watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)  (Read 113937 times)

cstarling

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #260 on: July 20, 2020, 04:20:38 pm »
pinapanood ko din si candy pangilinan! sobrang funny ng vids niya lol! at sobrang hanga talaga ako sa pagpapalaki niya kay quentin considering single parent siya tapos artista pa. to think na mas mahirap yung kalagayan ni quentin, sobrang tiyaga ni candy! at sobrang funny ng interactions nilang mag-ina talaga.

True, sis! Eh yung biglang nagbi-British accent pa si Quentin...aliw di ba.  Alam mong bata pa lang ay tinutukan na talaga ni Candy...Dami ko natututunan sa insights ni Candy about raising a son with development needs which she highlights sa vlogs nya. Ini-equip nya talaga si Quentin to be a responsible adult eventually. Kasi tatanda rin naman sya at hindi forever maalagaan si Quentin.

stephyes89

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #261 on: July 20, 2020, 05:12:32 pm »
just watched the new vlog of Rei Germar pinakita na design ng room nya. nalayo na sa theme ng buong bahay. oh well pera naman nya yon, di makapag travel kaya siguro room nalang ginastusan..typical rich kid problem

iluvrednails

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #262 on: July 20, 2020, 05:51:32 pm »
Re: ACz and Joo, very important for kids with special needs ang structure so that includes the schedule (rest/learning/play) and the environment (less distractions pag learning time) Marami naman OTs and STs who are doing tele-therapy during this time, I guess ACz just needs to be more proactive and reach out to Joo's therapists. Kung di man nila kaya mag turo, why not start with life skills muna? Pag kain mag isa, dressing up, encourage joo to use his words instead na point or grabbing, etc...

Special kids are very sensitive na they know if they can manipulate you so kelangan you show them that you are still in control. I know mahirap sa parents kasi maawa or para peace and quiet na lang kaya they give in. But i always tell the parents of my patients na tough love kasi at the end of the day, para sa kids din yung ginagawa nila...


acoldbitch_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #263 on: July 20, 2020, 07:01:18 pm »
Nakakapanghinayang panoorin yung mga younger generations sa youtube (rei, toni, ry, etc) lahat ng posts and videos, sponsored. Parang hakot na hakot sila sa pera. And the lifestyle they?re trying to promote is really bad for the their young audience. Iisipin ng mga bata need nila lahat ng bagay and lahat ng luxury goods to be in.

Acetylcholine

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #264 on: July 20, 2020, 07:32:45 pm »
Ako naman silip silip na lang sa vlog ni Anne kasi block niya ako sa IG haha 😂

natuloy din pala civil wedding ni Chinkytita dapat church kaso nagkaroon ng pandemic.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #265 on: July 20, 2020, 09:04:25 pm »
Iba talaga kapag masayahin ka. Good job si LC na hindi niya talaga pinangalanan yung Arch and Engr kilala din kasi personally noong tita ni Madam Ely eh.

Infairness kay NR maya't maya ang punta sa Tagaytay. At smooth lang ang byahe. Pwede na bang dahilan na bibili ng halaman para umakyat ng Tagaytay?  ;D

tempaccount

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #266 on: July 20, 2020, 11:14:58 pm »
Baka pwede naman siguro, kasi for business naman? Pero kaloka talaga yung dalawang yan ah haha Nung ECQ, may pa-disinfection booth pa silang nalalaman, ngayon, mukhang wala ng disinfect disinfect straight from 7-11 hahaha

Rychroxx18

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #267 on: July 21, 2020, 01:13:30 am »
Who?s watching itsclaudineco? Nakita ko lang sa feed ko yung house tour nya. Nakakatuwa sya, legit RK pero walang kaarte arte. Ang bilis nya mag gain ng subs, maybe bec of her personality.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #268 on: July 21, 2020, 02:52:17 am »
Sino nakanuod ng bagong vlog ni Madam? OMG...

1 month di sila nagpalit ng bed sheets so magpapalit sila, ang pampalit nila bagong bili. Store fresh. Hindi din nilabhan. Di na ako magugulat dahil ganun din ginagawa niya sa mga damit, bagong bili susuotin kaagad at ayun nga sa end ng video bumili ng mga bagong damit na nilapag sa sahig then straight sa closet lol

May package siya na walang sanitize sanitize. I do hope walang magka-Covid sa kanila dahil yung mga ginagawa nila ang lakas maka-attract.

