watch now

Author Topic: How I met my boyfriend/husband  (Read 183892 times)

smiley327

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #300 on: May 19, 2011, 07:06:42 am »
magkasama kami sa work dati. he has a gf and i have a bf din that time. friends friends lang sana dapat kaso nagkadevelopan  ;) and the rest is history hehe.....

sweet.trish

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #301 on: May 21, 2011, 09:43:43 pm »
sa office. bagong transfer sya from another account.

chicgurl

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #302 on: May 22, 2011, 08:32:58 pm »
^^ nakakatuwa naman yung mustasa story :)

kettlekorn28

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #303 on: May 22, 2011, 09:28:03 pm »
^ hay naku sis, di ko nga inakala na kami ang magkakatuluyan eh. :D

shoppe.ashley

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #304 on: May 26, 2011, 01:42:24 am »
yah, super cute story! Puede na pang Young Love Sweet Love <[textspeak!] yun?> . tee hee!

sassa

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #305 on: May 29, 2011, 08:49:39 pm »
I met him through MIRC!! So old school! I was in high school and he was in college. Nag eye ball pa kami sa Eastwood sa concert ni Jimmy Bondoc!! hahaha.

Anyway, our relationship has come a looong way. There was a time during HS that he two timed me with another girl from a neighboring school. Then there was confrontation (the three of us) at the mall. We broke up after that. Then college, kami na naman uli.

Fast forward, during my second job, we broke up again. After two years, I found out that he was getting married na. Then we met again.. so he changed his mind.

Hay.. ewan ko ba why I keep coming back to him! I met a lot of amazing and good looking guys in the past. And di ko naman sya type talaga pero siya ang love ko!

We're planning to get married in two years. :)

pureglycerine

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #306 on: May 29, 2011, 10:00:56 pm »
july 2009, he was introduced by my ex-office mate during my birthday celebration. :)

kathon

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #307 on: May 30, 2011, 10:17:54 pm »
^^ sis, pag kayo talaga, kayo pa rin hanggang huli. :) destiny? :))

thestargazer

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #308 on: June 14, 2011, 03:43:20 pm »
Matagal na to....in 1995 or 1996 pa ata. During our college days, he went to San Beda College in Mendiola and I, to College of the Holy Spirit. Naka soiree namin sila, he said he had a crush on me since then. And just last year we saw each other again, both single and available, nag date until naging kami na. We plan to get married December next year.  ;) :-*


travelwhore

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #309 on: June 17, 2011, 03:54:02 am »
the first time i met my boyfriend was when we were both in grade school. We were of the same age. Grade 3 kami nun. I never really know him before. I knew him by his first name that's all. We had different sets of friends back then.

Our parents personally knew each other. Coz my mom and his mom were classmates in college and nun nagtanan [textspeak!] parents niya eh dun pa talaga sa bhay ng lola ko tumira. So somehow although our parents were not close, they share a bit of their history. So, we can't help but see each other from time to time. There was this one time pa when we were in first year college, we sat next to each other on a bus ride going to our respective cities where we studied. As in wala lang tlaga deadma. we didn't talked as if we're not classmates before. Kahit pa nakatulog kami sa balikat ng isa't isa (parang tagalog movie lang noh?) wala pa din. deadma. I guess we didn't see each other on a romantic light before. hahaha

During highschool, we both went to different schools. He just transferred to our school when we were in junior high. So we still get to see each other but we don't really talk as we were in different classes.

And then college, we unexpected bumped with each other at a bar. We danced the whole night away. It was night that I found myself attracted to him. But we never exchange numbers or communicated in any way after that night. sayang tlaga! hehe

and then after college, we got to connect again thru facebook. hahahah facebook nga naman talga parang globe lang or PLDT ba yun. connecting people's lives! hahaha

So there after a few chats and comments, we went out and viola after a week lang yata yun kami nah. hehe :)

it was one hell of a paliko2x...sana kami tlaga magkatuloyan. :) :) :)

HoneyLyn

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #310 on: June 17, 2011, 10:39:08 am »
pa subscribe din po,

i met my fiance sa chat lang din, he was working overseas that time...honestly isa rin po kc akong chat addict before, pero ng time na nagkachat kami meron na akong special someone, so natigil yong communication namin..then after a few months bigla ulit sya nag pop-up message asking kumusta na daw, if i still remember him...well hindi ko na talaga sya maalala that time tapos hindi ko rin kasi sya type kaya sinusungitan ko lang sya at hindi masyado pinapansin pero we broke up narin ng special someone ko non, kaya lalo syang nag porsige na manligaw..sabi nya kung pwede daw kami mag meet paguwi nya, well i feel naman na mabait at honest sa feelings nya kaya pumayag narin ako....

