watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)  (Read 96774 times)

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #260 on: September 10, 2020, 08:02:59 pm »
Maganda yung sinabi ni RAB sa latest vlog niya. May nagtanong kasi how to cope lalo na depressed siya and she's seeing a therapist; may time na gusto na niya magpakamatay. So nag-advice naman si RAB ng maayos pero gusto ko yung sinabi niya sa last part na kung malungkot ka lang wag mong sabihin depressed ka kasi pangit pakinggan lalo na sa mga depressed talaga.

Naalala ko lang kasi si ACy mahilig gamitin ang word na "anxiety" and may isang sis tayo dito na may anxiety talaga.

momma-t

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #261 on: September 10, 2020, 08:43:21 pm »
^agree! Don't use words like that lightly.

momma-t

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #262 on: September 10, 2020, 09:08:58 pm »
Ano na pala nangyari sa wedding niya? Nung in announce niya Yun Kala ko naman agad agad and Civil wedding sa zoom lang kasi nga pandemic. Yun pala big time suppliers tapos out of town pa. Pano na parents nila?

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #263 on: September 10, 2020, 09:15:26 pm »
^This month ang wedding. Di ko sure kung sa 14th ba? Pero bukas daw ocular inspection nila.

tempaccount

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #264 on: September 10, 2020, 09:18:28 pm »
Out of town pa talaga? Haha civil wedding, or diretso church na?

bonnie07

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #265 on: September 10, 2020, 11:21:17 pm »
Nabanggit nya dati na civil wedding parin. For safety reasons, hindi aattend ang yung parents nya dahil mga senior na daw. May live broadcast naman daw for the parents. Nung kay menchi naman daw hindi rin umattend parents nya sa civil wedding. Meron parin naman daw church wedding.


Pepper22

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #266 on: September 11, 2020, 12:05:26 am »
hahaha sa washing machine, matututo siya maglaba kung gagawin niya, experience is the best teacher lols. hinde din ako expert sa paglalaba nung una (until now naman) pero nagimprove na,
This is true! Nung bata pa ako may labandera kami but tinuruan din naman kami paano maglaba. Nag-start sa small items like underwear until eventually hanggang bigger clothing items and more. Kaya tuloy ngayon nawei-weirdohan ako sa adults tulad nila ACy na parang kahit underwear sa iba nalang ipapalaba?  :o

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #267 on: September 11, 2020, 12:05:48 am »
Alam ko din this month na kasal. Ang late ata ng ocular nila. Or nauna na mag-ocular ang suppliers nila? Alam ko kasi importante sa suppliers maaga ocular lalo na mga event stylists.

Sayang di nakaka-attend parents nila sa kasal nila.

Si ACz ba naga-update pa tungkol sa kasal niya. Dec2020 sila.

rics

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #268 on: September 11, 2020, 02:58:29 am »

Ha? Ed di nakakabenta sya ng walang puhunan. 100% tubo!
(Pero mas nagulat ako dun sa hubot hubad na picture nya sa beach nung sinilip ko yong bb hacks page  ;D)

hindi po - she doesnt sell the things she got as gifts. She posted the gifts she received and if her fans would like to buy the exact same kind, meron link to redirect where to buy.
« Last Edit: September 11, 2020, 04:15:09 am by rics »

louvieee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #269 on: September 11, 2020, 05:26:12 am »
Oo nga ano, di ko naisip na ang awkward nga na pati damit ni Geloy eh doon pa kila ACay lalabhan. Fully automatic naman yung washing machine nila, pindot pindot na lang hindi pa rin kaya gawin? Ibang klaseng katamaran na yan. Intayin na lang natin paliwanag ni Madam. Lagi naman sya may excuses eh.

May recent IG post na naman si Say na working out in yellow swimsuit. Yung third photo, di ko alam kung shadow lang ba yun o.... 🥴

innocent_beauty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #270 on: September 11, 2020, 06:07:36 am »
Maganda yung sinabi ni RAB sa latest vlog niya. May nagtanong kasi how to cope lalo na depressed siya and she's seeing a therapist; may time na gusto na niya magpakamatay. So nag-advice naman si RAB ng maayos pero gusto ko yung sinabi niya sa last part na kung malungkot ka lang wag mong sabihin depressed ka kasi pangit pakinggan lalo na sa mga depressed talaga.

