i met my BF in law school, kung saan lahat ng students ay expected na maging serious sa studies at makapasa sa bar exams (you see, bar exams aren't like your ordinary board exams)... we were classmates sa halos lahat ng classes, pero noong first day hindi ko siya masyadong nakausap until magkasabay kami sa LRT that same day... pakilalahan lang muna dahil marami rin kaming magkakasabay, and apparently, pareho kami na fresh grad nang pumasok ng law school... the next day magkasabay na naman kami, may napag-usapan lang kami (hindi ko na matandaan exactly kung anong topic), wala na kaming tigil hanggang makababa ako ng station... since then, magkasabay na kami sa LRT, at nagka-crush na ako sa kanya, pero hindi pa niya alam... may times na kahit naghihintay lang kami ng prof nag-uusap pa rin kami... again, hindi pa rin niya alam na may crush ako sa kanya...
one day, nag-announce na walang pasok sa isang subject namin... then nag-aya ang isa sa mga classmates ko na mag-Padi's kami... (walo kasi kami na magkakaklase sa lahat ng mga subjects, so ilang araw pa lang nagkapalagayan na kaming lahat ng loob sa isa't isa) sama naman kami, pero noong on the way na kami, napansin nila na sanggang-dikit kami noon... ayun, inaasar-asar kami... nararamdaman ko nang medyo nagba-blush na rin ako, pero hindi ko pinahalata na gustong-gusto ko... noong inuman, bilang hindi siya drinker (occasional drinker ako), siya na lang ang naging tanggero namin sa zombie tower... nang magpa-'igib' kami for the second round, napansin nila na mas mataas ang tagay niya sa 'kin kesa sa iba... kantiyaw nila tuloy sa kanya, pumoporma na raw siya sa akin, nilalasing nya lang ako and all.. natawa lang ako, kasi sa loob-loob ko, kahit na sabihing crush ko siya, para namang manliligaw talaga siya (fresh pa kasi ang heartbreak ko from my past relationship and something depressing happened right before my college graduation)...
ayun, tuloy ang kantiyawan, hanggang sa pauwi na kami... sabay kaming sumakay ng bus, kasi bababa ako ng SM Fairview, siya sa may Cubao... after kong i-abot ang bayad namin, sinindi ko na ang MP3 player ko saka na-idlip... hindi ko namalayan na sumandal na ang ulo ko sa shoulder niya and hinawakan ko ang braso niya na parang akap na unan... medyo groggy pa ako noong magpaalam siya na bababa na siya, pero nang mabalik ako sa ulirat, doon ko na-realize ang nangyari...
since then, mas madalas na kaming magka-text (to the point na excited ako pag nakakatanggap ako ng messages mula sa kanya)... tapos one time, nagkatabi kami ng seats sa klase... since then, lahat na halos ng classes namin magkatabi kami... at ang mga conversations namin, nagiging mas malalim na... nariyang nalaman ko na no girlfriend since birth siya at laging basted sa nililigawan (hindi ako naniniwala noong una, pero ngayong boyfriend ko na siya doon ko nalaman kung bakit), at sa daming beses na niyang na-basted, gusto niya girl naman ang unang magsabi ng feelings... ako naman, na-share ko sa kanya ang past relationships ko at yung gusto ko sa isang relationship... assuming pa ako noon na friends lang talaga kami, as in nasa thoughts ko talaga na hanggang ganito lang kami at bilang comfortable na kami sa isa't isa, puwede ko nang sabihin ang mga ganoong details... pero kabaligtaran ang nangyari...
