan na silang niloloko at sinasaktan ng asawa nila hindi pa rin nila hinihiwalayan kasi yun yung teaching sa kanila ng church and ng mga old-school na magulang. sasabihin na magtiis ka para sa pamilya at mga anak mo. teaching of the Church yan, ilang hundreds of years na yang teaching na yan, mula pa noong panahon na wala pang 'karapatan' ang mga babae. and hanggang ngayon deprived pa rin mga babae sa freedom na yan, well dito lang sa Pilipinas since tayo nalang yung country na walang Divorce (see: http://www.gmanetwork.com/news/story/222013/news/world/phl-now-only-nation-in-the-world-without-divorce-malta-gives-in). again, Divorce is just to give choice sa mga tao na nakatali sa unhealthy relationship.

guilleanne

  • Guest
Re: Divorce in the Philippines
« Reply #419 on: January 22, 2013, 05:33:42 pm »
yun talaga problema sa mga pinoy. nakakaloka minsan ang katwiran.

pano mag iiba ang value ng marriage, so you mean sa vatican, sa rome iba ang value ng marriage dun kasi may divorce sila. come to think of it iba nga pala ang value ng marriage dito sa pinas.

kasi dito sa pinas pag kinasal kayo, kahit mambabae yung asawa mo, tiisin mo, kasal na kayo eh, magagalit ang diyos kahit binababoy kana ng asawa mo,kahit addict, kahit lulong sa sugal at walang magandang kinabukasan. kahit binubugbog ka pa. tiisin mo, kasalanan mo naman yan pinakasalan mo kasi? bakit hindi ka namili mabuti bakit mo pinakasalan!

wife: eh kasi kaya ko pinakasalan kasi nabuntis ako, wala kasi akong alam tungkol sa contraceptives, kala ko kasi hindi ako mabubuntis agad agad, kung tinuro lang sana sa school namin yung reproductive health.

kalokang pinoy: ano? reprodcutive health? pills, condom? kasalan sa diyos yan!

yung iba nag woworry na because may divorce eh magiging mala kim kardashian na sa bilis makipag divorce ang mga kinakasal? mas ok ba yung nag pakasal nga pero hindi naman din faithful. ganun din yun eh.

ewan ko kung malas lang ako at marami sa paligid ko ang mga hiwalay na sa asawa.

isa pang ka hipokrituhan ng bansa natin, ayaw daw ng divorce kasi mawawala ang value ng marriage, pero may annulment/ divorce for the rich and powerful. eh yung mga nag papa annul ng marriage nila, hindi naman lahat yan pinikot, bakla ang asawa or hindi na concumate ang marriage, mga nag kasawaan din naman yung mga yun na kayang bumayad ng abogado para palabasin na mentally incapacitated yung isang spouse para ma annul ang marriage.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close