okay, may napapansin lang ako sa mga reason why some people are against divorce. karamihan sinasabi na baka di na seryosohin yung pagpapakasal. ask ko lang, pakialam nyo sa kanila? its their choice na magpakasal, whether nabuntis lang o matagal na talaga sila. tsaka marami talagang nagpapaksal sa maling reason, so ano yun, pag nagising na at natauhan , wala ng magagawa kasi d na pwede mag divorce? Eto pa, when you fear na baka di na seryosohin yung pagpapakasal, san kayo takot? sa fact na baka pumayag agad bf or gf nyo na pakasal kayo agad kasi pwede naman i-divorce ka pag di na mag work? d ba mas ok yun? at least di ka mahihirapan mag move on? at least alam mo na may option ka to move on and hindi ka paaphirapan ng long and tedious process ng annulment. or magpapaka martyr ka na lang ba ang ma-stuck sa relationship na sobrang ganda in the start tapos bigla, you caught your wife or husband cheating, wala na? hiwalay na lang ng walang due process? sinong mas talo dun? d ba ikaw rin?
In a failed marriage, divorce should also be an option. the church and state should not limit a person, or in this case, the couple to decide on what's best for them. kasi in the end, hindi naman naapektuhan yang mga gumawa ng bill kung na trauma kayo sa kakaaway ng parents nyo. in the end, yung involved pa rin yung naapektuhan, thus, dapat may choice sila sa buhay na gusto nila.
people keep reminding na "for better of for worse", what if it really is the worst? besides, kung ganun lang din na pinayagan magka-annulment, then wala na yung stand ng church about the sanctity of marriage kung papayagan nilang gawing void yung kasal in the first place.
kung susundan yung logic, its like birth control eh. ayaw ng church sa contraceptive pills, etc. pero bakit may choice ka pa rin kung ano gusto nyong couple na means of contraceptives? bakit, pag sinabi ba ng church na, wag kayo mag pills kasi ayaw ni lord nyan, susunod ba kayo? mag rhythm method kayo kasi yun yung advisable.
so divorce and annulment should also be like that. it's there as an option. pero hindi naman ibig sabihin eh gamitin mo. kasi in the first place, madami pa rin namang pilipino na hindi nag pills o nag contraceptives, kaya yun daming anak na di na mapakain =)
we keep thinking na wag na divorce because di naman mangyayari sakin na gulpihin ng asawa ko, or mag cheat sya or baka i-harass nya ako emotionally. what if it does happen? you will never know, besides, people change. OO, mahal na mahal nyo isat isa pero who knows? ganun pa rin ba kayo in 10-25 yrs? no one knows. and its much better na alam mong may option ka in the end hindi yung bahala na mentality.