Hi mga sis! Share lang ako ng sakin

pasensya na po kung medyo mahaba hehe
Together w/ my bf, we own a party needs business too. Nung una tumutulong-tulong lang muna kami sa printing business ng family, aside from [personalized] shirts etc., we print invites and tarpaulin too. Hanggang sa yung mga nagpapagawa ng invites samin nagtatanong na rin if we have balloons (wala pa that time), marami din naghahanap if may chocolate fountain kami, so me and bf thought why not, since may background din naman sya sa ganitong business (nung H.S. kasi sya suma-sideline sya sa party needs ng kapitbahay nila). So there, nung last quarter ng 2012 we bought online a mini-chocolate fountain yung as in nasa 12" or so lang yata yung height, pinapa-rent namin for 1k only

nilillibrehan namin ng konting designs ng lobo para matuwa ang client.
Ang pinaka-first "client" syempre is a family member. Kami yung nag-arrange/set-up ng venue (sa bahay lang naman) it's Lolo & Lola's 50th Wedding Anniversary. Ayun, madami namang natuwa and said na ipagpatuloy nga namin (which we intended to naman

)
Then early 2013, kapalit ng pagtulong namin sa isang project sa printing biz ng brother ko, he purchased us a balloon letter set. Ayun, together w/ the printing biz ng family, nag-offer na rin kami ng "printed balloons on stick" for P15 each na kahit paano, unti-unting nakilala. Ewan ko, parang everything came together perfectly, one day may nag-inquire samin on how much magpagawa ng calling card, eh yung bf ko matalas ang mata (LOL) nakita nya yung baggage na dala nung client, typical attache case na laging dala ng mga magician-- turns out clown/magician nga sya, from then on we kept in touch w/ him kaya until now sya parin ang contact namin kapag may naghahanap samin ng entertainment services dahil magaling talaga sya, proven na.

Tapos, nagtuloy-tuloy na yan. Dumadating nga minsan yung time na natatanong namin sa sarili namin or sa isa't-isa or nagtaka kasi marami agad nagtitiwala samin (i mean please don't get me wrong here hehe, hindi namin kinikwestyon yung mga blessings na dumadating) kasi we came out of nowhere talaga haha parang bigla nalang kaming sumulpot sa party needs industry (and to think na andami naming katulad na business dito sa area namin), PERO yang pagtataka na yan eh kasabay syempre ng endless na pasasalamat kay Lord and sa mga nagtitiwala sa amin, we're very grateful

word of mouth narin siguro kasi with every events big or small, we pour our heart into it talaga. Kahit sa pagtatatak lang ng mga lobo dapat malinis ang pagkakatatak namin

ayaw namin nung may guhit-guhit sa ilalim ng mga letters. Kami mismo ng bf ko ang gumagawa kaya ganun nalang ka-metikuloso

Anyway masyado nang nobela 'to haha! Thanks for letting me share our story

and good luck on your party business din mga sis ^_^ sipag at tyaga lang ang kailangan at paghigpit sa sinturon
