watch now

Author Topic: Party Needs Business  (Read 183725 times)

everythingnice

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #320 on: October 29, 2012, 05:28:58 pm »
ang ganda nang business na to mga sis kaso malaki ang puhunan
mabilis din po ba ang balik nito?

Shery

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #321 on: November 27, 2012, 11:19:12 am »
uso pa ba ang balloons na my tatak ng birthday celebrant? may nabibili po bang machine para sa pagtatak ng balloons? how much kayo ito mga sisses? and yun machine din na para malagyan ng hangin yun balloons... thank you sisses. ;)

m@m@

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #322 on: November 27, 2012, 07:17:36 pm »
technique on party biz unti unti ang start. hindi kailangang bigla ang pag start kasi malaki talaga ang kakailanganin. would you believe nag start ako sa isang unit ng bubble machine? :D pinaparent ko yun dati for 500 kasama na transpo. mission ko nun is mag observe sa party. from then on, isinabay ko na ang pagaaral ng balloon decors. i attended an informal training. ayun mejo mahal binayaran ko pero sabi ko puhunan na din, which is naibalik din naman saken ng napakabilis. 1st year ko halos lahat ng events ko free :D pero puro kaibigan/relatives lang yun.yung mga friends na nirefer ng kumuha saken yun bale ang pinakasimula ko hanggang sa word of mouth na..

me mga sablay din naman kami sa events, me mga client na nagalit din, hindi naman mawawala pero i learned a lot from it. then unti unti nagventure ako into other services like retailing of balloons, foodcarts, mascots, etc.

@shery, yes meron pa naman mag ganun ngayon, letter set yung ginagamit for that. yung hangin some uses hydrogen (tho hindi sha ganong safe) and yung safer, its helium, pero mas 3x mahal

if party needs retailing, mejo mamumuhunan ka talaga kasi mas maganda tignan if puno ng stocks ang tindahan. if events mejo nakakpagod, pero masaya. lalo kung gusto mo yung ginagawa mo :)

Shery

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #323 on: January 02, 2013, 07:25:24 pm »
thanks sis m@m@! napaka informative! may ma-suggest po ba kayo na supplier within manila.. like sa divisoria ng party supplies? ;)

dr.thereal.joy

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #324 on: January 08, 2013, 03:24:09 pm »
@sherry marami pa rin kumukuha nun. Actually kung compressor and balloon and sticks (di lumilipad) pwede na. 20 pesos ata ang masisingil mo na and mga parang 10 or 12 pesos [textspeak!] puhunan mo. May specific na gas para sa mga lumilipad. di ko lang maalala kung anong type of gas yan.

Super hit to pag october and december. Mga XX,XXX-XXX,XXX makukuha dito. May family member ako na ganito ang business. Dati party needs talaga na may mga pasabit and games pa pero dahil sa tumatanda na sya eh nag chairs and tables na lang sya

zachary

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #325 on: February 26, 2013, 10:55:59 am »
Hello sisses. Interested din ako sa Party needs business. yung sister ko kasi  magaling gumawa ng balloons designs. Ask ko lang pano ba yung mga backdrop na mga princess and Mickey Mouse? San pwede mag pagawa nun ? Styropor ba yun or wood? Thanks.

straykatski

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #326 on: March 03, 2013, 06:34:56 am »
Hello Gals! I've been eyeing for this business. We're making cupcakes for parties so we're thinking this is a good partner. Siyempre cakes means celebration. I'll start backreading muna.  :)

mameejhy

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #327 on: November 11, 2014, 03:48:45 pm »
MAlaki rin kaya ang capital kung wala naman shop, parang tables chairs rentals lang?

imloveholic

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #328 on: March 17, 2015, 09:06:16 pm »
Hi mga sisses! Kamusta po ang mga nakapag start na or may matagal ng business na ganito?  Me and my hubby are planning to put up ganitong business pero concentrate lang kami  sa invitations, tarpaulin, backdrop and souvenir...my husband is a graphic artist and nasa advertising company...mejo sanay na siya sa paggawa ng ganito pero usually ginagawa lang namin gift sa mga family, relatives at friends na nag-bbday, customize depende sa design na gusto nila...bigla lang  namin  naisip na why not seryosohin namin at gawing business na talaga tutal halos lahat naman ng nagagawan niya e super natutuwa at bumabalik sa pagpapagawa, kumikita na din kami dun sa mga referral pero hindi pa nga kami full blast talaga ...sa souvenir naman since nasa perfume business din ako yun pede ko ioffer plus kuha na lang kami ibang source sa divisoria...

sana maging active ulit ang thread na ito para mas mapag-aralan ko.:)

vanette

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #329 on: March 31, 2015, 01:09:21 pm »
i am also exploring this business since i have been doing event setups for corpo and personal parties. Up!

leyjylle

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #330 on: April 12, 2015, 07:28:41 pm »
helo mga sis..currently im starting my home based baking business (bday cakes, cupcakes..)..and i wanted to include sana yung balloon..my problem is where to buy letterset for balloon printing? yung mura po and where can i order online..i cant visit any store dito po kasi ako province here in la union..thankie..

