watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)  (Read 113921 times)

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #600 on: August 02, 2020, 12:43:45 am »
^i just checked yung Jezz Xiel, hindi ko kinaya yung accent ni ate girl. LOL. sorry mga sis, nakaka-cringe talaga hindi ko natagalan panoorin parang ang trying hard kasi. okay lang naman to adapt aussie accent in the long run kasi hubby niya is aussie and they live in Australia pero tama nga sabi ng isang sis dito, she's trying waaay too hard magkaron ng aussie accent hindi na natural pakinggan.
« Last Edit: August 02, 2020, 01:00:52 am by krisslorr »

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #601 on: August 02, 2020, 01:12:14 am »
^Even her husband hindi ganun magsalita. Super clear ang R ni husband pero si Pinay nawawala ang letter R. May mga nagpuna na sa accent niya sa comment section and maayos naman ang pagkaka-comment pero medyo hindi tinanggap ng maayos ni Pinay ang comment.

Sa sobrang bored ko kung sino-sino at kung ano-ano na pinanonood ko sa Youtube.

Venicsec

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #602 on: August 02, 2020, 01:37:16 am »
Lumalabas sa recommended ko si Oliver Austria, yung may pakana ng Pinoy Architect Reacts na videos. Dinedetalye niya yung mga pinaggawang bahay ng ibang Pinoy YouTubers gaya nila Lloyd Cadena, Team Kramer, Kryz Uy, etc.

Okay din kasi may natututunan ako at nalalaman ko kung ano ang viewpoint ng isang tunay na architect. Pero big offender siya nung nagsisingit ng "is" sa gitna ng pagtatagalog niya.

"Ang kulay na pinili nila para sa dingding IS grey."
"Ang ginagawa ko kapag gumagawa ako ng ganito IS halimbawa..."

Nabanggit ko na dito etong pet peeve ko na 'to, pero ewan ko ba, lalong lumalala the more na nanonood ako ng local YouTubers. Napapansin ko kasi na halos lahat ng pinapanood ko e ganito magsalita.

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #603 on: August 02, 2020, 02:49:01 am »
^Even her husband hindi ganun magsalita. Super clear ang R ni husband pero si Pinay nawawala ang letter R. May mga nagpuna na sa accent niya sa comment section and maayos naman ang pagkaka-comment pero medyo hindi tinanggap ng maayos ni Pinay ang comment.

Sa sobrang bored ko kung sino-sino at kung ano-ano na pinanonood ko sa Youtube.

napansin ko naman sa kanya ginagawa nyang SH yung ibang words pampa-arte lang. lol. gaya nung chatting sabi niya "shatting", encapsulating "encapshulating", future "fushure". LOL nakakatawa na nakakairita.

ako rin sis, sa sobrang bored ko kung sino-sinong vlog na lang viniview ko kahit walang sustansya. lol

sunnypan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #604 on: August 02, 2020, 10:33:16 am »
Shanta - sobrang pabebe para sa edad nya. Para kong nanunuod ng teenager.


Gusto ko sana manuod ng mga pinoy na nasa ibang bansa pero konti lang yung nagugustuhan ko na content. Yung iba kasi mema lang din tulad ng daily vlog. Mas nagugustuhan ko pa panuorin yung mga non-talking vlog tulad nung kay Rhea Y pati channel na Angela's Simple Life, pareho sila nasa Japan.

Ang nae-enjoy ko panuorin yung mga mga small international YT-er, maayos ang content kahit vlog.
« Last Edit: August 02, 2020, 10:48:23 am by sunnypan »

Rychroxx18

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #605 on: August 02, 2020, 12:47:07 pm »
Lumalabas sa recommended ko si Oliver Austria, yung may pakana ng Pinoy Architect Reacts na videos. Dinedetalye niya yung mga pinaggawang bahay ng ibang Pinoy YouTubers gaya nila Lloyd Cadena, Team Kramer, Kryz Uy, etc.

Okay din kasi may natututunan ako at nalalaman ko kung ano ang viewpoint ng isang tunay na architect. Pero big offender siya nung nagsisingit ng "is" sa gitna ng pagtatagalog niya.

"Ang kulay na pinili nila para sa dingding IS grey."
"Ang ginagawa ko kapag gumagawa ako ng ganito IS halimbawa..."

Nabanggit ko na dito etong pet peeve ko na 'to, pero ewan ko ba, lalong lumalala the more na nanonood ako ng local YouTubers. Napapansin ko kasi na halos lahat ng pinapanood ko e ganito magsalita.

Pet peeve ko din yang ?IS?. Naririnig ko yan madalas sa sales agents, yung mga nag dedemo ng kung anik anik, sa mga live sellers, and sa Youtubers haha!

On Oliver Austria, madami nga matutunan sa kanya kaso juskolord super corny ng jokes haha!

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #606 on: August 02, 2020, 03:14:38 pm »
^Agree bakit kailangan mag joke? Hindi naman siya komedyante  ;D ;D ;D Pilit na pilit eh.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #607 on: August 02, 2020, 04:51:05 pm »
^For the views lol tinry ko din siya panuorin pero hindi ako natawa although ok siya mag-explain given na pinag-aralan naman niya yun so alam niya.

Speaking of Rhea Y, nagbalik na si Ondo. Saw her videos couple of weeks ago. Mas gusto ko yung mga ganung content ngayon, yung luto luto, day in their life.

