watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)  (Read 96541 times)

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #560 on: September 19, 2020, 10:59:03 am »
naiyak na naman ako kay MD sa tribute niya kay LC, generous siya kay LC ah. ang genuine ng friendship nila, ramdam ko un sakit niya at un love niya for LC. Good to know na may high school friends siya to lean on.

feeling ko un tipo ni Md eh loyal na kaibigan naman, kaya curious ako ano talaga nangyare sa knila ng mamshies?

ang fresh ni MD kahit bagong gising ah. sino un kasama niyang mag film? un nag aask ng questions.

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #561 on: September 19, 2020, 12:16:12 pm »
Ngayon ko na-appreciate si Slater. Guapo siya ngayon with his hair.

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #562 on: September 19, 2020, 05:25:46 pm »
ngayon ko lang napanuod ang tribute ni MD and Madam Ely kay Lloyd, sobrang touching na nakakaiyak.. napaka buti na tao talaga ni Lloyd kahit ako marami natutunan sa kanya.  :'(

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #563 on: September 19, 2020, 08:43:43 pm »
Hanga naman ako sa Rayos couple na nagdecide na magbenta ng halaman kesa  ilagay lahat sa loob ng bahay nila  ;D

tempaccount

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #564 on: September 19, 2020, 09:28:23 pm »
Inupload ng family ni Lloyd yung last vlog na na-film niya  :'( Parang alive na alive pa rin siya sa isip ko. Napaka-larger than life niya talaga, super laking kawalan talaga  :'(

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #565 on: September 19, 2020, 09:54:04 pm »
^I can't watch it pa  :'( Same sa mga tribute nila kay LC. HUHUHUHU! Una ko pang pinanood yung vlog ni Ely about COVID nagpositive din pala sila.

Ang haba noong kay MD, nagbasa lang ako sa comment section na ni isa wala daw ad. Pure love lang. Kaso super kaiyak daw eh.  :'(

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #566 on: September 19, 2020, 10:12:53 pm »
^same tayo sis hindi ko kaya panoorin tribute and last vlog :(

pretty empress

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #567 on: September 19, 2020, 10:43:05 pm »
I watched the last vlog, jolly talaga si LC nakaka dala ang goodvibes nya. sad lang nung nag bye sya sa last part, who would have thought  na last bye na pala nya yun.

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #568 on: September 19, 2020, 11:24:48 pm »
I watched the last vlog, jolly talaga si LC nakaka dala ang goodvibes nya. sad lang nung nag bye sya sa last part, who would have thought  na last bye na pala nya yun.

True. ang dami ko paring tawa sa last vlog niya.

Tardis11

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #569 on: September 20, 2020, 12:42:31 am »
I?m also wondering if they missed his MMR vaccine booster. Baka they didn?t give him his shots?

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #570 on: September 20, 2020, 06:31:20 am »
Grabe talaga yung pagka humble ni LC hanggang sa huling vlog nya. Ito yung mga tumatak sakin..

- taga squatter kasi ako or laking squatter kaya di ko alam mga ganyan ganyan (talagang proud sya sa pinanggalingan nya. Unlike sa iba na halos ibaon na sa limot saan sila nanggaling)
- daming problema nung tv pero syempre bigay ng papa ko yan kaya di papalitan (grabe appreciation nya)
- matagal kong pinag ipunan to (kahit alam naman nating afford na afford ni LC yung speaker. Ganun dapat! At least naremind mga viewers ni LC na hindi lang basta basta dapat bumibili. Kung sa ibang vlogger yan ang una nilang sasabihin - deserve ko naman to kaya kahit mahal binili ko bla bla bla)
- hindi naman ako techie techie pero share ko na rin sa inyo para may matutunan kayo

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #571 on: September 20, 2020, 07:43:34 am »
- daming problema nung tv pero syempre bigay ng papa ko yan kaya di papalitan

Talagang very special sa kanya nong tv na yon. Ilang beses na nya na mention yon sa vlogs nya. Mas madali at simple kung bumili na lang sya ng bago pero gusto talaga nya yong i keep at gamitin.


rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #572 on: September 20, 2020, 11:43:14 am »
Just watched Madam Ely's vlogs. Nagparapid test pa pala muna sila before taking the more reliable RT-PCR test. I can't help but wonder, sino kaya ang source ng virus nila when they have been very praning at andami nilang gamit na disinfectant and tools. The past vlogs kasi sobrang dami talaga nilang bisita and collabs with BNT.