At yung halaman niya mamamatay na. Dadalhin dun sa bahay nila. At bilib din ako nagawa pa nila magpa-party.

swarleyscherbatsky

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #269 on: July 21, 2020, 02:51:45 am »
Just watched Rei?s room renovation update. Bagay sa personality niya yung proposed design ng room na ginawa ng friends niya but it is not cohesive with the overall design of the house. Masyadong millennial and impractical yung choices. I did not like na yung furniture na pinipili nila ay puro aesthetically pleasing lang kahit mahal. I know she can afford it but I remember she said na ang budget niya ay 100k for the room. Tapos nag-suggest sila ng 55k couch. Dahil alam nilang madali ma-persuade si Rei, sinusulsulan nila ng mahal na big pieces. For sure in 5-7 years time she would not like it that much and it will be a waste of money lang. Just like what happened sa styling ni Elle Uy sa other bedroom niya.
« Last Edit: July 21, 2020, 06:04:26 am by swarleyscherbatsky »

innocent_beauty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #270 on: July 21, 2020, 05:42:23 am »
On AClutz, sana mapanuod nya vlogs ni Candy Pangilinan and his son Quentin. Saludo ako sa intentional parenting style ni Candy (partida pa yan at single parent sya).  Nakakatuwa rin kapag naguusap sila mag-ina--ang smart ni Quentin at smart aleck din sa mga hirit nya kay Candy. ;D

iba kc priorites ni mama anne cz ..

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #271 on: July 21, 2020, 05:59:00 am »
^thanks for suggesting itsclaudineco. i'm binge watching her vlogs now, funny si girl and hindi cya trying hard or mayabang or pa humble brag.  she's a real rich kid talaga. mukhang mas mayaman pa siya than Shek and ACay.

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #272 on: July 21, 2020, 06:14:31 am »
Nanakawan pala ng Hermes bag yung shop ni Anna Magkawas. Dapat yung ganung mga sobrang mahal na bags naka lock or naka chain man lang. Sa panahon pa naman ngayon useless na ang cctv since lahat ng tao naka mask.

zanabee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #273 on: July 21, 2020, 07:09:58 am »
re:claudineco...ang rich ni girl no... parang ka style ni maine minsan yung pagsasalita niya.

prepster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #274 on: July 21, 2020, 07:47:26 am »
Re: itsclaudineco

Nako, ilag na ako sa mga rich kids of the philippines youtubers. Halos lahat naman sila nagsimula diyan sa pagiging "simple, humble at walang ere" pero nung dumami na ang subscribers at sponsorship deals ay nagbabago at lumalabas ang mga tunay na kulay. Kaya bihira na ako nanunuod sa mga yan...

lyrahs

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #275 on: July 21, 2020, 10:08:34 am »
Nanakawan pala ng Hermes bag yung shop ni Anna Magkawas. Dapat yung ganung mga sobrang mahal na bags naka lock or naka chain man lang. Sa panahon pa naman ngayon useless na ang cctv since lahat ng tao naka mask.

Nakita ko na to sa tiktok. Grabe lakas din ng loob ng nagnakaw, kasi siguro naka-mask?
Agree sis, dapat mga ganitong kamamahal na bag e naka-lock.

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #276 on: July 21, 2020, 11:51:52 am »
Sino nakanuod ng bagong vlog ni Madam? OMG...

1 month di sila nagpalit ng bed sheets so magpapalit sila, ang pampalit nila bagong bili. Store fresh. Hindi din nilabhan. Di na ako magugulat dahil ganun din ginagawa niya sa mga damit, bagong bili susuotin kaagad at ayun nga sa end ng video bumili ng mga bagong damit na nilapag sa sahig then straight sa closet lol

May package siya na walang sanitize sanitize. I do hope walang magka-Covid sa kanila dahil yung mga ginagawa nila ang lakas maka-attract.

At yung halaman niya mamamatay na. Dadalhin dun sa bahay nila. At bilib din ako nagawa pa nila magpa-party.

Hygiene in ACy and Geloy is subpar.

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #277 on: July 21, 2020, 12:06:26 pm »
At yung halaman niya mamamatay na. Dadalhin dun sa bahay nila. At bilib din ako nagawa pa nila magpa-party.

Panong party? Yung maraming bisita? diba bawal yan ngayon?

Rychroxx18

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #278 on: July 21, 2020, 12:11:32 pm »
Re: itsclaudineco

Nako, ilag na ako sa mga rich kids of the philippines youtubers. Halos lahat naman sila nagsimula diyan sa pagiging "simple, humble at walang ere" pero nung dumami na ang subscribers at sponsorship deals ay nagbabago at lumalabas ang mga tunay na kulay. Kaya bihira na ako nanunuod sa mga yan...

True! Most of them ganyan...

I was going to add in my comment sana wag sya magbago pag sikat na sya.

Pero grabe ang yaman nila talaga, nag training pala sya sa Star Magic before dahil gusto nya talaga mag artista. Binilhan pa sya ng dad nya ng artista van, katuwa naman super supportive sa kanya parents nya.

And nakwento nya sa 25 facts about her vlog nya nung nasa Manila pa daw sya madalas tumatawag sa kanya dad nya tinatanong sya kelan daw ba nya iaaahon sa hirap parents nya, lol. Pinapatulong daw sya sa business nila pero gusto nya muna i-push ang pag YT nya.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #279 on: July 21, 2020, 12:38:34 pm »
Birthday party ng tatay ni Madam so ayun, may gathering. Syempre walang social distancing pero ano pa ba aasahan natin sa mga yun. Hygiene palang bagsak na. Ok naman kung di sila hygienic before pero my god... may pandemic na di pa rin nagbago.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close