one day, nag-announce via text blast yung isang prof ko na no classes that day... at the same time, nag-text ako sa kanya, asking kung pupunta siya sa school kasi hihiram ako ng isa sa mga books niya, tutal magre-review din ako sa library para sa isang exams... sabi niya oo, tapos may pahabol na text, kung puwedeng tulungan ko siyang magbitbit ng ilang gamit... thinking na books ang mga iyon, medyo inis na joke ang reply ko, tipong, 'so taga-bitbit na lang pala ako ng gamit mo? 'de, joke lang, siyempre, tulungan kita.' lalo pa akong na-surprise noong sinabi niya around bago ako mag-time out na nasa labas lang siya ng workplace ko... so dali-dali naman akong nag-time-out, tapos lumabas ng building... nandoon siya nakatayo sa tapat at may bitbit na parang korteng floral bouquet... naisip ko, is he courting me or what? pero naisip ko rin, baka gusto lang mag-thank you or magpakita ng affection (ang bongga naman niya kung ganoon, 'di ba?)
anyway, off we went, not to school, but to Gateway mall (kesa nga naman pagkaguluhan ako sa school dahil sa bitbit kong flowers, 'di ba?)... kain lang kami sa may Pizza Hut (treat niya!), and then tambay ng onti dahil nagre-review na rin kami... first time kong mahawakan ang kamay niya, medyo firm dahil sa muscles pero malambot ang skin... naglibot kami, tambay sa cineplex area, doon sa may bilog na mga chairs at nagkuwentuhan pa doon... around 8pm hinatid na niya ako sa may sakayan ng bus pauwi, and kahit naghiwalay na kami, hindi kami natigil ng kate-text... doon na siya nagpaalam kung puwede ba siyang manligaw after naming pumasa ng bar exams... sabi ko, oo, pero sa sarili ko, sabi ko kahit ngayon na...
kung tutuusin kasi, yung friendship namin parang panliligaw na niya eh... yung tipong hindi siya nanligaw, and as if yung gestures niya sa akin that day parang for formality lang... pero for the most part of me, hesitant pa rin ako... una, dahil sa mga depressing events na nangyari sa akin in the past... pangalawa, parang ang odd naman yata na makilala mo ang love of your life sa isang place na puno ng geeks tulad ko... but as time passes by, nakikita ko na genuine ang intentions niya sa akin, at ganoon na lang ang feelings ko para sa kanya... naisip ko, pakakawalan ko pa ba ang isang lalaking kasing-smart, kasing-bait, kasing-funny at kasing-romantic niya?
one week pa ang lumipas, hindi ako makatulog that night kaka-isip sa mga iyon... naalala ko tuloy ang sinabi niya na kapag may girl na nag-express ng feelings niya sa kanya, susuklian niya ito nang 'bonggang-bongga.' bigla kong naisip na 'i'll take the chance at this, kesehodang tawanan pa niya ako o ng ibang tao." so i decided na padalhan siya ng message sa FB, and here it goes:
"sa totoo lang hindi ako makapaniwala na meron pa palang lalaking tulad mo. para kang man of any girl's dream na nagkukubli sa isang misunderstood boy. and for someone who has become a skeptic and cynical when it comes to love, i never thought i would want someone who would sweep me off my feet.
nagtataka talaga ako kung bakit sa lagay mong yan ay hindi ka pa nagkaka-girlfriend ni minsan. i'm pretty sure na minsan sa lifetime mo eh may nagka-gusto naman sa 'yo.
o ako lang talaga sa tanang buhay mo ang nagtiyaga na makilala ka nang lubos. ako pa lang yata ang nagtiyaga na samahan ka gabi-gabi sa pag-uwi, ako pa lang ang humahagalpak nang malakas sa mga jokes mo, ako pa lang so far ang naka-appreciate sa kababawan at kalaliman ng pagkatao mo.
hindi ko alam kung paanong sa loob ng isa't kalahating buwan, ang dami ko nang nalaman tungkol sa 'yo, at ganoon ka rin sa akin. pati ang mga hindi mo dapat tungkol sa akin, kahit papaano ay alam mo. ang mga hindi ko dapat malaman tungkol sa yo, kahit papaano ay alam ko. ikaw ang sumbungan ko 'pag masama ang loob ko, ikaw ang kahati ko 'pag masaya ako. at higit sa lahat, hindi sumasama ang loob mo kahit na lagi kitang inaaway o binabara sa mga sinasabi ko. minsan naman, nababara mo rin naman ako eh.
