watch now

Author Topic: funny, amusing, touching things your pet does  (Read 164389 times)

blushing-bride

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #320 on: May 05, 2011, 06:46:40 pm »
saya-saya naman... naalala ko tuloy yung baby namin na spitz. he knows how to play hide and seek. kapag tinawag ko yung name nya, hinahanap nya talaga kung saan ako nagtatago and hindi titigil hangga't hindi nya ko nakikita. tinatandaan nya rin kung saan ako nagtago. kapag nakita nya na ko, sobrang tahol and magpapakarga pa sya kahit super bigat na. hindi titigil hangga't hindi hinahawakan yung ulo nya...

kaka-miss yung mga loyal pet. :)

runea

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #321 on: May 05, 2011, 07:45:06 pm »
^sis ilang years ka nyang di nakita? nalulungkot ako if ever na aalis ako kasi baka 2 years ko silang di makita. kilala pa kaya nila ako.

nung time na yun, mga 3 months nya akong di nakita. pero simula nung umalis ako pabalik dito sa us ng march of 2009, di pa ako nakakabalik uli. i'm sure pag bumalik ako, kilala pa rin niya ako. kasi our pets have a special way of distinguishing you from everyone else and that's our scent which is unique. e yun, baby pa lang siya, katabi ko na siya sa pagtulog. hehe kaya don't worry sis, di nila nakakalimutan ang kanilang mga human mommies. ;D

kathon

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #322 on: May 06, 2011, 12:21:19 am »
Joining! :)

I have my baby mini schnauzer Pilsen..

Katabi ko sya sa pagtulog, and halos kalahati ng bed sa kanya, nagrereklamo nga si hubby kasi sya ang wala ng mahigaan, lalo na ngayon na preggy ako, hindi pwede masiksik ng husto.. :) hindi makakatulog si Pilsen sa kama kapag wala syang unan, kaya may extra unan kami for him sa may paanan. :)

Sa umaga, pag naiihi na sya at gusto na nya lumabas, pupuntahan ka nya at gigisingin, hahalikan ka nya para ka magising tapos pag gising ka na tatakbo sya sa may pinto.. Ibig sabihin wiwi time na nya.. :)

Kapag umaalis kami, nalulungkot ako kapag di ko sya kasama, parang may kulang saka palagi ko gustong umuwi ng maaga para makasama ko sya, medyo nagtatampo na nga si hubby kasi mas iniisip ko pa daw si Pilsen kesa sa kanya.. Pag bumusina na si hubby, automatic na yun, kahit tulog sya babalikwas yun para tumahol at pumunta sa may pinto, parang sinasabing buksan nyo ang gate at nandyan na mommy/daddy ko. :) pag nakita na nya kami, uungol yun na parang naiiyak, parang sinasabi bakit namin sya iniwan at magtatatalon sa tuwa.. :)

Kapag maliligo ako, nandun sya sa pinto ng cr, as in dun lang sya mahihiga, hindi sya aalis dun hanggat di ako lumalabas.. :)

Ngayong malapit na ako manganak, my hubby want Pilsen na sa sala na lang matulog si Pilsen.. At syempre hindi pumyag ang mommy! Sabi ko pwede naman sanayin si Pilsen sa sahig na lang, hindi sa kama.. Gusto ko masanay din si baby na may alagang aso, and ganun din si Pilsen, masanay sya na may baby na.. :)  i believe naman masasanay din ni Pilsen dun eh.. :)

Daming special moments ko pa with my Pilsen, kaya di ko alam gagawin ko pag nawala sya.. :(

pinkk

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #323 on: May 14, 2011, 10:29:16 am »
She would climb up the lounge chairs and take her nap.
She would chase the maya birds on the garden path.
http://www.dailypuppy.com/puppy-showdown.php?w=45285&d=45387#showdown
« Last Edit: May 14, 2011, 12:08:22 pm by pinkk »

