watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)  (Read 92581 times)

sunnypan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #480 on: September 02, 2020, 10:23:55 am »
^Pinanuod ko bagong vlog, saan nabanggit yan sis?  Baka na-missed ko pero isa sa naloka ako dun sa bagong vlog yung sabi ni ACy na di siya marunong tumawid lol Pati ba naman pagtawid, girl...

Nasabi na nya din 'to sa mga dati nyang vlog five years ago. Hanggang ngayon ganun pa din, walang development ACy? Sobrang slow mo ba? Si Geloy di lang mukhang totoy eh, pati kilos totoy na totoy pa rin.  Nag-eenjoy silang ipakita sa followers nila na kahit wala sila gaanong alam sa buhay eh makaka-survive sila kasi may pera sila at nandyan parents nila para tulungan sila kung sumablay sila.

lyrahs

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #481 on: September 02, 2020, 10:29:17 am »
akala yata ni aCay cute or nakaka-sosyal kapag hindi ka marunong tumawid. hindi, sizt. nakaka-shunga siya. lol basic skill lang naman pagtawid. tyaka kapag ba nagta-travel siya hindi siya nakakatawid?

ngayon okay pa sila ni geloy na ganyan-ganyan si geloy, pero eventually kapag nag-catch up na sa kanila yung responsibilities nila or nagka-anak na sila pwedeng maging issue na yang hindi maasahan si geloy. yung pag-vaccine nga ang OA ng takbo ni geloy eh. lol gets ko yung takot sa needles/injection, pero ang OA nung pagtakbo niya.

Agree ako dito sis. Basic skill ang pagtawid, hindi marunong. Kahit naman yung mga laki talaga sa yaman i'm sure marunong tumawid. Walang common sense yang dalawang yan.

Pag nagka-anak yan sila, dalawa pa ang alagain ni ACy.
Ay marami nga pala silang mga helper.

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #482 on: September 02, 2020, 10:50:11 am »
Cue "puro kayo hate kay ACy pero pinapanood niyo naman!"  ;D ;D ;D

----------------------------------------------------------------------------------
Nahagip ng autoplay ko si Hazel Quing, 2 million pesos pala investment niya dun sa milk tea shop. Grabe sobrang laking pera pala? 2 million pesos tapos dinidilaan niya yung blades ng blender ahahaha joke

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #483 on: September 02, 2020, 11:01:55 am »
Yikes true ba? Di ko na siya pinapanood pero nakakabanas naman yung ganyan. Lahat talaga inasa nila sa guards.

Sobrang laki ba sa yaman itong dalawang to at palaging may ganyang instance sila na konting responsibility e i-aasa pa sa guard.

yes sis, watch ACy's new vlog. she mentioned it in 8:05 mark. tama nga sabi ng mga sis, parang walang balls si Geloy emasculated siya. ang swerte niya kasi okay lang kay ACy.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #484 on: September 02, 2020, 11:10:17 am »
Cue "puro kayo hate kay ACy pero pinapanood niyo naman!"  ;D ;D ;D

Inaantay ko to kasi 2 pages na puro si ACy usapan... hahaha

Ano na pala balita sa milk tea business ni ACy? Parang walang update sa mga vlogs niya and this month na wedding nila!

izzie7

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #485 on: September 02, 2020, 11:13:57 am »
^^Swerte niya talaga kay annacay. Jackpot siya dun. Magaling na gamer ba si geloy baka yun na lang silbi niya.

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #486 on: September 02, 2020, 11:17:55 am »
^ i remember they mentioned since high school mag bf-gf na sila. si Geloy nga yata first and last bf ni madam. true love talaga. sana lang magmature na si geloy kasi ikakasal na sila tapos immature pa rin.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #487 on: September 02, 2020, 11:31:51 am »
^^Naku sis, dito sa Pinas di kailangan magaling ka sa gaming para sumikat haha dami ko nakikita na walang talent sa gaming pero sikat. Iba ang tastes ng mga Pinoy talaga.

