watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)  (Read 92013 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #640 on: September 05, 2020, 04:21:22 pm »
May nag-post sa Twitter nung IG story ni MD na umiiyak tapos may nagcomment na bakit daw kailangan pa i-video yung pag-iyak at i-post online, para daw ba sumikat? Eh namatayan ng matalik na kaibigan yung tao, di na ba nya pwede i-express yung nararamdaman nya? Ibang level ang hater ni MD.
Mga tao may masabi lang talaga. Mas panget nga yung away mag-asawa pinost pa tapos nagpa-Tulfo then nagkabati din. Saka di lang naman si MD nagpost ng ganyan, iba nga pati break up nila ng mga karelasyon pinopost pa or namatayan ng aso. Mga tao talaga kapag hate ka hahanapan ka lahat ng gawin mo masama para sa kanila.

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #641 on: September 05, 2020, 05:35:50 pm »
may nakita akong post sa facebook na fully paid na bahay ni Lloyd because of MRI, pinost na nila yun to stop the spreading of fake news na di pa bayad yung bahay. and oo nga naman tama yung sinabi nung nag post na Lloyd doesn't want his mom to suffer kaya syempre pinaghandaan na nya yun.
If this was the same post I read, yung nagpost e isang Financial Advisor, it was done in bad taste. Ayokong ayoko talaga when some FAs capitalize on the death of someone to push their agendas.

sima

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #642 on: September 05, 2020, 06:06:01 pm »
Nagising ako sa balitang namatay sa si Lloyd. Nakakashock naman talaga! Ang bata pa niya at kakabasa ko lang dito na pagkatapos ng hagdan ay tubig naman ang problema sa bahay nila. Sobrang laugh trip ako pag na nanunood ng vlogs niya lalo na doon sa toblerone stairs.  Masayahing tao, mapagkawanggawa at SOBRANG mapagpasensiya. RIP Lloyd!

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #643 on: September 05, 2020, 06:25:21 pm »
^Which is why you can see some trolls on facebook posting malicious comments about his death. Sobrang vocal and forward talaga niya sa mga issues ng government ngayon. One of the few who uses their influence to good use.

true, and sad! ganun na ba ka-divided yung bansa natin na pati pagkamatay ng isang tao ikakatuwa pa ng iba na may opposing views than lloyd's. ako, i admire him kasi never siya naging takot na i-voice out yung paniniwala niya, kahit pa mawalan siya ng followers. at talagang he walks the talk. hindi siya puro hanash lang, kita mo talaga na may contribution siya sa community niya. probably the least problematic influencer sa PH. big loss talaga.

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #644 on: September 05, 2020, 06:55:10 pm »
true, and sad! ganun na ba ka-divided yung bansa natin na pati pagkamatay ng isang tao ikakatuwa pa ng iba na may opposing views than lloyd's. ako, i admire him kasi never siya naging takot na i-voice out yung paniniwala niya, kahit pa mawalan siya ng followers. at talagang he walks the talk. hindi siya puro hanash lang, kita mo talaga na may contribution siya sa community niya. probably the least problematic influencer sa PH. big loss talaga.
Hindi nila masabihan si Lloyd ng "anong ambag mo" kasi mapapahiya sila talaga haha! 

Grabe share ko lang na di ako nakatulog kagabi at today I feel lifeless dahil sa pagkamatay ni Lloyd. Di ko man siya kilala personally but I feel the loss nevertheless.

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #645 on: September 05, 2020, 07:13:13 pm »
^true! ganun din feeling ko and hindi ko rin naman siya regularly pinapanood pero parang ang bigat bigat sa pakiramdam. may IG story si raiza contawi na kahit hindi daw sila super close talaga ni lloyd, ramdam na ramdam niya yung lungkot sa pagkawala ni lloyd kasi ibang klaseng tao daw talaga si lloyd. and ganun din sabi niya, paggising niya parang tulala siya na hindi niya maintindihan.

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #646 on: September 05, 2020, 08:13:46 pm »
Si RAB din.. Di niya tinuloy yung q&a niya sa vlog today after niya malaman na wala na si LC. Mabait daw kasi talaga. Lagi siya binabati pag nagkikita sila.

Speaking of RAB, wala pa ba siya sinasabi kung bakit gumanda skin niya ngayon?

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #647 on: September 05, 2020, 09:14:00 pm »
^Sa IG niya sis may pinopromote siyang product e, Oxecure something. Pero I'm pretty sure it's Beautederm? Ganun yung effect sa skin ng Beautederm e, yung biglang kinis at shine. I could be wrong.

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #648 on: September 05, 2020, 09:52:09 pm »
Hindi nila masabihan si Lloyd ng "anong ambag mo" kasi mapapahiya sila talaga haha! 


