watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)  (Read 114333 times)

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #360 on: July 22, 2020, 07:56:28 pm »
May bagong vlog nanaman si Madam.

As usual, yun ata yung isa sa mga bagong damit niya. Ini-steam niya lang daw para mawala mga germs. Hay...

Sana naghugas siya ng kamay habang nagpapalit siya ng filter ng mask dahil nag-unbox pa siya ng iPad bago niya ginawa yun.

O sabi niya "ngayon ay Covid season so kelangan laging malinis" Walk the talk Madam (at footprints yun not footsteps) Yung previous vlog mo opposite sa sinasabi mo. Tsaka correction anong season, hindi to tulad ng flu na may flu season. Hay... lakas niya maka-facepalm talaga.

Tapos pauwi na sila kuha ng package tapos hawak sa kung saan saan. I doubt talaga na nagsa-sanitize tong taong to. Nilipat na ata nila yung shoe rack at nasa entryway na kaso... pasok sila ng shoes sa loob, mukhang walang separate area para sa shoes pero dibale may robot mop naman sila hahaha the usual mga na-grocery walang sanitize sanitize. Wala din palit palit ng suot galing sa labas. Nakapagluto na siya ng fried chicken yun pa rin suot. Yung ini-steam para wala ang germs haha

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #361 on: July 22, 2020, 08:00:32 pm »
Claudine Co reminds me of Elle Uy. Ewan ko ba haha

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #362 on: July 22, 2020, 08:02:25 pm »
Claudine Co reminds me of Elle Uy. Ewan ko ba haha

agree ako vibes ni Elle Uy naaalala ko

izzie7

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #363 on: July 22, 2020, 08:50:27 pm »
for me sis i dont believe na lumaki siyang sheltered or laki sa yaman, character niya lang talaga yun, diba sa bahay or sa mga magkakapatid meron talagang yung "tamad", kasi sa vlogs niya nuon pa man sinabi niya na si menchie marunong magluto, saka tignan niyo nung naging nanay marunong magalaga ng bata, masipag din sa negosyo. kaya sabi rin naman niya dati mas parang ate pa si menchie sa kanya, kasi yun na yung pagkatao niya.


Excuse lang yang sheltered at mayaman kung 15yrs old ang below ka. Kung 16 pataas siguro naman may common sense ka na. Sadyang madumi or may poor hygiene ka lang talaga na tao. Masisisi lang din ang magulang kung teens pa ang anak pero kung adult na, nasa adult na ang lahat ng blame. Nadudumihan na talaga ako sa mga practices ni madam kahit dati pa. Natural nya yun. Perfect term yung salaula. Salaula sila ni geloy, hindi lang si anna. Teka may bagong vid pala, nagcomment lang ako based sa mga dati kong napanood  ;D edit: napanood ko na. Galing sila sa labas sa canon at kumain pa sa labas tapos sabay uwi sa bahay na may kid at senior. Hindi nga nag iingat. Atleast man lang condo to bahay na lang. Saka tama ba yung narinig ko na pinapatry nila yung softness ng bed sa mga friends na bumisita? Pinapaupo nila sa bed yung hindi nagpalit ng damit pero ako lang naman yun. Baka yung bisita pa yung may makuha sa 1month old bed sheet. Tama pala yung concerns ng iba dito sa paglabas nya ng hindi naligo haha kahit na sabihin na walang kwenta yung vids ng dalawang ac e masaya din panoorin paminsan para may napapagchismisan dito  ;D

Shoes sa labas talaga ng room. Kahit anong sabihin madumi pa din yun.

Kakakita ko lang kay claudine co. Itsclaudineco kamag anak ba ni camille yun? Daming views ng house tour nya pero konti lang naman pala yung ibang vids at subs. Popular lang talaga ang house tour. Hindi ko pinanood.

May meney din ba kahit mga 10mins or less yung vids? Yung mom ni llyod kasi short vids lang tapos si madam ely na nanood ako ng isang vid e short lang din less than 15mins wala din kwenta naka depende lang sa name at presence ni llyod.
« Last Edit: July 22, 2020, 11:19:31 pm by izzie7 »

tempaccount

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #364 on: July 22, 2020, 09:31:16 pm »
Nice nung house tour nung Claudine Co, but didn't really like her other videos. Parang 'k lang' ganun, nothing special.

