watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)  (Read 92492 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #360 on: August 27, 2020, 03:26:10 am »
Bumabaha pala sa kitchen area nila Lloyd, ang sakit sa ulo ng bahay niya. Kung di lang sila ide-demolish at kung sa kanila siguro ang bahay baka dun na lang din sila nagstay sa dating bahay nila.

I admire him sa pag-amin na loan ang bahay nila. Karamihan kasi ng Pinoy hindi sinasabi ang ganun kasi may ugali ang iba basta marinig ang salitang utang negative na agad. Makakarinig ka pa ng salita na may bahay/kotse nga utang naman.

innocent_beauty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #361 on: August 27, 2020, 06:09:32 am »
re: Jess xiel - sya yung tipong ayaw mong maging kaibigan hahaha kc pag nagkasira kayo sya una maninira syo in public  ;D duda ko nga sinisiraan din nya sa bf  yung bata sa daddy nya  ;D

re: Llyod - laking sakit ng ulo ni Lloyd dun sa bahay na nabili nya..sana nagpatayo nalang sya ng bago parang ang sum total din nagastos nya parang nagpatayo ng bago din. Atleast sa mga ganito vlog nagkakaroon tayo ng ideas kung ano mas maganda bumili ng bago or magpatayo ng bago.

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #362 on: August 27, 2020, 09:19:39 am »
Dapar ipabenta niya na lang or ipasalo yung house. Doble gastos talaga siya sa kapalpakan ng bahay niya. Kahit filter ng tubig niya doble kasi ang dumi mg tubig

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #363 on: August 27, 2020, 09:59:30 am »
^^Mukhang mahirap makipag-friend sa kanya.Kasi maski mga commenter na constructive naman ang pagpuna sa kanya nagagalit siya. So pagganyan ang friend mo na hindi marunong tumanggap ng mali or puna mahirap yan pakisamahan. Hahaha

^Sa explanation niya kasi malaking halaga daw ang kailangan kung sila magpapatayo ng bahay. Wala daw silang ganun kalaki na pera. Mas maluwag daw para sa kanila na installment nagbabayad.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #364 on: August 27, 2020, 10:46:00 am »
Yung nalaman ko nga doon bumili ng bahay si Lloyd napasabi talaga ako na good luck kasi nga ang daming bad review ni pro friends like sub standard yung mga materials baka a year after may crack na dingding nila. Sayang kasi pera at panahon hindi pala maresearch si madam ely.

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #365 on: August 27, 2020, 11:18:25 am »
nakakatuwa talaga si Lloyd kasi napaka down to earth and matulungin niya. sabi niya hindi kaya ng budget niya magpagawa ng brand new house and yet may budget siya para tumulong and magdonate sa iba. hindi naman sa nagcocompare, pero yung ibang ytuber sa luho napupunta yung kita nila and meron pa like Tim Sawyer pinagdadamutan sariling asawa na tumulong din naman sa vlogs niya. nakaka-inspire  lang talaga si Lloyd kasi sini-share niya yung mga blessings niya sa ibang tao. siguro kung hindi cya mapagbigay baka naafford niya magpagawa ng brand new house.

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #366 on: August 27, 2020, 12:55:51 pm »
Sa tingin ko hindi lang well informed si Lloyd sa options nya when it comes to buying or building a house. Medyo madalian na din kasi yung nangyari since pauwi na yung mom nya at idedemolish na yung dati nilang bahay. Sabi nga nya sa recent vlog nya, kung ano yung convenient at the moment yun na. Pero sana napaghandaan din nya. Ang daming options kasi kung pinaglaanan lang ng time. Pero totoo mas madaming cash ang kailangan pag magpapatayo ka vs bibili ng gawa na. Kasi una kailangan sayo na ang lupa bago ka makapag construction loan. Dapat din may pang pondo ka kasi hindi naman 100% ng loan amount e ibibigay sayo agad. Pero sana nakahanap pa sya kasi ang daming house and lot na mas maayos na abot kaya pa rin naman nya. Pero anjan na yan. Bilib ako kasi positive pa rin sila ng mom nya kahit na ang daming aberya. Kung ako yun baka ipasalo ko na lang din at hanap na lang ng bagong bahay.

