watch now

Author Topic: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)  (Read 63481 times)

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #120 on: March 25, 2024, 06:48:02 pm »
Hala, totoy na totoy yong itsura nong boypren ni RAB nung naglalaro ng basketball. Puede ngang mag ina or mag lola sila ;D  ;D

May mga nababasa ako sa reddit na sinasabing suwerte daw yong yaya ni small kasi nakakatravel overseas. Ako naman, naiisip ko na kawawa sila kasi buong family ang kasama tapos isa lang ang help. Imagine ko na sila ang first gumigising at last natutulog. May isa ngang vlog na nag tour sila ng LA tapos nakatulog na sii lotlot sa likod ng kotse. Super pagod.

kaisha

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #121 on: March 26, 2024, 09:39:39 am »
I was watching Laureen Uy's bachelorette party in Bali. Andun si Michelle Dy. Didn't know close friends pala sila.


wala yung cousin niya na si Elle Uy noh-- yung magaling mag decor

airish_2

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #122 on: April 02, 2024, 07:57:04 pm »
Baka hindi sila close. Nakita ko na naman nagcomment si RAB sa tiktok about doon sa nag ask kung may nanonood pa ba ng youtube tapos comment nya "have you tried watching my vlog?" Kesyo relatable daw sya

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #123 on: April 03, 2024, 01:55:24 am »
Si JM Banquicio, nagiging shameless na. Napapadalas ang parinig, ?(brand name) baka naman.? Gipit na gipit? Pero ?lumang luma? na daw yung iphone 12 pro max ng tatay niya. lol

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #124 on: April 03, 2024, 03:39:21 pm »
^magkano kaya discount non sa cebu pacific

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #125 on: April 03, 2024, 04:02:00 pm »
Pati si Ogie Diaz nagbebenta na ng barley. Baka mabawasan ng suki si RAB  :D

muning00

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #126 on: April 03, 2024, 06:30:36 pm »
Rhaze is pregnant again, katuwa lang un journey nila. From IVF to natural pregnancies. Mukha naman financially stable talaga sila mag asawa, Ilan beses sila magbakasyon tapos kasama pa un family ni Rhaze.
Naumay na ako kay Small. Swerte in a way un angels nila kasi mukha naman mabait un family nila. Pero ganun ba talaga pag sobrang yaman, parang wala ng alam sa life bukod sa makipag sosyalan? Hehe, i wonder lang anong alam gawin ni Small, kase wala siyang alam sa bahay and hindi rin siya career woman. Tas pag nagttravel sila lahat asa sa yaya or kay Phil ultimo pag fill out ng form sa immigration Parang kung kaya niyang utusan huminga si Lotlot for her, ginawa na niya. Hahaha Buti nalang un mga anak niya parang marunong sa buhay at hindi lang pasosyal ang alam.
« Last Edit: April 03, 2024, 06:42:24 pm by muning00 »

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #127 on: April 03, 2024, 09:35:22 pm »
^di ba she used to run a school in Greenhills? Napanood ko lang sa vlog ni Karen Davila.

^magkano kaya discount non sa cebu pacific

May discount na ba siya all the time sa cebpac? Good for him pero sana honest siya sa viewers kung sponsored naman pala yung trips niya. May nabasa kasi akong comment sa recent Boracay trip niya na sponsored daw yung Mandarin Island Hotel kasi madami daw vloggers ang nagpromote nang sabay-sabay pero wala naman sinabi si JM na sponsored yun. Sa reddit naman may nagsabi na naghahide siya ng not so good comments kaya puro I like your vlogs mababasa sa comment section niya.

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #128 on: April 04, 2024, 04:20:49 pm »
^Ay wala bang discount . Akala ko lang siguro kasi continuous ang pag promote nya.  Yon lang sigurong free trip na napanalunan nya.

Ako naman sobrang naartehan ako pag nagsasabi si JM ng 'thank you' ::)  ;D  ;D  ;D

Yong Vietnam travel vlog nya parang sponsored din.
« Last Edit: April 04, 2024, 04:37:31 pm by Miss Cheese »

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #129 on: April 04, 2024, 04:41:02 pm »
Bayaan nyo nang maging busy si Small sa pag i English, pagkanta at pag travel. Kesa naman pumasok sa politics. Yun kasi yung naalala kong namention nya dati na gusto nyang gawin (jusko po) Pero na mention naman ng Ate Alice nya sa isang interview nya na never mangyayari yon (sana naman)  ;D

baby_ni_jaybee

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #130 on: April 05, 2024, 12:27:50 pm »
Rhaze is pregnant again, katuwa lang un journey nila. From IVF to natural pregnancies. Mukha naman financially stable talaga sila mag asawa, Ilan beses sila magbakasyon tapos kasama pa un family ni Rhaze.