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #608 on: August 02, 2020, 05:30:55 pm »
Nag subscribe ako kina Dwayne at Shanta nung nagkaanak sila kaso isang buwan pa lang nagsawa na agad ako manood. 
May isa silang vlog na naawa ako kay Shanta kasi topic yong having more kids. At the time na ni record nila yon, parang wala pang positive experience si Shanta sa pagiging mommy. Imagine,
1. nagka sakit agad yong anak kaya kinailangan nila iwan sa ospital ng few weeks after birth,
2.  naiyak si Shanta kasi nasasaktan sya pag nagbe breastfeed,
3. iyakin yong anak kaya laging kulang sila sa tulog
4.  may covid pa kaya hindi sila makalabas. Walang break from each other.
Tapos si dwayne gusto na daw more kids kasi nasa mid 30s na yata si Shanta. Ano naman ineexpect nyang isagot ni wife....

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #609 on: August 02, 2020, 05:34:16 pm »
Pet peeve ko din yang ?IS?. Naririnig ko yan madalas sa sales agents, yung mga nag dedemo ng kung anik anik, sa mga live sellers, and sa Youtubers haha!

Ako naman naiirita don sa mga parang teacher kung magsalita. Yun bang nagpau pause mid sentence - ?maglalagay tayo ng..... picture frame? ... si elle uy ganon kaya naka mute kapag nanonod ako ng vlog nya.

Miss Cheese

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #610 on: August 02, 2020, 05:36:40 pm »
Nagkacovid pala yong tatay no Lloyd Cadena. Ok na yata ngayon.
Bakit hindi nila kasama sa bagong bahay tatay nya?

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #611 on: August 02, 2020, 06:51:37 pm »
^Sis new follower palang ako sa vlogs ni LC. Hindi ako sure ah? Hindi ata good terms sila ng Nanay ni LC? Sa kakapanood ko kasi never talaga silang nagsama sama eh. Kahit sa mga dati pang vlogs.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #612 on: August 02, 2020, 07:05:55 pm »
Akala ko sabay umuwi yung tatay at nanay ni LC from abroad hindi pala sila in good terms?

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #613 on: August 02, 2020, 07:28:24 pm »
^Sa vlogs sis parang hindi sabay eh. Kahit nga yung Boracay trips nila hiwalay na dates din eh. Tignan natin baka meron mas alam. Kasi kahit sa vlogs ni LC hindi niya nasasabi na "Ito yung room ni Papa." Lagi lang "Ito yung room ni Mama". Napansin niyo din ba yun?

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #614 on: August 02, 2020, 11:07:51 pm »
Oo nga wala room si father sa bagong house nila. Nagtaka din ako bakit wala papa niya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #615 on: August 02, 2020, 11:48:08 pm »
napansin ko naman sa kanya ginagawa nyang SH yung ibang words pampa-arte lang. lol. gaya nung chatting sabi niya "shatting", encapsulating "encapshulating", future "fushure". LOL nakakatawa na nakakairita.
Isa pa yan na nakakairita lol.

Re LC?s parents: Lat year nagpang-abot sila ng uwi pati sister ni Lloyd na Dubai based umuwi din. Hindi ko napanood yung vlog na hiwalay na date nag-Boracay ang parents ni Lloyd pero meron ako napanood last year na first time nagBoracay buong family niya with his parents but his parents stayed in separate rooms. Ang mom niya were with her daughters at si Lloyd at ang dad niya naman sa kabilang room. May isa pang vlog na buong family sila na nagstay sa hotel not sure kung despidida ata ng dad niya yun and may baby event nun (di ko matandaan anong event yun) at nandun both parents niya and other family members pero never sila kinunan ng video in one frame. Pero sa thumbnail nun kung tama tanda ko, magkasama sa pic ang parents niya habang karga ng mother ni Lloyd ang baby. Pero nung hinatid dad niya sa airport di din pinakita ang mom niya. Baka nga hiwalay na sila and civil na lang sa bawat sa isa, hindi ko din alam. Confused din ako. Naisip ko na itanong before sa comment section pero baka sabihan ako na nakikialam ng buhay lol.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #616 on: August 03, 2020, 01:18:18 am »
^True baka civil sila bilang matatanda na din naman sila at mga anak nila. Co parenting nalang ang dating. Pero mukhang no plans na tumira si Papa ni LC sa Cavite.

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #617 on: August 03, 2020, 09:54:33 am »
Kaya pala single bed lang yung pinagawa ni LC sa nanay niya. Nagtaka din ako. All along akala ko nasa Dubai yung tatay niya kaya wala sa vlogs. Nasa Pinas na pala?

Di ko type yung vlog ng architect. Although super informational kasi nagiimpart siya ng sariling opinions niya as a professional, parang ang lazy pa din ng content. Kung wala mga house tour, wala din siguro siyang ivovlog. But who knows, he's still starting pa lang naman.

Something ticks me off sa mga reaction videos. Lalo na yung mga foreigners taking advantage of validation-hungry Pinoys. Maybe it's just me.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #618 on: August 03, 2020, 10:49:27 am »
^ay hate ko din yan! Sobrang Pinoy pride na tine-take advantage ng mga foreigners tapos yung iba pa dyan wala naman masabi kung di facial reactions lang and wow hahaha

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #619 on: August 03, 2020, 11:07:55 am »
^ay hate ko din yan! Sobrang Pinoy pride na tine-take advantage ng mga foreigners tapos yung iba pa dyan wala naman masabi kung di facial reactions lang and wow hahaha
Sis isang search mo lang "foreigners react to Morissette Amon" grabe sobrang daming results. Mga vocal coach kuno, producers, even classical musicians etc. Although I admit meron namang merit yung iba na magreact, pero yung iba gaya ng sabi mo, "wow" lang ang reaction and the pinoys will kneel upon them ;D But okay I guess para-paraan lang talaga para kumita ng pera.

Nung una ganyan din ang tingin ko kay Hungry Syrian na pandering to pinoy emotions for clicks but who am I to judge if he still helps neglected people out of the pureness of his heart.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close