watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)  (Read 91976 times)

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #40 on: August 13, 2020, 01:11:57 am »
Ninang pala si Lovely ng Anak ni Cathy.

Sabi din ng husband ko, ang pinaka- genuine sa mga Indays is si Manay Chona and i love it kasi laging G na G si Holly sa vlogs, there is something about that kid!  :)
« Last Edit: August 13, 2020, 01:21:41 am by ilovejapan »

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #41 on: August 13, 2020, 05:17:16 am »
^^^My god... her constant CONFEERM pa. Isa yan sa pet peeve ko, yung confeerm na pronunciation. Isa pa yung sa IG story niya, yung LED projector. She pronounces it as LEAD instead na L-E-D.

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #42 on: August 13, 2020, 08:17:04 am »
Grabe napa binge watch ako sa videos ni Oliver Austria. True ang funny nya at ang dami ko natutunan sa isang video pa lang. Salamat sa nga nagrecommend!

Grabe naman kayo, pati ba naman grout ng bahay ni ACy napansin nyo pa? Haha! Possible naman na sa construction yun kaya ganun.

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #43 on: August 13, 2020, 08:54:20 am »
Confeeremed! napunta nga sa condo nila ang helper nila para maglinis at kunin ang mga labada.

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #44 on: August 13, 2020, 09:33:57 am »
^ kaya nag unsubscribe nako sa kanya kasi mas lamang ang walang mapulot sa vlogs nya puro pag gastos lang  and impracticality. no offense. ok naman noon since maganda iba nyang reco on makeup pero di naman na kasi ako mahilig mag makeup. so yun, i can say im not missing out sa pag unsubscribe sa kanya

izzie7

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #45 on: August 13, 2020, 09:56:57 am »
Grabe napa binge watch ako sa videos ni Oliver Austria. True ang funny nya at ang dami ko natutunan sa isang video pa lang. Salamat sa nga nagrecommend!

Grabe naman kayo, pati ba naman grout ng bahay ni ACy napansin nyo pa? Haha! Possible naman na sa construction yun kaya ganun.

4 vids lang pinanood ko sa kanya. Yung kay llyod, doug at sky pod. Yung part two ng skypod parang nasobrahan sya ng korny dun yung iba korny lang. Dami palang ganun may isa civil eng naman nag react sa hagdan ni llyod.

Ganda ng skypod.  Wala naman akong baby pero pinapanood ko pa din si kryz. Si camille co nakalimutan ko na.

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #46 on: August 13, 2020, 10:11:03 am »
Confeeremed! napunta nga sa condo nila ang helper nila para maglinis at kunin ang mga labada.

BWAHAHAHAHA! At ang sikip sikip na ng condo nila.
« Last Edit: August 13, 2020, 10:17:38 am by ilovejapan »

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #47 on: August 13, 2020, 10:33:39 am »
Alam naman natin na tamad sila maglaba, yung mga purchases nila sa mall agad ginagamit nila ng walang labahan. Yung pagpapalaba sa helper nila for me ok lang AS LONG AS they are PAYING EXTRA sa tao kesa nga naman sa mga laundry services pa sila magpunta. Ibang household na sila kaya dapat iba ang bayad niya. Ang di acceptable yung pagpapalinis, so kung kelan lang pupunta ang maid dun lang nalilinis bahay nila? Ang alam ko kasi everyday naglilinis ng bahay. Ngayon nga bukod sa walis-walis 2x a day pa kami nagma-mop ng sahig dahil sa covid.

sunnypan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #48 on: August 13, 2020, 10:56:55 am »
mga sis, nabasa niyo ba yung rant ng husband ni Lovely sa youtube? deleted na cya now. grabe, ang yabang pala ng hubby niya. meron kasi ibang fans mga inday nagsasabi na sana magsalita na daw si Lovely kung okay ba sila ng mga inday or not since kay Love naman daw nag-umpisa lahat by deleting Cathy on her ig. kasi kawawa naman daw sila Rhaze and Manay nababash at nadadamay sa gulo nila ni Cathy. kung hindi daw dinelete ni Love si Cathy sa ig, eh di sana wala daw chismis ngayon. ayun, grabe manlait at magmura yung husband niya.

Sinilip ko mga comment sa IG ng ibang inday, karamihan tinatanong kung nasan si Lovely tapos sana daw wag maging Ann Paris 2 ang eksena. Support naman kay Lovely ang followers nya at naiintindihan na busy lang sa career. Tapos sabi ng iba magsalita na daw mga inday kung ano ba talaga ang issue. Yung mga followers nila gumagawa na ng chismis dahil sa pag un-follow ni Lovely kay Cathy. Parang celeberity, may pa-drama at chismis! Ang OA din nung husband kung tinawag nyang bobo at hindi makaintindi yung mga followers ni Lovely, dumagdag lang sya sa drama. Hindi dadami ang chismis kung hindi sila nagre-react sa mga comment ng followers nila.


Lloyd - nakakatuwa yung pagiging grateful nya sa followers nya, lagi talaga pinapasalamatan tuwing may milestone sya.