dumating yong day na umuwi na sya at nagmeet kami, habang nglalakad na ako towards him..sabi ko sa isip ko sya ba talaga yan...bakit ganun para lang syang pinabili ng nanay nya sa tindahan, hehe i know im so so bad, i was expecting kasi maporma, well nasanay lang kasi siguro ako sa mga exs ko na magaling sila magdala ng damit...then ng makita na nya ako medyo nahihiya pa ata at hindi alam ang sasabihin..tapos ayon nakapagsalita din in a few minutes, and yon we ate dinner na tapos kwentuhan...pero wala parin talaga ako maramdaman sa kanya...so after that madalas parin sya magtext and call sa akin...until one time na ginabi na matapos yong surgery sa wisdom tooth ko at halos hindi ko na kaya umuwi, my dentist is asking kung may susundo daw ba sa akin, i was living independent kasi at malayo ang parents ko, ayoko naman i bother yong mga friends ko non kasi late na....sya lang naisip ko that time, pagkatext ko sa kanya he came right away..sa pad ko na sya pinatulog kasi nga late narin at magdamag nya ako binantayan at every 15 mins nglalagay sya ng ice sa jaw ko....don ko na realize ang bait nya at ang tiyaga nya talaga...so to make the story short na inlove then ako sa kanya and ngpaplano na kami ng wedding pagbalik nya... =)

HeartHeart

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #311 on: June 23, 2011, 06:39:58 am »
i met my husband when i was in highschool and sya nasa college.  we were introduced by my sister's friend.  he's my 1st bf and i'm his 1st gf.  we've been together bf/gf for 10 years.  now, married na for 2 years... going 3 years na this year.   :-*

sophistique

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #312 on: July 14, 2011, 01:52:49 am »
hmm, classmates kami nung freshie sa history subject pero as in walang chance na nagkakilala. that time kasi, kakagaling ko lang from a bitter break-up kaya aloof ako sa mga tao. natatakot daw syang mag-approach kaya nakuntento lang sya na tatambay sa parking lot ng school every morning para abangan yung pagpasok ko sa first morning class ko. pag nakapasok na daw ako, tsaka sya papasok sa class nya. 

second year, second semester pa lang nung gumawa sya ng move. he courted me for four months. playing safe kasi yung drama ko nun dahil nga sa bitter break-up but eventually he was able to gain my trust. we're almost 3 years now. :)

donselle

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #313 on: July 18, 2011, 11:35:26 pm »
i met my BF in law school, kung saan lahat ng students ay expected na maging serious sa studies at makapasa sa bar exams (you see, bar exams aren't like your ordinary board exams)... we were classmates sa halos lahat ng classes, pero noong first day hindi ko siya masyadong nakausap until magkasabay kami sa LRT that same day... pakilalahan lang muna dahil marami rin kaming magkakasabay, and apparently, pareho kami na fresh grad nang pumasok ng law school... the next day magkasabay na naman kami, may napag-usapan lang kami (hindi ko na matandaan exactly kung anong topic), wala na kaming tigil hanggang makababa ako ng station... since then, magkasabay na kami sa LRT, at nagka-crush na ako sa kanya, pero hindi pa niya alam... may times na kahit naghihintay lang kami ng prof nag-uusap pa rin kami... again, hindi pa rin niya alam na may crush ako sa kanya...

one day, nag-announce na walang pasok sa isang subject namin... then nag-aya ang isa sa mga classmates ko na mag-Padi's kami... (walo kasi kami na magkakaklase sa lahat ng mga subjects, so ilang araw pa lang nagkapalagayan na kaming lahat ng loob sa isa't isa) sama naman kami, pero noong on the way na kami, napansin nila na sanggang-dikit kami noon... ayun, inaasar-asar kami... nararamdaman ko nang medyo nagba-blush na rin ako, pero hindi ko pinahalata na gustong-gusto ko... noong inuman, bilang hindi siya drinker (occasional drinker ako), siya na lang ang naging tanggero namin sa zombie tower... nang magpa-'igib' kami for the second round, napansin nila na mas mataas ang tagay niya sa 'kin kesa sa iba... kantiyaw nila tuloy sa kanya, pumoporma na raw siya sa akin, nilalasing nya lang ako and all.. natawa lang ako, kasi sa loob-loob ko, kahit na sabihing crush ko siya, para namang manliligaw talaga siya (fresh pa kasi ang heartbreak ko from my past relationship and something depressing happened right before my college graduation)...