Naiv25

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #324 on: May 25, 2011, 01:43:29 pm »
Share ko lang [textspeak!] very touching experience ko with my shih tzu. When she was 5months palang we bring her to moa para ipasyal sya, then we had and accident which her feet got caught sa escalator (i know it was my fault) we rushed her sa animal haus, sabi ng vet she had dislocated bone, but since puppy pa madali rin gagaling, so we bought all the meds needed.
After siguro mga 2days of treating her, sa sobrang stress at kulang sa tulog kakabantay sa kanya i had 40degree high fever. sobrang pinagpapawisan ako ng malamig at umiikot na [textspeak!] paningin ko, so while daddy is out buying meds and food for me to eat, she approached me and licked my forehead and just lay beside my head, she didn't leave me until daddy got back. Naiiyak ako pag naaalala ko yung ginawa nya. Ngayon every time masama pakiramdam ko, behave lang sya at nagbabantay. She won't ask for play.

kettlekorn28

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #325 on: May 26, 2011, 11:41:01 am »
this happened the other night. nagdi-dinner kami ni hubby. eh biglang may umamoy na mabaho. hala! may nagpoop sa dalawang baby namin. :P nasa sala kasi sila naka-stay, nasa loob ng malaking cage. maliit lang house namin kaya talagang amoy namin kapag may gumawa ng krimen.  ;D tumayo si hubby para linisin yung dumi. eh yung mas batang dog namin, halatang guilty kapag sya ang nag-poop, nakasiksik sa isang sulok at di makatingin kay hubby. tapos sabi ni hubby "sinong nag-poopoo?" ang ginawa ni mommy dog itinuro ng nguso nya yung anak nya. tawa kami ni hubby. kala namin coincidence lang. inulit nya yung tanong ng mga tatlong beses pa. ganun talaga ang ginagawa nya. itinuturo nya ng nguso nya yung anak nya. hala, marunong na magsumbong ang aso ko.  ;D

babykat

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #326 on: May 30, 2011, 05:40:26 pm »
When I have migraine attacks, she would like down next to me and keep very very quiet as if she knows that trigger ng migraine ko ang noise.  She wouldn't leave my side until I feel better.

When she does something na bawal and napagalitan ko sya, she would go to a corner and just lie there, tapos ang tingin sa akin, para bang nagsosorry.  And kahit sino pa tumawag sa kanya, di nya pansin, sad face lang sya.  Pero pag ako tumawag sa kanya, tayo agad sya at lalapit,, and happy na naman kasi bati na daw kami.

BEfore she goes to sleep, dapat sinusuklay muna sya.  She would bark and cry pag di sya agad sinuklayan and she wants to sleep na.

She nevers wakes me up pag nalelate ako magising.  Para bang she knows na pagod ako sa work, kaya nagbabantay lang sya and waiting na magising kami ni hubby.

Natuto sya ng fetch kahit di ko sya natrain.  Kasi she loves na nakikipaglaro sa akin.

My Luckie is super sweet and super lambing, and I heart her very much.  :)

kathon

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #327 on: May 30, 2011, 06:19:15 pm »
^cute sis!

My Pilsen naman, kay hubby takot, kapag may nagawa syang kasalanan, titiklop yung tenga nya tapos tatakbo sa akin, parang ako yung kakampi nya.. Tapos papagalitan ni hubby, sisiksik naman sa akin.. Kapag nakita ko na nagpapaawa efek na sya kakausapin ko si hubby na tawagin na si Pilsen, kapag tinawag nya, ayun dahan dahan syang lalapit tapos didilaan nya mukha ni hubby parang nagssosorry lang.. After ilang mnutes maglalaro na ulit sila.