Ghell06

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #365 on: July 22, 2020, 09:26:52 pm »
agree ako vibes ni Elle Uy naaalala ko

^Oh yeah! Hawig sila ni Elle Uy sa mouth part. Hehe.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #366 on: July 22, 2020, 09:39:40 pm »
Informative vlog din yung kay Oliver Austria naging Architect  reaction vlog na yung channel niya pero meron pa siya isang channel pero mas madami sub kung saan niya ginawan ng reaction house ni Lloyd ngayon sa Jamill naman.

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #367 on: July 22, 2020, 10:02:28 pm »
Feeling ko yung tampuhan ng family nila sa kanya baka dahil nagbukod sila ng walang pasabi before. Sinabi na nung lilipat na. Out of respect naman sana sa magulang na nag-pampered sayo buong buhay mo na tipong di mo alam kelan pinapalitan ang bed sheets eh sana naisip nila magsabi beforehand.

agree. sabi nya don sa youtube live nya. Sa parents nila "huling" pinaalam na ikakasal na sila.
grabe. respeto naman te.
« Last Edit: July 22, 2020, 10:16:40 pm by ilovejapan »

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #368 on: July 22, 2020, 10:06:17 pm »
pinanood ko si claudineco, sobrang lawak ng bahay nila. un labas palang ang laki na. pero parang mejo magulo ang bahay nila, or ako lang un hahaha  ang bongga nun food elevator! kaloka. hahah
tawang tawa ko nun sinabe niya na jesus and friends. hahaha sorry na  ;D feeling ko kahit sobrang yaman nila eh simple pa din sila. sana hindi siya kainin ng sistema ng yt.

« Last Edit: July 22, 2020, 10:13:21 pm by muning00 »

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #369 on: July 22, 2020, 11:47:34 pm »
it's refreshing to hear when Claudine Co said hindi siya mahilig sa mga branded things. okay lang daw kung bibigyan siya but personally hindi siya bibili. it's a good change compared sa majority ng mga pinay youtubers mahilig mag-luxury haul. kung sino pa legit na mayaman siya pa ang mas simple. sana nga she would stay grounded para maiba naman and mas maka-relate majority ng mga viewers.

Rychroxx18

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #370 on: July 23, 2020, 12:17:37 am »
Informative vlog din yung kay Oliver Austria naging Architect  reaction vlog na yung channel niya pero meron pa siya isang channel pero mas madami sub kung saan niya ginawan ng reaction house ni Lloyd ngayon sa Jamill naman.

Napanood ko din reaction video nya sa house ni Lloyd. Like ko yung way ng pagreact nya, not condescending tapos marami sya nashe-share na tips sa mga nagpapagawa or renovate ng bahay para ma-avoid or ma-remedyuhan yung mga problema.

On Claudine Co?s house:
Ang lawak ng property nila pero shared bedrooms silang magkakapatid. Nakakatuwa naisip nila yung ganung layout. Kung ako yan magdedemand ako ng sarili kong room haha!

Pero ang ganda, tutal all girls naman sila and mukhang close silang lahat.

Pansin ko lang ang house tour talaga ang sure fire way para mabilis maka gain ng views and subs sa YT. Bakit ba tayo obsessed makita how other people live? Haha!
« Last Edit: July 23, 2020, 12:45:57 am by Rychroxx18 »

izzie7

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #371 on: July 23, 2020, 06:17:35 am »
sis, para cyang mix of Alex G and Maine Mendoza. bagets pa ito and super rich pero grounded. try mo watch unahin mo yung house tour.

Anak pala ng congressan syempre mayaman talaga yan haha hindi ba annoying magsalita? Hindi ko type manood ng mga bata usually annoying magsalita. Hindi ko din pinapanood si alex at maine.

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #372 on: July 23, 2020, 06:38:52 am »
Anak pala ng congressan syempre mayaman talaga yan haha hindi ba annoying magsalita? Hindi ko type manood ng mga bata usually annoying magsalita. Hindi ko din pinapanood si alex at maine.

medyo may pagka-arte nga ng konti pag nagsasalita but i just think it's because of her being raised in Bicol kaya baka may accent pag nag-tatagalog.