Nakakatuwa din na kahit ang daming gastos ni Lloyd sa bahay, nagagawa pa rin nyang tumulong sa iba. Sorry na compare ko lang kay ACz na nung time na nagpapagawa ng bahay e puro papasok lang lahat ng pera na tipong hapit na hapit sa views para lang sa house renovation. May vlog pa sya dati na ?para sa pool?.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #367 on: August 27, 2020, 01:02:33 pm »
^ wag niyo na subukan panoorin si Jess Xiel, kasi msstress lang kayo sa kanya haha kung kasal na sila, panong treatment niya pa kaya sa stepdaughter niya?

^ naawa na nga ko kay llyod, anong parte nalang ba ng bahay nila ang walang sira? sa hagdan palang magagalit nako noh. swerte lang talaga nila at mabait si lloyd at dinadaan nalang sa biro at tawa un kapalpakan nila. mas inuuna niya talaga tumulong, kasi  feeling ko naman afford niya magpagawa ng bahay pero may iba lang siguro siyang priorities.

^ parang si hungry syrian, mas inuna niya before bumili ng lupa para sa stray animals kaysa bumili ng bahay niya. pero alam ko may nabili na siyang bahay. paparenovate nalang niya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #368 on: August 27, 2020, 02:14:59 pm »
^Speaking of Hungry Syrian, di ko napanood vlog niya about sa nabiling bahay. Di ba clickbait? Iniisip ko kasi baka clickbait kasi paano makakabili ng properties ang foreigner sa Pinas? Alam ko kasi bawal sila mag-may ari ng properties her, paki-educate ako mga sis.

Nakakatuwa mga Yters na sinasabi na may bahay, car, business na sila na katas ng YT. Pero si Lloyd wala pa nun siguro dahil itinutulong niya din. Naalala ko nung nauso yung mga vlogs ng how to spend X amount in a day. Ginawa din ni Lloyd ang challenge,  sa Divi siya nagpunta at ipinamili ng school supplies mga bata and teachers.

ficklemind

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #369 on: August 27, 2020, 02:24:37 pm »
Chineck ko recent vlogs ni Via, puro nga mga friends at dun nakatira sa kanila yung iba. mga 2-3 videos napanood ko and so far mga nagather ko eh mga college friends niya yun at ngayong quarantine daw sila nagkaron ng chance na magbonding ulit, Yung iba ininvite niya sa kanila na magstay while naka MECQ.  Aside dun sa bonding, main reason I think kaya lagi silang present sa bahay is part sila ng new business ni Via.

Naala ko na san ko unang nakita si Hungry Syrian, sa vlogs ni Rhaze! regular commenter siya dati. As in every video siya ata top comment. Subcribers niya nasa around 50K pa lang then si Rhaze mga nasa less 500K.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #370 on: August 27, 2020, 02:47:54 pm »
Kung magpapatayo pa kasi si Lloyd mas matatagalan talaga lalo pa ngayon pandemic kasi tuloy pa rin construction ng bahay mahirap pa rin. Sa akin lang nakapili sana ng maayos pa na subd. Kaso si Madam Ely ang nag recommend sa kanya doon sa Lancaster dahil may bahay din doon. Oo, nga buti pa si Lloyd nagagawa niya talaga mag charity despite may iba siya gastusin. Lagi naman niya sinasabi na wala siya kung walang nanonood at nagsubscribe sa channel niya.