Kapag nag aaway kami ni hubby, pupunta kagad sya sa harapan namin, tapos parang bata na nakikinig sa usapan namin, pag tumigil na kami magsalita, lalapit sya tapos titingnan nya kami.. Parang gusto kami pagbatiin. hehe pero kapag naman nag hug kami ni hubby, kahit nakahiga na sya sa floor at ready matulog, tatayo yan at pupunta sa gitna namin para makijoin.. Tapos kala mo nagtatampo na bakit di sya sinasama sa paghug. :)

babykat

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #328 on: May 30, 2011, 07:03:15 pm »
^^^super sweet naman ni Pilsen.

Nakaka-amaze talaga mga pets natin.  It's even more amazing how Luckie managed to win my heart talaga.  Kasi when I got her, I said to myself I will not allow myself to love her totally kasi naexperience ko how painful it was to lose a beloved pet nung namatay ang 8-year old cat ko na si Dogi.  Actually, my friend gave me Luckie kasi he saw how depressed I was when my cat died.

So when I got Luckie, sabi ko sa sarili ko, di ako magpapaattach sa kanya.  Besides, I've never had a dog before, puro mga cats alaga ko.  So the first few days, binibigay ko sya lagi kay hubby.  Kahit pinapansin ko sya, di pa rin ako masyado malapit sa kanya.  Si hubby ang super lambing sa kanya.  One would think na kay hubby sya maaattach, pero hindi.  Talagang sa akin sya pumupunta at lumalapit.  Maybe she felt I needed her to heal from the pain of losing Dogi.  Hanggang sa I fell in love with her.  Now sobrang love ko na sya and I can't imagine life without her.

Sabi nga nila, I didn't choose Luckie.  She chose me.  Kasi kahit friendly sya sa other members ng family namin, special pa din ang love nya for me.
« Last Edit: July 27, 2011, 07:37:03 am by babykat »

kathon

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #329 on: May 30, 2011, 09:47:14 pm »
Pareho tayo sis. Super depressed din kami ni hubby nun kaya we decided to buy a pup. Depressed sa hindi pagkakaroon ng baby tapos namatay yung black lab na inaalagaan namin. Kaya sabi ko kay hubby bili kami ng dog, dapat daschund kasi may binebenta sa amin na daschund, ok na sa akin yun basta pwede indoor. Ayoko na muna kasi ng pang outdoor baka mamatay ulit tulad nung sa black lab ko. Kaya sabi ko indoor gusto ko, maliit lang din.. Pero ayoko ng shih tzu, meron na kasi yung tita nya e, saka para maiba naman, gusto ko kasi ibang breed talaga.. May nakita si hubby na daschund and schnauzer, dun pinakita nya sa akin yung difference nilang dalawa, sabi ko schnauzer na lang dahil gusto ko yung kulay nya. Kinabukasan ata binili na ni hubby.. When we got Pilsen na, sya na lang mag isang pup, kinuha na daw yung iba nyang kapatid..

Nung una din sabi ko hindi dapt masyadong attached para pag namatay hindi ganun kasakit.. Lumipas ang ilang buwan at kami ang close, as in playmates kami, tapos si hubby ang amo nya may konting fear pag kay hubby. :) ganun daw yun e, pag lalaki ang pet mo sa girl sya close, pag babae daw sa boy naman. After 6months ata nagkasakit sya and sobrang nanghina as in walang gana kumain, pinatingnan namin and the vet gave us antibiotic, kelangan sya mag antibiotic for 1month. Dios ko, ang mahal pa naman ng antibiotic, kaya kinausap ko talaga si Pilsen na sana umaling sya dahil sayang ang gamot na binili namin for him. Good thing naman bumalik appetite nya and naging ok sya.. Nung magaling na sya, palagi nya kami i-kiss, siguro nag-thank you sya dahil inaalagaan namin sya. :)

babykat

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #330 on: May 31, 2011, 07:51:12 am »
Same din with me sis.  Isa pang reason bakit ako depressed nun was because di pa kami nagkakababy ni hubby.  Tapos yung bagong doctor na pinuntahan ko, sobrang insensitive na sinabi sa akin na malamang di na daw ako magkakababy kahit kelan, tsaka tinakot pa ako na baka nga daw may malignant tsenes ako. Kaya doble doble depression ko.  Si Luckie lang talaga nakabuhay ng spirit ko, kaya happy si hubby pag nakikita kami ni Luckie. 

