Hi mga sis! Gusto ko lang sana i-share yung dilemma ko at the moment.
Less than 2 years ago, may na-meet ako online na guy, who is good looking, very neat, responsible, career oriented, God fearing, very close sa family, ma-effort, consistent... wala na ata akong mahihiling pa.. we are engaged and soon to get married in 2 months.. First girlfriend nya ako, I?m 27 years old and he is 34.
He works in Ortigas while I reside in Baguio, we meet each other mga 2-3 times a month only, but regular kaming nag uusap sa phone, mag ka-chat. Wala nman akong issue sa attention, love and care, very consistent sya mga sis..
He is a very active part of a Catholic group/community. I don?t have issues with his religious belief because I, my family and his family are all at the same wavelength. Nagagawa nya pang magkaroon ng religious activities on top of his work.. nag dodorm pla sya sa ortigas dahil doon malapit ang work nya..
Pero, my concern is, I feel that my fiance is a gay man. His photos on social media, show his soft side, may mga posing sya na hindi natural sa isang straight na guy. Another thing, he only have one close friend during his teen ager years, who just went public about being a gay a month ago (but they have not been together anymore for 5 years due to their work location.) I saw their old photos together on his social media account, I am bothered about their close physical contact on most of their pictures. This close friend of my fiance is now in a relationship with another gay, they are very proud of their relationship, which makes my fiance feel uneasy about it.
His playlists includes songs of Mariah Carey.. 😢😓😓
He lives in an apartment with another man, dalawa lang sila sa room, although hiwalay nman na single bed tinutulugan nila. This room mate of his, is also a bachelor, who is already 37 years old, and has never been in a relationship with a girl.
What bothers me about his ?roommate? is nagpapatugtog ng sobrang lakas na music whenever I call my boyfriend, sometimes, galit na galit sya sa background at sumisigaw sa boyfriend ko habang magkausap kami sa phone.
One time, habang quarantine, tumawag ako sa boyfriend ko, may inasikaso sya sa bank, inabot sya ng 2 oras kakapila, dahil sa new normal rules... ngayon sinabi nya sa akin na yung roommate nya daw ay nasa 7-eleven at inaantay sya para sabay na silang umuwi, habang kinikwento nya sa akin iyon sa phone, may na-sense akong kilig sa boses nya... kinilabutan ako mga sis! 😣😣😣 Especially, quarantine, kung tapos ng mamili, diba, dapat umuwi na kaagad dahil, buwis buhay ang mag stay sa labas (para lang antayin ang boyfriend ko at sabay silang uuwi). Normal lang ba ang ganun??
Minsan nag birthday ang ka-room mate nya nag celebrate silang dalawa sa room nila at nag inuman.
Wala pang nangyayari samin, aside from holding my hands he never kissed me yet, kc strong nman [textspeak!] ang mga Catholic to avoid premarital sex.
I am dishearthened dahil sa mga iniisip ko about him, but aside from this issue, napaka bait nyang tao, kapatid, at anak.. maasahan ko sya kapag may problema ako, hindi nya ako iniiwan khit sobrang dami na nming pagsubok na pinag daanan. May plano sya sa relasyon nmin, gusto nyang bumuo kami ng pamilya na sentro sa Lord..
ganunpa man, sa lahat ng mabubuting bagay na eto paano kung may relasyon sila ng room mate nya.. 3 years ndin sila magkasama sa iisang room.. praning lang siguro ako mga sis..
Sis nag woworry ako [textspeak!] kung gay ba sya at kung magpapatuloy ba ako sa plano naming magpakasal.. dahil sa doubts ko about his sexuality, kaya isang araw, hindi na ako nakatiis.. tinanong ko sya pero hindi diretsahan, kc ayoko nmang saktan ang damdamin nya.. sabi ko, seryosong tanong bilang kung may dapat ba akong malaman sa pagkatao nya.. sabi nya wala daw at alam ko nman daw ang lahat sa kanya..
Mahal nya daw ako at gusto nya akong makasama sa buhay..
Sis tama ba na i-risk kong magpakasal kahit may mga red flags akong nakita? Or para sa inyo red flags nga ba ang mga yun?