watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)  (Read 114141 times)

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #440 on: July 26, 2020, 11:32:33 am »
^true sis. kahit doon sa hometour vlog, halos lahat ng sulok at walls ng bahay may pic ni JInkee, mga life-sized pa. lol. kakatuwa lang na nakaka-amuse. parang kagaya ng bahay ni Paris Hilton na tadtad ng mukha niya pati mga gamit.

Venicsec

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #441 on: July 26, 2020, 01:38:22 pm »
Tanong ko lang, ganun ba talaga magsalita si Divine? Na parang may stuck sa roof ng mouth niya? Bihira ko lang kasi siya panuorin. Lumabas lang siya sa reco ko.

Nagpaayos ng ngipin si Divine Lee, nagpa-veneers siya. Laki ng ginanda niya mula nagpaayos siya. Pero yun nga lang siguro yung isang downside, nagkaroon siya ng lisp.

Sinusubaybayan ko din yung mga Pacquiao vlogs para lang mamangha sa kayamanan nila haha. Nakaka-stress para sa akin yung lagi silang pinapalibutan ng mga alipores na kailangan pakainin, pa-transpo, pa-sunod-sunurin, etc. Pero ganun ata talaga kapag billionaire status ka sa Pinas, surrounded ka ng mga yes men.

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #442 on: July 26, 2020, 04:03:43 pm »
Nagbabasa ba dito si ACy? Sa ig stories nya kahapon. Nagssterilize na ng mga sapatos nya.  ;D

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #443 on: July 26, 2020, 04:31:01 pm »
Saw Heather's IG stories and she's at ACay's condo earlier today. Idk why but nakakatuwang makitang nagkaayos na sila  :)

Niiiceee! Gustong gusto ko talaga kapag yung may mga away nagkakabati kahit hindi nila ako follower! HAHAHAHA! Pero sana huwag na maulit.

Sana yung kay Isha naman yung next <3

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #444 on: July 26, 2020, 04:47:49 pm »
^ un eggpie kay ACy, she really paid for it ayaw daw ng libre. kase small bakery lang naman siya sa makati.  malaking tulong na un for small biz na ma ipromote sila. na happy din ako nun okay na sila ni heather, hindi nga lang siya naka tag sa story siguro para iwas issue na din sila siguro. un mom pala ni Don ay si alynna un partner ni haji alejandro.

^ yes super kuripot si rhaze when it comes to food. Lol  okay lang naman na sa sale sila bumili for baby clothes kase sobrang bilis lumaki ng bata hindi naman practical kung branded un bilhin nila. ,un gamit nila sa house eh temporary lang kase hindi naman nila un dadalhin sa ipapagawang house.pero sana wag na siya magkuripot sa pagkain.  un mga subbies niya natutuwa lang siguro talaga kaya siya pinapadalhan pero lagi naman niya nrremind na no need padalhan sila. mas masarap bigyan un ganun kesa puro hingi at beke nemen. Lol

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #445 on: July 26, 2020, 04:55:51 pm »
Nagpaayos ng ngipin si Divine Lee, nagpa-veneers siya. Laki ng ginanda niya mula nagpaayos siya. Pero yun nga lang siguro yung isang downside, nagkaroon siya ng lisp.

Ahhh kaya pala. Nung pinapanuod ko siya kahapon, ako nahihirapan haha

Sa IG story ni Madam nag-sterilize na siya ng shoes, yung shoe rack na malapit sa doorway. Mabuti naman. Yung isang air filter niya gusto ko bumili para sa condo ko.

Ay wag na kayo umasa kay ACz. Ilang taon na yang beke nemen niya haha

Venicsec

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #446 on: July 26, 2020, 06:55:04 pm »
Pinanood ko yung video nung nanakawan ng Birkin.

Hindi ako bumibili ng designer bags kaya matanong ko lang: ganun lang ba talaga ang pagbenta ng designer bags? Siksikan lang sa estante, halo-halo yung iba't ibang brands, na nagkikiskisan yung metal hardware at leather?

Para kasing nawala yung pagka-special nung bag. E akala ko ba ang whole point ng pagbagsak ng malaking pera para sa isang designer bag e feel mo yung pagka-luxury niya.

O halo-halo na yun na may genuine, class A, at fake?

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #447 on: July 26, 2020, 07:00:44 pm »
Ang nice ni ACy na she pays for the products from small business owners. Yun ang support! Yung bibili ka tapos ipo-promote mo kasi masarap. Hindi yung tanggap lang nang tanggap at promote kahit di naman ok or masarap. But I must say effective din naman magpadala ng food sa mga influencers kasi lumalawak yung reach ng products mo. Turn off lang talaga kay ACz na lahat na lang libre tapos sabay lahat masarap.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #448 on: July 26, 2020, 07:27:20 pm »
^^Yung binebenta ni Anna Magkawas are second hand and authentic. Sa pagkakaalam ko may benta din siyang brand new. Wala naman masama sa pag-display niya. Hindi naman kelangan bawat bag eh naka-special na display. She showed dun sa isang store nila na puro Hermes na maayos ang display. Not all branded bags needs to be displayed na isa isa. Kahit sa ibang second hand designer store ganun din naman sila mag-display. Di naman porket ganun ang display nawala na pagka-luxury niya.

Venicsec

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #449 on: July 26, 2020, 10:29:16 pm »
^I see. Hindi lang ako siguro talaga ang target market ng designer bags at hindi ko rin naman hilig.

