watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)  (Read 157055 times)

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #340 on: November 25, 2020, 11:26:42 pm »
Which for me is below the belt kasi hindi naman obligasyon ng anak na patayuan ng bahay ang magulang.

^THIS! Hindi dapat obligasyon ng anak na tumulong sa magulang. We help our parents financially because we love and care for them. Kung nagbibigay, ok. Kung hindi, ok lang din.
I have always felt guilty for thinking otherwise  :'( :'( :'( thank you girls for knocking some sense into me lol it's just that this kind of thinking is very taboo here in the PH. Mabuti at napaguusapan na pala siya ngayon.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #341 on: November 26, 2020, 12:32:25 am »
Pag senior talaga ayaw ng may pinapabago sa bahay baka ganoon parents ni Kitz. Ganyan mother ng friends ko ultimo lata tinatabi. Ayaw pa renovate bahay.

twinbee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #342 on: November 26, 2020, 01:35:45 am »
bigla ko tuloy naalala ko yung mother ng frirend ko..
binaha sila at ayaw umalis ng mother nya sa bahay kahit iparescue pa daw sya, ayaw umalis
yun pala natatakot na baka pag umalis sya ng bahay, ipagiba ng mga anak bahay nila para iparenovate.

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #343 on: November 26, 2020, 02:22:51 am »
I have always felt guilty for thinking otherwise  :'( :'( :'( thank you girls for knocking some sense into me lol it's just that this kind of thinking is very taboo here in the PH. Mabuti at napaguusapan na pala siya ngayon.

Don't ever feel guilty about this, sis! Naiinis ako kapag laging sinasabi na obligasyon ng anak na tulungan ang parents kasi hindi naman retirement fund ang anak. Kung nakakaluwag, of course tutulong. Pero hindi siya dapat obligasyon kasi may buhay din naman ang anak. Tyaka pano naman yung mga anak na lumaki sa abusive household? Pilitin pa rin tulungan yung magulang kahit mas healthy to cut ties with your family?

Anyway, na-off topic na ko. Haha. Naloka nga rin ako sa comments sa vid ni ACz. Pati yung pizza na pasalubong ni ACz napuna, bakit daw pizza lang sa kanto. Kaloka! Dati nung mas madalas pa ko nanonood sa kanya, naaalala ko pinapagtabi niya ng food at kung ano ano from PR haul mama ni Kitz tapos papadala sa kanila. Pinapag-grocery din niya and shopping. Pero yung mama rin kasi ni Kitz parang sobrang simple lang din. Ayaw na masyado binibigyan ng kung ano ano. Obvious nga na na-hurt si ACz sa comments. Say what you want about her pero parang generous naman kasi siya pagdating sa family and even sa staff niya.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #344 on: November 26, 2020, 03:00:26 am »
True super simple ng family ni Kitz kahit noon noon pa.

louvieee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #345 on: November 26, 2020, 08:49:59 am »
Kung yung iba nga natutulungan ni Anne Clutz, in-laws nya pa kaya? Mga tao talaga.

Mukhang mahiyain pero mabait yung MIL nya. May napanood akong vlog before, namimili sila sa S&R yata yun. Pinamimili ni Anne Clutz yung MIL nya pero nahihiya si MIL, halos ayaw maglagay ng items sa cart. Baka nahihiya si MIL kasi si Anne Clutz ang bread winner, at hindi yung anak nya.

Iba-iba naman ang mga ugali ng tao. Merong mahilig tumanggap, merong mahilig magbigay pero nahihiyang tumanggap. For sure may napagusapan na sila about sa bahay. Hindi naman siguro pababayaan nila AClutz na ganun ang sitwasyon ng bahay ng in-laws nya. Kung ayaw ipareno, baka padalan nya ng cleaning services na nagssponsor sa kanya para malinis yung mga nabaha. Hindi naman natin alam ang buhay nila 24/7 kaya ewan ko ba sa mga judgmental nyang viewers. Tsk.

L6rcaster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #346 on: November 26, 2020, 09:16:57 am »
Sana tigilan na ni Raf ang omegle
Content na yan. Nakakairita na. Sponsored ba yun?

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #347 on: November 26, 2020, 10:34:13 am »
Agree ako baka ayaw ng parents ni Kitz.   May mga ganun talaga na magulang lalo na yung mga simple lang at di maluho. Ako kasi nakabased sa abroad pero  nagagalit  sa amin mga biyenan ko kapag pinapadalhan namin sila ng pera kahit may okasyon naman kahit birthday bigyan namin cash gift ayaw din tanggapin at ipunin na lang daw namin.

bonnie07

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #348 on: November 26, 2020, 11:02:42 am »
Sa latest Anna Cay?s story, yung may list of suppliers. Alam kong pera naman nila yun. Pero nanghihinayang ako, parang ang impractical na ganon pa pala sila ka all out for the civil wedding e may church pa. Complete with band, LED wall, mobile bar, etc. Diba super konti lang din naman ang guests. Ganon ba talaga even civil wedding? Kasi yung nakikita ko naman sa friends ko even Sarah Lahbati nga, simple lang. Siguro ako lang naman yun.

