watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)  (Read 157102 times)

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #320 on: November 25, 2020, 03:26:42 pm »
late na ako sa mga BNTs, nagstart lang ako nung namatay si Llyod, si GM ata yung isa pinaka walang dating and personality at  humour sa kanila, arteng arte din ako sa kanya eh ang bata nya pa hihi hinde ko keri, yung mga older BNTs naman ok sakin kahit baklang bakla.
advantage niya is pinsan siya ni Lloyd at lumaki siya together with him dahil nga yung Mom niya nagaalaga kila Lloyd at tabi lang bahay nila, perhaps people will still follow him kasi may access siya kila Mother Kween.
Nagsawa na din ako manood sa mga bayut but like ko si Madam Ivan,
 hinde ako fan ng mga content with the jowas!
hope they spend their money wisely!
Alam mo tbh, I don't think any of them has IT. Pare-pareho lang na any any content ng BNT. I don't think any of them will stay long enough para masabing magiging career nila yan at magiging tulad ni Lloyd. Malaking parte talaga si Lloyd kaya kwela yung mga vlogs nila, but now that he's gone, nawala na din yung panghatak nila. Siguro si Aye lang yung may K sa kanila na naturally funny but that's also questionable at times.

About ACy and Geloy, wala akong comment. Kebs na kung ginawa lang nilang formality yang pamamanhikan. 2020 na din naman at magkakaiba na tayo ng pananaw sa paglilive-in o hindi. (no comment pero andaming dinada  ;D)


Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #321 on: November 25, 2020, 03:46:43 pm »
^Haha natawa ko sa no comment pero daming nasabi. :D Unpopular opinion but okay lang sakin ang live in lalo na sa case nila na matatanda na tapos ang tagal na rin naman. Hindi naman na sila 16. Mas issue ko na wala silang alam na household chores. Haha. Or mas weird siguro sakin kung sa bahay nila AC tumira bigla si Geloy na hindi naman sila kasal.

Anyway, hindi ko laging pinapanood si Ry Velasco pero nadaanan ko sa feed ko yung latest vid niya. Medyo nairita ko sa "Sponty Dior date" title niya. Ang pa-cool ng sponty or siguro tita na ko kaya I cringe sa mga ganyang words. Haha. Mej social climber talaga siya ano?

ficklemind

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #322 on: November 25, 2020, 04:00:17 pm »
^ may 'LV budol date' din haha. ganun din nafefeel ko sa kanya.

Andi Venice

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #323 on: November 25, 2020, 04:08:56 pm »

2020 na pero nagpo-promote pa rin ng fake goods si ACz! Jusko! Ano kaya mafi-feel nya kung may ibang YTber na mag endorse nang fake ACz brush, mist at blotting paper? Tapos ang sasabihin lang nung YTber e support small business. Walang masama sa pag support sa small business pero wag naman i-promote yung mga peke. Ang dami namang pwede ibenta bakit counterfeit pa?!

Her line always is "Support local business" -- local business meaning local products that are not counterfeit. Follower ako ni ACz kaya lang lately, napapansin ko na free loader na sila, gusto lahat sponsored.

Umay sa youtubers na nag "beke nemen" every time na may hawak silang product.

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #324 on: November 25, 2020, 04:10:33 pm »
Namanhikan.... pero parang ?meet and greet? ang dating  ;D parang pumunta talaga dahil magpapasukat ng damit tapos hindi pa diniscuss yong kasal   :o




ReservoirDogs

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #325 on: November 25, 2020, 04:17:26 pm »
Anyway, hindi ko laging pinapanood si Ry Velasco pero nadaanan ko sa feed ko yung latest vid niya. Medyo nairita ko sa "Sponty Dior date" title niya. Ang pa-cool ng sponty or siguro tita na ko kaya I cringe sa mga ganyang words. Haha. Mej social climber talaga siya ano?

Had to google what sponty is. Kala ko Sponty Dior is a Dior brand, I'm so uncool. :p Tried watching Ry's vids and di ko talaga masakyan ang mga mindless consumption vlogs. Well for one, I'm way older than them so different siguro ang mindset ng Gen Z vs Xenials in terms of spending money. And two, medyo tone-deaf lang na puro bili bili ng LV sa pananhon ngayon.

Nakita ko IG ni Annacay and feeling ko parang di ganun close families nila. That's fine, I guess pero weird lang na awkward (her own words) yung pamamanhikan when they've been together for more than 5 yrs na.

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #326 on: November 25, 2020, 04:19:15 pm »
Ano kaya sasabihin nya sa mga magiging apo nya tungkol sa engagement ring... ?eto ang engagement ring ko na binili ko para maisuot ko at maipakita sa vlog ko...?  ;D

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #327 on: November 25, 2020, 04:24:06 pm »
Had to google what sponty is. Kala ko Sponty Dior is a Dior brand, I'm so uncool. :p Tried watching Ry's vids and di ko talaga masakyan ang mga mindless consumption vlogs. Well for one, I'm way older than them so different siguro ang mindset ng Gen Z vs Xenials in terms of spending money. And two, medyo tone-deaf lang na puro bili bili ng LV sa pananhon ngayon.

