watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)  (Read 114000 times)

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #540 on: July 30, 2020, 11:43:13 am »
Yung iba alam ko nabawi yung pera pero inabot ng months at sandamakmak na banta na idedemanda or nag-file na ng police report. Pero may iba din na di na nabawi. Di ko na alam anong nangyari sa mga yun. Naghahanap din ako dati ng personal shopper at isa siya sa nakita ko. Mura yung mga benta niya pero nung nag-research ako dun ko nga na-discover yang scammer na hashtag.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #541 on: July 30, 2020, 12:51:48 pm »
Kapag ganyang cases naman hindi din nahuhuli eh. Kawawa naman mga victims.

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #542 on: July 30, 2020, 12:59:13 pm »
Sa case ko hindi ko na nabawi kasi bigla binlocked niya ako sa IG nung nagfollow up na ako. Nung tinatawagan ko siya sa number niya hindi din sumasagot. Hanggang sa nag-abroad na ako hindi ko na siya nahabol. Ang hassle. Buti hindi naman kasing laki ng kay shek yung sakin.  Lesson learned na lang talaga.

stephyes89

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #543 on: July 30, 2020, 12:57:56 pm »
Come to think of it, matagal nang vlogger si Lloyd, 10 years na ba? Mataas din views nya pero ngayon lang sya nakabili ng house.

Sila Jamill, CongTV medyo bago bago lang di ba? Pero mas bongga house nila. Pero happy naman ako for Lloyd and her mom, kahit simple lang kita mo yung kasiyahan nila na may sarili na silang house. Mas gugustuhin ko sila i-support kesa sa mga jeje at mema-vlog lang.

matagal narin si Cong sa Youtube, 11 years ago pa yung oldest videos nya. Yung bahay nila rent lang at yung Tier One Management yung nagbabayad tapos yung mga nakatira ang in charge naman sa utility bills hati hati sila. Yung Jamill ang pinagtataka ko na 2 years palang sila sa Youtube pero bongga ng house at mga kotse, isang beses lang ako sumilip sa video nila nung binili nila unang kotse nila na-curious kasi ako kung cash ba or hulugan hehe

lyrahs

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #544 on: July 30, 2020, 03:12:38 pm »
Yung Jamill ba yung kaaway nila yung nanay ng lalake? parang may nabasa ako sa FB dati jan na inaaway ng lalake yung nanay nya kasi against dun sa babae

tcm

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #545 on: July 30, 2020, 08:21:34 pm »
Looked up Jamill just now.  Wow, 10.2M subs! I tried watching pero di ko natagalan, sakit sa bangs.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #546 on: July 30, 2020, 08:34:19 pm »
^ jamill din un may rift sila sa mom ng isa sa kanila.

^ curious nga din ako dun sa payamansion, buti magkakasundo sila kase parang ang hirap ng ganun kadami tas hati hati sa bills.

^ in terms of practicality natutuwa talaga ko kay Mae, kasi marunong talaga at hindi nakikisabay sa hype.


mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #547 on: July 30, 2020, 08:51:44 pm »
^^Yes sis Jamill yun. Dun ko sila unang nakilala dahil sa away ng guy at ng nanay niya dahil sa girlfriend niya. Narinig ko anak ko before na pinanonood sila kaya sinabihan ko na wag panoorin mga yun.

Pero happy naman ako for Lloyd and her mom, kahit simple lang kita mo yung kasiyahan nila na may sarili na silang house. Mas gugustuhin ko sila i-support kesa sa mga jeje at mema-vlog lang.
Ay sa true lang, panoorin ko nalang kajejehan ni LC and mom kesa dun sa ibang Yters na puro prank or halos paghubarin na mga girlfriends nila for views.

Re BB Gandanghari - nasa US pa ba siya? Ano pinagkakaabalahan niya dun?

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #548 on: July 30, 2020, 10:25:17 pm »
nagwwork si BB Gandanghari sa US. office work. natutuwa ako sa mga cooking vlogs niya and sa mga kwento kwento vlogs nya. sana mag cooking vlog sya ulit tagal nang wala e

imaginativelad

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #549 on: July 31, 2020, 12:03:04 am »
I watched divine lee covid story and ang dami ko natutunan. Infairness, detailed [textspeak!] experience nila. And mukhang down to earth din silang pamilya. Napa subscribe tuloy ako kahit bothered ako sa pagsasalita niya.

Hindi nako nkakapanuod masyado ng vlogs, more on ig nalang. Pero grabe din magpadala ng mga pagkain kay toni sia. Parang laging handaan. Sana minimize niya to 3 food lang per day. Minsan parang abot 10 pagkain na pinopromote niya. Lahat din daw masarap, meron ba siya pinakita na hindi masarap?