True. Nakakadismaya naman talaga sa part ni Lloyd yun na present siya sa lahat ng sakuna tulong siya ng tulong tapos yung mga politiko at government officials hindi na nga nagdodonate nangungurap pa.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #649 on: September 05, 2020, 10:23:35 pm »
Sobrang sad ko din the whole day because of Lloyd, made me realize din na sobrang ikli talaga ng buhay. Literal. Iba un impact ni Kween.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #650 on: September 06, 2020, 11:13:24 am »
Same yata lahat tayo mga sis sobrang trigger ng anxiety ko hindi ako nakatulog after nung araw na inannounce na patay na siya paano pa mga friends and family niya mas sobra nararamdaman kagabi nag pa massage pa ako sa asawa ko makatulog lang  dahil sabi ko baka hindi na naman ako makatulog. ☹

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #651 on: September 06, 2020, 11:39:49 am »
If this was the same post I read, yung nagpost e isang Financial Advisor, it was done in bad taste. Ayokong ayoko talaga when some FAs capitalize on the death of someone to push their agendas.

exactly. may nag called out na FA din kase its not right talaga na gawin siyang marketing ploy, yes its informative sa mga may hindi alam ng MRI, pero to use it for personal agenda, ang disrespectful lang.

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #652 on: September 06, 2020, 11:56:25 am »
Napapaisip tuloy ako kung ano nga bang ambag ko sa borrowed time na to, kung si Lloyd na na sobrang daming nagawa e kinuha ni Lord, ako pa kaya na wala masyadong ambag. Dami ko din realizations dahil sa kanya na tumulong nang tumulong hangga't kaya.

Sobrang fan pala ni Sharon Cuneta si Lloyd pati mga BNT. Heartbroken din siya.


foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #653 on: September 06, 2020, 12:33:42 pm »
May vlog ang papa ni LC.. Biakid360

iceicebaby

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #654 on: September 06, 2020, 01:06:15 pm »
Guilty pleasure ko manood kay Lloyd. As in everyday, inaabangan ko bagong upload nya and I listen/watch while I work para hindi ako antukin. Lalo na itong serye nya about home stuff. Inaabangan ko talaga. Kakaask ko Lang sa asawa ko Bakit kaya wala pang upload si Lloyd, tapos Ayun the next day, he passed away na. :(

Ang daming personalities na din namatay during this pandemic pero kay Lloyd ako Sobrang affected. Super fan talaga ako ng charity work nya esp yung sa mga bata. Paano na sila? Sana ipagpatuloy ni Madam Ely and ng BNT yun legacy ni Lloyd na yun.

I know that Wil Dasovich is close to him too. Nung hindi pa masyado sikat si Wil, lagi ko din nakikita si Lloyd sa vlog nya. I?m sure he?s mourning his loss too.

Nakakalungkot nga sis. Bakit kung sino pa yung mabait at maraming natutulungan pa yung kinuha? :(

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #655 on: September 06, 2020, 01:51:07 pm »
^Same sa kanya ako naapektuhan, siguro nanghihinayang ako kasi 26yrs old pa lang siya pero andami niya na natulungan at mas marami pa sana siyang matutulungan kung nabigyan siya ng mas mahabang buhay.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #656 on: September 06, 2020, 02:26:39 pm »
Nadaanan ko un ig ni Lovely, ang attention seeker niya talaga. She greeted her hubby fathers day, pero somehow may pasaring na naman. Sila talaga nabuhay sa isyu, ayaw nila mag move on. Ngcomment din si mark na their friendship with them is over. Un naman pala so sana stop na, kaya hindi sila tinitigilan ng basher eh sige post nila implying the issue.

Dami ko din life realizations because of LC, un friend ko na avid viewer niya affected din. Bigla kame nag heart to heart talk.

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #657 on: September 06, 2020, 02:51:10 pm »
^mukhang papalitan na nga si Lovely sa group nila eh. Haha! May kinita sila Rhaze and Cathy na Pinay din with Australian husband.. kala ko pa naman solid sila nila Rhaze and Lyra since mga bisaya sila.

Sana wag na i-vlog ni Manay Chona yung reaction niya sa pagkawala ni LC. Malulungkot na naman ako after 2-3 months pag pinanood ko vlog niya. Tama na yung sa IG story siya nakiramay.

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #658 on: September 06, 2020, 02:57:44 pm »
Bakit kung sino pa yung mabait at maraming natutulungan pa yung kinuha? :(

Pag mabait, madaming nakakaalala. Pag hindi, madaling makalimutan.

sunnypan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #659 on: September 06, 2020, 03:46:20 pm »
Sana wag na i-vlog ni Manay Chona yung reaction niya sa pagkawala ni LC. Malulungkot na naman ako after 2-3 months pag pinanood ko vlog niya. Tama na yung sa IG story siya nakiramay.

Natawa naman ako dito. Hahaha. Super late upload.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close