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #488 on: September 02, 2020, 11:37:02 am »
^^Swerte niya talaga kay annacay. Jackpot siya dun. Magaling na gamer ba si geloy baka yun na lang silbi niya.

nacurious lang ako sis bakit sya maswerte? kasi mayaman?

sunnypan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #489 on: September 02, 2020, 11:43:23 am »
yes sis, watch ACy's new vlog. she mentioned it in 8:05 mark. tama nga sabi ng mga sis, parang walang balls si Geloy emasculated siya. ang swerte niya kasi okay lang kay ACy.

Mukhang di naman kasi mataas standard ni ACy, tingnan mo yung ugali nya lamang lang sya ng konti kay Geloy. Pareho sila immature. Goodluck sa bahay-bahayan episode nila.

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #490 on: September 02, 2020, 11:50:14 am »
yes sis, watch ACy's new vlog. she mentioned it in 8:05 mark. tama nga sabi ng mga sis, parang walang balls si Geloy emasculated siya. ang swerte niya kasi okay lang kay ACy.
Sis di ko na siya binibigyan ng views, nakikichika lang ako dito ahahaha!

Inaantay ko to kasi 2 pages na puro si ACy usapan... hahaha

Ano na pala balita sa milk tea business ni ACy? Parang walang update sa mga vlogs niya and this month na wedding nila!
Nalimutan ko na may milk tea business nga pala sila! Diba meron pa siyang parang FYI vid about doing the business. Baka dahil pandemic kaya di umuusad, pero ahm andaming youtubers na nagpush ng business kahit may virus pa. Baka isa sa mga ningas kugon niya to.

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #491 on: September 02, 2020, 11:53:20 am »
so ayun mga sis totoo ngang simple lang si ACy, simpleng taste sa lalaki. But speculations lang rin naman tayo malay naman natin eh marami din magagandang qualitites si Geloy, kanya kanyang taste lang yan.  ;D
Nagkaron ba ng other bf si ACy or sila lang talaga ever since?

kapag nasa 30s ka na mahirap na mabago maturity level ng mga yan, yung mga taong lumaking dependent sa ibang tao nadadala na talaga nila till the end unless na lang magkaron ng major change sa buhay yung tipong wala na sila maaasahan kundi sila lang talaga.

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #492 on: September 02, 2020, 12:04:36 pm »
Wala namang masama sa simpleng taste. Hindi naman lahat e alpha level of taste ang gusto.

Siguro kasi, sa mga pinapakita lang nila sa vlogs, hindi man lang bare minimum ang ginagawa ni Geloy. Pagpatay ng crabs. Pagkarga sa asong nabundol. Below bare minimum talaga based sa mga vlogs nila.

But again, yan lang naman pinapakita nila.

wacky008

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #493 on: September 02, 2020, 01:21:25 pm »
aray ko mga sis  ;D. Di rin kasi ako marunong tumawid sa malaking kalsada. di dahil pa cute or feeling mayaman ako, mahirap lang po kami. di ako marunong tumawid kasi taga probinsya ako hindi ako masyadong nakakalabas sa kabihasnan nung medyo bata ako.  Ngayon naman sa makati ako pumapasok, madaming overpass at underpass dun. Pag nagtatravel mostly napuntahan ko hindi parang pinas, kung di uso yung mga underpass/overpass, yung mga sasakyan mismo humihinto para magpatawid.

siguro kay Acy dahil lumaki sya na pampered at de kotse kaya di marunong tumawid. Parang ngayon ko nga lang sya nakitang naglakad sa kalsada dito sa pinas

akala yata ni aCay cute or nakaka-sosyal kapag hindi ka marunong tumawid. hindi, sizt. nakaka-shunga siya. lol basic skill lang naman pagtawid. tyaka kapag ba nagta-travel siya hindi siya nakakatawid?