Sorry ha pero si Anne Clutz kasi mostly sponsor yung mga tinutulong niya bihira siya maglabas galing sa pocket niya. 😁

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #371 on: August 27, 2020, 02:48:58 pm »
^  hindi siya clickbait sis, ang ganda at lawak ng house. high ceiling. pero oo nga noh, alam ko din hindi sila pwede mag acquire ng properties dito. but happy pa din ako na bumili na siya for himself.

^ pati kay shek, Acy at Acz nakikita ko si basel sa commen noon, kaya hindi ko siya bet nun. haha pero ngayon super na appreciate ko siya.

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #372 on: August 27, 2020, 03:26:52 pm »
from what i Know bawal sila bumili ng Lot pero house pwede, so pwede condo and house tapos naka long term lease yung pinaka lot ng house, o kaya naman purchase the lot sa pangalan ng Pinoy. kaya ang daming condo for rent satin tapos foreigner ang may ari.

twinbee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #373 on: August 27, 2020, 03:40:44 pm »
mukhang magiging spokeperson si Lloyd sa Lancaster.. sa dami ng issue dun..
sa fb group nga lang nila.. sandamakmak na complaints sa kanila
from quality ng bahay up to security guards..

chubsilet

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #374 on: August 27, 2020, 04:09:50 pm »
mga sis, may maisa-suggest ba kayo na Ytber na maganda ang content, yung very informative, maututo ka and ma-in-inspire ka sa buhay.... or yung youtuber na may work or business din, so makikita mo how they balance life talaga... hindi puro, haul and beke nemen ang content....  madalas kasi ngayon yung napapanood mo na vids ng mga ytbers ay para na rin buhay ng isang celebrity, tadtad ng beke nemen, kunng hindi naman.... puro haul or PR packages, yung hindi ka na maka relate.....

ang napapanood ko palang kasi na ganyan ang content ay si thea sy, she's very systematic sa mga info nya ha...  kaso hindi madalas mag upload
« Last Edit: August 27, 2020, 04:13:29 pm by chubsilet »

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #375 on: August 27, 2020, 04:23:41 pm »
^^^Na-curious ako sa bahay ni Basel. Panoorin ko next time.

^^Dun sa thumbnail sis house and lot kasi ang nakalagay kaya akala ko clickbait. Dahil naisip ko paano siya makakabili ng lupa, ang risky kung sa iba ipapangalan ang property.

May kasalanan din si Lloyd kasi di siya nagresearch maigi. Si Madam Ely siguro walang naging issue sa unit niya (kung dun din siya banda nakatira) kaya nairecommend niya yung place kasi kung ako may bad experience bakit ko naman irerecommend sa friend ko yun. Ayaw na lang din siguro magsalita ni Lloyd ng super nega kasi Tita pala ni Madam Ely ang agent. Nakakainis mga ganyang agent e basta kumita lang. Buti nalang cutie yung architect ni Lloyd hahaha.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #376 on: August 27, 2020, 05:44:02 pm »
^ si thea lang din ang naisip ko sa very informative, inspiring at full of wisdom.  :D

^  mabait lang din talaga si LC kasi hindi na siya nag blame at para na din sa friendhip nila ni Madam ely. pero kung ako un, ang laking perwisyo icconfront ko talaga si tita. wala man lang concern sa client niya basta siya kumita nalang.  >:(

tcm

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #377 on: August 27, 2020, 06:25:23 pm »
Thea explains things very clearly pa, matuto ka talaga.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #378 on: August 27, 2020, 07:00:13 pm »
Speaking of Basel kaloka yung siya pa bumili ng tools for construction, dapat materials lang bibilhin siya pati tools yung mga panghiwa ng tiles tsaka barena tsaka kung anek anek. Sabi niya pautang daw yun ng contractor 🤦‍♀️ grabe lang

Madness

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #379 on: August 27, 2020, 07:26:01 pm »
OMG napanood ko din yung kay Basel. Gusto ko yung house na yun. Madami nga lang syang ipapa renovate pero ang ganda na on its own. Saka gusto ko video ni Basel, naiiyak ako lagi  :'(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close