watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)  (Read 179111 times)

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #440 on: August 31, 2021, 12:03:29 am »
Ayaw na ba ni RAB sa Exo? Kasi naalala ko nung isang araw she posted on her IG story na she plans on giving away/selling (malamang selling, yung bawas nga at expired na skincare binebenta pa haha) her merch.

Ok din naman yang skincare videos ni RAB. Alagaan niya yung skincare problems niya, mukhang may views naman siya lol Ilang taon na ba niya yan ginagamot eh hanggang ngayon andyan pa rin. Nasa 30s na siya diba? Pangkabuhayan business na yung chismis sa mukha.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #441 on: September 01, 2021, 09:25:49 am »
may nanonood ba dito kay Kristel Fulgar? may something talaga sa kanila ni Big Boss, kinikilig ako sa kanila. Lol
« Last Edit: September 01, 2021, 04:16:12 pm by muning00 »

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #442 on: September 01, 2021, 02:43:59 pm »
^Feeling ko MU talaga sila.  ;D

Vaccinated na ba sila ang Lula girls? Ang tapang nila talaga maglalabas. One dose palang ako, pero hindi ako makalabas  ;D Pero baka naman kada sleep over nila nag antigen test sila since madami naman silang funds.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #443 on: September 01, 2021, 04:18:14 pm »
omg kung MU talaga sila.  ;D sa recent vlog, ang lakas makakilig nun may wowork pa dapat si Big Boss pero nagpabebe si Kristel na manood nalang sila. Ayun sabay silang nanood, lakas maka bagets. haha

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #444 on: September 01, 2021, 05:21:20 pm »
^Bakit kaya ang low quality ng audio/video ng vlogs ni Kristel? Kaya nawalan ako ng gana manood sa kanya e kasi parang palaging basag at kuha lang sa phone.

muning000

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #445 on: September 01, 2021, 09:01:21 pm »
Grabe awang awa ako kay Lj Reyes, ramdan na ramdam ko un sakit niya. Hindi man direkta sinabe, eh may third party talaga. Haaaay kailan ba magsasawa mambabae si Paolo. Deadbeat dad pa naman siya. And sana mapanindigan niya na hinding hindi na siya babalik kay Paolo.

hannabautista

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #446 on: September 02, 2021, 04:07:53 pm »
Ewww binalikan pa pala. Lol. Kung may intention pala siya makipag-ayos sana di na lang muna siya nag-ingay. Dedma na sa sasabihin ng ibang tao pero paano yung pag may family gatherings kayo tapos bitbit mo asawa mo na 2x ka na niloko, siguro di na lang pupunta.

Goodluck sa itsura ni Rab kung 10yrs tapos monthly nagiiba holy grail products niya.


Napanood niyo reset vlog nila? Dami kinikilig sa comments, super cringe ako. Ever since nagstart ako manood vlogs nila 3 yrs ago never naman siya naging sweet on cam kay daddy al. Now lang na nagkacheating allegations siya

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #447 on: September 03, 2021, 02:50:13 am »
Pasok pala si Ayn sa Top 30 sa Ms. U Phils

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #448 on: September 03, 2021, 07:42:01 pm »
Magaling kasi siya sa Q and A pero mostly may issue yung MUPH org na wala sila sponsor this year kaya gumamit sila ng mga malalakas sa socmed which is Kisses and Ayn

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #449 on: September 04, 2021, 12:14:04 am »
Nagbabalik ang itim na electric fan ni TIN hahaha

curlylass

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #450 on: September 07, 2021, 10:55:20 pm »
Ayan na, nagsalita na si ACz sa issue nila ng kapatid nya. Mukhang yung asawa nung kapatid nya may problema

Mics_Aa1

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #451 on: September 08, 2021, 12:09:33 am »
Mukhang asawa nga ni Mommy Joyce ang pinag ugatan. Ilang beses na daw nangyri pero naayos naman daw.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #452 on: September 08, 2021, 02:21:53 am »
Isa din kasi sa mali niya, super lapit ng mga bahay nila. Hindi talaga maganda yung ganyan eh. Pero sana maayos sila kawawa mga kids nila.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #453 on: September 08, 2021, 04:16:02 am »
Malalim na talaga yung away, may sagot din sa IG post yung Ate ni ACz. Kung ako Nanay nilang dalawa ikukulong ko sila sa kwarto para ayan sure makapag usap sila. Charot.  :-X

reivee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #454 on: September 08, 2021, 05:42:03 am »
^may post ba bago yung PS? Di ko na naabutan.

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #455 on: September 08, 2021, 09:34:44 am »
Oo nga, mukhang asawa nung kapatid niya pinag-ugatan. Napansin ko rin binura na niya yung vlog niya nung naglipat sila ng office. May mga nabanggit siya dun na pagbabago na magaganap sa business niya. Balikan ko sana kung may clues pero nabura na.

Curious ako dun sa sinabi ni ACz na naglipat sila ng office para protektahan din yung ibang employees. Pero di niya pwede sabihin kasi it's not her story to tell.

Maia.Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #456 on: September 08, 2021, 09:57:35 am »
Ang hassle ng captcha, kaso ang dami rin kasing nag sspam.

Back to topic, hindi pa rin ako masyadong convinced sa drama ni ACz, unless may ganun talaga na relationship sobrang close niyo tapos kapag nagkaissue talagang they decided cease all communication, tapos hindi raw alam ni ACz ang dahilan at wala daw siyang ginagawa?? kung totoo napaka playing safe naman niya, wala daw siyang kasalanan.

may balita kayo sa covid scare nila menchie, one story lang nakita ko na currently in isolation sila.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #457 on: September 08, 2021, 10:06:19 am »
Curious ako dun sa sinabi ni ACz na naglipat sila ng office para protektahan din yung ibang employees. Pero di niya pwede sabihin kasi it's not her story to tell.

iaask ko nga din sana kung ano ibig sabihin nun?
un first time siya un nag reach out pero dedma si ate niya, sa post naman ng ate niya siya naman daw nag reach out pero si anne naman hindi nasagot.
sino din un ka chat ni acz dun sa ig post niya??

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #458 on: September 08, 2021, 10:17:12 am »
^Parang ate ni ACz yung kausap niya based sa screenshot.

Sa vlog niya, ang sabi niya nung nag-resign ate niya nag-reach out siya pero walang reply. Dun naman sa IG story ng ate niya, nag-reach out siya nung namatay lola nila, pero di na nagreply si ACz. Magkaibang timeline yata yan.

Regardless, curious ako sa involvement ng asawa at dun sa nangyari sa staff ni ACz.

milfordsound

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 28)
« Reply #459 on: September 08, 2021, 10:23:44 am »
May comment sa vlog ni anne clutz sabi tinutukan daw at hinampas ng baril yung isang staff na babae ng asawa ng ate niya. May details dun sa comment section.
« Last Edit: September 08, 2021, 10:26:34 am by milfordsound »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close