ACy - tamad sila maglinis in general. Ewan ko ba kung bakit sa isang vlog nya sabi nya masipag sya maglinis at gusto daw nya lagi malinis ang bahay. Talaga ba?! Isa nanaman yun sa mga palabas nya para sa mga blind followers / fans.

louvieee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #49 on: August 13, 2020, 10:59:17 am »
^agree! Sa paglilinis na part dapat silang dalawa na ni Geloy ang nagkukusa. Ang liit lang naman ng condo. Di pa ba nila kaya ayusin? Ganun sila katamad para bumili pa ng robot mop/sweeper? Di naman sila makakalabas labas. Ano ginagawa nila maghapon para di nila maisingit ang paglilinis?

^^sis it?s Lloyd not Llyod po. Sorry di ko na ma-take, ilang beses ko na kase nakikita sa mga posts mo. Hehe. May Lloyd kasi yung kapatid ko sa name nya at lagi din nagkakamali mga tao, laging Llyod ang pagspell. Peace po.

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #50 on: August 13, 2020, 10:59:43 am »
Sinilip ko mga comment sa IG ng ibang inday, karamihan tinatanong kung nasan si Lovely tapos sana daw wag maging Ann Paris 2 ang eksena. Support naman kay Lovely ang followers nya at naiintindihan na busy lang sa career. Tapos sabi ng iba magsalita na daw mga inday kung ano ba talaga ang issue. Yung mga followers nila gumagawa na ng chismis dahil sa pag un-follow ni Lovely kay Cathy. Parang celeberity, may pa-drama at chismis! Ang OA din nung husband kung tinawag nyang bobo at hindi makaintindi yung mga followers ni Lovely, dumagdag lang sya sa drama. Hindi dadami ang chismis kung hindi sila nagre-react sa mga comment ng followers nila.

sis, kahit sa ig ang kalat ng husband niya. ang lakas magmura at manlait. im not sure kung nabura na rin mga comments niya sa ig. lahat ng reaction sa misis niya pinapatulan talaga. mas naappreciate ko tuloy si dan and hubby ng ibang inday. read between the lines sa mga reply back nila. mukhang may malalim na hugot, i doubt mababaw lang ang away nila para maging affected sila ng ganun.
« Last Edit: August 13, 2020, 11:14:50 am by krisslorr »

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #51 on: August 13, 2020, 11:29:06 am »
nabasa ko nga din un comment na ganun ng asawa ni Lovely, kahit nasa Au na i think its very pinoy un pagging mabunganga ni Kristian, Lol hindi ko magets bakit need niya makisali sa gap ng asawa niya online. yes hes is being protective kay Lovely pero un magsalita siya ng ganun publicly ang off lang. Un asawa ni Cathy dedma lang online. and unfair talaga na madamay un ibang inday, like Rhaze ayaw niya ng mga ganung drama. un sa kanila ni Anne hindi siya nagsalita and nun q and a about fake friends sabe lang niya tinext niya si girl saying na i know what you did. bye. no confrontation. the end. tama din un isang comment kung kelan siya un involved bat hindi siya magsalita,welll since mdrama nga si Lovely, matagal tagal pang dramahan to. Lol

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #52 on: August 13, 2020, 11:36:06 am »
^ normal naman defend nya misis niya ang ayoko lang is parang ang yabang ng dating dahil ba nasa Aus sila? tagalog and taga-pinas yung nagcomment sa pero straight english reply niya na may kasamang panlalait at mura. kung educated cya gaya ng sinasabi niya, sana maayos yung reply back niya since maayos naman yung sinabi ng nagcomment sa kanila. medyo naoff lang ako sis kasi sa vlogs nila parang mabait yung hubby niya kaso may feeling superiority din pala.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #53 on: August 13, 2020, 12:07:06 pm »
^ yes sis, i understand naman na dindefend lang niya si Lovely ang hindi ko gets bat need niya sumagot ng ganun sa maayos na comment, eh un mismong asawa nga niya pabebe at pa showbiz eh. Feeling ko nga sila lang talaga un masama ang loob kase si Cathy nag repost pa ng story na nakatag si Lovely. Pero to be fair din, nice din naman lahat ng husband ng Inday.  :D

tempaccount

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #54 on: August 13, 2020, 12:33:32 pm »
Grabe napa binge watch ako sa videos ni Oliver Austria. True ang funny nya at ang dami ko natutunan sa isang video pa lang. Salamat sa nga nagrecommend!

Grabe naman kayo, pati ba naman grout ng bahay ni ACy napansin nyo pa? Haha! Possible naman na sa construction yun kaya ganun.

Sorry, ako ba to? Malamang ako nga haha. Napansin ko lang nung pinakita niya yung UV Care niya kasi kapansin-pansin talaga, haha. Ang linis kasi before nung first time niya pinakita yung condo, ngayon maitim na talaga siya. :)
« Last Edit: August 13, 2020, 12:37:01 pm by tempaccount »

drag0nfly

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #55 on: August 13, 2020, 01:51:38 pm »
Hindi ba natuloy pagbili ni Anna ng washing machine kaya nagpapalaba pa sila sa bahay?