Exactly! Okay lang yung Lazada hauls kasi brand deal yun eh, work nila yun. Pero yung shopping nila ng branded bags, accessories, shoes, etc almost every week napaka tonedeaf. Kakatapos lang ng bagyo tapos may pandemic pa, pero sila shopping shopping lang na akala mo wala nang bukas. Lol mas nakakairita pa kasi pinapakita nila wala silang balak mag-shopping "nabudol" lang sila. Lol eh di sila na may funds for 'sponty' shopping spree. Lol

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #328 on: November 25, 2020, 04:44:20 pm »
^I had to google what sponty means my god. I'd like to think I'm up to date sa pop culture and current trends pero sa kanya ko lang narinig yan. Akala ko pa naman medyo umokay na siya kasi nung start ng quarantine, makubuluhan naman ang content niya.

Baka these girls are tolerable when they're on their own, pero pag pinagsama sama mo, nakakabwiset na. Nagmeetup sila lately diba tapos nakakairita lang sila lahat hahaha!

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #329 on: November 25, 2020, 05:20:13 pm »
^patalbugan kasi sila

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #330 on: November 25, 2020, 05:29:02 pm »
^ so im curious if genuine ba un friendship nila?  kasi napanood ko un japan vlog nila, patalbugan talaga sila. parang kanya kanyang diskarte sila para umangat kesa sa iba. sorry ang judgy ko. Lol

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #331 on: November 25, 2020, 05:35:08 pm »
Si Rei kasi and Ashley super rich diba, so feeling ko parang there's pressure din to fit in.

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #332 on: November 25, 2020, 06:27:58 pm »
Girls, ipagsha-shopping ni MAMA ACy si Geloy ng wedding shoes.. abangan abangan  ;D

at update! Kumain daw si Geloy ng gulay ng hindi nya alam.  ;D

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #333 on: November 25, 2020, 07:13:04 pm »
Girls, ipagsha-shopping ni MAMA ACy si Geloy ng wedding shoes.. abangan abangan  ;D


Baka kasi pag si Boss G lang ang bumili e sablay. Remember kung anong suot nya sa isang formal event na inattendan nila dati? Baka masira ng sapatos yung kasal. Haha!

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #334 on: November 25, 2020, 07:18:28 pm »
Yung appliances ni Raiza mukhang puro sponsored. Sana all! Galing nya ha.. pero sana i-review nya ng maayos kung matibay ba or worth it.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #335 on: November 25, 2020, 08:22:06 pm »
Hello mga titas, Ginoogle ko din ang SPONTY hahaha tama ba yung meaning na spontaneous gathering of friends usually involving acohol or recreational drugs? :o

Anyway... agree ako sa mga nasabi dito na parang patalbugan sila. Napanuod ko yang kay Ry at grabe yung clique nila, di mo alam kung genuine ba haha

Napasilip pa ako kay Claudine Co, grabe thousands of thumbs down sa mga videos niya simula nung don't skip ads niya.

During naman nitong pandemic, etong mga Japan girls toned deaf talaga unlike sa iba. Napansin ko lalo si Ashley na parang mauubusan ng pera sa dami ng pinamimili at yung labas siya ng labas.

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #336 on: November 25, 2020, 09:04:22 pm »
Ang cute cute ng pink kitchenware and bakeware ni Sharon Cuneta!

swarleyscherbatsky

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #337 on: November 25, 2020, 09:47:49 pm »
Naloka ako sa comments ng bagong vlog ni Acz. Dumaan kasi sila sa bahay ng parents ng hubby niya after nila mag bigay ng donations. Pinakita niya and may kalumaan na dahil ancestral house pero mukhang maayos naman lagay ng in-laws niya. Linis-linis lang dahil binaha.

Tapos ang top comments ng fans gusto ipa-renovate ang bahay? Kaloka. Akala yata nila barya lang ang gastusin sa ganyan. Binash siya kasi ang ayos ng bahay nila sabay sa side ng hubby hindi mapa-improve. Hindi raw tinutulungan.  Which for me is below the belt kasi hindi naman obligasyon ng anak na patayuan ng bahay ang magulang. At hindi naman nila alam ang nangyayari 24/7. Malay nila kung nagsusupport financially yung mag-asawa di ba?

Malay ba natin kung may pinag-usapan na behind the cam? Or ayaw ipagalaw ng parents. At porket ba siya ang nakakangat financially, siya lang ang kikilos? Nakalimutan yata nilang may mga dependents rin ang mag-asawa.

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #338 on: November 25, 2020, 10:48:49 pm »
^THIS! Hindi dapat obligasyon ng anak na tumulong sa magulang. We help our parents financially because we love and care for them. Kung nagbibigay, ok. Kung hindi, ok lang din. I?m sure they support Kitz? parents financially. And yes hindi barya ang papaparenovate ng bahay. Sa ganun kalumang bahay mababa na yung half million for renovation. Possible na ayaw na rin ng parents ni Kitz dahil matanda na sila. Bahain pa yung lugar tapos hindi naman kagandahan yung community. Baka pag interesan pa yung bahay kung papagandahin. Im sure napag usapan na yan. Antayin na lang natin yung explanation nila sa next vlog. Sa IG story ni ACz na-feel kong na-hurt sya. Kita naman sa vlogs na mahal nya in-laws nya pero ginagawan pa ng issue dahil sa lumang bahay. Mga tao talaga!

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 24)
« Reply #339 on: November 25, 2020, 10:59:37 pm »
At talagang hinanap ko din ang meaning ng sponty  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close