ngayon okay pa sila ni geloy na ganyan-ganyan si geloy, pero eventually kapag nag-catch up na sa kanila yung responsibilities nila or nagka-anak na sila pwedeng maging issue na yang hindi maasahan si geloy. yung pag-vaccine nga ang OA ng takbo ni geloy eh. lol gets ko yung takot sa needles/injection, pero ang OA nung pagtakbo niya.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #494 on: September 02, 2020, 01:30:06 pm »
Para mag mature talaga silang dalawa dapat wala silang helper sa condo since ang liit lang naman unit nila. Pwede mabago ugali ni Geloy kung titira sila abroad basta hindi sa Canada kasi andoon din parents niya yung totally sila lang ni Acay.

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #495 on: September 02, 2020, 02:19:47 pm »
Natatawa ako kay Rhaze. Sa pagkakuripot pero maarte at kagustuhan magtipid, nabubudol ng mga sales kuno.  ;D

Nakita ko rin na may bagong vlog si Lovely.. birthday ng anak niya. Nandun kaya ang mga indays of AU? Di ko pinanood kasi kung yung one time na pinanood ko vlog niya madrama na, paano pa kaya ngayon na may "emotional" talaga sa title?

Sa totoo lang nung bago pa lang sa youtube si Anna Cay at unang beses ko nakita boyfriend niya, napa "huh? boyfriend niya talaga yan?" ako. Ito yung parang siya pa naghahatid kay Geloy sa school at nagbibigay ng allowance. ;D pero marami din naman tayong di alam kasi yung mga pinapakita ni Anna Cay mga kapalpakan like laging muntik ma-late sa flights, tanghali gumising, pretentious groceries, pagtawag sa guard para patayin yung king crab etc.. Siguro cool yan sa kanila.
« Last Edit: September 02, 2020, 02:22:41 pm by foxyhauteur »

tcm

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #496 on: September 02, 2020, 03:37:12 pm »
^ i remember they mentioned since high school mag bf-gf na sila. si Geloy nga yata first and last bf ni madam. true love talaga. sana lang magmature na si geloy kasi ikakasal na sila tapos immature pa rin.

Hindi naman yata necessarily true love. Puede din na she just settled on him na kasi comfortable and convenient. 

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #497 on: September 02, 2020, 03:45:04 pm »
Speaking of Geloy kahit yung work niya before mukang sumuko rin agad siya noh, parang ilang months lang siya ngwork after college, related din ata sa gaming yung pinasukan niya company nuon, then yung travel agency niya diba ngprocess na rin sila ng permits or something, tapos ng youtube din siya for a while. Then naging boss G kuno na lang siya ng all covered na bigla rin nawala. quarter life crisis ba siya?

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #498 on: September 02, 2020, 03:45:22 pm »
Compatible naman din kasi si ACy and Geloy. Nakakagulat na magpapakasal na agad sila pero halatang hindi pa sila ready. Parang magpapakasal lang kasi matanda na sila at matagal na sa relationship. Pero marami namang ganyang couple, nagmamature lang eventually pag nagkaanak na. Pero sana nga magbago na si Geloy kasi sa marriage usually lalaki ang dapat magdala. Ang masama nyan pag nagka anak sila baka si Geloy yung tipong bahala ka jan magalaga sa bata basta ako maglalaro. Yayks!

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #499 on: September 02, 2020, 05:07:05 pm »
Speaking of Geloy kahit yung work niya before mukang sumuko rin agad siya noh, parang ilang months lang siya ngwork after college, related din ata sa gaming yung pinasukan niya company nuon, then yung travel agency niya diba ngprocess na rin sila ng permits or something, tapos ng youtube din siya for a while. Then naging boss G kuno na lang siya ng all covered na bigla rin nawala. quarter life crisis ba siya?

Alam ko sis call center si geloy non. sabi ni ACy sa una nyang videos, pang gabi si G sa work nya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close