Bapi

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #331 on: April 23, 2015, 01:33:05 pm »
Hi mga sis! Share lang ako ng sakin :) ;D pasensya na po kung medyo mahaba hehe

Together w/ my bf, we own a party needs business too. Nung una tumutulong-tulong lang muna kami sa printing business ng family, aside from [personalized] shirts etc., we print invites and tarpaulin too. Hanggang sa yung mga nagpapagawa ng invites samin nagtatanong na rin if we have balloons (wala pa that time), marami din naghahanap if may chocolate fountain kami, so me and bf thought why not, since may background din naman sya sa ganitong business (nung H.S. kasi sya suma-sideline sya sa party needs ng kapitbahay nila). So there, nung last quarter ng 2012 we bought online a mini-chocolate fountain yung as in nasa 12" or so lang yata yung height, pinapa-rent namin for 1k only :D nilillibrehan namin ng konting designs ng lobo para matuwa ang client.
Ang pinaka-first "client" syempre is a family member. Kami yung nag-arrange/set-up ng venue (sa bahay lang naman) it's Lolo & Lola's 50th Wedding Anniversary. Ayun, madami namang natuwa and said na ipagpatuloy nga namin (which we intended to naman ;))

Then early 2013, kapalit ng pagtulong namin sa isang project sa printing biz ng brother ko, he purchased us a balloon letter set. Ayun, together w/ the printing biz ng family, nag-offer na rin kami ng "printed balloons on stick" for P15 each na kahit paano, unti-unting nakilala. Ewan ko, parang everything came together perfectly, one day may nag-inquire samin on how much magpagawa ng calling card, eh yung bf ko matalas ang mata (LOL) nakita nya yung baggage na dala nung client, typical attache case na laging dala ng mga magician-- turns out clown/magician nga sya, from then on we kept in touch w/ him kaya until now sya parin ang contact namin kapag may naghahanap samin ng entertainment services dahil magaling talaga sya, proven na. :)

Tapos, nagtuloy-tuloy na yan. Dumadating nga minsan yung time na natatanong namin sa sarili namin or sa isa't-isa or nagtaka kasi marami agad nagtitiwala samin (i mean please don't get me wrong here hehe, hindi namin kinikwestyon yung mga blessings na dumadating) kasi we came out of nowhere talaga haha parang bigla nalang kaming sumulpot sa party needs industry (and to think na andami naming katulad na business dito sa area namin), PERO yang pagtataka na yan eh kasabay syempre ng endless na pasasalamat kay Lord and sa mga nagtitiwala sa amin, we're very grateful :) word of mouth narin siguro kasi with every events big or small, we pour our heart into it talaga. Kahit sa pagtatatak lang ng mga lobo dapat malinis ang pagkakatatak namin  ;D ayaw namin nung may guhit-guhit sa ilalim ng mga letters. Kami mismo ng bf ko ang gumagawa kaya ganun nalang ka-metikuloso  :P

Anyway masyado nang nobela 'to haha! Thanks for letting me share our story :D and good luck on your party business din mga sis ^_^ sipag at tyaga lang ang kailangan at paghigpit sa sinturon  ;D :)

heartfortress

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #332 on: April 23, 2015, 03:09:09 pm »
^wow sis ganda naman ng business story nyo ng bf mo. Kakainspire. Sana makahanap din ako ng business ng sasakto saken kaso im yet to discover it but sana soon. God bless you and your business sis.

loveann

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #333 on: May 20, 2015, 11:44:58 pm »
I'm into candy buffet business, I started last September so far so good ang takbo ng business pero hindi lagi meron every month lalo na provincial area ako, kakaunti pa lang ang competitor sa area ko kaya ito un business na gusto ko tahakin at passion ko talaga ang event designin, almost 15 events na ako minsan rental ng mga gamit for candy buffet minsan whole package ang kuha ng client. Lagi ako napapatapat sa extended ang time ng event sobrang tagal kaya lesson learned dapat 3 hrs maximum lang at may signed ng client at para magdemand ako, mahirap sa una kasi meron client na in demand pag dating sa event eh for jars for rent lang naman ang inavail nya, tapos nabasagan pa ako ng jars at ako nasisi to think na sabi ko kapag nabasag ang jars meron talagang fee, I hope tuloy tuloy na din mga sis, marami na din ako pinuhunan oras, panahon at pera.  :)

jemelynmijares

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #334 on: February 28, 2018, 07:25:26 pm »
Hi there,

If you are interested to buy affordable party materials , pm me.

artsypaletteph

  • Guest
Re: Party Needs Business
« Reply #335 on: June 19, 2018, 09:21:24 am »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close