Naalala ko lang kasi si ACy mahilig gamitin ang word na "anxiety" and may isang sis tayo dito na may anxiety talaga.

yes sis ako ata yun nagsabi may anxiety disorder and mahirap sya kc it attacks anytime minsan kahit natutulog ako sa gabi magigising ako because of my anxiety attack or kahit relax ka nanonood ng tv basta kusa nalang sya mag attack at iba pakiramdam  hirap makahinga na feeling mo mag faint ka and magkasama yan anxiety and panic attack and madalas sa mga may mag anxiety may phobia sa mga small spaces.  kaya nga yung iba bukam bibig nila na anxiety sila gusto nga sana sabihin " di nyo alam sinasabi nyo"  baka di nila gugustuhin ma experience yun anxiety disorder na sinasabi nila na anxiety sila..kakaloka sila
« Last Edit: September 11, 2020, 06:13:05 am by innocent_beauty »

izzie7

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #271 on: September 11, 2020, 06:59:15 am »
Buti nga si Jinkee, tinuturuan pa rin niya kids niya ng house chores. She had a vlog na tinuruuan niya yung daughters niya mag hugas ng plates and mag laba.

True. Kahit naman mayaman at lumaki ka sa yaya yung mga basic skill na gawaing bahay e dapat alam mo lalo na kung adult ka na at mag aasawa na. Parang ang t**** lang pag hindi mo alam and i agree feeling yata niya ikina sosyal niya yung wala syang alam sa gawaing bahay hindi niya alam e ang dating niya lang e tamad/madumi/salaula. Kakahiya sa totoo lang tapos naka broadcast pa sa youtube.

Si geloy dapat ang ipagroom hindi si dodi.

jelly_ace

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #272 on: September 11, 2020, 07:44:02 am »
I'm no longer surprise about the katamadan sa pag lalaba. She has proven that already from the side b panty.

If naalala nyo mga sis, wala naman talaga sa plano nila bumili ng washing machine. Nagbabasa kasi si ACy dito. Eh ang dami comments bakit nakabili sya ng mga kung [textspeak!]-ano appliances pero yung pinaka importante na washing machine, wala.

So ayun, napabili ng washing machine pero hindi napanindigan. Back to original plan. And the labada I saw on her vlog ang dami ha! Considering my househelp naman pala sila sa condo bakit hindi doon maglaba si yaya?

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #273 on: September 11, 2020, 08:28:37 am »
Si ACz ba naga-update pa tungkol sa kasal niya. Dec2020 sila.

Feeling ko hindi na tuloy yung Jan 2 na wedding nila. Mukha naman hindi magpapakasal si ACz pag hindi engrande. Kung talagang basbas lang ng simbahan ang habol nila, matagal na sana sila nag church wedding.

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #274 on: September 11, 2020, 08:30:54 am »
Naalala ko lang kasi si ACy mahilig gamitin ang word na "anxiety" and may isang sis tayo dito na may anxiety talaga.

Hmmm. I think hindi naman sinabi ni ACy na may anxiety disorder sya. Anxiety in general is a normal feeling or reaction. We all have the right to be anxious. When you?re anxious diba anxiety ang tawag dun. I know its not right to self diagnose pero wag na lang sana overly sensitive. Hindi naman katulad ng anxiety ang depression. Yung word kasi na depression is disorder talaga kaya hindi sya acceptable gamitin kung hindi ka naman clinically diagnosed. Meanwhile anxiety is different from anxiety disorder. Correct me if Im wrong na lang.

I sometimes say kasi na I have anxiety when I feel anxious pero never ko sinabi na may anxiety disorder ako though I can feel the symptoms kasi hindi naman ako clinically diagnosed.

l.gustavo

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #275 on: September 11, 2020, 08:45:13 am »
hello mga sis. di ko na mapigilan mag comment regarding ACy.
Alam nyo pansin ko sakanyan parang may sakit sya. Compulsive Buying.

Very compulsive yung spending habits nya to the point na ang image nya sa public e mala-waterfalls ang pera at hindi nauubos.
[/size]

Napansin ko kasi kung ano yung trend, yun yung bibilhin nya.

1. High End Makeup- diba alam naman natin na can afford sya, but is it neccessary na mag haord ng sandamakmak na mamahaling makeup?
Nakilala sya bilang Beauty Vlogger. Todo aral at nag enrol pa sya sa makeup school. E since nagsawa na, deadma nalang sa sya sa dati nyang hobby.

2. Endless Rennovation Galore- nakailang rennovate na ba sya ng room nya? after ma-rennovate syempre todo bili sya ng mga gamit diba, nung wala na maisip, todo HOARD naman ng mga SIGNATURE/LUXURY brand na BAG AND SHOES halos everymonth. Imagine, yung mga haul vlogs nya na LV, Chanel, etc na halos monthly umaabot ng 500k+++ ganun na ba talga kalaki ang kita sa YT??

3. MINIMALIST kuno style. Naalala nyo nag benta sya ng mga old stuff nya at ang i-reretain nya ay yung neutral colors like "BLACK, NUDE, WHITE". Ginagaya nya si Cat Arambulo lol.
Tapos nauso yung mga crystal bracelets and charms, si ACy, todo bili naman todo hoard. Todo bili din ng mga crystals para sikat.