i love it when you make me smile when i'm sad (just like just now), i love it when you're concerned about me, i love it when you take away my weariness when i feel groggy from work...
finally, i love the way you touched my heart.
sana ako ang maging unang babae na magpaparamdam sa 'yo kung paano magmahal nang lubos at hindi tumitingin sa kapintasan at sa nakaraan - rather, one which looks at the present and forward to the future.
kahit hindi mo na ito masuklian. ang mahalaga ay napadama ko iyon sa iyo.
can you tell me... masyado bang suntok sa buwan ang hinihiling ko?"
the next morning, nireplyan niya ang message ko, at eto ang sagot niya:
ay bakit gusto mo unang babae na nagparamdam sakin na mahal nya ako?
gusto ikaw ang una at sana ikaw ang last.. seryoso ako ha.. promise ko sa sarili ko yan dati pa mga 8 years ago yan ang reason kung bakit ako nag choir (para mas mabilis ang access ko kay boss siguro dinedelay nya lang kasi tinitira ko yung wine ng pari after magmisa) kapag may nagmahal saken di ko sya papakawalan.. basta di ako mkikipagbreak sa kanya kung magbebreak man kmi gusto ko na sya ang mkipagbreak dahil sa reason na sawa na sya o may type na syang iba.. kasi hindi ako magsasawa na makasama sya kahit araw araw kahit di pa sya mag tooth brush o maligo..
next page:
touch naman ako dito parang love letter na sa net. pinadala.. first time ko maka recieve nito.. madalas kasi tinatapon nila (di daw mabasa)
ay meron nagkakagusto saken dear.. bading nga lang hinaharang ako sa may amin kapag gabi ako nauwi pinipisil ang maliit kong biceps sabay tanong kelangan m ba ng pangtuition?
sabi ko naman ay hindi ka mag eenjoy saken kiddie meal lang ang akin kung para sa appetite mo..
si bespren talaga puro kalokohan ang alam! hahahaha!
another page:
pang 6 na beses ko na tong binabasa gustong gusto ko pa din sya basahin.. di ko kasi pwede iprint tas ilagay sa cellphone ko sa likod o kaya sa ID sa likod kung meron man para may lucky charm akong dala..
kaya nga feeling ko ako yung guy sa my sassy girl.. yung pinadala ko sayo na link.. open mo ihanda mo lang ang panyo sa pagtawa ng malakas baka kasi magising sila madam..
isa pang page:
o ako lang talaga sa tanang buhay mo ang nagtiyaga na makilala ka nang lubos. ako pa lang yata ang nagtiyaga na samahan ka gabi-gabi sa pag-uwi, ako pa lang ang humahagalpak nang malakas sa mga jokes mo, ako pa lang so far ang naka-appreciate sa kababawan at kalaliman ng pagkatao mo..
para naman dito.. kaw lang talaga ang nagtiyaga na makilala ako.. sumasabay saken pag uwi di dahil sa ako ang alalay mo kundi gusto mo lang ako makasama, nakinig ng sincere sa mga personal issues ko hindi dahil sa inaasahan mong ako ang gagawa ng malaking pabor para sayo kundi para lang talagang makinig at dahil din dyan kaya minamahal kita..
that same evening, magkasabay kaming nag-train... papasok na kasi ako noon for my graveyard shift, at dahil maaga pa naman, tambay muna kami sa gateway... nagkuwentuhan at nagbiruan... meron syang binabanggit na something about kapag naging kami... sabi ko sa kanya,
"teka, feelinggero ka ah! bakit tayo na ba?"na sinagot naman niya ng:
"bakit, gusto mo ba?"corner ako doon! kaya nasabi kong,
'yes.'
and the rest is history. ngayon malapit na kaming mag-celebrate ng first anniversary namin...
