Joining!

I have my baby mini schnauzer Pilsen..
Katabi ko sya sa pagtulog, and halos kalahati ng bed sa kanya, nagrereklamo nga si hubby kasi sya ang wala ng mahigaan, lalo na ngayon na preggy ako, hindi pwede masiksik ng husto..

hindi makakatulog si Pilsen sa kama kapag wala syang unan, kaya may extra unan kami for him sa may paanan.

Sa umaga, pag naiihi na sya at gusto na nya lumabas, pupuntahan ka nya at gigisingin, hahalikan ka nya para ka magising tapos pag gising ka na tatakbo sya sa may pinto.. Ibig sabihin wiwi time na nya..

Kapag umaalis kami, nalulungkot ako kapag di ko sya kasama, parang may kulang saka palagi ko gustong umuwi ng maaga para makasama ko sya, medyo nagtatampo na nga si hubby kasi mas iniisip ko pa daw si Pilsen kesa sa kanya.. Pag bumusina na si hubby, automatic na yun, kahit tulog sya babalikwas yun para tumahol at pumunta sa may pinto, parang sinasabing buksan nyo ang gate at nandyan na mommy/daddy ko.

pag nakita na nya kami, uungol yun na parang naiiyak, parang sinasabi bakit namin sya iniwan at magtatatalon sa tuwa..

Kapag maliligo ako, nandun sya sa pinto ng cr, as in dun lang sya mahihiga, hindi sya aalis dun hanggat di ako lumalabas..

Ngayong malapit na ako manganak, my hubby want Pilsen na sa sala na lang matulog si Pilsen.. At syempre hindi pumyag ang mommy! Sabi ko pwede naman sanayin si Pilsen sa sahig na lang, hindi sa kama.. Gusto ko masanay din si baby na may alagang aso, and ganun din si Pilsen, masanay sya na may baby na..

i believe naman masasanay din ni Pilsen dun eh..

Daming special moments ko pa with my Pilsen, kaya di ko alam gagawin ko pag nawala sya..