4. Nung nainterview naman si Heart, ayaw magpa daig. Puro bili naman ng Hermes! Hindi lang Hermes Bags, pati mga plato at kumot pero wala naman talga syang pag gagamitan. Imagine, sino ba ang hindi makakapuna sa spending habits nya na very compulsive?????

5. Nauso naman ang mga HALAMAN, syempre what do you expect, todo BILI nanaman sya at level up version. masabi lang na can afford at kaya nyang sumabay sa mga uso.

6. Minimalist kuno pero todo haul naman ng mga bagong damit nung nakalipat sa condo..

7. Business-- ang dami nyang binebenta sa shoppee. Nagsimula sa imported goods from Korea tapos hindi napanindigan ang pagbebenta at nag switch dun sa SUNBLOCK nya. Kalaunan, napaka impossible naman na ang bagal mag restock. Meaning sa una lang sya talaga excited at kapag inatake na ng katamaran, e wala na. hindi na sya tututukan.

8. NAGPAGAWA PA SYA NG APP. Ayaw magpakabog kay Rei Germar. Pero hindi naman updated yung APP sya sa iOS and Android. Wala nga din content lol

9. Compulsive Buyer, panahon ng PANDEMIC may pagbili ng kotse para sa nanay?? See. Ganun na ba talaga sya kayamana at hindi sinisilip ng BIR? Sabay sabay na gastos?? Di nauubusan ng pera??

Nag RUSSIA, bumili ng Mustang, bumili ng Condo, bumili ng appliances para sa Condo, todo HAUL ng mga personal na gamit at luho, bumili ng KOTSE?

diba. nakakaloa. tapos gusting bumukod pero HINDI MARUNONG MAGLINIS NG BAHAY?? may robot vacuum na, may DYSON vacuum pa??? tapos hindi malinis anf BAHAY?
May washing machine na, pero ayaw maglaba??

Wow diba. amazing lang.

and the list goes on. madami akong napupuna sakanya pero deadmabells at mga bulag yung followers nya.
[/size]

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #276 on: September 11, 2020, 09:24:49 am »
^On point sis! Yun na yun talaga. Hindi lilipas ang isang araw sa kanya na hindi sya gagastos at hindi lang basta gastos dapat yung malakihang gastos. Iniisip ko tuloy, ganun ba sya ka-deprived nung bata pagdating sa shopping? Kasi diba yung iba excessive ang collection sa mga bagay na deprived sila nung bata. Kung ako sa kanya lahat ng millions ko iiinvest ko sa kung saan saan. Tapos mala LC na panay panay ang charity. Pero syempre her money, her rules. Inggit lang talaga tayo na unlimited ang pera ni madam. Hashtag sana all! Hahaha!

In terms of money matters mas ok pa din pala si ACz, kahit puro papasok ang pera understandable naman kasi may mga anak and magastos ang therapy ni Joo. Retired na rin ang parents so kahit pano baka nagbibigay sya ng support. E si ACy wala namang sinusportahan, wala ding bahay na binabayaran. Baka wala lang talaga sya magawa sa pera nya. Ayaw nya siguro makita na sobrang laki ng bank account kasi subject to AMLA. Hahaha!
« Last Edit: September 11, 2020, 09:31:20 am by o9kristin »

sportygurl

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #277 on: September 11, 2020, 09:36:05 am »
^^maraming youtubers na ganyan. sana lang naisip nila na hindi forever yang pagvlovlog. matuto man lang sana sila mag ipon. sa mga taong jobless ngayon na kagaya ko, nakakapanghinayang kapag may napapanood kaming ganon. ang pera nila para tinatapon tapon lang

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #278 on: September 11, 2020, 09:44:47 am »
i think a lot of us are really curious kung magkano ba talaga kinikita ni madam sa youtube because of how she spends money parang bottomless, spending spree halos every month may bago siya binibili and majority of them are high-end brands. but if you would compare her to other famous youtubers, hindi naman ganun kataas views niya and until now hindi pa rin siya umaabot ng 1 million subs. i'm guessing she earning extra from sponsors and maybe she also has other business ventures na hindi niya dini-disclose on public. i remember Geloy once said magaling at madiskarte daw gumawa ng pera si ACy at yung mga purchases daw niya are fully paid and hindi siya baon sa utang.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #279 on: September 11, 2020, 11:04:01 am »
^ exactly, ako curious talaga ko kase parang unli funds si madam, ng lavish talaga ng lifestyle niya (idc sa purchases niya),  eh bukod ba sa luxe anong brand pa ba ang sponsor niya? hindi naman siya tulad ng ibang ytuber na hours palang eh millions na ang views. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close