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #349 on: November 26, 2020, 11:15:56 am »
^nako sis expected na yan, alam mo naman hindi papakabog si madam laging may dapat patunayan. saka for sure puro sponsored din naman yan at yung mga ninong niya eh mga bigatin rin naman. I doubt na malaki ang ilalabas nila sariling money. kasi sa expi ko ha hindi pa nga bigatin ang sponsors ko pero bawing bawi rin talaga ang gastos sa kasal sa mga pakimkim, etc.

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #350 on: November 26, 2020, 11:31:44 am »
Sa tingin ko yung wedding nila ACy e tulad nung kila [textspeak!] Tandingan. Civil lang din pero bongga yung mga suppliers.

bonnie07

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #351 on: November 26, 2020, 11:38:51 am »
Ahh. Okay Sisses, thank you for enlightening me😊

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #352 on: November 26, 2020, 11:55:33 am »
I am not stirring up anything ha, just curious why some people here mas gusto na bonggahan ang church wedding than civil wedding? For me kasi kahit anong wedding yan (church or civil) na pinili nung couple they can spend how big or how little they want kasi wedding naman nila yun. Bakit palagi church ang kailangan gastusan? Bakit di pwede civil? Daming beses ko na kasi nababasa yan dito even previous threads na kung gagastos lang din sila mag-church na, what's wrong with civil wedding? Bakit parang may expectation na kailangan di bongga pag civil at dapat bongga pag church.

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #353 on: November 26, 2020, 12:05:06 pm »
^kasi sa pinas mostly are Christian so either 1 big church wedding or kahit civil wed na is they still plan church bec habol is the blessing from church, so kung 2 weddings ang gagawin mo most probably na yung church ang pag gagastusan mo(since christian nga). kung wala naman plan mag 2 weddings edi yung civil ang gagstusan nila.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #354 on: November 26, 2020, 12:23:51 pm »
^hahaha I never thought of that! Thanks for explaining. Baka wala ng balak mag-church wedding si Madam kaya binonggahan na niya yung civil.

Napanuod ko bagong vlog ni Ashley, siya siguro yung ultimate lakwatsero sa mga vloggers. Ang dami na niya napuntahan at ang tapang talaga kumain sa labas.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #355 on: November 26, 2020, 03:02:05 pm »
Natawa ako na pati pizza napansin 😆 paano naman kasi andami nga PR kay Anne Clutz na mga food so nagexpect siguro yung viewer na kahit papaano may bitbit sila from house aside from madadaanan.
Tsaka bago pa ba kay Anne yan? Nakapublic kasi life nila kaya may masasabi at masasabi ang tao.

Pero hindi lang naman si Kitz ang anak 'diba? How about ibang kapatid ang lagay kasi obligasyon nila Anne parents ni Kitz. And totoo ang kasabihan na hindi retirement fund ang mga anak at hindi emergency fund ang parents.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #356 on: November 26, 2020, 03:05:51 pm »
may kilala ko civil wedding pero bongga ang reception at suppliers nila. As in grand wedding.
Sa case ni ACy, kesyo civil or church yan im sure hindi yan papakabog, bongga yan. kaya wag niya ako paandaran na SIMPLE lang siya. LOL

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #357 on: November 26, 2020, 05:19:03 pm »
Mukhang Christian wedding sila ACy. Sa IG stories parang may seminar sila with a Pastor. Pero tama nga naman na kesyo civil or church, wala namang rules sa gastos. Yung isa sa nga best friend ko civil sila pero Christian wedding ang set up. Same nga with [textspeak!]. Excited ako makita kung gano ka-bongga yung kasal nya. Sana wag sirain ng porma at itsura ni Geloy. Haha! Peace!

sportygurl

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #358 on: November 26, 2020, 07:03:57 pm »
Ang comment section ba ng YT may filter? Pansin ko kasi kapag di maganda ang comment ko, di siya nag aappear sa comment section. Pero kapag maganda, lumalabas. Yung maganda kong comment nitry ko edit at palitan ng di maganda, nawala ulit siya sa comment section

sportygurl

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #359 on: November 26, 2020, 07:05:06 pm »
Ang comment section ba ng YT may filter? Pansin ko kasi kapag di maganda ang comment ko, di siya nag aappear sa comment section. Pero kapag maganda, lumalabas. Yung maganda kong comment nitry ko edit at palitan ng di maganda, nawala ulit siya sa comment section

 

Latest Stories

Load More Stories
Close