kathon

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #331 on: May 31, 2011, 07:55:54 am »
^talaga sis, naku alam mo ba feeling ko nga si Pilsen yung baby ko.. Sya yung dapat na magiging baby ko nung nakunan ako. Feeling ko nag reincarnate sya sa katawan ni Pilsen. :)
Pero sa mga nababasa ko pwedeng therapy din daw ang dogs para tanggal stress tapos eventually makakabuo ng baby. :) kaya thankful din ako at napunta sa amin si Pilsen eh, practice ka for being a parent tapos stress reliever pa. :)

babykat

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #332 on: May 31, 2011, 08:08:58 am »
^^^exactly!  Tawag ko kay Luckie, baby ko.  Tapos pag minsan tawagin ko sya, come to mommy sabi ko. hehe

babywankinobi

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #333 on: July 27, 2011, 05:36:59 am »
-  yung kitten ko si boogie. pinapatulog ko ng nakatihaya sa hita ko, e medyo malikot... so ginawa ko minasahe ko yung ulo... unti unti syang pumikit at nakatulog.. malalaman mong nakakatulog na nung nakita ko yung buntot nya na nakataas na paunti unti na bumababa...  sayang lang at di ko na video

Naiv25

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #334 on: July 27, 2011, 10:35:09 am »
Please bare with me on this, medyo mahaba lang pero ito ang story ko


1. Jan 1, 2009. Skowe, only 3 months at that time. Our family decided to celebrate new year in with our relatives in Bulacan. It will be her first time to meet them and go out of town. Before we go to our destination we have to fetch our Uncle's family in Manila. So when we arrived there they didn't kept us waiting. Uncle and sons were with my brother's car, Aunt and her daughter riding with us (chikahan with my mom at the backseat). While my Aunt is trying to carfully sit inside, my mom was sitting on the other side holding my Skowe. Eager to greet a stranger, she passed over my sister to sniff my cousin first. I told her to just let her hand be sniffed then slowly and genlty touch her, when she's ok with my cousin she passed over her and went to my Aunt. After the greetings, Skowe keeps nodding her nose in my Aunt's breast and stares at her twisting her head slightly from left to right and nooded her there again.  They were confused to why she keeps on doing it, i explained to them that dog can sense  there's something wrong with her body (my aunt suffers from  breast cancer that time) all of them were amazed. When we arrived in Bulacan my aunt can't get over to what just happened she keeps on sharing it with my other aunts.

2. May of the same year, Mom went to the province to help in assisting the renovation of our granny's  house. One day my Mom had an accident, she fell from a whole. After 2 weeks Mom arrived and so we came to visit, as soon as she went out of her room Skowe ran to greet her. She now keeps on sniffing and licking her toe. It is where the fracture is, her right big  toe and the next which was the worst( sorry not sure of the term) My mom looked at me with her amazement and again she was reminded of my aunt(w/c is now a cancer survivor). Mom was about to sit on the couch while she keeps on telling us what happened to her when Skowe jumped and sat beside nodding under her breast(this made us laugh, cause my mom already had a saggy breast which skowe's having hard time to get under it) not yet finished with her story when i asked her this "Oh ano namang meron dyan?" She stopped talking and looked at skowe then to us with her eyes  wide open, she just then raised her clothes and her right breast and whala!!! There was a  big bruise on her rib cage, and now skowe wants to lick it but i stopped her. My mom's line " Hala totoo pala talaga!!! kinilabutan nanaman ako" she then continue her story that it was bangged on the edge when she fell.