Ang tamad nga nila kung sa size ng condo unit di pa nila magawang maglinis. Ang saya kaya maglinis. Lalo kung bago pa yung place mo, dapat ganahan nga sya lalo eh. Joke time lang yata yung paglipat nila to be independent kung inaasa pa din sa iba very basic housekeeping.

Saka ang weird na lagi silang may bisita sa condo. Di ba sya napa-praning sa possibility of catching the virus. Natawa ako nung sinabi nya na hindi naman daw kasi pwedeng mag-Starbucks these days dahil quarantine kaya gawa na lang ng coffee at home. Err, ang dalas kaya nila mag-mall. Andaming Starbucks dun.

stephyes89

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #56 on: August 13, 2020, 02:14:39 pm »
Parang ang unfair naman sa part ng ibang Indays na di naman kasali sa issue nung dalawa tapos buntis pa si Rhaze i'm sure maiinis nyan si Dan sa mga mahilig mag comment sa Youtube at IG. I doubt na time yung issue nila gaya ng mga nabasa ko comment sa IG ni Lovely nirereplyan nya kasi dun yung mga nag dedefend sakanya na busy na daw sya at mas gusto nyang mag spend ng time sa mga bata kesa spend pa sa iba, so parang lumilitaw na yung mga Indays pa hindi makaintindi sakanya di naman siguro sila immature para di maintindihan trabaho ni Lovely, si Manay nga di naman din laging present pero okay okay sila. Si Lovely nag umpisa ng ingay sya din dapat tumapos sa isyung ginawa nya. Yung ibang Indays ayun nag karaoke nalang baka nagulat sila sa nangyari.

edit: nabasa ko isang comment sa IG ni Lovely na dun pala sa vlog na kasama nya yung Mia sinabi ni Love na si Mia lang daw pinagkakatiwalaan nya dahil sya lang nakakaintindi sakanya, ouch yun sa part ng ibang Indays ha.

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #57 on: August 13, 2020, 02:20:06 pm »
Sa mga YTbers na kilala ko ang nakikita kong masinop are Via and Kris L. The rest, dugyot, tamad mag linis, etc. Pakapalan na lang din ng mukha sa pagpapakita sa mga netizens ng madumi at makalat nilang bahay. Haha!

I think yung pagbukod nila ACy is because gusto nila ng sariling space ni Geloy and not because gusto talaga nilang maging independent. My sis in law recently moved out, ganyan din kay ACy dati pero proud ako kasi wala silang helper at tulungan talaga sila ng fiance nya sa gawaing bahay. They do things on their own. Mas malaki ang bahay nila at may corpo work din kaya wag na tayo maniwala sa excuses ni ACy. Tamad sila ni Geloy, period. Natawa lang din ako nabanggit nya na naglalaba daw sya ng sarili nyang panty, nagbabasa yata talaga dito. Haha!

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #58 on: August 13, 2020, 02:48:00 pm »
^naalala ko na naman ang mahiwagang panty na side a/b/c/d yata sa baguio  ;D

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 21)
« Reply #59 on: August 13, 2020, 02:48:41 pm »
Parang ang unfair naman sa part ng ibang Indays na di naman kasali sa issue nung dalawa tapos buntis pa si Rhaze i'm sure maiinis nyan si Dan sa mga mahilig mag comment sa Youtube at IG. I doubt na time yung issue nila gaya ng mga nabasa ko comment sa IG ni Lovely nirereplyan nya kasi dun yung mga nag dedefend sakanya na busy na daw sya at mas gusto nyang mag spend ng time sa mga bata kesa spend pa sa iba, so parang lumilitaw na yung mga Indays pa hindi makaintindi sakanya di naman siguro sila immature para di maintindihan trabaho ni Lovely, si Manay nga di naman din laging present pero okay okay sila. Si Lovely nag umpisa ng ingay sya din dapat tumapos sa isyung ginawa nya. Yung ibang Indays ayun nag karaoke nalang baka nagulat sila sa nangyari.

edit: nabasa ko isang comment sa IG ni Lovely na dun pala sa vlog na kasama nya yung Mia sinabi ni Love na si Mia lang daw pinagkakatiwalaan nya dahil sya lang nakakaintindi sakanya, ouch yun sa part ng ibang Indays ha.

i was browsing rhaze's comments section sa latest vlog niya and ang dami na nga nangungulit sa kanya about sa issue. yung iba super demanding na and parang galit na kay rhaze. haha. kaloka, gusto ko sabihan na "girl, relax ka lang. chismis lang 'to." lol

i agree though, na si lovely nauna magsalita, kasi siya yung reply nang reply sa comments. ang passive aggressive niya pati mga hina-heart niya. plus yung pasaring niya nga sa video nila nung mia. tapos yung pagkakalat pa ng asawa niya. yung indays naman walang sinasabi, nung umpisa na hindi na sumasama si love sa kanila sinasabi pa nga nila na busy lang si love kaya hindi siya nakakasama. until bigla na lang nag-unfollow si love. but may nagsabi sa comments section ni rhaze na may sinabi daw si love na nagcocommunicate pa rin sila ni rhaze.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close