ayun, tuloy ang kantiyawan, hanggang sa pauwi na kami... sabay kaming sumakay ng bus, kasi bababa ako ng SM Fairview, siya sa may Cubao... after kong i-abot ang bayad namin, sinindi ko na ang MP3 player ko saka na-idlip... hindi ko namalayan na sumandal na ang ulo ko sa shoulder niya and hinawakan ko ang braso niya na parang akap na unan... medyo groggy pa ako noong magpaalam siya na bababa na siya, pero nang mabalik ako sa ulirat, doon ko na-realize ang nangyari...

since then, mas madalas na kaming magka-text (to the point na excited ako pag nakakatanggap ako ng messages mula sa kanya)... tapos one time, nagkatabi kami ng seats sa klase... since then, lahat na halos ng classes namin magkatabi kami... at ang mga conversations namin, nagiging mas malalim na... nariyang nalaman ko na no girlfriend since birth siya at laging basted sa nililigawan (hindi ako naniniwala noong una, pero ngayong boyfriend ko na siya doon ko nalaman kung bakit), at sa daming beses na niyang na-basted, gusto niya girl naman ang unang magsabi ng feelings... ako naman, na-share ko sa kanya ang past relationships ko at yung gusto ko sa isang relationship... assuming pa ako noon na friends lang talaga kami, as in nasa thoughts ko talaga na hanggang ganito lang kami at bilang comfortable na kami sa isa't isa, puwede ko nang sabihin ang mga ganoong details... pero kabaligtaran ang nangyari...

one day, nag-announce via text blast yung isang prof ko na no classes that day... at the same time, nag-text ako sa kanya, asking kung pupunta siya sa school kasi hihiram ako ng isa sa mga books niya, tutal magre-review din ako sa library para sa isang exams... sabi niya oo, tapos may pahabol na text, kung puwedeng tulungan ko siyang magbitbit ng ilang gamit... thinking na books ang mga iyon, medyo inis na joke ang reply ko, tipong, 'so taga-bitbit na lang pala ako ng gamit mo? 'de, joke lang, siyempre, tulungan kita.' lalo pa akong na-surprise noong sinabi niya around bago ako mag-time out na nasa labas lang siya ng workplace ko... so dali-dali naman akong nag-time-out, tapos lumabas ng building... nandoon siya nakatayo sa tapat at may bitbit na parang korteng floral bouquet... naisip ko, is he courting me or what? pero naisip ko rin, baka gusto lang mag-thank you or magpakita ng affection (ang bongga naman niya kung ganoon, 'di ba?)

anyway, off we went, not to school, but to Gateway mall (kesa nga naman pagkaguluhan ako sa school dahil sa bitbit kong flowers, 'di ba?)... kain lang kami sa may Pizza Hut (treat niya!), and then tambay ng onti dahil nagre-review na rin kami... first time kong mahawakan ang kamay niya, medyo firm dahil sa muscles pero malambot ang skin... naglibot kami, tambay sa cineplex area, doon sa may bilog na mga chairs at nagkuwentuhan pa doon... around 8pm hinatid na niya ako sa may sakayan ng bus pauwi, and kahit naghiwalay na kami, hindi kami natigil ng kate-text... doon na siya nagpaalam kung puwede ba siyang manligaw after naming pumasa ng bar exams... sabi ko, oo, pero sa sarili ko, sabi ko kahit ngayon na...

kung tutuusin kasi, yung friendship namin parang panliligaw na niya eh... yung tipong hindi siya nanligaw, and as if yung gestures niya sa akin that day parang for formality lang... pero for the most part of me, hesitant pa rin ako... una, dahil sa mga depressing events na nangyari sa akin in the past... pangalawa, parang ang odd naman yata na makilala mo ang love of your life sa isang place na puno ng geeks tulad ko... but as time passes by, nakikita ko na genuine ang intentions niya sa akin, at ganoon na lang ang feelings ko para sa kanya... naisip ko, pakakawalan ko pa ba ang isang lalaking kasing-smart, kasing-bait, kasing-funny at kasing-romantic niya?

one week pa ang lumipas, hindi ako makatulog that night kaka-isip sa mga iyon... naalala ko tuloy ang sinabi niya na kapag may girl na nag-express ng feelings niya sa kanya, susuklian niya ito nang 'bonggang-bongga.' bigla kong naisip na 'i'll take the chance at this, kesehodang tawanan pa niya ako o ng ibang tao." so i decided na padalhan siya ng message sa FB, and here it goes:


"sa totoo lang hindi ako makapaniwala na meron pa palang lalaking tulad mo. para kang man of any girl's dream na nagkukubli sa isang misunderstood boy. and for someone who has become a skeptic and cynical when it comes to love, i never thought i would want someone who would sweep me off my feet.

nagtataka talaga ako kung bakit sa lagay mong yan ay hindi ka pa nagkaka-girlfriend ni minsan. i'm pretty sure na minsan sa lifetime mo eh may nagka-gusto naman sa 'yo.

o ako lang talaga sa tanang buhay mo ang nagtiyaga na makilala ka nang lubos. ako pa lang yata ang nagtiyaga na samahan ka gabi-gabi sa pag-uwi, ako pa lang ang humahagalpak nang malakas sa mga jokes mo, ako pa lang so far ang naka-appreciate sa kababawan at kalaliman ng pagkatao mo.

hindi ko alam kung paanong sa loob ng isa't kalahating buwan, ang dami ko nang nalaman tungkol sa 'yo, at ganoon ka rin sa akin. pati ang mga hindi mo dapat tungkol sa akin, kahit papaano ay alam mo. ang mga hindi ko dapat malaman tungkol sa yo, kahit papaano ay alam ko. ikaw ang sumbungan ko 'pag masama ang loob ko, ikaw ang kahati ko 'pag masaya ako. at higit sa lahat, hindi sumasama ang loob mo kahit na lagi kitang inaaway o binabara sa mga sinasabi ko. minsan naman, nababara mo rin naman ako eh.

i love it when you make me smile when i'm sad (just like just now), i love it when you're concerned about me, i love it when you take away my weariness when i feel groggy from work...

finally, i love the way you touched my heart.

sana ako ang maging unang babae na magpaparamdam sa 'yo kung paano magmahal nang lubos at hindi tumitingin sa kapintasan at sa nakaraan - rather, one which looks at the present and forward to the future.

kahit hindi mo na ito masuklian. ang mahalaga ay napadama ko iyon sa iyo.

can you tell me... masyado bang suntok sa buwan ang hinihiling ko?"



the next morning, nireplyan niya ang message ko, at eto ang sagot niya:

ay bakit gusto mo unang babae na nagparamdam sakin na mahal nya ako?

gusto ikaw ang una at sana ikaw ang last.. seryoso ako ha.. promise ko sa sarili ko yan dati pa mga 8 years ago yan ang reason kung bakit ako nag choir (para mas mabilis ang access ko kay boss siguro dinedelay nya lang kasi tinitira ko yung wine ng pari after magmisa) kapag may nagmahal saken di ko sya papakawalan.. basta di ako mkikipagbreak sa kanya kung magbebreak man kmi gusto ko na sya ang mkipagbreak dahil sa reason na sawa na sya o may type na syang iba.. kasi hindi ako magsasawa na makasama sya kahit araw araw kahit di pa sya mag tooth brush o maligo..



next page:

touch naman ako dito parang love letter na sa net. pinadala.. first time ko maka recieve nito.. madalas kasi tinatapon nila (di daw mabasa)
ay meron nagkakagusto saken dear.. bading nga lang hinaharang ako sa may amin kapag gabi ako nauwi pinipisil ang maliit kong biceps sabay tanong kelangan m ba ng pangtuition?
sabi ko naman ay hindi ka mag eenjoy saken kiddie meal lang ang akin kung para sa appetite mo..


si bespren talaga puro kalokohan ang alam! hahahaha!

another page:

pang 6 na beses ko na tong binabasa gustong gusto ko pa din sya basahin.. di ko kasi pwede iprint tas ilagay sa cellphone ko sa likod o kaya sa ID sa likod kung meron man para may lucky charm akong dala..
kaya nga feeling ko ako yung guy sa my sassy girl.. yung pinadala ko sayo na link.. open mo ihanda mo lang ang panyo sa pagtawa ng malakas baka kasi magising sila madam..


isa pang page:

o ako lang talaga sa tanang buhay mo ang nagtiyaga na makilala ka nang lubos. ako pa lang yata ang nagtiyaga na samahan ka gabi-gabi sa pag-uwi, ako pa lang ang humahagalpak nang malakas sa mga jokes mo, ako pa lang so far ang naka-appreciate sa kababawan at kalaliman ng pagkatao mo..

para naman dito.. kaw lang talaga ang nagtiyaga na makilala ako.. sumasabay saken pag uwi di dahil sa ako ang alalay mo kundi gusto mo lang ako makasama, nakinig ng sincere sa mga personal issues ko hindi dahil sa inaasahan mong ako ang gagawa ng malaking pabor para sayo kundi para lang talagang makinig at dahil din dyan kaya minamahal kita..




