gusto ko i-share ang story namin ni hubby. medyo mahaba lang:
when i was in elementary, umuuwi ako sa bahay kapag lunch break. tuwing tanghali, may nakikita akong batang lalaki na sa tingin ko grade 5 or 6. nagtitinda sya ng gulay, yung mustasa. sabi ko sa sarili ko, "ang sipag naman ng batang to. kainitan ng araw kung magtinda." well, halata sa pananamit nung bata na kapos sila sa buhay. naaawa ako sa kanya and at the same time humahanga sa kasipagan nya. kung anong kinalaman ng batang yan sa amin ni hubby, malalaman nyo later.

fast forward tayo nung 1st year high school na ako. dahil medyo mahirap sumakay ng jeep kapag tanghali, i've decided na hindi na lang ako uuwi sa bahay kapag lunch break. at dahil dun, pati gamit ko na panghapon dala-dala ko sa bag ko. naalala nyo
[textspeak!] mga Hawk bags na malalaki? ganun yung bag ko. sobrang bigat nya! kaya tuloy tinitukso ako ng mga 4th year. tawag nila sa akin "pagong" kasi parang dala-dala ko na raw yung buong bahay namin. hmp! mga classmates/barkada ni hubby yung mga nang-iinis sa akin. si hubby ang sumasaway sa kanila. sa isip ko, "buti pa tong lalaki na to di ako inaasar". later on, nalaman ko yung pangalan nya. nalaman ko rin na may crush sya sa akin.
hay naku, dinededma ko lang sya. di ko sya type noh. he's not courting me naman or anything pero binuking sya ng mga classmates nya na gusto raw ako ligawan kaso di raw kami bagay dahil ako raw maganda at napakaraming manliligaw tapos sya walang kahit isang magkagusto sa kanya. lol! di naman ako suplada, basta ayoko lang ng medyo matanda.

tsaka feeling ko ang suplado nya eh di naman gwapo.

nung nag-college na sya, dun pa rin sya nag-aral sa university kaya palagi ko pa rin sya nakikita. actually, madalas ko pa sya makasabay sa jeep dahil magkalapit lang yung mga bayan namin. nagpapasalamat lang ako noon na di na talaga nya ako niligawan. patingin-tingin lang sya. dumaan ang mga panahon at parang nakaget-over na sya sa pagkakaroon nya ng crush sa akin. nanligaw na sya ng iba. di naman ako nang-i-spy pero kalat kasi sa campus na sya ang masugid na manliligaw nung title holder sa beauty contest sa school.
and then, when i graduated high school, dun na rin ako nag-college sa school namin. so bale 1st year college ako, 4th year naman sya. nung magtatapos na ang school year, biglang nagkaroon ng student rally sa school namin. on the first week, di kami nakikialam kasi mga 1st year pa nga lang kami. anong muwang namin dun?
tapos ng malaman ko yung purpose ng rally nila, sumama na rin ako kasama ng iba ko pang mga kaklase. nung may dumating na media, dun ko na lang nalaman na isa sya sa mga student leaders na nagsulong nung rally. dun ko sya lubusang nakilala. at first, medyo awkward dahil nga matagal ko syang dinededma. pero ng lumaon, nalaman ko na mabait pala sya at sweet, masipag at matalino.
sa totoo lang mga sisses, walang ligawan na nangyari sa amin. naging super close friends kami. kami ang magkasabay umuwi, pag nasa picket kami, kami ang palaging magkasama sa pagpaplano ng mga susunod naming hakbang. we cared for each other. alam kong hirap sila sa buhay kaya pamasahe lang sa jeep ang baon nya. binibigyan ko sya palagi ng buko juice at sandwich.

alam nyo yung di na kailangan ng salitaan, basta naramdaman ko na lang na in-love na ako sa kanya. alam ko rin na mahal na nya ako. *kilig* lol!
sa loob ng 5 months, ganun lang kami. hindi "kami" pero parang "kami". kasi di nya deretsahang sinabi sa akin na nanliligaw nga sya pero we act as if mag-bf/gf kami. syempre without all those hugging and kissing.

and then, habang nasa kalagitnaan kami ng pagpaplano sa para sa susunod na protesta, bigla nya akong hinila sa labas. lumayo kami sa grupo. may itatanong daw sya. well, alam nyo na kung ano yun. syempre ang sagot ko "oo mahal kita noon pa!" whew! sa wakas, officially mag-bf/gf na kami.
after almost 8 years, ikakasal na kami. by that time, dapat wala na kaming mga sikreto sa isa't isa. lahat na yata napagkwentuhan namin lalo na kung gaano ang hirap ng buhay na dinanas nila ng family nya. sabi nya, nung elementary sya, yung lolo nya nagtatanim ng mga gulay, MUSTASA! tapos pinapabenta daw sa kanya. sabi ko, "mustasa ba kamo? eh nung elementary ako, may nakikita akong bata na nagtitinda ng mustasa. yung gulay nakalagay sa malaking batya." tapos pina-describe nya sa akin kung anong itsura nung batang nagtitinda ng mustasa. sabi ko, "naka-white shirt na kupas at butas-butas pa. tapos naka-khaki short na uniform sa school. tapos naka-gomang tsinelas". well, you guessed it right. si hubby at yung batang nagtitinda noon ng mustasa ay iisa. sinong mag-aakala na mapapangasawa ko si mustasa boy. lol! ang buhay nga naman.