Dan is a property specialist, so mukhang okay talaga income nila. Plus mukhang stable pa din naman vlogging ni Rhaze. Pero ako personally, I don't watch them na, kasi parang wala namang bago sa vlogs, madalas pa naka fast forward, unless magbakasyon sila lol and just like Kryz Uy, sabi nga ng iba, nadagdagan na naman ang pagkakakitaan na kids lol

qtpie

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #131 on: April 06, 2024, 05:00:09 pm »
Yung bf ni TIN may YT channel na rin. He reviewed the MG 5 car. Dami ko nga natutunan. Puro lang sinabi niya na maganda yung kotse. Na hindi tumitirik at malakas ang aircon. All expected from a brand new vehicle. 2 comments pa sa video niya. One from RAB and the other one is from Kristine Roces lol

fifi_girl

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #132 on: April 08, 2024, 01:09:56 pm »
^napanuod ko nga din out of curiousity lang. Wala naman siyang ibang nasabi, except that malamig ang aircon, okay naman daw i-drive at nakaka 1k kms na daw. And kaya daw magsakay ng 3-4 persons sa backseat. Sana mag stick nalang siya sa MLM, wag na siya mag vlog.

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #133 on: April 09, 2024, 04:50:05 pm »
Hindi ako makapasok dito kahapon. Hindi ko alam kung bakit... anyway... i came across a 9 year old vlog ni RAB. She had a Hello Kitty themed birthday party.... 29th!!!
Tapos meron din akong isa pang napanood na  review o haul (not sure) basta althea. Grabe sobrang hawig ni RAB si belo. skl

lyrahs

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #134 on: April 18, 2024, 09:53:53 pm »
I was watching Laureen Uy's bachelorette party in Bali. Andun si Michelle Dy. Didn't know close friends pala sila.

Kinwento ni MD kung pano sila naging close ni Laureen Uy. Happy din ako for MD, ang saya ng lovelife nya tska ang sipag nya ngayon mag-upload ng daily vlogs.

Sya na lang ata pinapanood ko na vlogger.

Yung iba nakiki-marites na lang ako dito. hehe

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #135 on: April 23, 2024, 06:28:28 pm »
Grabe ingay ng group of filipino vloggers sa Japan. Si JM at Hazel lang ang kilala ko . Never ending pa ang pag promote ng discount code sa klooks at air asia.  Kaumay.

chanelchance

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #136 on: April 30, 2024, 09:17:17 am »
ACz nagpa donation para sa operation bang Daddy nya? Please confirm Sa mga nanonood Sa kanya.

drag0nfly

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #137 on: April 30, 2024, 03:06:26 pm »
Grabe ingay ng group of filipino vloggers sa Japan. Si JM at Hazel lang ang kilala ko . Never ending pa ang pag promote ng discount code sa klooks at air asia.  Kaumay.

Bilib ako sayo sis natiis mong panoorin yung latest Japan vlogs ni accla. Wala pang 5 mins nung narinig ko bunganga ni Hazel, ekis ko na. Panay labas sa YT feed ko bawat upload ni JM. Jusko parang si RAB din na ginatasan talaga bawat kibot nya dun.

Last ko pinanood yung HK vlog. Ok na sana eh kasi treat sa parents/fam nya. Kaso kaka-turn off yung tinatanong pa ang parents on cam anong masasabi nila with his new Apple gifts. Luh. Hindi na dapat sinasama yun kasi obvs naman na grateful yung parents. Siguro ako lang pero pwede naman na off-cam yun.

Pahinga muna ako kay bakla. Nood na lang ako ulit pag natuloy na yung Oz trip nya. Kaumay yung puro Korea and Japan nya.

reivee

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #138 on: April 30, 2024, 09:48:18 pm »
May nag comment nga sa vlog ni JM na Hazel has an obnoxious laugh and it's annoying, nag reply ang Mommy todo defend na hindi naman daw, na they're just having fun with friends ganyan. Pagcheck ko ulit burado na yung original comment. Binura na ni JM. Gusto ko nga magreply sana na yes your daughter has an obnoxious laugh and ginagamit nyo pa ngang pang intro sa vlog nyo.

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local YouTubers/Vloggers (Thread 33)
« Reply #139 on: May 03, 2024, 06:01:51 pm »
^^ may mga guided tour kasi sis kaya  na curious ako at medyo iba sa usual vlog nya na puro kembot tapos maling train pala ang masasakayan o kain lang sa kombini  :D

^totoo ba yong kay ACz? nagtrabaho naman overseas ang parents nya, sana may ipon sila para sa mga ganitong klase ng emergency. Or if kulang naman, andyan naman si ACz na im sure kayang mag abono  ;D

Si RAB, ice kendi tycoon na  ;D  ;D  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close