ChocoNaMucho

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #550 on: July 31, 2020, 02:38:33 am »
Kung bagong formulation ng Skinsaver yung gamit ni ACay sa bagong niyang vlog (yung about premarriage counselling), mukhang mas promising ang formulation niya ngayon kasi hindi na ashy yung dating. Pero i really wish na gumagamit siya ng bronzer sa hairline kasi sobrang imbalanced nung kulay sa mukha niya esp because of the blush sa baba. Ang early 2000s na makeup technique nun tas ang alam ko pampaikli tingnan yung effect nun sa mukha kasi naalala ko ganun makeup ni Reese Witherspoon sa Just Like Heaven haha

Just got around to watching Say?s videos. I appreciate yung videos niya na informative. Parang ate in the barkada or older cousin na nagtuturo sa kin ng bagay bagay na hindi madali itanong sa magulang. That should be her niche in youtubePH kasi wala parang wala pang nakakagawa nun although parang mahirap lang yun imonetize. Supportive din pala mom niya sa sex positivity ano?

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #551 on: July 31, 2020, 04:07:06 am »
^feeling ko kaya lahat masarap sa Youtubers kasi masarap naman talaga lahat kapag libre. :D

RoadrunnerXCX

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #552 on: July 31, 2020, 07:26:42 am »
I used to subscribe to BB/Rustom kaso na bore ako nag unsubscribe ako naghahanap na kasi ng issue in the past para dumami views at subs nya like yong sa kanila ni carmina at vice ganda. mas gusto ko pa yongvlog nya na mga daily routine nya lang sa US saka si doggie nya si Iman. Goodvibes lang sya papasok sa office gang mga pag hulahoop nya at cook. Simple life lang sya at nakatira sya sa mobile home sa US saya lang sana ganon wag na kanegahan na vlog. Pero dahil sa kanya nagoorder ako sa amazon ng hulahoop parang feel ko din maghulahoop habang nanonood ng tv at nag youtube...LOL!
« Last Edit: July 31, 2020, 07:30:11 am by RoadrunnerXCX »

sunnypan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #553 on: July 31, 2020, 10:33:16 am »
^feeling ko kaya lahat masarap sa Youtubers kasi masarap naman talaga lahat kapag libre. :D

More good feedback more padala.


Nakita ko sa IG may makeup line din pala si Viy (puro lip products) at may office na din sila na nasa commercial space, dinaig si ACz. Ang hindi ko kinaya ay yung mga digital portrait ng team payaman sa bawat product nila. Lakas maka-merch. Meron din Chicken Corner kiosk si Viy. Ganun pala sila ka-successful sa pag-YT.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #554 on: July 31, 2020, 11:04:23 am »
^ yes may lip products si viy. hindi ko din bet un "merch-style". Lol pero happy ako kase ang successful nila. sa isang vlog sabi niya umutang pa siya kay cong ng 10k para mastart niya un viyline niya. ayun may office na sila. pero sana ilevel up niya naman un name ng products niya. haha
halos lahat sila sa payamansion  successful na dahil kay cong dahil sa vlog, stepping stone talaga nila ang vlogging at katuwa lang na nagsstart na sila magtayo ng business. si junnieboy may clothing naman.

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #555 on: July 31, 2020, 11:12:45 am »
Lately nahook ako sa Alapag family. Bilib ako sa sipag ni Lj at hands on talaga siya sa mga bata. Si Jimmy naman sweet sa mga anak.

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #556 on: July 31, 2020, 11:46:12 am »
^I've watched one of their vlogs too nung dumalaw sila sa resto ni Hungry Syrian to buy food and tees. idol kasi ng mga kids si HS. kakatuwa lang ang cute ng mga anak nila.

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #557 on: July 31, 2020, 11:54:01 am »
re. BB Gandanghari, hindi ko matagalan videos niya kasi sobrang haba umaabot ng one hour. sana trim na lang niya into few good minutes and highlight only the essential/fun part. ako kasi mas prefer ko mga vlogs na 20 minutes lang and less kaya benta sakin si Lloyd C kasi kahit short lang vlogs niya super nakakaaliw and walang boring air time.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #558 on: July 31, 2020, 12:19:04 pm »
Panuorin niyo yung bagong vlog ni Madam. Ewan ko tawang tawa ako dun sa questionnaire na pinasagot sa kanila ng DSWD lalo na dun sa sex talk. Naku matutuwa si Nicon888 nito hahahaha Siya talaga naisip ko nung sinagot na nila yung part na yun hahaha

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #559 on: July 31, 2020, 01:50:18 pm »
^just finished watching and isa lang masasabi ko imature sila for their age, parang pang 24 yrs old na magpapakasal ang dating nila. hahaha, pero natawa naman ako sa video nila.

nakakainis na manood ng local vlogs, parang ka na lang nanood ng commercial sa tv puro padala na ang ang content ng vlog nila lalo na kay ACz. Kung hindi sponsored content eh mga pagbebenta naman ng sarili nilang product, saka sobrang daming ads ng youtube kada video noh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close