3. First quarter of 2008 I started to feel this problem with my feet whether if it is tired from walking(feels like there's a twisted vein near my pinky toe) or not(it will numb and beats hard, usually happens when i wake up) it hurts that i wanted to squeeze it. I also developed trigger finger with my pinkie and my ring finger both left and right, this started when i learned crochet. My hand will hurt at rest or i use it more than 15 minutes using the laptop(hay! kamalasmalasan). Now I understand why she kept on licking/biting/pushing the problem side of my feet and hands until now. Whenever my hand is at close fist(it means its starting to  hurt) she will then push her muzzle inside i will just slighty open it for her. Same as my feet, it felt good when she tries to sofly bite my pinkie toe and the rest part where it hurts. Looks like she doesn't know what to do with it cause she'll gonna softly bite it then lick and push and tap it over and over and won't quit till she gets tired or if i tell her its enough.

« Last Edit: July 27, 2011, 10:56:17 am by Naiv25 »

babykat

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #335 on: July 27, 2011, 10:58:29 am »
^^^wow, super bilib na talaga ako kay skowe...she's so smart and sweet pa.  sana mameet sya ni Luckie ko.

Naiv25

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #336 on: July 27, 2011, 11:16:57 am »
I think any dogs can really do that. Naka panood kasi ako ng isang beagle na cancer sniffer before sa animal planet ata or national. Pero di ko naman inisip na magagawa rin niya yun baka nagkataon lang. Pero hair raising kasi pag ginagawa niya. Kahit pag may period ako, sisiksik niya ulo niya sa tiyan ko pag nakaupo ako or bubundulin niya ang boobs ko, sumasakit kasi boobs ko pag nagkakaperiod ako.

phurple0515

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #337 on: July 27, 2011, 11:27:36 am »
I miss my dogs esp. my Jack (jack russel), eto baby ko.  Whenever I call home sa Pinas (I live abroad na kasi), at matagal bago sagutin ng Papa ko yong phone, once sinagot nila, parang nagsasalita mga dogs namin.  Pag kinakausap ko si Jack, sumasagot din na para namang naiintindihan ko litanya niya.  Ganon din siya pag nalalate kami umuwi, etc. 

There were also pictures of jack nong puppy pa siya, (and even nong time na he can freely roam the house and rooms) na pag natutulog ka, sa leeg mo siya matutulog :)  para mo tuloy fur coat, hehe...

Nong nasa Pinas ako ng May, nasa likod na kasi sila ng isang lab namin, e di ko malapitan kasi nga makulit yong lab, paalis na ko non for my flight, I opened the back door dahan dahan, lumapit siya and he was kissing me na parang sinasabi niya 'bye' :( hay, i miss him na.

Naiv25

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #338 on: July 27, 2011, 11:40:33 am »
I'm sure miss ka narin nun! Speaking of phone calls, nung tinawagan ko siya nung nasa cebu kami ng 4days, kinumusta ko siya sa mama ko ayun sabi nasa taas at natutulog, nung tinawag niya skowe at binanggit ang mommy biglang karipas siya pababa ng hagdan, pinalapit ng mama ko sa phone para marinig niya voice ko (buti nalang di siya kumakahol sa phone kung di bingengot na ako) bigla lang daw matitigilan at nagwwag ng tail then dnidilaan niya yun earpiece ng phone. Ganun din kasi yan pag paparinig ko sa phone ang voice ng daddy niya. Alam niya pag malapit na dating ng daddy niya pag nagrring ang phone ko may certain ringtone siya na nagrerespond, pag ibang ringtone ang papatunogin ko deadma lang, pag assigned tone ng daddy niya kahit tulog bigla yan babangon at tatakbo sa pintuan maghihintay na. LOL
« Last Edit: July 27, 2011, 11:47:41 am by Naiv25 »

phurple0515

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #339 on: July 27, 2011, 12:14:02 pm »
oo nga sis, nong unang alis ko ng bansa, andon lang daw si Jack sa may pintuan, nag-aabang :(

ganon din mga dogs namin, once na nagriring yong phone, tatahol sila na parang tinatawag sino man andon to answer it na kasi alam na ako yon :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close