L6rcaster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #373 on: July 23, 2020, 08:06:08 am »
^i agree. ang liit na nga ng condo nila and dalawa lang sila nakatira dun kaya mas madali cya linisin.
Madali lang sana linisin kaya lang napakadami niyang nagkakat na gamit. Haha. Sayang naman dyson niya hindi naman gagamitin

Sana nga sa pag bukod niya na yan, matuto na siya. Hehe. Pero sa totoo lang, Di naman nya nga kailangan humiwalay para matuto.  Common sense na nga lang ang pagpalit ng sheets. Lalo na 2 sila natutulog dun haha. - 1 month di nagpali Ang kati nun, lalo na yung nilagay pa nila malamang hindi din nalabahan.  Pambahay ba niya yng slippers na Lv na mabalahibo? Kasi kung un din ginamit niya sa labas, at nilapag niya mga damit nya sa lapag before ilagay sa closet nakakaloka na talaga siya hahaha

ficklemind

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #374 on: July 23, 2020, 09:02:02 am »
watched few of claudine co's vlogs, hinde pa ako sold lol, haven't subscribe yet. Ok ang humor niya at hinde naman ako naartehan pero andun din yung feeling ko na mag-iiba din to pag nagtagal haha wag naman sana.
 napanood ko din yung sinabi niya hinde siya mahilig sa branded pero even siya may doubt dun sa statement niya (as per the added caption haha).

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #375 on: July 23, 2020, 11:50:19 am »
^i agree sis. bata pa masyado si claudine co at pa-start pa lang siya kaya malaking chance magbago din ito lalo na once magstart dumating mga sponsors tapos biglang sikat pa siya huwag sana lumaki ang ulo.

si ACay,  ala-AClutz na sa dami ng mga padalang pagkain sa kanila everyday. baka next time sasabihin na rin niya beke nemen. lol.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #376 on: July 23, 2020, 12:39:26 pm »
May nanonood ba sa inyo kay Anna Magkawas? Nanakawan pala siya ng Hermes bag sa shop niya worth 300k. Sa mahal ng mga tinda niya sana nag-invest din siya sa glass cabinets and locks para safe ang mga paninda niya.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #377 on: July 23, 2020, 12:46:13 pm »
Speaking of Anna Magkawas walang cctv store niya? Pati anti-theft tag? Kasi hindi naman biro presyo ng mga bag kahit ba okay ang location nila sa BGC still pwede talaga sila mabiktima.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #378 on: July 23, 2020, 01:44:56 pm »
^Meron daw 3 cctv inside the store pero yung mga magnanakaw sinamantala na need naka-mask ngayon kaya baka nakatago ang face and mag-isa ang bantay. Tama ang mahal ng tinda niya pero kulang na kulang sa security ang mga paninda sa store niya.

Venicsec

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #379 on: July 23, 2020, 02:17:56 pm »
Isa si ACay sa mga una kong pinanood na local YouTubers kasi siya yung madalas pag-usapan dito.

Sandali lang e nanawa na ako agad kay ACay kasi parang yung pamimili lang naman niya ng mamahaling bagay yung interesting sa kanya. Hindi naman siya magaling mag make-up. Hindi naman siya nakakatawa. Mabilis din lumabas yung false modesty niya; parang hindi yun yung totoong personality niya at iniiba lang niya para mas-pumatok siya sa masmalawak na YouTube audience.

Example lang: sa mga unang videos niya, "cha-nuhl" pa yung pagkabigkas niya ng "channel". Maayos naman. Ngayon, parang pilit niyang sinasabi na tagalog na tagalog yung "cha-nel". Ang dating sa akin e ginaganoon niya para masabing humble siya at hindi maarte, lalo na dati naman e hindi ganun pronunciation niya.

Isabay pa yung mga "Beer-keen" (Birkin), "u-neet" (unit), "com-por-ta-bol" (comfortable). E maayos naman pagkabigkas niya dun sa Preview feature niya. Syempre, kasi siguro mas-sosyal mga viewers ng Preview YT channel.

Meron pa yung paulit-ulit niya sinasabi na pambili lang ng gulong yung bitbit niya na pera nung binili niya yung Ford Mustang niya. O yung "para lang mairaos" yung birthday party niya pero may catering at special mention pa niya yung cash prize dun sa pa-bingo niya.

Fake na pa-humble effect ang dating sa akin pero mukhang pasado naman sa mga fans niya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close