Ini-imagine ko kasi kung magbabagsak ka ng ganung kalaking pera para sa bag, gusto mo naman na maganda yung pagbibilhan mo o ma-experience man lang yung para ka na ring bumili sa high-end boutique mismo.

Marami pa ako kailangan alamin sa mundo ng buying/selling ng designer bags. Hanggang nood na muna ako ng YouTube videos.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #450 on: July 26, 2020, 10:37:31 pm »
^Hmmm... I buy designer bags and most of the time sa mga personal shoppers pa. Doesn't mean hindi mo ma-feel ang luxury that way dahil hindi ikaw mismo bumilli sa store. I guess if you get to the point na gusto mo bumili ng designer bags and that's how you feel about luxury then go straight to the boutiques.

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #451 on: July 26, 2020, 11:02:21 pm »
^I see. Hindi lang ako siguro talaga ang target market ng designer bags at hindi ko rin naman hilig.

Ini-imagine ko kasi kung magbabagsak ka ng ganung kalaking pera para sa bag, gusto mo naman na maganda yung pagbibilhan mo o ma-experience man lang yung para ka na ring bumili sa high-end boutique mismo.

Marami pa ako kailangan alamin sa mundo ng buying/selling ng designer bags. Hanggang nood na muna ako ng YouTube videos.

Hindi kasi mukhang luxury si Anna Magkawas. Kaya di mo mafifeel yung luxury sakanya.pag sakanya mo binili yung bag.  ;D ;D

izzie7

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #452 on: July 26, 2020, 11:09:16 pm »
Napanuod ko vlog ni Jinkee yung private resort niya natawa ako na halos lahat ata ng sulok may malaking picture frame niya. Infairness sa kay sa kanila ni Manny pinagawaan nila kanya kanyang villa family ni Jinkee and side ni Manny.

Cute ni jinkee tadtad nga ng pictures niya. Minsan pinapanood ko din vlogs niya at nung daughter niya parang ok yung mga anak niya except dun sa isa na feel na feel na feel niya sarili niya nakakairita.

True sa magbayad naman sa padala lalo na kung paulit ulit na nagpapadala or nagustuhan naman nila yung pinadala. Pwede na sigurong hindi bayaran pag hindi nila type yung bigay  ;D

izzie7

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #453 on: July 26, 2020, 11:08:42 pm »
Pinanood ko yung video nung nanakawan ng Birkin.

Hindi ako bumibili ng designer bags kaya matanong ko lang: ganun lang ba talaga ang pagbenta ng designer bags? Siksikan lang sa estante, halo-halo yung iba't ibang brands, na nagkikiskisan yung metal hardware at leather?

Para kasing nawala yung pagka-special nung bag. E akala ko ba ang whole point ng pagbagsak ng malaking pera para sa isang designer bag e feel mo yung pagka-luxury niya.

O halo-halo na yun na may genuine, class A, at fake?

Parang hindi ka naman bibili dun kay chanel "gift" bag. Parang mag ddoubt ka sa ibang paninda. Hindi ko na nafollow kung anong nangyari sa story nun. Natatandaan ko lang nagsilabasan yung mga seller na galit na galit. Parang red flag na agad yun.

izzie7

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #454 on: July 26, 2020, 11:17:59 pm »
Hindi kasi mukhang luxury si Anna Magkawas. Kaya di mo mafifeel yung luxury sakanya.pag sakanya mo binili yung bag.  ;D ;D

Natawa naman ako dito. Pero true  ;D

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #455 on: July 26, 2020, 11:32:40 pm »
^i agree. the way Anna Magkawas displays the bags parang namimili ka lang sa greenhills or divisoria. nakaka-spoil ng excitement, luxury bags pa naman binebenta niya. nagmukhang cheap and fake yung mga bags. pero dun sa other stores niya na puro birkin mas maayos may sariling pwesto yung mga bags.

natawa naman ako sa sis na nagsabi na wala sa itsura ni AnnaM. yung mamahalin. lol. na-mention ko na before, she has baduy vibes kasi.
« Last Edit: July 27, 2020, 11:20:05 pm by krisslorr »

prepster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #456 on: July 27, 2020, 01:22:36 am »
Due to my personal convictions, di ko pinapanuod ang vlogs/videos ng mga pacquiao. Pero natawa naman ako nung sinabi ninyo na puro pictures ni jinkee yung bahay...i-give na natin kay madam yun. Ikaw ba naman ang gumastos nang bongga para mag-level up ang looks di ba?! Malayo na nga ang hitsura niya dun sa twin niya eh.


« Last Edit: July 27, 2020, 01:24:19 am by prepster »

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #457 on: July 27, 2020, 01:24:41 am »
Hmmm... so requirement na pala na kelangan mukhang sosyal to sell luxury bags? LOL

prepster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #458 on: July 27, 2020, 01:30:47 am »
Mga sis, may dugong pinoy ba yung hungry syrian wanderer? I know of him pero di ko naman normally pinapanuod vlogs niya. Naintriga lang ako kasi yung latest video niya says na he bought a house daw dito sa philippines. Eh di ba according sa batas natin, foreign nationals cannot buy land/landed property? Afaik, Maski nga yung mga foreigner na may asawang filipino/filipina, kapag bumili ng lupa kailangan dun sa pinoy spouse nakapangalan.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #459 on: July 27, 2020, 01:40:26 am »
^Hmmmm, oo nga ano. Nice point. Hindi din ako follower ng vlogs niya. Baka naman hindi naka name sa kaniya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close