that same evening, magkasabay kaming nag-train... papasok na kasi ako noon for my graveyard shift, at dahil maaga pa naman, tambay muna kami sa gateway... nagkuwentuhan at nagbiruan... meron syang binabanggit na something about kapag naging kami... sabi ko sa kanya, "teka, feelinggero ka ah! bakit tayo na ba?"

na sinagot naman niya ng: "bakit, gusto mo ba?"

corner ako doon! kaya nasabi kong, 'yes.'


and the rest is history. ngayon malapit na kaming mag-celebrate ng first anniversary namin... :D

FayeP

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #314 on: July 20, 2011, 03:07:11 pm »
Hi mga sis!

pasali po...

nameet ko si husband thru my cousin back in 2008, ganito kasi yun, mejo mahaba...

un cousin ko si ate beth, may textmate cya, kasi hilig nya makipagtext text nun panahon na un...mejo matagal na din sila nun textmate nya pero di pa nagmeet.  One day, nag invite un textmate nya kasi Bday ng kapatid, dun sa haus nila un party..

eh si ate beth, di alam un lugar nun textmate nya (somewhere in San Juan), so she asked me kun alam ko un place at kun pede ako sumama para at least 2 kami...nagkataon na un place malapit sa bahay ng college classmate ko kaya alam ko pa un lugar...so nun araw ng party, 3 kami nagpunta, ako, si ate beth at un officemate nya..takot ata talaga si ate beth na imeet un textmate nya kasi nagsama ng back-up..

ayun punta kami, since bday, madami bisita, sa umpukan namin, andun kami 3, tapos un textmate ni ate beth, saka mga barkada ni textmate, tapos un katabi kong guy, na barkada ni textmate, masyado tahimik, umiinom at nakikinig lang sa biruan at kwentuhan, so I talked to him, kako nabobore ba cya na katabi ako, sabi nya hindi, tapos ayun nakipag kwentuhan na cya sat nakibiro, palabiro pala at talagang funny so magkausap kami hanggang bago umuwi tapos tawa kami ng tawa...
pero di naman nya hiningi un number ko....

tapos uwian na, hinatid nila kami sa sakayan.  nun nasa taxi na kami 3 nina ate beth, nagtext si textmate, tinatanong un cp number ko. akala ni ate beth, si textmate un gusto humingi ng number ko..tinanong ni ate beth if ok lang ibigay un cp# ko, kako sige..

pero dumaan ang 3 araw ala naman nagtext sakin.  Day 4 after the party, may nagtext, "hi, ms. faye, kumain ka na ba?" tanghali na kasi nun, di me reply kasi di nagpakilala.  tapos about 3pm, same day, nagtext ulit, "ay suplada ata si ms. faye" since twice na binanggit name ko...nagreply nako, "sino ba to".

sabi nya, si ganito, sa party... tpos ayun magkatext na kami lagi. after two weeks, ininvite nya kami sa binyagan sa kanila, punta kami tapos after that pag may occasion sa kanila, invite nila kami...pero di naman cya talaga nanliligaw kasi parang friends lang un text nya, ala indication na he likes me...

after a few months, ayun parang nadevelop na lang un feelings, kasi mejo di ko cya like as a BF nun una, dahil nga, parang di naman din nya ako like, kala ko friends lang talaga turing nya sakin...
pero umamin din cya na nun nakita nya ako dun sa party nun una ( at nun nakita nya un Friendster pic ko nun hehe), tinamaan na cya kaya sya tahimik...

we got married just after 4 months of meeting each other and we've been together since, we are now 7 months on the way sa aming first baby boy!!!!



carrieso

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #315 on: July 22, 2011, 02:11:04 pm »
MAy God do greater things in to your family ......

carmichael18

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #316 on: July 25, 2011, 11:17:27 am »
through a common friend.. college friend ko at colleague naman niya.. well, dinedma niya pa ako nung una, but we're getting married na.. :)

papemelroti

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #317 on: July 25, 2011, 06:25:33 pm »
weve been friends and classmates since i was 12. ive known him for half of my life and we have been
together for two years now.


twisterselle

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #318 on: November 25, 2011, 01:06:53 pm »
nakaka inspire naman ang mga stories nyo mga sissies, lalo na [textspeak!] mustasa love stoy. Mabuti pa kayo may nakakameet, bakit ako mahilig din naman akong mag chat at mag Face book . Then nag open pa ako ng account sa tagged pero until now, wala pa rin akong BF. hayyys

det060403

  • Guest
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #319 on: December 08, 2011, 11:01:00 pm »
through a friend

 

Latest Stories

Load More Stories
Close