Di ko kinaya yung outro ng last vlog ni Lloyd.  :'(

izzie7

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #573 on: September 20, 2020, 11:51:09 am »
Mahal na mahal nga niya yung tv pero tawang tawa naman ako pag nililista niya yung problema nung tv. Kakahilo mag film yung bf nya. Pinapanood ko minsan yung mga lumang vlogs niya nakakatuwa lalo pag namimigay sya sa kapit bahay tapos pinapagalitan niya na ibebenta pang sugal. Hay kakalungkot kahit hindi ko naman pinapanood lahat ng vids niya noon.

Wait panoorin ko yung kay madam ely. Dami nilang tao na in and out sa bahay. Yun yung pinaka high risk yung nag uusap sila ng walang mask. May napanood ako na vid nila ely na nasa car yung bf niya tapos kamot ng kamot ng mata naisip ko naku nag alcohol ba muna yun bago humawak sa mata niya. Parang nakakatakot yung clinic hindi pa naka ppe at faceshield yung nurse sa simula tapos ang daming gamit sa table ang daming lalandingan ng virus plus yung toilet paper.
« Last Edit: September 20, 2020, 12:09:52 pm by izzie7 »

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #574 on: September 20, 2020, 12:03:50 pm »
And it really shows how the virus is unpredictable. Parehong high risk si Madam Ely and Lloyd because of their conditions pero si Madam Ely never showed symptoms, while Harold and Lloyd nagmanifest ng symptoms talaga.

May idea daw sila kung kanino galing yung virus pero di na nila sasabihin.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #575 on: September 20, 2020, 12:14:20 pm »
Pinanuod ko latest vlog ni Lloyd. Grabe yung positive outlook niya in everything. Kahit sira yung TV ginagawan niya ng paraan.

Scary talaga ang Covid. Millions of people are affected and dying kaya bilib na bilib ako sa mga tao na nagagawa pa kumain sa labas, mamasyal. I cannot...

jelly_ace

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #576 on: September 20, 2020, 12:45:10 pm »
I've watched LC's vlog where he showed and mentioned mga issues sa new house nila. Grabe pala mga sis! Considering Lancaster is a well known developer and hindi rin mura mga properties nila.

Based on a Feng Shui perspective, ang dami mali sa house nila. I'm no expert but I do observe and understand some of the basics. Major sa FS ang stairs and CR. Lalo na talaga ang CR kasi doon connected ang health and money luck. I do hope his Mom would consider getting a Feng Shui expert para ma-access yung house.

I've also watched ACy's vlog wherein may pa insenso si madam to get ride of malas daw kuno. Again, I'm no expert but if I may, ACy, to get rid of malas, it's important to keep you house clean and clutter-free dahil dyan nang gagaling ang mga negative chi. Very basic po yan. Make sure also to clean and maintain your toilet well. Ay, hindi ka nga pala mahilig maglinis so good luck to that  ;D

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #577 on: September 20, 2020, 01:05:57 pm »
katapos ko lang panoorin un Slater Young reacts to Oliver, ang humble talaga niya. sa pbb palang gustong gusto ko siya kase mabait talaga at walang halong yabang. ang informative at kita mo talaga na passionate sila sa field nila, ang tama din un sabe ni Oliver na kung hindi niya lang alam na engr si Slater eh aakalain niang architect, which is gusto din pala talaga ni Slater. aliw na aliw ako sa vid na to  ;D

IHateCorruptGovtOfficials

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #578 on: September 20, 2020, 02:22:52 pm »
Eh yung Selanator daw si Anna Cay. Lahat na lang. Yun lang. ktnxbye

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #579 on: September 20, 2020, 02:46:29 pm »
^mukha naman talagang mabait si Slater. Ang di ko lang gusto yung Showbiz stint niya. Cringey acting.

Ang hirap siguro i-edit nung last vlog ni LC. Kung kelan masaya love life niya ito pa nangyari sa kanya. Birthday niya dapat sa Wednesday eh!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close